Library
English
Chapters
Settings

3. Jace x Belle

NATAGPUAN ni Jace ang sarili na nililibot ang paligid ng mansion. Nakakainip rin naman kung palagi na lang siyang nasa loob ng mansion. Dalawang araw na siyang walang ginagawa dahil sa pagpapaalis niya kay Maricar. Ano ba naman kasi ang mapapagka-abalahan ng isang kagaya niya na imbalido kung ituring ng marami? Ang inaasahan lang sa kanya ay magpagaling. Wala pang pinapadala na kapalit ang Ate Jackielyn niya kahit ipinangako nito na hahanap kaagad para sa kanya.

Mag-isa lang si Jace na nililibot ang mansion. Ipinilit ng isa sa mga kasambahay na ito ang magtulak ng wheel chair. Pero dahil ayaw niyang maramdaman na napaka-imbalido niya, iginiit rin niya na kaya niya. Kaya naman niya talaga. Paa lamang ang napuruhan nang matindi sa kanya. Bagaman nagkaroon rin ng mga sugat ang kanyang kamay ay gumaling rin naman kaagad iyon ngayon. Maayos na nagagamit na niya iyon para maitulak niya ang sarili at makapunta sa lugar na gusto niya na walang kasama.

Nakarating si Jace sa hardin ng mansion. It was named Rose Garden. Rose, hindi lang dahil puro roses ang nakatanim roon, pero iyon ay dahil sa kanyang ina na ang pangalan ay Rose.

Ang isla ang paboritong get-away ng pamilya ni Jace. Noong bata pa siya, kapag bakasyon, ay doon sila nanatili. As much as possible, gustong mapuntahan ng mga magulang niya ang isla na siyang nagpakilala sa mga ito ng isa't isa. Dalawampu't dalawang taong gulang ang kanyang ina noon nang lumubog ang barko na sinasakyan nito at ng pamilya nito. Dinala ng alon ang ina sa isla na iyon na pagmamay-ari ng Lolo niya. Ang ama niya ang nakakita rito. Inalagaan nito ang kanyang Mama hanggang tuluyan na gumaling ang mga sugat nito. Nagka-in love-an ang mga ito pagkatapos.

True love---iyon raw ang mayroon sa mga magulang niya. Naniniwala naman roon si Jace. Saksi siya sa pagmamahalan ng kanyang mga magulang. Three years ago na simula nang mamatay ang kanyang Mama sa sakit na cancer at one year ago naman ang kanyang ama dulot ng mga sakit na dinala ng depression nito sa pagkamatay ng ina. Hanggang sa huling hininga ng mga ito, ang isa't isa pa rin ang bukang-bibig ng mga ito. Ang rose garden ay pinaggawa ng kanyang ama bilang pag-aalala sa lugar kung saan ang mga ito nagkakilala at nagkahulugan ng loob. Iyon rin ay pag-aalala sa hilig ng kanyang ina. Mahilig ito sa mga bulaklak.

Masaya na malungkot si Jace sa pagkakita ng hardin. Masaya dahil pinapaalala noon ang magandang alaala ng kanyang pamilya. Malungkot dahil may pakiramdam siya na hindi na siya makakita ng pag-ibig na kagaya ng mayroon ang Mama at Papa niya.

Napatingin si Jace sa kanyang mga paa. May magmamahal pa rin ba sa kanya gayong imbalido na siya? Walang kasiguruduhan kung kailan siya gagaling. Nawawalan na siya ng pag-asa sa bawat buwan na lumilipas. Nami-miss na niya ang dati niyang buhay.

Matagal rin na napapaisip si Jace tungkol sa buhay niya kaya hindi niya napansin na may kasama na pala siya sa hardin. Napataas ang kilay niya. Hindi pamilyar sa kanya ang taong nakita. Sigurado siyang hindi ito isa sa mga kasambahay nila na siyang kasama lang niya sa bahay. Nag-iisang kapatid lang niya ang Ate Jackielyn niya at may sariling negosyo itong inaasikaso, bukod pa na sa Maynila nakabase ang pamilya nito.

