Library
English
Chapters
Settings

5. Enchanting (Erotic) Session

"YOU'RE not giving up." Nagtagis ang bagang ni Jace nang alas diyes kinabukasan ay nakita niya ulit ang physical therapist. Ang buong akala niya, pagkatapos niyang bastusin ito kahapon ay umalis na ito. Wala naman kasi siyang naging balita rito. Pagkatapos nitong umalis ay hindi na ito bumalik. Hindi siya sumasabay sa pagkain sa mga empleyado nila sa isla. Halos hindi rin siya umalis ng kuwarto niya kahapon kaya hindi na rin niya ito nakita. Sa kasalukuyan ay nasa kuwarto rin siya.

Sa kuwarto ni Jace ginagawa ang mga physical therapies para sa mahinang paa. Na-operahan na iyon pero hindi iyon sapat para lubos na maging maayos. Nakakagalaw pero mahina iyon. Physical therapy ang kailangan para mapalakas iyon.

Pero dahil hindi gusto ni Jace na makita ng maraming tao sa nakakaawang lagay, wala sa option niya ang pumunta sa rehabilitation center ng ospital para roon. Kumukuha na lang ng sariling physical therapies at bumili sila ng mga gamit na kailangan. Available ang mga gamit na iyon sa kuwarto niya.

"Good morning! How are you today?"

Mas lalong tumagis ang bagang ni Jace sa siglang ipinakita ni Belle. Hindi rin niya nagustuhan ang tinig nito. There was something sensual about her voice. Pakiramdam niya ay naloloko siya. Naiiisip niya si Beauty. Kahawig ng boses ni Belle ang babae.

But Belle couldn't be Beauty. Kahit naiinis siya kay Belle ay hindi maitatangging inosente ang mukha nito. Hindi niya pa nakikita si Beauty pero dahil na rin sa mga ginagawa nito, ramdam niya ng malayo sa pagiging inosente ang itsura nito. Coincidence lang na may hawig ang boses ni Belle kay Beauty. Coincidence lang din na inosente ang mukha ni Belle pero may pagka-sensual pakinggan ang tinig nito. Isa pa, napepeke ang boses.

"Hindi maayos ngayong nakita kita. Bakit nandito ka pa? Ah, siguro ay nagbibigay ka nga ng extra service at---"

"Ang taray mo talaga, Sir."

Umingos si Jace. Lalo siyang naasar. "Don't call me, Sir. Just call me Jace."

Ngumiti si Belle. Ewan ni Jace kung bakit nakaramdam siya ng nginig sa nakita niyang iyon. Parang gusto rin niyang matulala. Pero nang magsalita si Belle ay itinigil niya ang pagpapantasya.

"Wow, first name basis? Nag-iinarte ka pa. Gusto mo rin naman pala na makipag-close sa akin,"

You don't even know the half of it. Wika ni Jace sa isip-isip. Sanay si Jace na tinatawag na "Sir". Lumaki siya na may ginintuang kutsara sa bibig. Pero dahil sa nangyari kagabi, pakiramdam niya ay maiilang na siya. Tinawag siyang "Sir" ni Beauty dahil sa role play theme nila kagabi. His cock stirred when he remembers what happened last night...

Jace felt so horny after his encounter with Belle at the bath room. Hindi siya mapakali kaya tinawagan niya si Beauty. Gusto niyang ilabas ang frustration sa nag-iisang taong nakakatulong sa kanya when it comes to sexual needs.

"But you know, I preferred to be professional sana. I work for you as your physical therapist---"

"Damn." Nag-react ulit ang pagkalalaki ni Jace nang marinig ang therapist. Gusto niyang batukan ang kanyang sarili. Bakit ba siya nakipaglaro ng ganoon kay Beauty? Ngayon ay pahihirapan niya ang sarili niya!

"May masakit ba sa 'yo, J-Jace?" Nakita niya ang pag-aalala ni Belle. Mabilis na lumapit ito sa kanya. Dinaluhan siya nito.

Ngumisi si Jace. "Kapag nalaman mo ba ang masakit na iyon ay willing ka rin na gamutin iyon?"

