Library
English
Chapters
Settings

4. Hotdog and the Ostrich egg

BUKOD sa pagiging manunulat ng romansa, secretary rin si Ice. Anim na buwan na siya nang magsimula siya bilang executive sekretarya sa Limitations---isang sikat na publisher company ng mga magazines sa Pilipinas. Kinailangan niyang kumuha ng isang stable job dahil sa may sakit na Lola niya. Para mas mapadalhan ito nang malaki, isinantabi muna ni Ice ang tanging trabaho niya sa loob ng apat na taon.

Mahal ni Ice ang pagsusulat at kung hindi nga lamang kailangan ng higit na suporta ng Lola niya, hindi niya iiwan iyon. Hindi kasi ganoon kalakihan ang kinikita niya sa pagsusulat. Hindi iyon sapat para suportahan ang pagbili ng mga bagong maintenance na gamot nito dahil sa mga iba't ibang nakukuhang sakit nito dala na rin ng katandaan. Isama pa na-stroke rin ito isang taon na ang nakakaraan. Mahalaga sa kanya ang Lola kaya gusto niyang suportahan ito. Nang mamatay ang mga magulang niya sa isang car accident noong limang taon pa lamang siya, ito ang nag-alaga sa kanya. Wala na kasing iba pang kamag-anak ang Daddy niya na maaaring mag-alaga sa kanya. Ang dalawang kapatid ng kanyang ama ay may sarili ng pamilya sa America at doon na rin nakatira. Ulila na rin ang kanyang ama. Sa Mother side siya napunta.

Hindi lang naman si Ice ang kamag-anak ng kanyang Lola. Mayroon pang nag-iisang kapatid ang namayapa niyang ina---ang Tito Marcelo niya. Mayaman si Tito Marcelo---dati. Dati itong nagmamay-ari ng isa rin na magazine company kaya lamang ay nalugi iyon dalawang taon na ang nakakaraan. Simula noon ay lumagi na ito sa Batangas at ang asawa nitong si Tita Delores ang nag-aalaga ngayon sa Lola Corazon niya. Nakapagpatayo ang mga ito ng may kalakihan rin na grocery store sa lugar nila pero hindi iyon sapat para suportahan ang Lola dahil may pinag-aaral ang mga ito na babaeng anak sa Maynila---si Sophie. Third Year college na ito sa kursong Tourism kaya magastos. May pagkamaluho rin ito at spoiled.

Si Tito Marcelo ang nagpayo kay Ice na pumasok ng full-time na trabaho. Noong una ay hesitant pa siya. Nang makatapos kasi siya ng kurso niyang journalism, hindi pa siya kailanman nakapag-apply sa iba. Natakot siyang baka mahirapan siyang matanggap. Pero ang Tito Marcelo niya ang tumulong sa kanya. Kilala raw nito ang HR manager sa Limitations dahil na rin sa impluwensya nito sa dating industry. Nagkaroon siya ng back-up kaya naging madali sa kanya na matanggap roon---iyon nga lamang, bilang executive assistant. Pero okay na raw iyon kaysa sa wala.

Ang Lola rin ang dahilan ni Ice kung bakit gusto niyang ma-overcome ang writer's block niya. Kahit naman kasi mas malaki ang kinikita niya ngayon kaysa noong full-time writer pa siya, kinukulang pa rin daw ang pinapadala niya. Nagbabalak na rin kasing kumuha ng private nurse ang Tita Delores niya dahil tumatanda na rin daw ito at nahihirapan na alagaan ang kanyang Lola. Magiging dagdag gastos iyon. Hindi naman kasi puwedeng gawin ni Ice mismo ang pag-aalaga dahil na rin kailangan niyang kumita. Masyado na kasing asikasuhin ang Lola niya. Halos bedridden na ito.