Estranghero. Paano ito nakarating sa isla nila? Anong ginagawa nito roon? Ang mga salitang iyon ang kaagad na pumasok sa isip ni Jace. Unti-unti niyang iginalaw ang wheel chair niya para makita ang babae. Kailangan niya na paalisin ito. Kahit ang mga bisita nila ay hindi nila pinapasok sa hardin na iyon. Paano nakapunta roon ang babae?

Pero tila walang pakialam ang babae. O bingi ito? Hindi man lang nito naririnig ang tunog na nagmumula sa wheel chair niya. Pero habang palapit ay lumalaki naman ang pakialam niya sa babae. Nagiging malinaw sa kanya ang itsura nito.

Maganda, iyon ang pumasok sa isip ni Jace sa unang tingin pa lang sa babae. She has creamy skin and small pointed nose. It was the kind of face that you normally see in a make-up ads. Bagaman medyo nag-aalinlangan siya kung sadyang may make-up nga ang mukha ng babae. Everything in her face looks natural, including her lips. It was red, lush and looks so sensual na kaunting pagtingin pa lamang niya roon ay nakakaramdam na siya ng pagkauhaw. May pakiramdam rin siya na sa simpleng pagtingin na iyon ay kissable ang labi nito. Ridiculously kissable, perhaps? Dahil ridiculous ang nararamdaman niya ngayon. Hindi pa man niya natitikman ang labi nito ay may pakiramdam siya na kaya na niyang i-larawan iyon.

Pero mas naging ridiculous pa ang pakiramdam ni Jace nang hindi niya mapigilan na ibaba pa ang tingin sa babae. Nagustuhan rin niya ang nakikita. Nakasuot ito ng puti na blouse pero hapit iyon sa katawan nito. Because of that, he had a good view of her perky breasts. It was small but it was just perfectly fit right to her petite frame. Pero hindi ganoong klase ng babae ang gusto niya. Mas gusto niya ang mga model-like na katawan.

Hilig ni Jace ang may mga mahahabang hita. He liked to lick and kiss legs as part of a sex-foreplay. But this girl's sexy little body was a total turn-on. She has a good wholesome figure but with right noticeable curves. And with just a pulsing look, the air became exotic. Parang sandaling nawalan siya ng hininga at nanuyo ang lalamunan.

Ikinurap ni Jace ang mga mata. Ano ba itong nararamdaman niya? Bakit niya pinapansin ang mga bagay na iyon sa babae? Madalas lang siya na tumitingin sa ganoong pag-iisip sa isang babae kapag nasa bar ang mga ito. Nasa isang pribadong hardin sila ngayon. At mas kailangan niyang pansinin ang dahilan kung bakit ito walang paalam na pumasok roon.

Kinalma ni Jace ang sarili. Patuloy na nilapitan niya ang babae na hindi iniisip ang mga naunang isipin. After all, mukhang inosente naman ito. Wala pa rin na muwang ang babae sa paligid kahit kakaunting distansya na lamang ang namamagitan sa kanila ngayon. At lalo niyang napatunayan na wala talaga itong kaalam-alam ng hawakan nito ang isa sa mga rosas roon at pinitas.

Mula sa paghanga ay napunta sa galit ang nararamdaman ni Jace. Sinita niya ang babae. Sinigawan niya ito.

Namutla ang mukha ng babae. Doon lang nito ibinaling ang tingin sa kanya.

"S-sir?" nanlaki ang mata nito. Halatang nagulat ito, pati na rin ang boses. Pero hindi niya sigurado kung gulat ba iyon na nahuli niya ito o dahil sa nakita nito ang anyo niya. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.

Mas lalong nakaramdam ng sama ng loob si Jace. Nilapitan niya ang babae. Papagalitan niya ito.

"How dare you trespass not just in our island but also in this garden?"

Kinagat ng babae ang ibabang labi nito. Parang maiiyak ito na hindi mawari. Hindi ito nakapagsalita. "Sino ka at anong ginagawa mo sa lugar na ito?"