Kumunot ang noo ni Belle. Pinadali naman niya ang pag-iisip nito sa kung ano ang ibig niyang sabihin nang tignan niya ang parte na "nanakit" sa kanya. Tumingin si Jace sa pagitan ng hita niya.

Namula si Belle. Muling naalala ni Jace ang sinabi ni Beauty. My cheeks are in heat. Magiging ganoon rin ba kaganda ang itsura ni Beauty kapag namumula ito?

Pero sa nangyari ay si Jace pa ang agrabyado. Gumawa si Jace ng mga panunukso na siyang tutukso rin sa sarili niya.

"You're a tease, Sir---este Jace."

"And you should feel bad about it, Belle. Gusto ko na ganoon ang maramdaman mo."

"Pero hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Hindi ako aalis. Hindi ako kagaya ng inaakala mong kuting."

Jace snapped. "So you've heard my conversation with my sister. Binigyan mo lang ako ng dahilan para lalo akong mainis sa 'yo. Gusto kong umalis ka na dito."

"Iyon lang naman ang narinig ko. Pero don't worry, gagawin ko na motivation iyon sa halip na masamain ko." Nagkibit-balikat pa si Belle.

"I've already saw the tiger in you, Belle. Hindi mo na kailangan na patunayan ang sarili mo."

"I should. Dahil iyon ang responsibilidad ko." Tinignan ni Belle ang kanang paa niya. "There's a feeling right?"

"It's your responsibility to know. Hindi mo na dapat ako tinatanong diyan. Paano ba ako maniniwala kung ganyan ka?"

Sinusubukan ni Jace na taasan ang boses. Hindi niyang paalisin ang tukso. Puwes, kailangan niyang magalit. Kailangan niyang pairalin ang init ng kanyang ulo. Naniniwala siya na isa nga itong kuting. Mahina ito. Aalis rin ito kapag nakita na nito kung gaano siya kasama.

Hindi puwedeng magtagal si Belle sa isla. Hindi niya gusto. May kakaibang pakiramdam siya rito. Naasar siya at malaking dahilan noon ay dahil natutukso siya.

Nadala na si Jace sa ginawa sa kanya ni Britney at Maricar. Hindi na niya gustong magkaroon pa ulit ng panibagong babae na gugulo sa mundo niya. Delikado na. Maliit pero maganda si Belle. Gusto niya ito. At ang boses nito---kung patuloy niya na maririnig iyon ay palagi lang niya na maalala si Beauty. Hindi puwede iyon. He couldn't be thinking of lust everytime because that is what Beauty to him. Matagal ang mga theraphy session niya. Baka lalo siyang magkasakit kung matagal siyang matutukso at wala naman siyang magagawa roon.

"Tumalikod ka, Sir." Biglang wika ni Belle.

Tinaasan niya si Belle ng isang kilay.

"Kailangan mo na maniwala." Hinawakan siya ni Belle. Nabigla si Jace. Mainit ang kamay nito. Napalayo pa siya dahil parang mapapaso siya.

"Ano ba?!" Hindi pinahalata ni Jace na naapektuhan siya sa simpleng hawak na iyon ni Belle. Nag-init ang katawan niya pero mas pinagana niya ang init ng ulo.

Hindi nagsalita si Belle. Pero hindi pa rin ito tumigil. Gamit ang maliliit na kamay nito ay pinilit siya nito na dumapa sa kama niya.

"We have to do a massage first before the other physical activities..."

Massage. Another restricted word. Pero paano ba niya maiiwasan iyon kung normal na parte na naman iyon ng physical therapy niya?

Napaungol tuloy si Jace. Pero nanalangin siya na sana ay na-perceive iyon ni Belle na ungol na nagrereklamo at hindi ungol dahil nag-iinit siya.

Narinig niya ang tunog ng pagbubukas nito ng oil. Nang muli nitong hawakan ang kanyang kamay, mas mainit pa iyon kaysa kanina. Dala siguro ng oil, pagpapanatag ni Jace sa sarili. Pumikit siya. Bakit ba siya nakakaramdam ng init sa simpleng hawak lang ni Belle? Halos estranghero pa nga ang babae sa kanya! And he learned his lessons well on dealing with strangers...