Masasabing normal na ang buhay ni Ice. Dati kasi, marami ang nagsasabi na weird siya. Night shift siya palagi dahil mas okay magsulat sa gabi para sa kanya at bihira lamang siyang lumabas ng bahay. Pero ngayong nagtatrabaho na siya, pakiramdam ni Ice ay hindi pa rin siya normal. Paano kasi ay kakaunti pa rin ang kaibigan niya. May pagkakataon na siyang makakilala ng ibang tao pero wala pa rin siyang masasabing kaibigan sa kompanya. Sadya na yatang dinala niya ang pagiging writer niya dahil introvert pa rin siya. Tanging kapag may inuutos lamang sa kanya ang boss na puntahan ang isang tao kaya nakikilala niya at nakakausap. Pero walang malapit sa kanya dahil na rin sa hindi siya mahilig makipag-socialize.

Mag-isa lamang naman kasi talaga lagi si Ice. Malayo sa karamihan ang table niya at tanging boss lamang ang malapit sa kanya na kapag may inuutos lamang siya kinakausap. Tuwing lunch ay sa office na lang rin siya kumakain. Hindi naman kasi bawal at malayo rin ang canteen. Sayang ang oras. Ginagawa niya ang pagsusulat kapag ganoong libreng oras. Sadya lang talagang wala siyang matapos nitong mga nakaraan dahil hindi niya ma-feel ang mga sinisimulan niya.

Tuwing may mga social gathering ay hindi rin siya sumasama. Iniisip kasi niya palagi na sayang ang oras.

Pero ngayong araw, sinubukan ni Ice na sumama sa iba. Sekretarya rin ng dalawang head ng kompanya sina Celina at Lucia. Magkasundo ang mga ito at palaging sabay mag-lunch. Paminsan-minsan ay dinadaanan siya ng mga ito para sumabay na rin. Wala siyang dalang lunch kaya nagsabi siya sa mga ito na sasabay mag-lunch sa mga ito. Paano kasi ay hindi siya nakapagluto dahil brown out pa rin sa apartment. Sumabog daw ang isang transformer sa malapit. Ngayong hapon pa raw expected na matatapos ang gawaan. Puro ginagamitan pa naman ng kuryente ang lahat ng appliances niya sa pagluluto. Kumain na lamang siya ng umagahan sa carinderia sa malapit.

Iyon nga lamang, sadya yatang minamalas si Ice. Naubusan sila ng ulam sa canteen. Ang tanging natira na lamang ay ang mga pang-almusal na ulam. Hotdog at itlog na lamang ang available.

"Nakakatamad lumabas. Ang layo pa ng pinakamalapit na fast food chain. Tiyagain na lamang natin ito." Wika ni Lucia.

"Oo nga. Matagal na rin naman akong hindi nakakain ng hotdog," pagsagot ni Celina.

Tumawa si Lucia. "O talaga? Samantalang kasasabi mo lamang sa akin na first time mo na tikman ang hotdog ni Mark kagabi!"

"Gaga!" natatawa rin naman na wika ni Celina.

Napalunok si Ice. Nakaramdam siya ng pagkaasiwa dahil na-gets na niya ang usapan ng mga ito. Ah, thanks to Liam! Sarcastic na wika ng isip ni Ice.

Tumingin ang dalawa kay Ice, waring tinatanong kung okay lang sa kanya na doon kumain sa kabila ng ulam. Tumango na rin si Ice. Wala na rin naman siyang choice dahil tama ang mga ito. Malayo pa ang ibang kainan.

Um-order na lang ng itlog si Ice.

"Hindi mo gusto ng hotdog, Ice?" hindi sigurado ni Ice kung totoong may playful na ngiti sa labi ni Celina nang tanungin siya nito noon o iniisip lamang niya iyon dahil sa nakilala niyang ugali ng mga ito. O siguro ay dahil rin sa naging trauma niya sa hotdog kagabi.

Hotdog ang inulam nina Lucia at Celina. Bumili pa ng saging si Celina.

"Wow, ha? Baka ma-overdose ka na, ha?" may mapaglarong tinig at ngiti si Lucia.

Humagikgik si Celina. "Ikaw naman. Two flavours are better than one."

Gets ko ang hotdog pero ang saging...? Matamang tinignan ni Ice ang saging at ginawa ang pag-iisip kagabi kagaya ng ginawa niya sa hotdog at mani kagabi. Nang ma-realize ang lahat, naging kasing pula yata siya ng hotdog na kinakain sa mga ito.

