Library
English
Chapters
Settings

9. The Private Island

NAPANGISI si Jace nang makitang nagulat si Belle sa lugar kung saan siya nagpadala rito pagkatapos ng therapy session nila. Ngayong araw ay ilang beses na niyang nakita ang gulat na mukha nito.

"Anong gagawin natin dito?" Lumunok muna si Belle bago magtanong. Halatang kinakabahan ito. Hindi na rin iyon bago sa kanya. Simula nang makita siya nitong nakakatayo ay puno na ng tensyon ang babae.

Hindi masisisi ni Jace si Belle. He gave her a truce...at pinatulan niya iyon.

Sa una ay hindi nagustuhan ni Jace ang ideya. Masyado siyang kinakain ng lungkot niya. Nasasaktan siya sa lagay niya. Gusto na niyang sumuko. Pero napag-isip-isip niya na gawin na motivation iyon. Pagkatapos ng lahat, marami siyang gustong kuhanin rito...

Nagdesisyon si Jace na kainin ang pride. Nagpunta siya sa Maynila. Kahit alam niya na marami ang makakilala sa kanya at makakita ng lagay niya, tiniis niya iyon. Kailangan niya na gumaling. He had his self rehabilitated in one of the best hospitals in Manila. Dahil sa extensive theraphy sessions na ginawa sa kanya roon sa loob ng dalawang linggo ay naggawa niyang tumayo. Lumakas ang mga paa niya. Naggagawa na rin niyang makapaglakad kahit papaano. Bagaman hindi pa rin puwedeng puwersahin kaya gumagamit pa rin siya ng wheel chair.

Pinayuhan si Jace na manatili sa rehabilation center na iyon. He was having a good progress. Gusto rin naman niya dahil gusto na rin niyang gumaling. Pero naisip niya si Belle. Gusto na niyang makita ito. Gusto na niyang bumalik sa isla. Gusto rin niyang magtiwala rito na mapapagaling siya nito ng tuluyan. Hindi na rin naman mahirap dahil nakita na niya sa sarili niya na may pag-asa talaga siya.

"Ano sa tingin mo?" balik tanong naman ni Jace.

Naka-iwas ang tingin si Belle kay Jace. Pero halata niya ang pamumula ng pisngi nito. Sa pag-iinit noon ay siya naman na pag-iinit rin ng buong katawan niya.

Kanina pa iniiwas ni Belle ang sarili sa kanya. Pero dahil sa trabaho at ipinusta nito sa kanya, hindi talaga ito makakaiwas. "Tinatakot mo ako."

Tumawa si Jace. "Kasalanan mo iyon."

Bumuntong-hinininga si Belle. "Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko na pumusta sa 'yo."

Because you care about me. Pumasok sa isip ni Jace ang posibilidad na sagot na iyon. Nakaka-touch kung iisipin iyon. Sumasama sa pag-iinit ang puso ni Jace. Pero hindi niya gustong intindihin ang pag-iinit na iyon. Mas mahalaga ang pag-iinit ng katawan. May mas gusto rin siyang sagot na marinig mula kay Belle: gusto niyang marinig na kaya gusto talaga siya nitong gumaling ay gusto nitong maangkin rin niya at turuan ng mga bagay tungkol sa world of sex.

Nararamdaman ni Jace na inosente si Belle. It made him curious. Na-a-arouse siya sa idea na iyon.

Kagaya ng mga gusto nina Beast at Beauty sa isa't isa... pumasok sa isip ni Jace.

Mali ba siya para ilagay ang pagnanasa sa phone sex operator niya kay Belle? Magkaboses ang mga ito. Gusto niya iyon. Gusto niya si Beauty at curious rin siya kung ano ang magagawa nito sa personal. Pero may limitasyon ang lahat. Nasa agreement nila na hindi sila puwedeng magkita. Isa pa, hindi rin naman talaga siya interesado na makita ito. Kaya lang siya naku-curious ay dahil kay Belle. Somehow, nire-remind ni Beauty sa kanya si Belle. It was also the reason why he was kind of enjoying her now. Nailalabas niya ang frustration niya sa physical therapist sa phone sex operator niya.

"It's already done. You have promised me. Kaya ngayon ay magsisimula na tayo," Kinuha ni Jace ang kamay ni Belle.

"S-sa garden?!" nanlaki ang mata ni Belle.

So fucking cute. So fucking innocent. Nakakaloko ang ngiti ni Jace. "Yes."