Nag-apoy ang katawan ni Jace nang magsimula si Belle na haplusin ang kamay niya. Her movements are slow and deliberate at first. Kumawala muli ang ungol sa bibig ni Jace.

"Relax. Hindi kita sasaktan."

Gustong maniwala ni Jace na hindi nga gagawin iyon ni Belle. But in the way she was doing, he wondered if she was trying to torture him. Nagugulo rin ang utak niya. Ang sarap sa pakiramdam ng kamay nito. But then, it was torture. Napapaisip tuloy siya kung heaven o hell ba ang pakiramdam. O siguro it's a mixture of both.

Sa pagdaan ng mga oras ay nagiging mahirap ang paghinga kay Jace. He also found himself lost in the sensations she was producing. She had a touch of an angel. Nagugustuhan iyon ng paa niya at gitna ng katawan niya....which also give him the impression that it was also a touch of a devil. Damn. He was really feeling tortured here.

Bakit ba nararamdaman ni Jace iyon? Sigurado namang hindi ito nakikipag-flirt sa kanya. Ginagawa lang nito ang trabaho nito bilang therapist niya. Hindi ito si Beauty. Iniisip lang niya iyon. So he shouldn't be feeling aroused by this girl. Pero mahirap kausapin ang utak niya. Matinding ginugulo ni Belle ang utak niya...

And then Jace suddenly saw himself imagining what can happen next. Paano kung hindi na lang ang paa niya ang asikasuhin ni Belle? What if she went further? Sa itaas ng hita niya? It should be his buttocks first dahil nakatalikod siya. Hahawakan ba nito iyon? Would she squeeze it? And most of all...would she then requesting that he lift it up so she could slide her hands underneath him?

At ano ang susunod na mangyayari? Kukuhanin ni Belle ang nagmamalaki at nagmamatigas niyang pagkakalaki. And she will stroke him to a blessed and swift release....

Nanunuyo ang lalamunan ni Jace sa isipin. Napunta yata ang lahat ng tubig sa labas ng katawan niya. Namamawis siya. Napansin naman kaagad iyon ni Belle.

"Jace, are you okay? Mainit ba? Masakit ba?"

Matagal-tagal rin bago nakasagot si Jace. Sinigurado muna niya na hindi lalabas ang boses niya na tila umuungol. Ginagawa niya ang pang-aasar kanina pero ngayon ay parang nahihiya na siya. "Okay lang ako."

Nagpatuloy si Belle. Tahimik lang ito. Now, her fingers are sinking deeper into his flesh. And as the muscles began to loosen up beneath her touch, he couldn't stop himself on fantasizing about her some more. Naisip niya ang itsura ng dibdib nito kapag siya naman ang gumawa ng mga kilos. Naalala rin niya ang sinabi ni Beauty. Sweat and ache on her breasts. Kagaya ba ng nararamdaman niya ay ganoon rin ang nararamdaman ni Belle habang naglalakbay ang kamay nito sa ilang parte ng katawan niya?

Of course, she wouldn't. Physical therapist ito. Sanay na itong may nahahawakan na tao. Hindi na rin dapat niya pinapalaki ang ulo na magkakagusto ito sa kanya. Hindi na siya kagaya ng dati. Nagkaroon ng mga peklat ang katawan niya dahil sa aksidente. Kaya ang tanging magagawa na lang niya ngayon ay ang mangarap.

And so he continued to do so. Anong magiging itsura ng dibdib nito kapag tuluyan ng naging malinaw sa paningin niya? Pale mounds tipped with rosy points? Shit. He can't also help but picture his tongue tracing a slow, wet circle around one puckered nub.

Lumikot ang pagkalalaki ni Jace. He was feeling very aroused now just because of his dirty mind. He shifted to make himself comfortable.

"Parang hindi ka komportable. Sigurado ka bang---"

"I'm good. But you are not," Napakarumi ng isip ni Jace. Nakakahiya na talaga iyon. Pero malaki ang ego niya. He has to blame someone else.

"Hmmm... so what do you want then?"

