Library
English
Chapters
Settings

4. Mister Incapacitated x Miss Therapist

SINO ka para magmalinis? Kinakain ng konsensya niya si Belle sa buong araw. Sinampal niya lang naman ang boss niya. Hindi lang isa pero dalawa! Oo nga at mali ito. Pero may mali rin siya. Dapat ay inintindi niya ito at ang sitwasyon kung saan sila nalagay.

Mahirap ang pinagdadaanan ni Jace Arkaina. Normal na sa mga kagaya nito ang maging mainit ang ulo. Dala rin noon kaya kung ano-ano na lang rin ang nasasabi nito. Dahil rin sa kondisyon kaya hindi nito nagagawa ang mga dating nagagawa nito. Nasasaktan ito. Naiinis ito. Kailangan rin siguro nito ng release kahit papaano.

Alam niyang hanggang salita lang naman si Jace. Higit sa lahat, kung makapag-react siya ay nagpi-feeling inosente siya, samantalang...

Hindi itinuloy ni Belle ang nasa isip. May magandang dahilan naman siya tungkol roon. Kagaya rin iyon ng magandang dahilan kung bakit sa kabila ng nangyayari ay mananatili pa rin siya sa isla. Iyon ang nararapat. Mas ligtas siya sa isla.

Twenty four years old na si Belle. Mahigit dalawang taon na rin siyang nagtatrabaho bilang physical therapist pagkatapos niyang makapasa ng board exam noong twenty one years old siya. Pagkatapos kasi niya ng kolehiyo ay nagtrabaho muna siya bilang call center agent. Sinusuportahan niya ang sarili habang naghahanda para sa board.

Mahirap ang buhay para kay Belle. Ipinanganak lang rin kasi siya sa mahirap na pamilya. Bunso siya sa tatlong magkakapatid na babae. Mga hindi nakapagtapos ng kolehiyo ang mga kapatid niya kaya hindi ganoon kaganda ang mga trabaho. Kahit may mga kapatid, kailangan pa rin ni Belle na suportahan ang sarili para makapag-aral. Nagsumikap siya. Nag-aral siya nang mabuti para makakuha ng scholarship sa college. Habang nag-aaral ay nagtatrabaho rin siya para magkaroon siya ng allowance.

High school pa lang si Belle nang ma-stroke ang kanyang ama. Hindi na ito nakakapagtrabaho at hindi rin naman ganoon kaganda ang kita nito noong nagtatrabaho ito bilang tricycle driver. Apat na taong gulang naman siya ng mamatay ang kanyang ina sa sakit na Diabetes.

Ngayon ay may sariling pamilya na ang Ate Lileth niya na siyang panganay niyang kapatid. Halos ganoon rin ang Ate Yasmin niya. Nitong nakaraang buwan lang ay nag-asawa na ito. Naiwan tuloy na halos si Belle na lang ang sumusuporta sa kanyang ama. Wala naman sanang problema. Maayos naman ang kita niya sa trabaho. Pero tatlong buwan na ang nakakaraan simula ng magkaroon ng panibagong stroke ang kanyang ama. Naging bed ridden na ito. Naging marami at mas mahal ang maintenance na gamot nito.

Si Belle ang gumagastos sa lahat. Hindi naman kasi maganda ang trabaho ng mga kapatid niya. Tama lang para sa pamilya ang nakukuhang suweldo ng Ate Lileth niya at ng asawa nito. Mahirap lang rin ang napangasawa ng Ate Yasmin niya, bukod sa sakitin rin ito.

Kailangan ni Belle ng mas malaki ang kita na trabaho. Kailangan rin niyang magkaroon ng sideline para masuportahan ang pamilya. Masuwerte siya na ngayon ay nakuha na niya iyon. Malaki ang offer sa kanya ni Jackielyn Arkaina Montefalco---ang panganay at nag-iisang kapatid ni Jace. Naiintindihan kasi nito na mahirap ang trabaho, bukod pa siyempre sa mahirap rin na malayo sa pamilya.

Tama naman si Jackielyn. Mahirap nga ang trabaho. Mahirap rin na malayo sa pamilya niya dahil close sila. Pero pabor iyon sa kanya. Kailangan niyang lumayo sa Maynila o sa kahit ano man na lugar na matutunton siya ni Anton.