Tumingin si Belle sa paligid. "P-pero public place ito kung maituturing. Puwede tayong makita ng mga tao at---"

"And so what?" putol ni Jace sa sasabihin ni Belle. Dahil nakahawak siya sa kamay nito ay naramdaman niya ang panginginig nito.

Lalong naaliw si Jace. May pakiramdam na siya kung ano ang iniisip ni Belle.

The sexual tension was there. Nang halikan niya ito, ipinaramdam niya rito na mayroon siyang pagnanasa rito.

"Jace..." ungol ang rinig ni Jace na pagbanggit ni Belle ng pangalan niya. Pinalala noon ang tensyon na nararamdaman niya.

"Come here, Belle." Dahil naka-upo pa rin siya sa wheel chair, kailangan niyang pababain ito.

Naramdaman niya ang pag-aalinlangan nito. Pero sa huli ay ginawa rin nito. Umupo ito sa harap niya. Kinuha naman niya ang mukha nito. Ipinagkiskis niya muna ang pisngi niya sa pisngi nito. It was torture, yes. The heat coming from her is driving him crazy. Pero may ibang pakay si Jace.

Inilagay ni Jace ang labi sa tapat ng tainga ni Belle. "I want to know more about you..."

---

HOPIA. Iyon ang naramdaman ni Belle nang malaman ang totoong pakay sa kanya ni Jace. Na-relieve naman siya. Buong araw na siyang natetensyon dahil sa binitawan niyang pangako rito. Pero bakit pakiramdam niya ay malungkot siya na hindi siya inabuso ni Jace? Hindi nangyari ang nasa isip niya.

Eh bakit ba kasi niya inisip na aabusuhin siya ni Jace? Gusto tuloy sapukin ni Belle ang sarili. Mali siya na maisip na nagkaroon ng sexual tension sa kanila. Dahil kung may something sexy nga roon, bakit kailangang daanin pa siya ni Jace sa isang getting-to-know-each-other stage?

Hindi nito nagustuhan ang halik na iyon. Hindi rin niya dapat inisip na kaya umalis si Jace ay para magpagaling para sa kanya. Masakit ang mag-assume.

"Hmmm... tanungin mo na ako?" wika ni Belle nang yayain siya ni Jace sa garden table sa rose garden kung saan sila unang nagkita. Umupo siya sa isang silya samantalang ito naman ay nasa wheel chair pa rin nito.

Nagtanong nga si Jace. Mula sa totoong pangalan niya, edad, anong kurso at ilang details sa pamilya ang mga unang tanong nito. Sinagot niya ang mga iyon pero with less interest.

"Naka-ilang boyfriend ka na?" sa tanong na lamang na iyon ni Jace muli nagka-interes si Belle.

"Isa. But it's way back in high school."

Ngumisi si Jace. "So it's just puppy love..."

Tumango si Belle. "How about you?"

"Too many to mention. Want to be one?"

Namula si Belle. Hindi siya nakasagot. Gusto niya. Pero seseryosohin ba siya nito? Simpleng babae lang siya. Sinabi na nito na marami itong naging babae. Gaano kalaki ang chance niya?

"Ah, Belle. I already know that your blush makes you pretty than ever..." wika ni Jace at inabot ang mukha niya. He cupped her face.

Maya-maya ay tumayo si Jace para mas maabot siya nito. Napatayo rin si Belle. Nakaramdam siya ng pag-aalala. Hindi dahil sa nakakatayo na si Jace at bahagyang nakakalakad na ito ay kaya na nito ang sarili. Natakot siya na baka bumagsak ito. Makakasama pa iyon lalo sa recovery nito.

"Jace, teka lang, baka mahulog ka at---"

Hindi pinansin ni Jace ang pag-aalala ni Belle. Matuwid na nakatayo ito. Hinawakan muli nito ang pisngi niya. Inalis nito ang mga buhok na tumatabing sa mukha niya.

"Pero may isang bagay ako na nadiksubre sa 'yo na gusto ko ulit na malaman..." wika nito at inilapit ang mukha sa mukha niya.

Jace's lips enveloped Belle's. Sandali pa lang ay naglaro na ang napakaraming emosyon sa dibdib ni Belle. Mali ang ginagawa niya. She had a feeling that Jace will abuse the power that she had given to him. But then, she also knew she was helpless to resist.

O sadyang gustong-gusto rin ni Belle ang halik. The sensation and excitement leaps through her like a rollercoaster wave.