You. On this bed. Pleasuring me... gustong isagot ni Jace. Pero siyempre, alam rin niya na mali iyon. Hindi si Belle ang klase ni Maricar.

"I want it hard. Magagawa mo ba iyon?"

"Bakit ba kailangan ko palagi na may patunayan sa 'yo? I've known your condition. Hindi pa puwede sa 'yo ang hard massage."

"Naggawa na ng mga dating therapist ko ang soft and medium massage. Pero walang effect."

"It takes time---"

"It already had taken a lot of time. Now do as what I say. I want a hard---" fuck, biglang pumasok sa isip ni Jace. But of course, he couldn't have his dirty, pervert mind in the work today. Kailangan niya na pairilin ang init ng ulo, hindi ang init ng kanyang katawan.

Pero bago pa man maituloy ni Jace ang sasabihin ay inunahan na siya ni Belle ng kilos. Napunta kay Belle ang init ng kanyang ulo. Mas lalo siyang nahirapan na huminga ngayon kaysa kanina sa pag-iisip niya ng mga dirty thoughts tungkol rito sa sunod na ginawa nito.

Tinotoo ni Belle ang gusto niya. She massaged him hard as he imagined. Napasigaw si Jace. Tumawa naman ang babae. Binalewala lang rin nito ang sigaw niya.

Mapagpatol. Nasa isip-isip ni Jace. At bigla rin niyang naisip kung ano pa kaya ang puwedeng patulan ni Belle.

---

NAKAGAT ni Belle ang ibabang labi nang tignan ang schedule niya ngayong araw. Tuesday ngayon. Tuwing Martes at Biyernes ay may schedule siya ng evening massage sa kliyente niya. Nakaramdam siya ng kaba. Kailangan niya ng matinding will power para roon.

Kakatapos pa lang ng hapunan ay wala ng energy si Belle. Inubos na iyon ng may apat na oras nila na physical activities ni Jace. Hindi naman dapat na ganoon na nakakapagod. Sa dati niyang trabaho ay dobleng oras noon ang ginagawa niya. Pero ang presence ni Jace ang nakakapagpa-pagod sa kanya. Natetensyon siya. It was a kind that make her stomach to be a frenzied hive of nerves.

At ngayon ay malalaman niya na hindi pa pala tapos ang araw niya. Could this get any worse? Nagsisimula pa lamang siya ay parang sumusuko na siya.

Pero masisisi ba si Belle? Sa kabila ng aksidente, Jace still look a full-blooded man. Her stomach churned whenever he touched him. May pag-iinit rin siyang nararamdaman sa katawan niya na walang ni isa sa mga nakaraang pasyente niya ang naggawa.

Hindi naman dapat iyon. Paano at bakit niya pinagnanasaan ito? Hindi siya ganitong babae. She was cold. Ganoon ang kadalasan na sinasabi ng mga lalaki sa kanya. Walang lugar sa kanya ang sexual urges.

O hindi hanggang ngayon.

It was just a job. Lahat naman ng trabaho ay mahirap, pinapagaan na lang ni Belle ang damdamin sa isipin na iyon. Trabaho niya ang mapalakad si Jace Arkaina. Ang pagmamasahe sa buong katawan nito ay parte rin ng therapy nito. Iyon ang advice ng Doctor nito. Magkakonekta ang muscles sa katawan ng tao.

Kung gusto ni Belle na magtagumpay sa trabaho, kailangan niyang alisin ang tensyon sa katawan. Pero kinakatok pa lang niya ang kuwarto ni Jace ay malakas na ang tibok ng puso niya---ang parte niya na kahit napapagod na ay sige pa rin sa pag-arangkada.

"Come in," wika ni Jace pagkatapos ng apat na katok ni Belle. Wala naman na kakaiba sa tono nito pero naramdaman niyang may tumulong pawis sa mukha niya, kahit hindi naman mainit. Ewan ba niya kung bakit simpleng kilos lang ni Jace, naapektuhan na siya.

"Yeah, pero naka-hubad ka na---" natigilan si Belle sa pagsasalita. Namula naman siya. Unti-unting pumapasok na sa utak niya ang mangyayari. Hindi na lang niya mahahawakan ang katawan ni Jace. Makikita na rin niya iyon in a real flesh! "I mean, are you ready?"

