Library
English
Chapters
Settings

5. Three (Malicious) Muskeeters

"THE BULGE!" humahagikgik na dugtong ni Nina Kareene habang kinukuwento niya rito at kay Mara Abilene ang naging karanasan niya. Hindi niya masabi ang term kung ano ang nakita niyang iyon kay Sir Will kaya ito na ang nagsabi ng kung ano ang tama.

"How big was it?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Mara. Kasalukuyan silang nasa isang coffee shop at nagpapasalamat siya na medyo maingay roon. Hindi naririnig ng mga nasa paligid ang kamunduhan na pinag-uusapan nila.

Sa kanilang tatlo, hindi naman talaga makuwento si Ice. Iyon nga lamang ay kailangan niya ng mapapaglabasan ng damdamin. Kung may masasabi man siyang malalapit na kaibigan, ang dalawang co-writer na niya iyon. Tamang-tama naman na birthday ngayon ni Mara. Nag-treat ito sa kanilang dalawa ni Nina. Doon niya sinabi ang mga problema.

"O-ostrich..."

Nahampas ni Nina ang lamesa. "I quit writing! Papalitan na kita diyan sa office niyo!"

"Kang!" saway niya kay Nina. "Kang" ang tawag niya rito dahil na rin sa second pen name nitong Kareene na totoong pangalan nito. "Abyang" naman ang kay Mara. Abilene kasi ang totoong pangalan nito na kagaya ni Nina ay nakasanayan lamang na tawagin na sa pen name nito. Nagsimula ang paglalagay nila ng "ang" sa dulo ng kani-kanilang pangalan dahil kay Ice. Tinawag siyang "Chang" ni Nina dahil daw sa ugali niyang tila tiyahin nitong konserbatibo. Tamang-tama daw sa totoong pangalan niyang Candida iyon. "Strict si Sir. I-its just a coincidence..."

"Pero kahit na!" pulang-pula ang hasang ni Nina. Napaka-abnormal na reaction para sa babaeng wala pa raw tulog. Umaga kasi sila nagkita-kita at madalas na night shift rin ito dahil full time writer. Pero hindi na nagtaka pa si Ice. Sadyang kapag mga ganoon ang pinag-usapan ay buhay na buhay ang dugo nito.

"Eh ano? Gagawin ko ang lahat ng paraan ko para akitin siya. Kaya lang ganoon ay dahil hindi ka marunong. Lahat ng mga lalaki, may weakness 'yan. Saka 'di ba nasabi mo ng guwapo siya? Ginawa mo nga siyang inspirasyon sa isang hero mo. Paano nga ang pagkaka-describe mo sa kanya? August. Chiselled. Adonic. You see? Out of this world ang mga sinabi mong salita sa kanya so surely, dinala ka rin niya sa labas ng mundo kaya ganoon na lang ang pag-describe mo sa lalaki." Tinignan ni Nina si Mara na dinala ang laptop nito. Nag-e-edit daw kasi ito ng manuscript pero willing na dalhin ang trabaho para magkita-kita sila. Buwan na kasi ang dumaan ng huli silang magkita-kita dahil naging abala si Ice sa trabaho. "Ano Abyang, sasama ka ba sa akin sa pagre-resign?"

Ipinakita sa kanila ni Mara ang screen ng laptop nito. "See? Sinisimulan ko ng i-edit ang resume ko para makapag-apply ako sa Limitations."

Natutop ni Ice ang noo. "Grabe kayo!"

Tumawa ang dalawa. Isinara na ni Mara ang laptop. "Joke lang. Hindi kita aagawan sa pantasya mo."

"Hindi ko pantasya---"

"Hoy, Chang! Tama na nga ang deny. Ang boss mo na iyon ang unang totoong lalaki na naging inspirasyon mo sa pagsusulat. For sure, tinamaan ka talaga roon."

Totoo ang sinabi ni Nina. Minsan nga niyang ginamit si Sir Will na inspirasyon sa isa sa mga nobela niya. Pero...sige na nga! Aamin na siya. Crush niya talaga si Sir Will.

Bihira na magka-crush si Ice sa mga lalaki kaya naman naramdaman niya na normal siya nang masabi niyang crush niya si Sir Will. Sino ba naman kasi ang hindi magka-crush rito? Biniyayaan ito ng good looks. Maiitim na mata, napakatangos rin ng ilong nito at may kakapalan ang labi. Bagay rin dito ang may kakapalang kilay. Head turner ang height nitong 5'9. And his body---kagaya nga nang sinabi niya sa nobela niyang sinasabi ni Nina---chiselled.

Pero hindi lang ang pang pisikal ang kaakit-akit kay Sir Will. He was a successful man, too. Medyo nagkulang nga lamang sa aspeto ng kabaitan dahil madalas na kabaliktaran ang sinasabi kapag nasa labas ito kaysa kapag nasa opisina. Charming raw si Sir, mabait sa lahat ng makikita nitong maganda. Pero kapag nasa opisina, palaging nakabulyaw ito. Napakaistrikto. Hindi miminsan na naiisip ni Ice na baka sa kanya ang problema kaya ganoon. Pero hindi pa rin nakaapekto sa kung ano ang nakikita niyang ugali rito ang nararamdaman niya rito.

"Fine. Pero kahit ano naman gawin natin, hanggang doon lang tayo. He doesn't do office romance at asa pa ako." Huminga nang malalim si Ice.