Mahirap ang pinagdadaanan ni Belle ngayon. Pero magiging mahirap kung mananatili siya sa dating trabaho. May panganib sa buhay sa Maynila dahil sa anak ng may-ari ng ospital kung saan siya nagtatrabaho: si Anton dela Vega. Nagkagusto sa kanya ang lalaki at hindi siya gustong tantanan. Kahit nga ang pag-resign niya sa trabaho ay ilang beses na hinarang nito. He was acting like a stalker. Araw-araw na nakasunod ito sa kanya. Hindi siya makapagtrabaho sa pagbabantay nito. Ilang beses na niya itong tinanggihan pero hindi pa rin ito tumitigil.

"Hindi ko matatanggap iyon. No one dares to say no to Anton, my Belle..." palaging sinasabi ni Anton sa kanya. Kinikilabutan siya roon, lalo na at puno ng confidence ang lalaki. Sadyang mayabang ito, isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya ito gusto. Ang pagpayag niya sa offer ni Jackielyn ay para iwasan na rin ang lalaki.

Mami-miss ni Belle ang pamilya. Sanay siya na kasama ito, lalo na ang kanyang ama. Ngayong wala siya sa poder ng ama, ang Ate Yasmin niya muna ang bahala rito. Pinangakuan niya na pasusuwelduhin naman niya ito basta alagaan lang nito ang kanyang ama. Pumayag ito dahil wala rin naman itong trabaho sa ngayon.

"Magiging maayos rin ang lahat sa buhay mo, Belle." Pagpapanatag ni Belle sa sarili. Hinawakan pa niya ang dibdib. Ipinikit niya muli ang mata. Kanina pa siya nag-a-attempt na matulog pero hindi niya maggawa dahil nakokonsensya siya sa nangyari kanina. Bukod rin sa iniisip niya ang bagong buhay niya ngayon.

Pero bago pa man mahulog mula sa inaasam na pagpapahinga ay nakarinig ng ingay si Belle. Naggising ang buong diwa niya. Nagmula ang ingay sa kanyang cell phone. Iisang tao lamang ang tatawag sa kanya sa ganoong oras. Iba rin ang ring tone noon kaya sigurado siyang sa isang application iyon galing.

Beast...

Napapikit muli si Belle nang makumpirma nga na ang lalaki ang tumatawag. Pero kasabay noon ay ang pagkagat rin niya ng labi. Magulo ang damdamin niya at dinagdagan pa iyon ng tawag. But she knew she has to do it.

It was Belle's job to entertain the Beast...

---

"HELLO, Beast..."

Kinalma muna ni Belle ang sarili bago niya sinagot ang tawag ng lalaki. Pero maling kilos yata ang ginawa niya. Hindi kaagad nagsalita si Beast. Nairita ba ito dahil matagal niyang sinagot ang tawag?

"Beast?" untag niya ulit sa lalaki. Hindi niya alam ang totoong pangalan ni Beast at ganoon rin naman ito sa kanya. It was part of their agreement. Pabor naman iyon sa kanya. Hindi niya gustong makilala ito ng personal.

Si Beast ang sideline job ni Belle. Sa pakikipag-usap lang rito ay nagkakapera siya. Pero hindi simpleng pakikipag-usap iyon....

Tumikhim muna ang nasa kabilang linya bago nakuha ni Belle ang inaasahan na tugon.

"Let's have a game, Beauty."

Beauty. Iyon ang ibinigay niyang pangalan kay Beast. Awkward, yes. Pero siya ang nauna na magbigay ng code name. Beauty ang ginamit niya dahil na rin sa ibig sabihin ng pangalan niya. Hindi niya sigurado kung kaya ginamit ni Beast ang code name na Beast ay para i-partner sa kanya. Beauty and the Beast, ika nga.

Pero dapat ba na isipin niya iyon? Malayo ang kuwento nila sa kuwento ng Beauty and the Beast. That fairy tale was sweet. What she and Beast have is something sexy...and erotic.

Belle worked for Beast as his personal phone sex operator. Tinatawag rin ang ginagawa nila bilang virtual sex. Sa kaso nga lang nilang dalawa, tanging sa cellphone lang sila nag-uusap. They talked to describe the act of sex and take the imagination on both parties.

Walang choice si Belle. Kailangan niya ng part-time job para magkaroon ng mas malaking kita. Hindi siya magaling sa time management. Bukod pa roon, kailangan rin siya ng ama sa bahay. Ayaw nito na magpa-alaga sa iba. Sa umaga ay ang Ate Yasmin niya ang nag-aalaga rito. Pero palagi nitong sinasabi na kailangan rin ito ng asawa nito kaya may kailangang pumalit rito. Pagkatapos ng trabaho niya, diretso uwi na siya para alagaan ang ama.