"Yes." Wika muli nito. It sounded so smooth that her heart flapped. Parang may ipo-ipo rin sa tiyan niya.

Huminga nang malalim si Belle. Kinalma niya ang sarili bago pumasok sa kuwarto. Natagpuan niya sa massage table sa kuwarto rin si Jace. He was lying face down on it. Naka-towel ang maselan na bahagi ng likuran nito. Pero dahil na rin siguro sa mobility issues, hindi maayos ang pagkakalagay noon. It was a little skewed. Binigyan tuloy siya noon ng magandang tanawin ng tan line nito at ang kurbada sa kanang buttock nito.

At sa isipin rin na tuwalya lang ang nagko-cover noon ay pinagpawisan siya. Sa pawis na nararamdaman niya, pakiramdam niya ay kailangan na rin niya ng sariling tuwalya. Pumasok sa isip niya kung puwede ba ang tuwalya na iyon ni Jace ang gamitin---

Hindi na itinuloy ni Belle ang iniisip. Ipinikit niya sandali ang mga mata. Nag-inhale-exhale rin siya. Paa lang talaga ang mahina kay Jace. Malakas ang pakiramdam nito. Naramdaman nito iyon.

"Okay ka lang?" Bahagyang lumingon pa ang kliyente kay Belle. Nagulo rin ang tuwalya na tumatakip rito. Pero pinigilan niya ang mamula. Nakakahiya na talaga ang lahat ng ito!

"Oo naman." Wika ni Belle at inayos ang tuwalya ni Jace. Pero nang matapos siyang gawin iyon, doon niya masasabi na hindi na talaga. Nawawalan ng tubig sa lalamunan niya. At dinagdagan pa niya ang problema nang subukan niyang tignan ang buong katawan nito.

Nanatili pa rin na maganda ang katawan ni Jace sa kabila ng aksidente. He has broad-shoulders, lean hips and well muscled. Nangangatog ang tuhod niya sa simpleng pagtingin rito pero okay lang rin naman na bumigay iyon kung iyon ang consequence ng pagtingin niya rito ay iyon. It will be worth it.

Maraming lalaki siguro ang sasabihan ang Diyos na unfair ito kapag nakita ang katawan ni Jace. He did a good job on Jace's body. Nakakapanghinayang nga lang dahil alam niya na hindi ito nakakapaglakad o kahit ang makatayo man lamang. Mahirap para rito iyon. Mahina ang isang paa nito.

"Bakit ang tagal mo? Or is it just me? Was I worse than I thought? Wala pa akong nararamdaman."

"No. Kasalanan ko. I'm just not getting into it. N-nag-iisip pa ako ng mga methods,"

Nagkibit-balikat si Jace. Belle drew in a little breath. Nilagyan niya ng oil ang kamay niya para painitin iyon. Nagsimula siya sa paa nito.

Naggawa na ni Belle kanina na i-massage ang paa na iyon bilang parte ng paghahanda sa physical activities na ginawa nila. But she still felt the high voltage surge of electricity just by touching it. Nanginginig ang palad at daliri niya nang magkaroon ng contact sa balat nito. Pero sinubukan na hindi magpaapekto ni Belle. Mukhang ganoon rin naman kasi si Jace.

Sinubukan ni Belle na ayusin ang paghinga niya habang papunta ang kamay niya sa isa pang hita nito. She loosened the tight muscles in those area.

Jace reacted. Umungol ito.

May nag-react rin sa katawan ni Belle. Bumigat ang dibdib niya. Pati iyon ay nagsimulang pagpawisan sa ginawa.

But why the heck was she feeling that? Iisa lang ang nakikita niyang dahilan na nakuha niya sa mga nabasa niya dahil sa iisang trabaho: she was feeling turned on.

No way!

Huminga nang malalim si Belle. Nagpatuloy siya sa pagmamasahe. From Jace's legs, she went to his thigh. She tried her best to give a long strong movements to make him feel better. Pinaglipat-lipat niya iyon sa kabilang paa nito. At habang ginagawa iyon ay hindi na naman niya mapigilan ang sarili na pagmasdan ito.