Napansin ni Ice na nagkatinginan ang dalawa. Siniko pa ni Lucia si Celina.

"Oh, looks like naiilang ka, Ice. 'Sorry, ha? Ganito kasi talaga kami mag-usap ni Lucia."

Dirty talk. Ganito na ba talaga ang realidad ngayon?

Naisip bigla ni Ice ang gustong ipatrabaho sa kanya ni Miss Bridgette at gustong ipasulat sa kanya ng mga readers niya. Kung gagawin niya iyon, hindi ba dapat ay matuto siya noon? Pero gagawin ba talaga niya? Pinalaki siyang konserbatibo ng pamilya. Kaya nga manang siya na manamit. Ganoon daw kasi ang dapat, ayon sa Lola niya. Ganoon raw noong kapanahunan ng mga ito at hindi naman masama iyon. Ang masama ay ang magpakita ng kaluluwa sa publiko.

Ganoon pa man pinilit na ngumiti ni Ice. "O-okay lang."

Iyon ang tama 'di ba? Saka maano ba na makaalam siya ng kaunting kamunduhan? Siguro nga ay dapat na kuhanin na niyang sign iyon para magbago. Ng hindi na siya magmukhang tanga.

Hindi naman iyon ang unang beses na makarinig si Ice ng mga kamunduhan. Madalas na nag-uusap noon sina Nina Kareene at Mara Abilene---ang isa pa niyang malapit na writer na kaibigan. Iyon nga lamang, kapag napi-feel niyang ganoon ang usapan, madalas na tinatakpan niya ang tainga. O kung hindi man niya ginagawa, tila awtomatikong wala talaga iyong naririnig. Kasalanan raw ang maging bastos—turo iyon ng Lola at ng simbahan. Pero siguro nga ay dapat na niyang pakinggan ang sinasabi ni Nina. Hindi na raw sila nagkakasala dahil adult na naman sila.

Namilog ang mga mata ni Celina. "Seryoso ka? Okay lang?"

"Ahmmm...."

"Alam mo ba na matagal ka na talaga namin gustong makausap ng mga kalokohan, Ice?"

Napalunok si Ice. Kaya na ba talaga niya? Pero bago pa siya sumagot, bahagyang napairit na si Lucia.

"At last, makakakalap na kami ng kahit kaunting private information tungkol kay Sir Will."

Kumunot ang noo ni Ice. "Ano ang gusto niyong malaman kay Sir Will?"

Namilog ang mga mata ni Lucia. "Mabibigyan mo ba kami ng kahit kaunting information tungkol sa sex life niya? You know, kilalang-kilala si Sir Will na playboy. Ilang beses na siyang napabalita sa society pages ng mga diyaryo. Did you saw him do it in the office?"

"Do what?"

"The sex!" walang pagkiling na wika ni Celina. "Napakalapit mo sa kanya. Hindi mo naman siguro maiiwasang marinig ang ginagawa nila 'di ba? And do you ever have the chance to see it?"

"Oh God!" parang kaunti na lamang ay magha-hyperventilate na si Lucia. "Did you see his cock? Anong size?" napatingin si Lucia sa hotdog na nasa harapan at nanlaki ang mga mata. "Ganito ba kalaki?"

Nanlaki ang mga mata ni Ice. Jumbo ang size ng hotdog nito.

"Nah! Ang hina ng imagination mo, Lucia! Of course, mas malaki pa diyan. With the looks of Sir Will...." nagkaroon yata ng apoy ang mga mata ni Celina at tila nangangarap. "For sure...its bigger than that. Ang dami kayang babae ang naghahabol sa kanya. Don't ever compare him into a jumbo size hotdog!"

"Fine. And its not red rin naman," tumango-tango si Lucia at kapagkuwan ay ngumiwi. "But I mean when he is not sore."

"Naku! Must be every time..." malaswa ang pagkakasabi ni Celina noon at tumingin kay Ice. "Ilang babae ang bumibisita kay Sir sa isang araw? Nakaka-ilang round siya?"