Ang pagiging phone sex operator ang nakitang solusyon ni Belle. Hindi naman kasi siya magaling sa mga office works kagaya ng mga virtual assistant na ginagawa ng iba na sideline na gustong nasa bahay lang. Bukod roon, isang kaibigan niya dati sa call center ang nag-introduce sa kanya ng trabaho na iyon. Naniniwala kasi ito na magiging madali lang iyon para sa kanya. Noong nasa call center kasi siya ay ilang beses siyang pinagkakaguluhan ng mga callers dahil may bedroom voice raw siya. Palaging siya ang hinahanap ng mga manyakis na callers. Talent raw ang pagkakaroon ng bedroom voice, sabi ng kaibigan.

Noong una ay nag-aalinlangan rin si Belle sa trabaho. Anong alam niya tungkol sa sex? Isang beses pa lang siyang nagkaroon ng boyfriend. High school pa iyon at dalawang buwan nga lang nagtagal. Inosente pa siya kung maituturing. Pero tinulungan siya ng kaibigan. Magbasa lang daw siya ng mga bagay tungkol sa sex---FHM, Cosmopolitan articles, erotic books at kahit mga articles about sex and phone sex sa internet at iba pang mga libro na may kinalaman roon. Pinahiram pa siya nito noong una. Ganoon rin daw kasi ito noong una. Kagaya nito, natuto rin naman siya.

Si Beast ang unang naging customer ni Belle. Hindi niya masasabi na natuwa siya sa unang conversation nila. Nanibago siya. Nahiya. Iba pa rin pala kapag nababasa mo lang kaysa sa tunay na ginagawa mo. Pero nang kausapin siya ng kompanya na gusto siyang gawin personal phone sex operator ni Beast ay nag-iba ang pakiramdam niya.

Nagustuhan raw ni Beast ang pag-uusap at boses niya. Lumakas ang loob niya. Nanibago man siya pero nakita niya na may talent pala siya. Ipinagpatuloy niya ang pakikipag-usap. Nasanay rin naman siya. Hindi niya masasabi na nag-e-enjoy siya dahil parang fictional rin naman ang lahat ng nangyayari sa kanila. There's just verbal and imagination understanding. No physical contact. Madalas na inaalis rin niya sa isip ang mga napapag-usapan dahil roon. Hindi siya ganoong naba-bother.

Isang Foreign Company ang naging dahilan ng pagkakakilala nila ni Beast. Mahigit dalawang buwan na rin siyang nagtatrabaho kay Beast. May mga bagay na hindi naiwasan na bukod sa sex ay napag-usapan nila. Minsan, nang ma-nosebleed na siya sa usapan nila ay nakapag-Tagalog siya. Natawa noon si Beast. Nag-Tagalog rin ito. Nalaman niyang isa palang Filipino ito. Bagaman sa kabila ng nalaman, madalas na nag-i-english pa rin si Beast. Sa tantiya niya, mayaman ang lalaki kaya ganoon na lamang ito magsalita. And of course, papayag ba ito na magbayad para sa phone sex kung hindi ito mayaman? Madalas ay binibigyan rin siya nito ng bonus. Malaki ang kinikita niya sa sandaling pag-uusap nila ni Beast sa application ng agency na iyon. It was downloaded on her phone. Doon sila nagkakausap ni Beast. Kailangan ang application para ma-monitor ng kompanya kung ilang oras siyang pinakinabangan ni Beast. Nasa oras ang rate kung paano siya susuweldo. Puwedeng magdagdag ng bonus kung gugustuhin ng customer.

"Anong laro, Beast?"

"Let's role play." Sagot ni Beast.

Nakaramdam ng kakaibang nginig sa katawan si Beauty. Noon lang niya inintindi ang boses ni Beast. Naalala niya ang sinabi ni Sir Jace kanina. Pamilyar daw ang boses niya. Ngayon ay nakakaramdam rin siya ng familiarity. Bakit parang kapareho yata ng boses ni Sir Jace ang boses ni Beast?

Pero hindi na lang inintindi ni Belle ang nasa isip. Napakaliit ng chance. Isa pa, paano kung naapektuhan lang ng mga iniisip kanina ang line of thinking niya?

"Your pleasure is my pleasure, Beast. Tell me the theme..."

Bahagyang hinilot ni Belle ang lalamunan nang sabihin niya iyon. Hindi niya puwedeng ipahalata kay Beast kung mapapalunok siya. A phone sex operator should be confident. Kapag lumunok siya, magpapakita lang iyon ng pakiramdam na kinakabahan siya na siyang nararamdaman niya ngayon.

