Library
English
Chapters
Settings

8. Jace's Comeback

BORING. Hindi na mabilang ni Belle kung ilang beses na naramdaman at pumasok sa isip niya iyon. Mahigit isang linggo na siyang hindi nakakapagtrabaho. Naiba na ngayon ang dahilan kung bakit. Hindi na lang siya tinatanggihan ni Jace, umalis na mismo ito ng isla!

"Bumalik si Jace ng Maynila. Sabi niya ay may kailangan raw siyang asikasuhin rito. But he assured me that he will come back there. So ibig sabihin lang noon, you are still employed. Pero kung gusto mo naman na umuwi sa Maynila habang wala siya ay puwede rin naman. I'll have the yacht ready for you. Kapag bumalik na rin si Jace sa isla ay tatawagan at ipapasundo kita." Wika ng Ate ni Jace nang ipaalam niya rito ang nangyari. Bilang empleyado, concern siya sa nangyari. Walang paalam na umalis ang kanyang pasyente.

"Salamat po, Ma'am. Wala naman kaso sa akin na manatili sa isla. Pero hindi po ba unfair na empleyado pa rin ako samantalang halata naman na ayaw niya sa akin? Isa pa, bilang PT niya, dapat ay araw-araw niya akong kasama."

Bumuntong-hininga si Jackielyn Montefalco sa kabilang linya. "Alam ko. Pero hindi mo kasalanan ito. Si Jace ang matigas ang ulo. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng kapatid ko na iyon. Pero isinama naman niya ang isang kasambahay sa pag-alis niya. Sa condominium niya siya tumutuloy. I think he was just really doing something important. Babalik rin siya sa isla. Kakailanganin ka rin niya."

Pinanghawakan ni Belle ang mga salita na iyon ng kapatid ni Jace. Pero sa pagdaan ng mga araw, pakiramdam niya ay nawawalan na siya ng pag-asa. Wala siyang nakukuhang balita kay Jace.

Marami ang pagkakaabalahan sa isla. May malaking library sa loob ng mansion. Mahilig si Belle sa mga libro kaya natuwa siya. Dahil wala naman na ginagawa, nakaka-lima siyang libro sa isang araw. Pero sa pagdaan ng mga araw ay nakakaramdam na rin siya ng pagka-inip.

Dahil roon, natutukso rin naman si Belle na sundin ang suggestion ng Ate ni Jace. Nami-miss rin niya ang pamilya. Pero naiisip niya si Anton. Ayaw na niyang magulo ng lalaki. Ang sabi ng kanyang Ate Yasmin ay naka-ilang balik na raw doon si Anton nang wala siya. Gustong-gusto raw siya nito na makita. Nangangamba naman siya na kapag bumalik siya ay magpakita muli sa kanya ang lalaki. Sawang-sawa na siya na sa kakulitan at tanggihan ito.

Pero bukod sa pamilya, may isa pa rin na gusto na makita si Belle. Nami-miss niya ang presence ni Jace. Minsan ay naiinis siya sa sarili. Bakit ba niya nami-miss ito? Panay naman ang tanggi nito sa kanya. Napaka-sungit rin nito. Pero masyado na yata talaga siyang naapektuhan ng halik na pinagsaluhan nila. Isama na rin doon ang kakaibang init na binibigay nito sa kanya kapag nahahawakan ito, kahit nga ang mapalapit lang rito.

Napakislot si Belle mula sa kanyang pag-iisip at pagtunganga niya ay tumunog ang kanyang cell phone. Nanginig siya nang makitang si Beast ang caller. Aksidenteng napindot niya ang answer button sa gulat.

"What's your favorite part of my body to touch, Beauty?"

"Beast, ahmmm---" hindi napigilan ni Belle na palabasin ang pag-aalinlangan sa boses. Namula siya. Wala siya sa kuwarto. Kasalukuyan siyang nasa beach shore. Alas-singko na ng hapon. Gusto niyang panoorin ang sun set.

Nasa agreement nila na tuwing alas-nuwebe ng gabi hanggang alas-onse lang ito puwedeng tumawag. Mali na tumawag ito sa ganoong oras.