Jace's still looks intensely male. Mukhang matigas at may pinaglalaban ang ganda pa rin ng legs nito. It doesn't look so strong but it was lean and muscly. Kahit masasabing imbalido, sigurado siyang maraming lalaki ang maiinggit rito. Wala man lang makikita na unwanted fat sa katawan nito.

Kaya may makakapagsisisi pa ba sa kanya kung hindi siya makaramdam ng kakaiba sa lalaki? Hindi. He was very good-looking and desirable. Malambot at mainit ang balat nito. Nadadagdagan pa ang pagkawindang ni Belle sa naamoy niya. Nagulo ang senses niya sa pinaghalong amoy ng mabangong oil at ang partikular na amoy ng lalaki.

"You're comfortable with this?" tanong ni Jace nang matapos niyang i-masahe ang buong likuran nito. Ngayon naman ay oras na para i-masahe ang unahang katawan nito.

Lumunok muna si Belle. Nahihirapan na nga siya sa likuran pa lamang, paano pa kaya kapag nakaharap na?

"S-siyempre..." wika niya kahit pumiyok ang kanyang boses. Bahagyang nag-angat ulit ng ulo si Jace.

Nakita niya ang nakakaloko na ngisi sa mukha si Jace. "Really, huh?"

"Oo. Gusto mo bang tulungan pa kita sa pag---"

"No. Don't look," sa utos nito ay tumalikod si Belle. Nang magbigay si Jace ng "go signal" para humarap siya, her heart hammered in an abnormal beat again.

Just don't focus on her body, Belle. Look at the safe side. Look at his face, yes, his face--- natigil ang pagpapayo ng isang bahagi ng isip ni Belle nang maggawa nga niya na i-focus ang mata niya sa mukha ni Jace.

Wrong move.

Unang nakita ni Belle ang labi ni Jace. It looks so alluring, indulgent and irresistible. No wonder at marami ngang babae ang na-in love rito. At ang sumunod na problema ay nag-iisip na naman siya ng tungkol sa kanyang sarili. Iisang beses pa lang siyang nahalikan at parang wala pa lang iyon. It was just a simple meeting of two lips. Probably, dahil bata pa nga sila ng boyfriend niya noon. Pareho silang hindi marunong. But Jace's looks so good with it that she felt a little thirsty just by staring and thinking.

Inalis ni Belle ang isipin na iyon. Inalis na rin niya ang tingin sa labi nito. Tukso, kaasar! From his mouth, Belle drifted her gaze to his eyes. Nasalubong nito ang tingin niya. Bigla-bigla ay parang naging sauna naman ang kuwarto nito. The air became thinner and tighter she was having a hard time to breathe!

"Finish checking my face?" wika naman muli ni Jace. His mouth slanted and looks devastatingly sexy eventhough she was sure he doesn't mean it do so.

Parang nawala si Belle sa itsura nitong iyon.

"Ha---yes. Pero may kailangan pa pala akong kuhanin na equipment sa---"

Hindi na pinatapos ni Belle ang sasabihin. Tumalikod na siya. Pero kinuha ni Jace ang kamay niya. Napasinghap siya. His touch sent tingle down her spine.

"W-why?"

"Pagod na ako. Let's just call it a day."

"The massage didn't relax you?"

"It didn't. Because I know that you aren't too..."

Nahalata nito! Nakagat ni Belle ang ibabang labi. Pero dapat ba siyang magpahalata? Sa ginawa niya ay parang inaamin na rin nga niya na mahina siya.

Hindi ipapatalo ni Belle ito. Tumingin muli siya sa mata ni Jace. But the smouldering look in his eyes sent her heart racing. Pakiramdam ni Belle ay nawala na naman siya sa sistema niya. Kailangan niyang aminin: natatalo siya ni Jace.

Any girl could get lost in those beautiful eyes if one wasn't careful. Pero hindi na basta "girl" na lang ngayon si Belle. Ang salita na iyon ay ginagamit lamang para sa bata. She couldn't get lost. All she could do is just to be responsible for not giving in with desire...

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.