Sa dami ng nabasa, alam na rin ni Belle ang tungkol sa role-play. Pero ngayon pa lang nila iyon gagawin ni Beast. Tanda naman niya ang ginagawa sa role-play at kahit tips kapag ginagawa iyon sa phone. Pero iba pa rin kapag bago ang lahat.

Narinig niya ang ungol ni Beast sa kabilang linya. "I am incapacitated, Beauty. I can't walk."

"So it wasn't just your cock that is aching..."

"Yes. Pinaghahalo ng sakit na nararamdaman sa paa ko na naaksidente ang pagnanasa ko sa therapist ko."

"W-what?" Nawalan yata ng hangin sa paligid ni Belle. Pinagpawisan siya. An incapacitated man? Therapist? Kahawig na boses ni Sir Jace? Teka, role play ba talaga ito?!

Iniisip mo lang ito, Belle. Coincidence. Madalas naman na nangyayari 'yan... Kinalma niya ang sarili. Hindi siya puwedeng magtanong kay Beast. Personal na bagay na iyon. Nasa agreement nila na hindi allowed ang sharing of personal information.

"I mean, what happened that made you lusting over me, Sir?"

"The simple touch of your skin made my throat grow dry..."

All right. Role play nga ito. Bakit siya pagnanasaan ng kanyang kliyente? Hindi pa niya nahahawakan ito kagaya ng dahilan ni Beast sa therapist nito.

"I love touching yours too, Sir..." Umungol si Belle. It made the situation sensual and sexy---na dapat lang naman.

Umungol rin si Beast. Nag-init si Belle. Iyon ang bagay na ikinatutuwa niya sa ginagawa, bukod sa pera. The heat gave her pleasure.

Natatakot ang nararamdaman niya. Well, nakakatakot naman talaga na may nararamdaman siya. Trabaho ang lahat ng ito. Though a big part of it was a pleasure for her client's part, hindi dapat sa kanya. Dapat na malaman niya na hindi magkakaroon ng katotohanan iyon. Masuwerte siyang tumagal ang pag-uusap nila ni Beast. Pero hindi ibig sabihin na palaging ganoon. Hindi siya dapat umasa na pang-habang buhay iyon para i-enjoy niya. Siya lang rin ang masasaktan sa huli.

"Will it be okay if I press the heels of my palms deep into your silken flesh, Sir?"

"It's a pleasure. Nagugustuhan mo rin ba iyon, Miss Therapist?"

"Of course, Sir. My cheeks are actually in heat."

"I'm not seeing that. Nakadapa ako sa kama. Nangyayari iyon sa 'yo dahil lang sa paghawak mo sa akin?"

"No, Sir. I am also distracted seeing you wearing nothing but a pair of close-fitting red briefs..."

Nakagat ni Belle ang ibabang labi pagkatapos sabihin iyon. Isa siyang physical therapist. Marami na siyang pasyente na nahawakan. Nakakita siya ng iba't ibang klase ng katawan. May mga matitipuno rin naman. Pero kailanman ay wala pa siyang naramdaman na ganoon. Sinanay na sila noong college na masanay sa paghawak sa mga balat at makakita ng kahit maseselan na bahagi ng katawan. Kaya paano ba niya nasabi iyon?

May pumasok na pigura sa isip ni Belle---si Sir Jace. Hindi ba't sinabi na niyang guwapo ang lalaki? Maganda rin ang katawan nito. Ngayon lubos na nag-sink in sa isip niya ang magiging trabaho. Totoong nag-iinit na ngayon ang kanyang pisngi.

Tukso!

"Good to hear that. Then tell me what are the other parts that you already feel that are also in heat..."

What are the other things that make him feel aroused? Biglang pumasok sa isip ni Belle. Kilala na niya si Beast. Parang lahat naman ay gusto nito. But her voice, her moans...iyon ang pinaka-alam niyang pinaka-gusto nito. Tuwing umuungol siya ay umuungol rin ito. Senyales iyon na nagugustuhan rin nito ang ungol.

Umungol ulit si Belle.

"Your voice is also in heat, Miss Therapist?"

"I believe so, Sir. Nawawalan ng tubig ang lalamunan ko. And it's because of the scorching heat that travelled around my body."

"Are there parts that are already in sweat now?"

"My breasts..."

"Yes..." He said those words in a hoarse voice. Pasimpleng lumunok na ngayon si Belle. Pakiramdam niya ay nagkakatotoo na naman ang sinasabi niya. Nawawalan ng tubig sa lalamunan niya. Naapektuhan rin siya sa boses ni Beast. His voice feels so fucking hot, too. "Pinagpapawisan lang ba iyon?"

"It's also aching."