Hindi pa rin nakakilos ang babae. Ang rosas naman na pinitas nito ang siyang binigyan nito ng atensyon. Napadiin ang hawak nito roon. Nabaling ang tingin niya sa kamay nito na ngayon ay may tumutulo ng dugo.

"Fuck..."

"Oh, oh no!" wika ng babae. Mas maputla na ang mukha nito ngayon kaysa sa kanina.

Si Jace naman ang nakaramdam ng takot nang biglang mawalan na lamang ng malay ang babae sa harapan niya.

---

"ATE, bakit mo naman ako binigyan ng kuting?!"

Natigil sa pagpasok si Belle sa kuwarto ng boss nang marinig ang boses nito. Hindi man pinangalanan, may pakiramdam siya na siya ang sinusumbong nito na "kuting" sa Ate Jackielyn nito.

Isa raw siyang kuting. Ibig sabihin lang noon, maliit at mahina siya. Fine, nagbigay siya ng bad first impression kay Jace Arkaina. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay ganoon na talaga siya.

Napatingin si Belle sa salaming pader na nasa harap niya. Nakikita niya sa repleksyon ang maliit na bulto ng kanyang katawan. Pero wala na naman siyang magagawa roon. Sadyang hanggang 5'2 lang ang height na ibinigay sa kanya ng Diyos. Ang katawan niya, gaano man niya gustuhin na kumain ng marami ay hindi nabibigyan ng timbang. All right, siguro nga ay mukha siyang maliit at mahina sa itsura niya. But Jace Arkaina didn't know her after all para basta na lang husgahan siya.

Napakurap si Belle nang sa repleksyon ay nakita niyang sinampal niya ang sarili niya. Nagkakaroon yata siya ng hallucination. But then, hallucination man, pakiramdam niya ay nararapat lang rin naman iyon. Mali siya at tama si Jace. Mahina siya. Dahil kung matapang talaga siya, hindi dapat siya pupunta sa isla na ito.

Hindi dapat siya magtatago...sa maraming bagay.

Huminga nang malalim si Belle. Kailangan niyang patunayan na mahina lang siya sa ibang bagay. Pero magaling at may papatunayan siya sa ibang bagay.

Nang marinig niya na nag-"bye" na mula sa kausap ang amo ay doon siya kumatok. Pumasok siya nang marinig niya ang pagkumpirma nito.

Ismid ang bungad ni Jace Arkaina nang muli silang magkita. Muli, tinanggap na naman ni Belle ang adjective na mahina siya. Simpleng negatibong reaksyon lang nito ay naapektuhan na siya. Nanghina ang tuhod niya.

Be strong, my knee. Be strong, Belle... nag-chant siya sa sarili. Pero habang lumalapit kay Jace ay lalo lamang siyang nakakaramdam ng paghihina ng katawan. Habang naglalakad ay sinusukat kasi siya nito ng tingin. It feels like a long pulsing moment. At si Belle ay hindi rin naman maiwasan na mapatingin rito habang libreng ginagawa nito iyon sa kanya.

Napaka-bilis na nakuha ni Belle ang trabaho na ito. Kahapon lang siya kinausap ni Miss Jackielyn Montefalco para maging physical therapist ng naaksidenteng kapatid nito. Natanggap kaagad siya. Kaninang alas siyete ay nagbiyahe siya patungo sa isla na pagmamay-ari ng pamilya sa Palawan. Doon raw nagpapagaling ang kapatid alinsunod sa gusto nito. Pero kahit sandali lang nakapaghanda, naghanap rin siya ng kaalaman tungkol sa pamilya, lalo na sa taong magiging pasyente niya...in an indefinite time.

Kinilala na ni Belle si Jace Arkaina. Nagbasa siya ng mga artikulo mula rito sa internet. An heir, a business man and a wild playboy. Ayon sa balita na nabasa niya mula sa aksidente nito, ang huling adjective ang dahilan kung bakit nangyari iyon.