Nabalot ang apoy ang katawan ni Belle. The kiss became hot and hard, just like how she felt about his body. Nag-umpisa na rin na hindi niya makontrol ang katawan niya. She just found herself sanking into him. Sa halip rin na si Jace ang alalayan niya, hinayaan niya ang mga kamay niya na bumalot sa balikat nito. She clinged into him as if he was her lifeline....even though she knew he was pure danger. Alipin lang siya ni Jace sa maraming bagay. Kayang-kaya siya nitong saktan kung gugustuhin nito.

Everything with Jace is terrifying. Pero pati isip ni Belle ay nawalan na rin siya ng kontrol. Sa kabila ng panganib ay hindi siya natakot. Ang tanging nangingibabaw lang ay ang sarap ng ginagawa nito sa kanya. Gusto niya ang thrill at ang nakakatakot na lakas ng tibok ng puso niya.

And then Jace's lips demand more from her. Ibinuka nito ang kanyang labi. The entry of his tongue was like a drug Belle craved for a long time. Nilaro nito ang kanyang dila. And surrendering to the stroke of his tongue is like a need to breath.

Pero mas dumami ang pangangailangan ni Belle nang bukod sa kanyang labi at dila ay may iba pang laruin si Jace. Ibinaba nito ang labi patungo sa kanyang leeg. Napaisip siya kung may mahika ba ang labi nito. Everywhere his male lips touched, it gave her a burning and arousing sensation. And just on a few seconds, may isa pang na-diskubre si Belle. Ganoon rin ang kamay ni Jace. Her body went haywire when she felt his hands touching her breasts. And just as her breasts ached, her pulse raced.

Lumalalim na ang lahat... nasa isip ni Belle. Hindi niya alam kung paano ba niya naggawa na mag-isip pa. She felt her head fogged with what is Jace's doing into her.

Pero lahat yata ng bagay ay may katapusan. As her nerve endings started to crackled, she also heard a cracked sound. Pareho silang natigilan ni Jace. It also brings back her senses. Gusto niya iyon. Pero mali pa rin iyon. Nasa maling lugar sila. Paano kung may nakakita sa kanila ni Jace? Nakakahiya!

Bahagyang lumayo si Belle kay Jace. Tumikhim ang lalaki. Pero muli ay inabot siya nito. He nibbled on her feverish flesh.

"That's a big discovery. You are so good, my Belle. So good that everything in my fucking body hurts..."

Nakagat ni Belle ang ibabang labi. She could clearly feel it. Nararamdaman pa rin niya ang katawan nito. May nanginginig mula sa pagitan ng binti nito.

And it all happened because of a fucking kiss... nasa isip ni Belle. But fuck the word "just". Nangingibabaw rin ang nginig mula sa parte sa pagitan ng kanyang hita.

"Pero dahil nasa getting to know each other stage tayo, you also need to know something about me. I do not do public sex..."

Kumurap si Belle. Kung ganoon ay doon nga sila papunta...

Kinagat ni Belle ang ibabang labi. Nabuhay ang excitement sa puso niya. Pero nabuhay rin muli ang realidad sa isip niya. Hindi dapat iyon. Hindi puwede iyon. Gusto niyang pigilan ang nararamdaman. Pero naging matigas ang isang bahagi ni Belle na patuloy pa rin na nanginginig.

Hot liquid filled Belle panties with the thought of exploring Jace...

---

MASAKIT ang ulo ni Belle nang magising siya kinabukasan. Bukod kasi sa madaling araw na siya nakatulog ay malakas pa na ugong ng chopper ang gumising sa kanya. Napaungol si Belle, lalo na nang makitang ni hindi pa ganoon kaliwanag sa labas.

Ganoon pa man, bumangon na rin si Belle. Na-curious siya kung bakit may chopper. Naisip niya na baka may dumating. Bukod pa roon, empleyado lang siya sa bahay. Dapat ay alam rin niya ang nangyayari roon. Marunong rin dapat siya na makihalubilo. Bumangon na siya ng kama para i-welcome ang kung sino man na dumating na iyon.

Halos saulado na ni Belle ang isla kaya mabilis lang rin siya na nakapunta sa landing area sa lugar. Nakita niya sa lugar si Jace. Sa halip na wheel chair, gamit nito ang crutch para suportahan ang isang paa. Nakatingin at bahagyang kumakaway pa ito sa palayo ng chopper.

Napakunot noo si Belle. Mukhang mali siya ng akala. Walang dumating. Mukhang may umalis.