Inaasahan mo na dapat iyon, sulsol naman ng isang bahagi ni Belle. Well, mali siya na sabihin na nakaka-inip ang mga nagdaang araw. Bukod sa libro, si Beast lang ang nakakapagpasabik sa kanya. Araw-araw siya nitong tinatawagan at hindi na rin sumusunod sa agreement nila. Kaninang umaga at tanghali ay tumawag rin ito. At kagaya ng linya nito ngayon, ni hindi rin siya nito binibigyan ng mga panimula sa mga tawag....

"Remember the part when we had sex in the bathroom? Naninigas ako kapag naalala ko iyon. At dahil nasasabi ko ito sa 'yo, I'm also remembering it and hard as fuck here. So care to tell me what you are going to do with it?"

"Alam mo, palagi kong naiisip na paano kung ma-stuck tayo sa isang isla. Tayong dalawa. Could you tell me what are the things that we would do there, hmmm?"

Ilan lamang iyon sa mga nagiging linya ni Beast. Ni walang hello. Ito ang nagbibigay ng topic at siya nag-iisip lang siya ng kasunod. Bukod pa sa pagkabigla sa mga oras ng pagtawag nito, nagugulo rin siya sa theme na binibigay nito.

Halos lahat ng theme ng binibigay nito ay parang mga pinagdaananang sitwasyon nila ni Jace. Hindi niya tuloy maiwasang hindi maisip ang lalaki lalo dahil roon. Nahihirapan lalo siya. May mga pagkakataon na hindi siya makasagot kaagad. Pero mas malala ang sa ngayon dahil kahit pribado ang isla, may mga kasambahay pa rin na nakapaligid roon. Wala man ang mga ito kasalukuyan sa paligid ay nakaramdam ng pagkapahiya si Belle.

Hindi gustong gawin ni Belle ang pakikipag-phone sex in public.

"You don't have any?" may galit sa boses ni Beast nang matagal-tagal rin siyang nakapag-react.

Nakagat ni Belle ang ibabang labi. Galit. Arrogance. Ano na ba talaga ang nangyayari sa kanya? Sa isipin na galit ang kausap niya ay natu-turn on na siya. May naalala na naman siya.

Damn you, Jace!

"C-can you please talk like that?"

"What? Teka nga, gusto mo ba na marinig pa akong magalit?" gulat naman ngayon ang nasa boses ni Beast.

"Hmmm... siguro ay iyon ang paborito kong parte mo. Your arrogance. It's sexy," nakaisip naman kaagad ng palusot si Belle.

Hindi nagsalita si Beast. Umungol ito. Muli ay nanginig si Belle. Naapektuhan siya sa ungol ni Beast.

"Paano naman ako?"

"Your innocence..."

"Am I really?"

"Ganoon ang nakikita ko sa mukha mo, Be---, I mean, Beauty."

Sandaling tumigil ang puso ni Belle. For a while, naisip niya na "Belle" ang sasabihin nito. Pero hindi siya nito kilala talaga, paano nito malalaman ang pangalan niya?

I am really mad about Jace, nasa isip-isip niya. Dahil iniisip niya si Jace ang kausap niya kapag nakakausap si Beast ay nawawala sa isip niya na hindi talaga sila magkakilala.

"And you are lusting innocent girls?"

"Everything about you is worth lusting, Beauty."

Toot. Toot.

Pinatayan na naman ni Beast ng tawag si Belle. Pero hindi noon napigil ang paglakas ng kabog ng puso niya.

Naramdaman ni Belle ang kaseryosohan sa tinig at sinabi ni Beast. Parang gustong-gusto siya nito at hindi siya pagsasawaan nito. In a way, naapektuhan siya noon. Natuwa siya roon. Napalapit na siya kay Beast. Kahit mali sa iba ang ginagawa nila, may saya rin naman na dinadala ito sa kanya.

Pero inisip niya na hanggang salita lang naman iyon. Kahit siya nga ay pinepeke iyon. Bakit hindi si Beast 'di ba?