Matinik rin. Nasa isip-isip ni Belle ng malaman ang balita. Nabaliw ang isang babae rito. Pero nang makita ang mga larawan ni Jace ay hindi na rin nagtaka si Belle. Napakaguwapo nito kaya talagang pagkakaguluhan ng mga babae.

But then, his pictures didn't give justice on what she was seeing right now.

Oo, malaki ang pinagbago ni Jace sa mga larawan na nakita niya sa internet kaysa sa nakikita niya ngayon. Pero guwapo pa rin naman ito sa kabila ng mahabang peklat na nakuha nito sa aksidente. He still had those breath-snatching good looks, with glossy black hair and olive-toned skin. Gusto rin niya na purihin ang bilugan ang hugis at kulay tsokolateng mata nito kung hindi nga lamang makikita ang galit mula roon.

"Good morning, Sir."

Kumunot ang noo ni Jace. "Ano?"

Naghanap ng orasan sa kuwarto si Belle. Alas diyes pa lang ngayon. Alas siyete ng makarating siya ng isla. Kumain siya at naghanda. Pero dahil alas diyes pa raw ang oras kung kailan mag-start ang physical training activities ni Jace ay gumala muna siya sa mansion at sa labas noon. Napadpad siya sa hardin na puno ng roses. Namangha siya sa ganda noon...at natakot. Nahuli siya ni Jace. Ang masaklap pa, nasugatan siya mula sa tinik ng pinitas niyang bulaklak. Takot siya sa dugo kaya nahimatay siya---na medyo OA siguro pero sinamahan na rin iyon ng takot sa nakahuli sa kanya. Nakakatakot naman kasi ang naging reaksyon nito.

"Ha? Hindi pa po ba umaga?"

Kunot na kunot ang noo. "Hindi iyon. I-it's your voice. Parang pamilyar iyon."

Napakunot noo rin siya. Pinakiramamdaman niya kung pamilyar rin sa kanya ang boses ng lalaki. Medyo. Pero hindi niya dapat iniisip iyon. Ngayon lang niya ito nakilala. Paanong magiging pamilyar ito sa kanya?

Unless...

Inalis ni Belle sa isip iyon. May bilyong tao sa mundo. Napakaliit ng tsansa na ito ang lalaking pumasok sa isip niya. Dala na lang siguro ng sobrang takot niya kanina kaya kung anu-ano ang nasa isip niya.

"Pamilyar? Pero narinig niyo na po ang boses ko---"

"Alam ko. Pero natatakot ka kanina. Naapektuhan noon ng emosyon mo ang boses mo..."

Napalunok si Belle. "Paanong pamilyar ang boses ko?"

"Your voice is smooth, sensual, sexy.... Ang paraan mo ng pagbati sa akin ay parang kagaya ng kay---" Napapikit ang lalaki. Umiling-iling ito. "You shouldn't really be here."

"Tanggap ko naman na nakakahiya ang nangyari kanina. Pero hindi ibig sabihin noon na mahina ako. Bigyan mo ako ng pagkakataon, Mr. Arkaina."

"Bigyan mo ako ng magandang dahilan para roon. Two have tried...pero walang kahit sino sa kanila ang nakapagpagaling sa akin."

"It's just three months, Sir. Hindi simpleng aksidente ang nangyari sa inyo. But don't you worry, Sir, I have some methods---"

"Method?" tinaasan siya nito ng isang kilay. "Care to tell some?"

"Combination of traditional and complementary therapies. Depende sa kliyente. Siyempre, kailangan ko rin na i-consider ang diet at lifestyle nila."

"I have a very active lifestyle then, Miss---?"

"Belle. You can call me, Belle." Ngumiti si Belle.

Natigilan si Jace. Bahagyang natulala ito sa kanya.

Namula si Belle. Naapektuhan ba ito sa ngiti niya? "M-may problema ba, Sir?"

"Your smile. I don't like your smile. Huwag kang ngumiti," umismid pa ito.

