Library
English
Chapters
Settings

3. Liam and The Stranger

CHAT. Noong full-time writer pa si Ice, madalas na nakakatulong sa kanya ang makipag-usap sa iba't ibang tao para mawala ang pagka-block niya. Kailangan niyang magkaroon ng interaction para maramdaman niya ang mga karaniwan na nangyayari sa nobela. Interaction. Iyon naman ang mayroon talaga sa isang romance novel. Sa interaction ng dalawang tao, nabubuo ang pag-ibig.

Nakakatulong rin para sa characterization ang ginagawa ni Ice. Nakakuwentuhan niya ang ilang tao at mula sa mga ito, kumukuha siya ng attributes para sa isang character. Ginagawa niyang inspirasyon ang mga ito sa nobela. Miyembro ng isang chatting site si Ice. Marami na rin siyang naging kaibigan roon pero pinili niya na mag-offline sa friends chat box. Kailangan niya ng bagong character---at iyon ay makukuha niya sa panibagong tao. Pinili niya na gamitin ang new chat.

Liam: Hey.

Liam. Pinagana ni Ice ang isip. Nice name. Kagaya ng paborito niyang member ng One Direction.

Tinignan ni Ice ang About Me ng lalaki.

Age: 30. Sex: Male. Location: Philippines.

Nagdalawang isip pa si Ice. Kababayan niya? Mag-e-enjoy ba siyang kausap ito?

Pero okay na rin. Iwas sa bastos. Mababait naman kadalasan ang nakikilala kong Pilipino sa site na ito.

Maingat si Ice. Hindi madalas ng nakaka-chat niya sa World Chatters---ang website na pinupuntahan niya kapag gusto niyang makipag-chat ay mababait at disente. Kahit pino-promote ng chatting site na iyon na decent talks lamang ang nangyayari sa site, hindi naman namo-monitor ng mga ito ang lahat. Hindi niya gustong mabastos, kagaya na lamang ng nangyari sa kanya noong huling pumunta siya roon. Nagkaroon kasi siya ng ka-chat na American na binastos siya. Matagal rin bago siya naka-get over mula roon kaya iniwasan muna niya ang bumisita.

Hindi siya madalas na nakikipag-usap sa mga kapwa niya Pilipino. Hindi niya lang trip. Gusto rin kasi niya minsan na ma-practice ang kanyang English. Isa pa, malaki ang tendency na kapag nakatira sa iisang lugar, gustong makipag-meet up. Hindi naman niya ang habol ang makipagkilala ng personal. Ni hindi nga siya nagpapakita ng larawan. Wala naman kasing kailangang profile picture sa site. Kailangan mo lamang ng username, email address at about me at mayroon ka ng profile sa site. Pero puwede ka rin mag-send ng picture sa chat kung gugustuhin.

Stranger: Hi. Kumusta?

Stranger---iyon ang username ni Ice. Hindi kasi siya mahilig maglabas ng impormasyon sa sarili. Minsan nga, pinepeke pa niya. Hindi naman kasi niya gustong makipagkilala---ang gusto niya lamang ay ang makakilala. Ginagamit niya ang mga impormasyong nakuha para sa pagsusulat niya. And oh, of course, to have a good conversation.

Liam: Oh. Filipina. Nice. J Ayos naman ako. Ikaw?

Stranger: Okay rin naman.

Sinadya ni Ice na hindi magtanong. Kapag hindi nag-end chat ang lalaki at nagbigay ng bagong topic, magiging maganda itong kausap. Mukhang tama naman ang hinala ni Ice.

Liam: Gusto mo ng joke?

Stranger: Sige.

Liam: Gumagamit ka ba ng blackberry?

Stranger: Ah, Samsung user ako since 2010.

Liam: I see. Sayang. Mahilig pa naman ako sa blackberry users...

Stranger: Bakit naman?

Liam: Because I love curve and bold... :'>

Kumunot ang noo ni Ice. Hindi niya makita ang relevance. Anong mayroon sa blackberry para masabi nito iyon? Ang tanging alam niya lamang sa blackberry ay cell phone iyon.

But then, ayaw naman na magmukhang tanga ni Ice.

Stranger: Cool.

Nilagyan pa ni Ice ng naka-sunglasses na smiley ang line niya.

Liam: Hehe. So what are you doing?

Stranger: Kailangan ba na palagi kang nag-i-english?

Anong klaseng lalaki kaya si Liam? Mayaman ba ito? Guwapo? Kamukha ba ito ng kapangalan nito sa One Direction? Mukhang tama ang una niya. Mahilig pa rin kasi na mag-ingles ito at maayos ang pagsusulat, hindi kagaya ng ilang Filipino na nakilala niya sa site na madalas ay mga jejemon pa. Mukhang galing sa isang may kayang pamilya.

Kumuha si Ice ng papel. Naglagay ng posibleng attributes. Iyon ang madalas na ginagawa niya. She observes then writes. Pagkatapos ay pumipili siya ng interesting attributes saka bumubuo ng character mula roon.

Liam: 'Sorry. Sanay kasi ako. So...ano ang ginagawa mo?

Stranger: Obviously, nakikipag-usap sa 'yo.

Liam: Yeah. Pero bukod roon...

Tinignan ni Ice ang pagkain sa tabi. Holiday ngayon kaya wala siyang pasok. Kasalukuyan rin siya nagmi-merienda nang ginusto na niyang harapin ang realidad---ang forum. Pero dahil masyado siyang na-hook sa sakit sa pagbabasa, hindi niya naubos ang kinakain niya. Iyon na lamang ang sinabi niya sa lalaki.