Lumapit si Belle kay Jace para magtanong. Pero bago pa niya maggawa ay sinalubong na siya nito nang mainit na halik.

"Good morning, my Belle..." Nakakaloko ang ngisi ni Jace pagkatapos ng halik.

"J-Jace...!" pulang-pula na wika ni Belle. Nagmumog lang siya ng tubig kaya pakiramdam niya ay bad-breath pa rin siya. Hindi na siya nag-toothbrush.

"Another discovery. You still look good in the morning..."

"How can you say that? Kakaunti lang ang tulog ko." Napalabi si Belle.

"Do you want me to put you on bed then?"

"Jace..." Pakiramdam ni Belle ay kailangan rin niya ng crutch. Nanghina ang tuhod niya. The thought of "bed" with him is giving her thrill and chills. Kagabi pa niya iniisip iyon.

Hindi nakatulog si Belle nang ayos kagabi dahil sa pag-iisip kay Jace. Wala silang massage session ngayong araw kaya pagkatapos niya itong i-tour sa garden ay wala na siyang dahilan para makipagkita rito. Ganoon pa man, inabangan niya na kakatok ito sa kanyang kuwarto. Hindi siya mapakali. Pero muli ay na-"hopia" na naman siya. Walang Jace na dumating.

"Not a good idea, I guess. Kahapon ko pa rin naman naiisip." Umiling-iling si Jace. "I can have you everywhere now..."

Nagsimula muli na halikan ni Jace si Belle. It was sweet torture. Nawala ang antok niya. Nawala rin sa isip niya na conscious pa siya sa itsura niya. At muntik na rin na mawala sa isip niya ang tungkol sa nangyari kahapon.

May mga tao sa villa. Maaaring may makakita sa kanila. Sinubukang i-resist ni Belle si Jace. Lumayo siya rito. Even though resisting him is one of the hardest experience ever. Ilang beses pa lang ay pakiramdam niya, naadik na siya sa halik nito.

"You can't have me anywhere. Sinabi mo na kahapon. You don't do public s-sex..."

"Yes. Pero tayong dalawa na lang ang nasa isla na ito. So this is kind of private now..."

"Ano?!"

Tumingin si Jace sa umalis na chopper. "I sent the house staffs away for a holiday vacation..."

Naguluhan si Belle. "Bakit?"

"So I can have you anywhere..." His voice was smooth and husky, she felt hot. Nanuyo ang lalamunan niya, lalo na sa maaaring gawin sa kanya ni Jace "anywhere"...

Lumunok muna si Belle bago nagtanong ulit. Kahit nagugulo ang pisikal na katawan niya ay hindi naman naapektuhan ang kanyang isip. Marami siyang agam-agam. "Bakit mo hinayaan na umalis sila? Sinong mag-aasikaso sa villa---?"

"This villa is well-maintained. At dalawa lang naman tayo, hindi naman ito masisira. Not in my condition, anyway. Sinigurado ko rin na may stock ng pagkain dito. Hindi tayo magugutom."

"And the other needs---"

"Hindi na iyon importante. At sa totoo lang, ang tanging importante lang naman at kailangan ko talaga ay ikaw, my Belle. Ikaw at ang matatamis na labi nito..." wika ni Jace at hinalikan siya.

His lips pressed into her in a hot and aching hard kiss. Mabilis na gumalaw ang labi at dila nito. Ibinuka niya ang bibig para salubungin iyon. And at that moment, Belle knew she will gave everything to this man. Nakakaadik ang halik nito. Hindi siya tuluyang makapag-isip nang maayos.

Nang tumigil si Jace sa paghalik ay masuyong hinaplos nito ang pisngi niya. "Walang dapat ipag-alala, Belle. I know you'll take care of all my needs. And I will take care of yours, too."

Nakagat ni Belle ang ibabang labi. Iisang need lang ang naiisip niyang kayang ibigay sa kanya ni Jace. It's an aching need. At tama ito. Sa lagay niya ngayon, mukhang si Jace lang rin ang kailangan niya. Walang dapat ipag-alala ngayong sila na lang dalawa ng lalaki sa isla.

Naniniwala si Belle sa sinabi ni Jace kahit alam niyang kabaligtaran iyon. Paano siya aalagaan ni Jace samantalang mapanganib na damdamin ang nararamdaman niya kapag nasa tabi ito?

Pero kahit isang malaking panganib si Jace, ito pa rin ang panganib na gusto niya. Everything about him is a dangerous kind of pleasure...

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.