Pulang-pula na si Ice. "Oh... hindi niyo pala alam. Pero rule ni Sir na hindi mag-asikaso ng babaeng bumibisita sa kanya. Marami ang nagtatangka pero hindi nangyayari ang iniisip niyo."

"Ganoon?" halos sabay na sabi ng dalawa. Nawala ang excitement. Nalungkot.

Bumuntong-hininga si Celina. "Madalas ko pa namang sinasabi kay Lucia na ang suwerte-suwerte mo dahil nagkakaroon ka ng live show sa isang...well, almost porn star?"

Hindi nagsalita si Ice. Paano ay maituturing pa rin naman talaga niya ang sarili na masuwerte dahil istrikto ang boss niya. Professional rin ito. Hindi nito dinadala ang malokong buhay sa trabaho.

Tama ang mga impormasyon na ibinigay ng dalawa kay Sir William Gasan---ang Presidente at CEO ng Limitations. Playboy nga ito. Araw-araw na may pumupuntang babae sa opisina, iba-iba, hinahanap ito. Kung may pinakamahirap man siyang trabaho bilang sekretarya nito, iyon ay ang pagtataboy sa mga babae dahil na rin sa utos nito. Mahirap dahil may pagkamatigas ang ulo ng iba. May ilang beses na kailangan pa niyang tumawag ng security. Stricly professional business—pakunala ng boss. Nakalagay rin sa hand book nila na bawal ang office romance.

"Sayang. Zero pala ang sex life ni Sir sa office." Si Celina maya-maya ang nag-react. "Pero, ikaw ba Ice, hindi mo siya nai-imagine? Hindi ka ba nagkakaroon ng wishful thinking na sana ay bawiin na niya ang rule niya? Napag-alaman kasi namin na isa ka palang romance writer. 'Di ba dapat ay---"

"Wholesome ako." Katwiran ni Ice. Wholesome---iyon ang tawag nilang magkakaibigan sa mga nobelang light romance lamang. "I mean, hindi ako kagaya ng iniisip niyong ibang writer..."

Totoo naman iyon. Light romance lang ang hilig na isulat ni Ice. Wala siyang naging nobyo at mangilan-ngilan lamang ang crush niya pero mahilig siyang mag-observe at manood ng mga pelikula o ibang wholesome TV series. Madalas ay nagbabasa rin siyang nagbabasa ng libro. Sweet romance ang favorite niya na genre o masasabing tanging binabasa lamang niya. Sa pamamagitan noon kaya nakakapagsulat si Icce.

Tumango-tangong nakaunawa ang dalawa. Tuluyan na silang kumain pero sa halip na magkaroon ng kapayapaan dahil tapos na ang integgoration, hindi pa rin maggawang kumalma ni Ice. Nasa isip pa rin niya ang hotdog, porn star...at sex.

Buwisit.

Block siya. Ibig sabihin noon, mahina ang imagination niya. Pero bakit tila binubuhay ng mga makamundong bagay na iyon ang isip niya?

Sign na ba talaga iyon?!

Buwisit muli.

Hanggang sa matapos silang kumain ay nasa ganoong lagay si Ice. Naiinis siya sa sarili pero hindi niya makontrol ang isip. Lalo siyang nainis nang magsimula muling pag-usapan ng dalawa si Sir Will. Sa isipin ng hotdog at sex, ang lalaki ang lumilitaw sa isipan niya.

Mas higit pa raw sa jumbo size, naalala niyang sinabi ni Celina. God, gaano kalaki iyon? Alam naman niya kung ano ang nangyayari sa sex. Ipinapasok iyon sa...mani ng babae. Nanuyo yata ang lalamunan niya habang iniisip kung paano iyon gagawin. Nakaramdam siya ng pagtulo ng pawis sa mukha.

Paniguradong masakit.

Normal lang na maramdaman ni Ice ang panunuyo ng lalamunan at pagtulo ng pawis sa mukha. Of course, iniisip niya ang sakit. Ganoon naman talaga dapat 'di ba? Dahil natatakot siya.

Pero bakit may nararamdaman rin na kakaiba si Ice sa dibdib niya? Tila bumigat ang dalawang bilog na prutas niya roon. Anong nangyayari sa kanya at bakit ganoon?