Stranger: Kumakain.

Liam: Hmmm... Anong kinakain mo? :D

Stranger: Hotdog.

Will is typing... iyon ang nasa screen pagkatapos ay nawala. Tinignan ni Ice ang connection. Okay naman iyon. Hindi siya na-disconnect para hindi niya ma-receive ang chat ni Liam.

Ano ang nangyari? May nasabi ba akong masama?

Tinignan ni Ice ang thread. Hotdog. May masama ba roon? Na-feel niyang maging honest. Iyon naman kasi talaga ang kinakain niya.

Liam: Mahilig ka ba sa hotdog?

Stranger: Oo.

Liam: Gaano kadalas ka kumakain ng hotdog?

Stranger: Whenever it is available. Sa kaso ko, madalas. 'Yun yata at itlog ang madalas na kinakain ko. Madali kasing iluto.

Liam: I see.

Nilangkapan pa ni Liam ng tila nag-iisip na smiley ang chat. Nakahawak ang kamay sa baba ng kulay na dilaw na smiley.

Stranger: Hmmm...

Liam: Anong kulay ng hotdog?

Stranger: Brown. Chicken hotdog kasi.

Nagsisimula ng magtaka ni Ice. Bakit parang pinapalawak ni Liam ang usapan sa hotdog? Ano bang interesting roon? At bakit ba siya nagpapaliwanag? Ganito na ba talaga siya kadesperada sa pagpapaalis ng block niya para ituloy pa rin ang parang walang kapupuntahan na usapan nila ng lalaki?

But then, interaction pa rin iyon. Minsan na nabasa niya na makipag-interact, kahit walang kuwenta. Minsan ay may natutunan rin daw roon. Pinigilan ni Ice na i-end chat ang lalaki.

Liam: So you like something skin-toned, huh?

Stranger: Eh ano naman?

Liam: Wala lang. :D :D :D

Hindi pinansin ni Ice ang tila kalokohan sa tatlong smiley. Nag-break siya. Kumain siya ng hotdog na sandaling nalimutan na kanina.

Liam: So how do I taste?

Stranger: Ano?

Liam: I mean, how do the hotdog taste? :D

Stranger: Vegetarian ka ba para itanong sa akin 'yan?

Liam: Not really. I am more of a fruit person. Gusto mo ba na malaman kung ano ang paborito kong prutas?

Stranger: Try me.

Liam: Nuts.

Stranger: Mani? Gulay iyon, ah.

Liam: Its an argument whether it is vegetable or a fruit but it is really a fruit. How about you? Mahilig ka ba sa mani?

Stranger: Medyo. Depende sa mood.

Paminsan-minsan ay bumibili siya noon kapag napapakain siya sa canteen ng kompanya. Masarap ang tinda na adobong mani roon.

Liam: Cool. So do you flick your own nut? :'>

Stranger: Hindi ko gets.

Hindi na maggawang itago ni Ice ang kawalan niya ng knowledge.

Liam: Ha-ha! Ganito ka ba talaga kainosente?

Peace sign ang emoticon sa dulo ng chat ng lalaki.

Natigilan si Ice. Bahagya rin na napanganga siya habang kumakain. Ano ba talaga ang pinapalabas ng lalaking ito? May masama ba sa usapan nila para masabi nito na inosente siya?

Pero hindi masisisi ni Ice ang lalaki para masabihan siya nito ng ganoon. Inosente, hindi makabasag pinggan, puti ang puri---iyon ang palaging description sa kanya ni Nina. Malapit na raw siyang kumandidato na santa. Wala kasi siyang kaalam-alam sa kamunduhan. Romance writer na maituturing siya pero limitado pa rin ang alam niya sa romance.

Kilig---iyon daw lamang ang madalas na elemento ng nobela niya. Hindi siya marunong ng pang-mataasan ng level. Minsan ngang sumulat siya ay pilit pa dahil kailangan lamang sa kuwento. Mabuti na lang at nakakita siya ng taktika kung paano isusulat iyon ng hindi kailangang i-elaborate ang love scene dahil sa totoo lamang ay wala siyang ideya kung ano ang kanyang ilalagay sa nobela. Mabuti na lang at nakalusot sa reader ng LRP.

Pero hindi nakalampas sa lahat ng readers niya...

Ah, erase negative thoughts. Binasa muli ni Ice ang conversation. She tried to read between the lines.

Mani? Paano naggawang i-relate ni Liam si Ice sa isang mani? May pagkaka-pareho ba sila ng mani? Mayroon ba siya noon? Pero kahit naman nakikita siya nito mula sa kabilang linya na malabo dahil hindi nag-o-organize ng video chat ang World Chatters, hindi rin nakabukas ang camera ng laptop niya, ay wala itong makikitang mani na ginagalaw niya o kahit mani man sa paligid.

Hotdog. Ano ang mayroon sa hotdog? Skin color. How do I taste daw? Paanong napunta iyon sa ganoon? Paano inire-relate ng lalaking ito ang hotdog sa sarili?

Tinitigan ni Ice ang hotdog na natitira sa plato. Anong hugis noon? Anong itsura? Anong mayroon roon para i-relate ng lalaki ang sarili nito roon?

.

.

.

.

.

Nang ma-realize ang lahat, naibuga ni Ice ang kinakain.

Stranger: PERVERT!!!!

Pipindutin na sana ni Ice ang end chat button nang unahan siya nang malakas na pagsabog.

Nawalan ng kuryente sa apartment at awtomatikong namatay ang nakasaksak na laptop ni Ice.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.