Library
English
Chapters
Settings

7. The Deal

"KAKATAPOS lang po niyang kumain?" kumurap-kurap pa si Belle nang makita ang kasambahay na lumabas ng kuwarto. May dala itong tray.

Malungkot na tumango ang kasambahay. "Pero halos wala rin naman siya na kinain."

Nahawa si Belle sa lungkot ng kasambahay. Pero ang lungkot niya ay may kasamang gigil. Kung nagmatigas si Jace, malamang ay magmamatigas rin ito sa kanya ngayon.

Tatlong araw ng nag-iinarte ang pasyente ni Belle. Ayaw nitong kumain. Kahit sa mga sessions nila ay hindi rin ito nagre-respond. Mainit ang ulo nito palagi. Sinisigawan siya nito kapag nagmamatigas siya.

"Hindi kita kailangan! Wala akong kailangan! Lumayas ka sa harap ko!" iyon ang mga salitang nakukuha niya kay Jace. Ni hindi ito tumitingin sa kanya. Tinatanggihan nito ang lahat ng makakabuti para rito.

Kinausap na niya ang Ate nito tungkol sa lagay nito. Kagaya ng mga kasama sa bahay ay naging malungkot rin ito.

"He is depressed. Nakausap ko na siya pero hindi rin siya nakikinig sa akin. Gusto ko siyang kausapin ng personal. Puntahan at bisitahin diyan sa isla. Pero may mga pangangailangan ngayon ang pamilya ko ngayon na mas importante kaysa sa pinagdadaanan ni Jace." Bumuntong-hininga si Jackielyn sa kabilang linya. "Pero sana ay huwag mo siyang sukuan, Belle. Sana ay maintindihan mo na may pinagdadaanan lang siya."

Naiintindihan naman ni Belle si Jace. Pinipilit naman niya na pakisamahan ito. Pero mukhang buong-buo na ang loob ni Jace...

Try and try until you die and when you die, at least you try. Inilagay niya sa isip ang motto niya. Susubukan niya. Kailangan niya. A part of her wanted to see Jace is well. Bukod pa roon, gusto na rin niyang makasama ito. Dahil sa pagtataboy nito sa kanya ay ni hindi niya ito makasama, hindi niya ito mahahawakan at---

Nakagat ni Belle ang ibabang labi. So iyon lang ang habol niya? Ang maka-tsansing kay Jace?

Masyadong naapektuhan ni Jace si Belle. The session, the massage and most of all, that unexpected kiss! Malaking bahagi niya ang nagugulo dahil sa nangyari. Nahihirapan siya na tanggapin, kahit na ba iyon ang nararapat, na hindi na mauulit iyon.

Pero ikaw mismo ang nagsabi na hindi na mauulit iyon, Belle! Sulsol naman ng isang bahagi ng isip niya. May pagsisisi si Belle sa nasabi na iyon. Pero iyon ang dapat. Bakit siya hinalikan ni Jace? Maybe it was just a spur of the moment thing. Hindi niya dapat sineseryoso at iniisip iyon. Isa pa, mali ang maakit sa pasyente niya. Kailangan niyang pigilan ang kanyang sarili.

Bumuntong-hininga si Belle bago pumasok sa kuwarto ni Jace.

"No therapies. Umalis ka na!" Hindi nililingon na wika ni Jace. Nahalata na nito na siya ang pumasok dahil oras na ng physical therapies session nila.

Siyempre, nagmatigas si Belle. Responsibilidad niya si Jace bilang pasyente niya. Pero ngayon ay nagkaroon pa siya ng dahilan para magmatigas nang makita ang pinagkakaabalahan ni Jace. Umiinom ang lalaki!

Malakas ang loob na nilapitan ni Belle ang lalaki. Kinuha niya ang baso sa kamay nito.

"Fuck," matigas ang mura nito. Nagtagis ang bagang nito. Nilingon na siya nito. "It's been three days, I know. Pero hindi naman siguro dahilan iyon para maging bingi ka 'di ba?"

"As your physical therapist---"

"I don't need you! Wala akong kailangan! Get out!"

"Sinisira mo ang buhay mo!"

"And who are you to interfere? My wife? My girlfriend?" patuya na wika ni Jace. "I just kissed you, Belle. Pero hindi iyon dahilan para pangunahan mo ako."

"Alam ko," kahit medyo masakit iyon para sa parte ni Belle, tinanggap niya.

"Then be understanding and get out of my room!" Inagaw nito sa kanya ang baso. Nagsalin ulit ito ng alak.

Huminga nang malalim si Belle. "You're depressed, Jace."

Natigil sa pag-inom ng alak si Jace. Kunot noong tinignan siya nito.

"Nag-aalala kami sa 'yo."

Naglihis ito ng tingin. "Don't be. I am giving up."

Nagulat si Belle. "Hindi puwede. Paano mo nasasabi ito? Sinusuportahan ka namin sa kabila ng---"

"You have to feel it by my side then."

"Jace..." Naramdaman ni Belle ang sakit sa boses ng lalaki.

Bumuntong-hininga si Jace. "Kung iniisip mo ang malaking suweldo na ipinangako sa iyo ni Ate ay makukuha mo pa rin iyon. Kakausapin ko siya at---"

"Hindi iyon ang punto. Hindi ko gustong umalis. Hindi ako aalis. Hindi ka puwedeng sumuko! Makakatayo ka. Makakapaglakad ka muli. Magiging malakas at makaka-recover ka!" lumakas ang boses ni Belle. Nanginginig rin siya.

"You can't make me. Buhay ko ito. Ako ang magdedesisyon sa buhay ko!"

Naniningkit ang mata ni Belle sa pagiging pasaway ng lalaki. "Let's have a truce then,"

Tinaasan ni Jace ng isang kilay si Belle.

"Sumubok ka. Kapag naggawa mong makapaglakad o makatayo man lang ulit sa sarili mong paa, you'll get anything you want from me."

Desperada na ba si Belle para sabihin iyon? Siguro. Pero nag-aalala siya. Dapat lang naman iyon. Ngayon lang siya naka-encounter ng pasyente na napakabilis sumuko. Mahirap ang kondisyon ni Jace pero maaga pa para masabi na wala na talaga itong pag-asa. Gusto niyang patunayan rito na mali para sumuko ito.

Even it will be on her own expense...

Madilim at mukhang naka-tiim bagang lang ang isinagot ni Jace kay Belle.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.