"Ang taray naman nito," hindi naiwasan na magkomento ni Belle. "Pero sige na nga, intindihin na lang. You were saying you have an active lifestyle then. Puwede mo ba na sabihin sa akin kung anong mga activities ang ginagawa mo na active ka?"

"Sex," walang gatol na sabi nito.

"S-sex..." wala sa sarili na nasabi ni Belle sa gulat. Bahagyang natulala pa siya. Namula rin siya.

Dumilim ang mukha nito. "Why is your voice like that?"

"Huh?" nasa una pa rin na sinabi nito ang nasa isip ni Belle.

Umiling si Jace. "Tatawagan ko si Ate. I don't like you as my PT."

Nanlaki ang mata ni Belle. Malinaw na narinig na niya ang sinabi ni Jace. Nabuhay ang lahat sa kanya. "Teka, hindi puwede! Ni hindi mo pa nga ako alam kung ano ang kaya kong ibigay sa 'yo, sumusuko ka na agad?"

Tumaas ang isang kilay nito. "Paano mo nasisigurado na maibibigay mo talaga sa akin ang kailangan ko?"

Humalukipkip si Belle. "Edi sabihin mo sa akin ngayon kung ano ang sa tingin mo ay kailangan mo. I'll try to fulfill it. Papatunayan ko sa 'yo na hindi ako ang unang inakala mo. Hindi ako mahina dahil lang nakita mo na nahimtay ako sa dugo---"

Natigilan si Belle nang ngumiti si Jace. Hindi niya inaasahan iyon. Kanina ay napakasungit nito. Even his mouth was set in an intractable line. It was flat because of his mood and temper. Naiisip niya lamang kanina kung anong itsura nito kapag ngumingiti. Pero hindi niya maintindihan kung bakit kinabahan siya kaysa ang mapangiti rin.

There was something in his smile. Nakakaloko iyon. Bumabawi ba ito sa kanya? Ang sabi nito sa kanya ay hindi raw nito nagustuhan ang ngiti niya. Ngayon ay binibigyan siya nito ng ngiti na paano ba niya ilalarawan? Flirty, sexy---shit! Not those words!

Ano bang gustong palabasin ng boss niya? Kanina ay sinabi nito na sexy ang boses niya. Fine, wala na siyang magagawa roon. Even her friends say so. Even someone dear in her life says so. Pero wala dapat sila sa usapin na iyon.

Nagsisimula pa lang siya. Gusto rin niyang maniwala na business ang pinunta niya rito. Pero sinong niloko niya? Magtatrabaho siya para sa isang lalaking tinuturing ng nakakarami na sex God bago ang aksidente. Sa una pa lang, alam niya na magiging malaking tukso iyon.

Pero kailangan ni Belle na maging matatag. Iyon nga ang dahilan niya kung bakit pumayag siya na malayo sa pamilya at magtrabaho sa malayong lugar. Kailangan niyang lumayo sa tukso.

Bakit ba kasi isa kang malaking tukso, Jace Arkaina?

He looks so hot wearing that smile...and Belle wanted to be damned because she was a normal female. Mabilis na naapektuhan siya roon. With just a sexy smile, it made her senses come alive. At hindi lang basta senses. The reaction caused her nipples to prick against the cotton fabric of her shirt.

This is trouble. Nasa isip-isip ni Belle. Hindi niya dapat nararamdaman iyon!

"Paano kung sabihin ko sa 'yo na bukod sa therapies ay kailangan ko rin ng extra-service?" wika nito at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Naroroon pa rin ang nakakainis na ngiti sa labi nito.

Hell, this is really trouble...

May pag-iinit na nararamdaman rin si Belle. Pero napaka-arogante naman ng lalaking ito. Hindi tama iyon. Kaya hinayaan niya na lahat ng pag-iinit niya ay mapunta sa kanyang ulo. Mabilis naman na napuno ng init iyon na siyang nagbigay lakas sa kanya para itaas niya ang kamay.

Nakatikim ng malutong na sampal si Jace sa sinasabi nitong kuting.

Well then, let you hear the kitten roar...

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.