Wala tuloy sa sariling napahawak si Ice sa didib niya. It really swells. And her nipples...it feels more sensitive. Tila gumagalaw rin iyon.

Ito ang unang beses na nangyari kay Ice iyon. Pero bakit? Paanong nangyari? Iyon ba ang consequence ng mga iniisip niyang makamundong bagay?

Nababahala si Ice sa nararamdaman. Pero hindi rin niya maitatangging may kakaibang sarap ang kanyang nararamdaman. Kung hindi nga lamang nababahala na baka may biglang makakita sa kanya, malamang ay pinindot na niya iyon. Naggawa lamang niya ngang hawakan ang mga iyon dahil nagkahihiwalay na sila nina Lucia at Celina. Patungo na siya sa hallway papunta sa table niya at office ni Sir Will.

Pero hindi napigilan ni Ice na mapaungol. Tila may malakas na kapangyarihan na nagsasabi sa kanyang ipagpatuloy ang kanyang ginagawa. Hindi niya maialis ang kamay sa dibdib. Napapikit na rin siya dahil sa iba't ibang sensasyon na naramdaman dahil lang sa mga naisip at ginagawa. Tila may kuryenteng bumangon sa katawan niya, lumakas ang tibok ng puso niya.

Just by touching herself. Paano pa kaya kung iba?

Buwisit na imagination talaga ito. Ngayon lang naging masama ang pagtanggap ni Ice sa pagkakaroon niya ng malawak na imagination.

Umiling-iling si Ice. Kinalma niya ang sarili. Huminga siya nang malalim. Tinanggal na niya ang mga kamay sa dibdib. Nagmulat siya ng mga mata at tila tumigil yata ang mundo niya.

Ang almost porn star na sinasabi ni Celina sa kanya ay nasa harap niya!

Nataranta si Ice para magkanda-letse-letse ang mga bagay. Nanghina ang mga tuhod niya na gustong isisi ni Ice sa gulat at takot sa nakita ng boss niya. Dahil roon, nawalan siya ng balanse dahilan para matumba siya.

Naramdaman ni Ice na gusto siyang tulungan ni Sir Will. Ginawa naman nito. Hinawakan siya nito pero hindi iyon sapat para maiayos siya. Kaya iyon...nagkanda-letse-letse na ang lahat.

Nahulog si Ice kay Sir Will...literally.

Pero hindi kagaya ng mga nakikita sa pelikula o nababasa sa libro, hindi nag-land si Ice sa dibdib ni Sir Will. She landed on the middle of his thighs.

Mas piniling indahin ni Ice ang nabungaran ng mga mata kaysa sa sakit na naramdaman dala ng pagkahulog. Ah, tila napunta sa disyerto ang lalamunan at pisngi niya. Tuyo at mainit. Bumalik sa isip ang hotdog. Pero hotdog nga ba? Mas masasabi yata niya na mukhang mas kagaya iyon ng kinakain niya kanina. Itlog. Nilagang version nga lamang.

But hey, ganoon kaliit? Hindi. Mali rin na itlog. Hindi iyon ordinaryong itlog lamang. Hindi itlog ng manok.

Ah, itlog ng ostrich. Ganoon kalaki.

Buwisit talaga na imagination. Nasa isip-isip ni Ice na naman. Pero buwisit nga ba? Ganoong nakaramdam siya ng tila panginginig sa kanyang pagkababae. Tila may tubig na lumabas rin roon dahil lamang sa kasalukuyang pinagpipiyestahan ng kanyang mga mata. And the tingles in her womanhood? It spreads throughout her whole body in waves.

Nagkaroon ng hirap sa paghinga si Ice. Tila pinanghihina rin noon ang kanyang katawan. Mas mahina pa kaysa sa pagkagulat na naging dahilan ng pagbagsak niya kanina.

But then, it was surprisingly a good sensation and Ice wished to have more of that.

Hanggang sa marinig niya ang malakas na sigaw ni Sir Will.

"Don't you dare touch that like the way you touch your breasts a while ago, Iceliana!"

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.