Hinawakan ni Nina si Ice. "Kung pumapayag ka na kasi na magpa-make over. Maganda ka naman, eh. Palitan na rin natin ang wardrobe mo. 'Wag kang mag-alala, sagot ko." Kumindat si Nina. Kayang totohanin ni Nina ang sinabi. Ito ang pinaka-prolific sa kanilang magsulat kaya marami na itong pera. Dahil maganda rin ang mga libro nito, madalas na nare-reprint rin ang sinusulat nito.

"Hindi ko pa siguro kaya. Nakakulong pa rin ako sa pangaral ni Lola."

"Yeah. At problema mo rin iyon 'di ba? Nakausap ko si Miss Bridgette at sinabi niya sa akin ang natatanggap mo raw na feedbacks from the readers." Wika ni Nina.

"Sinabi rin ba niya sa 'yo na in-encourage niya akong magsulat ng erotica?"

Ngumisi si Nina. "Yeah! Kaya nga ako na-excite na magkita-kita tayo. Isinakripisyo ko pa ang tulog ko para sa 'yo. Kung gusto mo, puwede kitang turuan. So ano, ready ka na ba?"

Napakagat-labi si Ice. "H-hindi ko alam. Parang gusto ko na hindi."

"Oo na 'yan!" sulsol ni Mara.

Binigyan ni Ice nang masamang tingin ang babae. "Kung makasulsol ito. Ikaw kaya muna?"

Ngumiti ang babae. "Wala akong problema sa readers. Masaya pa rin sila sa wholesome ko na mga nobela."

Halos sabay na napaikot nilang dalawa ni Nina ang mga mata. Palagi nitong sinasabi na wholesome ang ginagawa nito pero may series ito tungkol sa mga lalaking strippers.

"Payuhan mo ako kung paano magsisimula." Maya-maya ay sabi na ni Ice sa babae.

Hah! Bahala na nga.

Alinlangan si Ice pero malaking bahagi ng isip niya ang may gusto. Kailangan na ba talaga niyang magbago? Paano ang puri niya? Ano ang iisipin ng pamilya niya? Pero kaninang umaga ay nalinawan siya sa nabasa niya.

"To write something, you have to risk making a fool of yourself."

Nababahala na rin si Ice. At tama ang mga tao sa paligid niya. Hindi lang ang sarili niya ang dapat na iniintindi niya. After all, kung wala ang mga readers niya, wala rin siya. Gagawin niya ang challenge na ito para sa mga readers niya. Bahala na ang pagpapaliwanag sa pamilya. Pagkatapos ng lahat, puwede naman daw siyang magpalit ng pen name.

Ngumisi si Nina. "Start with a topic."

"Erotica nga, ah---"

"Yeah. Pero puwede tayong gumawa ng iba't ibang genre when it comes to that. Puwedeng fantasy, paranormal. Puwede mo siyang gustong haluan ng ganoon. So ano ang gusto mo?"

"Contemporary lang. 'Wag mo naman paduguin ang ulo ko."

"Okay. So paano sila magkakilala? Stripper ba si babae? Porn star ba si lalaki? O mistress thing? Scratch that. Sobrang gasgas na ng mistress, other woman sa istorya at pelikula." Napaisip-isip si Nina. "Ang hirap naman!"

"'Nood tayong porn gusto niyo?" sinimulan ni Mara na buksan muli ang laptop nito.

Namula si Ice. "Tumigil ka nga!"

"Chang, experience is the best teacher!" sagot naman ni Nina.

"P-pero---" nanginginig si Ice. Iniisip pa lamang niya kung ano ang isusulat niya ay nagkakaganoon na siya. Iniisip pa lamang niya ang mga bagay na makakatulong sa kanya ay nahihirapan na siya. God, hindi niya kayang manood ng ganoon! "Hindi ko talaga kaya, guys!"

"Kaya mo!" pagpapalakas naman ng loob ni Mara sa kanya.

"Eh anong gusto niyong palabasin? Manood ako? H-hindi ko kaya. Lalong-lalo na ang experience! Alam niyo naman siguro ang feeling ko na tatandang dalaga na lang ako 'di ba?" wala naman kasing kahit sino ang gustong magpalipad ng hangin sa isang manang na kagaya niya.

"Hindi naman namin sinasabi na makipag-boyfriend ka para malaman mo ang feeling. May mga ilang bagay naman diyan na puwede tayong makaramdam ng orgasm na hindi need ng partner..." mapaglaro ang ngiti ni Nina.

"And that is manood ng porn!" halos isigaw ni Mara sa harap nilang tatlo. Napapikit si Ice dahil feeling niya ay napapahiya siya.

Ngumiwi si Nina. "Puro ka porn. Mayroon naman talagang mga experience na hindi kailangan ng boyfriend at hindi kailangan ng penetration to stimulate orgasm. Sometimes, you should just use your imagination."

"Ah, she's suggesting the safe way. Ang magbasa ng erotica." Sansala ni Mara.

"No. Reading to have inspiration is so over rated. Kailangang makaramdam ni Chang ng totoong orgasm sa totoong tao rin."

"Hinding-hindi ako kukukuha ng call boy para diyan!"

Tumawa si Nina. "Ang lakas talaga ng imagination mo. What am I suggesting is different...and new."

Pareho na napakunot ang noo nila Ice at Mara. "Ano iyon?"

"I remember you told me na mahilig ka na makipag-chat kapag blocked ka 'di ba?"

Tumango si Ice.

"Then why don't you try sex chat? Its a good topic though. Something different and new..."

Naging mas mapanukso ang ngiti ni Nina. Napa-"oh" at tumango-tango si Mara. At si Ice? Kailangan pang hawakan ang panga dahil pakiramdam niya ay nalaglag yata siya sa kagulat-gulat na ideya na mayroon si Nina.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.