Another moan from Beast. "I'm incapacitated. What should we do?"

"Pati po ba ang kamay niyo ay wala rin na silbi?"

"You got me there, Beauty." Tumawa si Beast. Nakakatukso ang tawa na iyon na kahit mina-master na naman ni Belle na huwag magpa-apekto ay nararamdaman niya.

"Beauty?" si Belle naman ang tumawa. "I'm Miss Thereapist, Sir."

Tumawa muli si Beast. "I really really like you, Beauty."

"Miss Therapist," Pagtatama ulit ni Belle. "So, Sir. Anong gusto mo? Should I have the pleasure to ease the ache or should you?"

"Tell me what you prefer, Miss Therapist."

"It's you, Sir. I will always prefer you to return the pleasure..."

"F-fuck..." Nanginginig ang boses na wika ni Beast. "Ginagawa mo ba ito dahil naawa ka sa akin?"

Kumunot ang noo ni Belle. Bakit may pakiramdam siya na may sakit sa boses ni Beast ng sabihin iyon? This is just a role play. Pero kung palabasin ni Beast ang kuwento ay parang nangyari iyon sa totoong buhay. Parang may halong hugot ang sinabi nito.

"You aroused something in me with just the feel of your skin. May nararamdaman rin ako, Sir. Hindi lang iyon dahil naawa ako sa 'yo. I like you too, that's why I choose you."

Malakas na umungol ang kliyente sa kabilang linya. "Thank you, Miss Therapist."

Lalong nagtaka si Belle. Thank you? Kaagad-agad? Dahil lang roon? Napakababaw. Bukod pa roon ay iyon ang unang beses na narinig niya na magpasalamat si Beast sa kanya.

"Do you want to go further now, Sir?" wika na lamang ni Belle pagkatapos. "Do you want to touch my breasts now?"

"I want to massage it the way you massage my body."

"Then do it..."

Nakarinig ng kaluskos sa kabilang linya si Belle. It made her bite her lips. Natutukso rin siya na tignan ang dibdib niya na ngayon ay nararamdaman na nga ang sinabi niya kay Beast. There was a pleasurable ache in there. Nagkakaroon rin ng "ache" sa kamay niya para hawakan ang dibdib.

No, no... it shouldn't be. Only business, okay? Umungol si Belle. It was part of the business. But there's also a part, a big part actually, that it was also because of pleasure...

"Hindi mo ba ako tutulungan, Miss Therapist?"

Umungol muli si Belle. "I'd love you to solely pleasure me, Sir..."

Naging mabilis ang paghinga ng kliyente sa kabilang linya. "Good God, yes..."

"You love it, Sir? You love playing with my breasts?"

"Yes, yes, yes. I-if only I could do that really to you..."

Lumakas ang tibok ng puso ni Belle. Ibig sabihin ba noon ay iniisip rin nito na makipagkita sa kanya?

Pero...

Napapikit si Belle. May parte rin naman niya ang nagsasabi na gusto rin na makita si Beast. Umaasa siya. Napapasaya rin naman siya nito sa paraang hindi niya inaasahan. Pero naroroon pa rin ang takot. Hindi niya kilala ang totoong Beast. Isa pa, ang pinagagagawa nila---hindi niya sigurado kung magagawa na niya iyon sa totoong buhay. It should be just a job after all.

"I'd like to be with you, too."

It was just a phone conversation after all. Pagpapanatag ni Belle sa sarili. Hindi ibigsabihin na sinabi niya iyon, makikipagkita na talaga siya.

Walang paraan si Beast para makilala siya. Restricted ang mga files niya sa kompanya. Bukod pa roon, fake na address rin ang ibinigay niya. Mahirap na. Hindi naman mahigpit sa requirements ang kompanya.

"Even I am a Beast and you are a Beauty?"

"That's just code names..."

"Pero paano kapag nalaman mo na isa talaga akong Beast sa totoong buhay? Makikipagkita ka ba sa akin?"

"And what if I'm not really a Beauty? Will you also meet me?"

"Hmmmm...Good point. Good night, Beauty."

At ang sunod na narinig ni Belle ay ang tunog ng pagpatay ng cell phone.

Napabuntong-hininga at napailing si Belle. Nainis siya. Hindi naman iyon ang unang beses na nangyari iyon. Madalas na binibitin siya ni Beast sa ere. Kaya kung nararamdaman man niya na sineseryoso na ni Beast ang usapan nila at hindi na lang puro laro kagaya ng dahilan ng pagpili nito sa kanya, hindi na dapat siya umasa.

Masasaktan lang siya. It was bad to mix business and pleasure.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.