Very wrong, iyon ang tamang i-describe sa buhay ni Belle ngayon. She was lusting over her patient and at the same time, her caller. Napaka-imposibleng patulan siya pero nangangarap siya. Napaka-unprofessional niya.

Pero napakahirap balewalain ng tawag ng laman...

---

"MAY YATE NA PAPARATING!"

Kasing lakas ng sigaw ng hardinero ang naging tibok ng puso ni Belle nang marinig iyon. Kasalukuyan siyang nasa kusina kasama ang mga kasambahay. Nag-aalmusal sila. Naunang natapos ang hardinero kaya nakalabas na ito.

"Si Sir Jace na 'yan!" wika ng isang kasambahay. Masayang tinignan pa siya ng nagsalita. "Ayan, hindi ka na maiinip. Nandiyan na ang amo natin."

"Pero sigurado nga kaya na si Jace na iyon?"

"Bakit hindi mo tignan 'di ba?" kinindatan pa siya nito.

Umaasa si Belle na si Jace na nga iyon. Wala silang inaasahan na darating kung hindi ito lamang. Dalawang linggo na rin simula nang umalis ito.

Kinalma ni Belle ang sarili niya. Gusto niya na makita si Jace 'di ba? Nandito na ang lalaki. Hindi dapat siya pinangungunahan ng excitement niya na pakiramdam niya ay nanghihina naman siya.

Tumingin muna si Belle sa salamin bago sinunod ang kasambahay. Nang makalabas siya ng mansion, naka-daong na ang yate sa dock ng isla. Nakita niyang lumabas mula roon ang kasambahay na isinama ni Jace sa Maynila. Kasunod rin nito si Jace na nasa wheel chair pa rin. Itinulak ng kasambahay si Jace sa pagbaba ng yate.

Nalungkot si Belle sa nakitang lagay ni Jace. Wala pa rin na ipinagbago si Jace sa nakalipas na dalawang linggo. Mukhang walang improvement. Pero tama bang lungkot lamang ang maramdaman niya? Dapat ay masaya rin siya. At least, hindi nito magagawa ang pangako niya na kung makatayo ito ay gagawin niya ang lahat para rito. Hindi siya nito maabuso.

Pero teka, ayaw ba talaga niyang maabuso?

Nakagat ni Belle ang ibabang labi. May naiisip siyang klase ng pang-aabuso. Nag-init kaagad ang katawan niya roon.

She wanted him.

Unti-unting lumapit sina Jace at ang kasambahay. Nakita kaagad siya nito. Sinalubong nito ang mata niya. Isang tingin na parang ayaw na siyang pakawalan...

At nakita ni Belle ang dahilan kung bakit niya pinagnanasaan rin ang lalaking ito.

Nagsalubong ang mga mata nilang dalawa. Belle could swear that the air hissed and crackled in a crazy mutual attraction...

Nakakatakot iyon. Binigyan noon ng eratikong pagtibok ang kanyang puso. But it was hard to unglue her gaze from him...

Tumigil ang wheel chair ni Jace sa harapan ni Belle.

"Hi...?" Hindi pa rin kumukurap na wika ni Belle. Sa paglipat ni Jace ay parang naging tanghali na sa lugar. Simpleng T-shirt at pantalon lang naman ang suot nito pero masasabi niyang mas naging guwapo pa ito kaysa sa dati. He looked hotter than ever.

Ngumisi si Jace kay Belle. May tumulo ng pawis sa mukha niya. Parang kaunti na lang rin at sasabog na ang loob niya.

Pero parang ganoon talaga ang gusto ni Jace. Humawak si Jace sa arm chair ng wheelchair nito. Inangat nito ang sarili mula roon...para tumayo.

Nakatayo ang lalaki sa sariling paa nito!

Doon lang naggawang kumurap ni Belle.

Kapag naggawa mong makapaglakad o makatayo man lamang muli sa sarili mong paa, you'll get anything you want from me. Umalingawngaw sa isip niya ang binitawang truce kay Jace.

And a strange exciting thrill traveled down Belle's spine thinking about what Jace would want from her...

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.