Chapter Two - The Royal Couple's Break Up
TATLONG araw pagkatapos ng huling laro nila Prince ay umugong ang bali-balitang break na daw ito at si Antoinette. Ayon sa mga nakalap ni Gabbe na balita ay si Antoinette mismo ang nakipag-break kay Prince dahil masyado na daw itong nagseselos sa mga babaeng pilit na nagpapansin sa nobyo nito.
Hindi maintindihan ni Gabbe kung ano ang mararamdaman. Hindi ba at dapat ay matuwa siya dahil wala ng sabit ang crush niya? Ngunit pakiramdam niya ay nalulungkot siya dahil alam niyang malulungkot din si Prince sa pakikipagkalas ng nobya nito. Nakikita niya kung gaano kamahal ni Prince si Antoinette. Palagi niyang nakikita ang mga itong magkasama kapag walang practice si Prince ng basketball. Lahat ng libreng oras nito ay nilalalaan nito para sa dalaga.
Naiinis din siya kay Antoinette. Ano pa ba ang kulang kay Prince para makipag-break ito sa lalaki? Kahit naman marami ang babaeng nagpapansin kay Prince ay wala ni isa man ang pinatulan nito. Palaging na kay Antoinette lang ang loyalty nito pero nagawa pa rin nitong makipagkalas sa binata. Kung siya lamang ang nasa katayuan ni Antoinette, nuncang makikipag-break siya sa isang kagaya ni Prince. Ni hindi man lang nito na-realize at nakita ang mga efforts na ginagawa rito ng nobyo nito.
May usap-usapan din na ang pinalit ni Antoinette kay Prince ay isa sa mga nerdies sa unibersidad nila. Namataan daw kasi si Antoinette at ang lalaking nerd na magkasama isang hapon pagkatapos ng klase. Hindi tuloy niya alam kung matatawa dito o ano. Magpapalit lamang ito ng bagong jowa ay sa nerd pa ang napili nito.
Nakahalumbaba si Gabbe sa loob ng school library habang iniisip pa rin ang mga nangyayari. Pinipilit niyang mag-aral pero tanging ang issue lang ang pumapasok sa isip niya.
"Wala na yatang laman ang utak mo ngayon kundi ang issue tungkol sa break-up ng royal couple. Para kang tanga, alam mo iyon?" sita sa kanya ni Gladys pagkatapos niyang magbigay na naman ng reaksyon tungkol sa royal couple. Kasalukuyan silang nasa library dahil may ginagawa silang research para sa isang subject nila. Pareho sila ng kinukuhang course ni Gladys. Magkaklase rin sila kaya naman naging magkalapit ang loob nila at 'di katagalan ay naging mag-bestfriend sila. Sa ngayon ay nasa ikatatlong taon na sila sa kursong Business Management.
"Eh kasi naman, kaisip-isip naman kasi ang issue. Kung siguro ako si Prince, hiyang-hiya ako sa mga nangyari. Isipin mo, pinagpalit siya ni Antoinette sa isang nerd!"
Umiling-iling ito. "'Wag si Prince ang isipin mong kahiya-hiya 'no. Si Antoinette kaya. Para siyang desperada sa lalaki kasi ang pinalit niya lamang kay Prince ay isang nerd."
"Kung ako si Prince, siguradong sirang-sira ang ego ko."
"Haay, naku. Apektado ka masyado sa sitwasyon. Hindi naman ikaw kasali, eh."
"Pero kahit na. Crush ko si Prince kaya naman parang kasali na rin ako 'no," giit naman niya.
Tumayo na si Gladys at kinuha ang bag nito sa may table. "Bahala ka na nga sa buhay mo. Para kang baliw diyan sa kaiisip mo sa issue na 'yan." Wika nito saka iniwan na siya. Mukhang nairita na yata si Gladys sa parang sirang radyong paulit-ulit na kuwento niya.
Nagpaiwan naman si Gabbe. Hindi pa kasi siya tapos sa research dahil sa kaiisip niya sa nangyari. Tama si Gladys. Affected much nga siya kahit naman talagang hindi siya dapat naapektuhan. Isa nga lang naman siyang hamak na babaeng nagka-crush dito pero daig niya pa ang nanay nito kung maapektuhan sa sitwasyon.
Pinilit ni Gabbe tapusin ang kanyang research. Magdidilim na nang siya ay makalabas sa loob ng school library. Wala ng tao sa buong corridor dahil may activity sa kanilang university kaninang umaga na akala ay magtatagal kaya in-suspend lahat ng klase hanggang hapon. Malapit na si Gabbe sa may exit palabas ng building na kinaroroonan ng library nang makarinig siya ng dalawang lalaking nag-uusap malapit sa may exit.
Hindi tsismosang tao si Gabbe ngunit dahil mukhang pamilyar sa kanya ang tinig ng dalawang nag-uusap ay napatigil siya sa paglalakad palabas. Nagtago siya sa likod ng isang pinto ng classroom malapit sa may parte ng kinaroroonan ng mga ito para hindi siya makita ng mga ito.
"Shit, pare! I still really can't believe it! Pinagpalit ka ni Antoinette sa isang school nerd!" malakas na wika ng isang lalaki na nabosesan niyang si Eron pala. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ni Gabbe dahil sa narinig. Base sa sinabi nito, si Prince ang kausap nito.
Lalo pa niyang pinagbutihan ang pakikinig sa dalawa. Excited siyang malaman kung ano ang reaksyon ni Prince dahil sa nangyari. Curious siya. Sa buong durasyon kasi ng usap-usapang break-up ng the royal couple ay wala man lang siyang naririnig na reaksyon ni Prince.
Napatingin si Gabbe palabas at nakita nga niya ang mukha ni Prince. Nakakuyom ang kanang kamay nito dahil sa galit. "My ego is so crashed, Eron! I really can't believe this, too! Ipinagpalit lamang ako ni Antoinette sa isang nerd. How unlucky can I get?"
"Grabe talaga ang ginawa sa 'yo ni Antoinette. Ano ba ang ginawa mo sa kanya at nakipag-break siya sa 'yo?" curious na tanong ni Eron.
"I got pissed off, pare. Hindi niya kasi niya tinigilan ang pagsusuntok sa dibdib ko habang naiyak dahil sobra siyang nagselos sa isang babaeng humalik sa pisngi ko pagkalabas ko ng gym pagkatapos ng game. Nakarating pala sa kanya ang balitang iyon. Galit na kinompronta niya ako at umiyak sa dibdib ko. Bakit daw ako nagpahalik sa babae eh alam ko naman na may girlfriend ako? Hindi niya ako tinigilan. Iyak siya nang iyak sa dibdib ko hanggang sa nainis na ako sa pinagagawa niya sa akin.
"Hindi ko naman ginusto na halikan ako. At alam niyang hindi ako ang nanghalik! Sinubukan kong magpaliwanag sa kanya pero hindi siya kumalma. Bagkus, lumakas pa ang iyak niya at nilaksan pa ang pagsusuntok sa dibdib ko. Nagalit ako sa kanya dahil sa nangyari. At dahil iyon ang unang beses kong magalit sa kanya ng ganoon, inakala nitong dahil doon ay makikipag-break na ako sa kanya kaya inunahan na niya ako!"
"Hindi kaya siya pinaglihi sa selos noong pinagbubuntis siya? At akala ko ba matalino siya? Bakit ang hirap niyang makaintindi sa sitwasyon? Nakakabadtrip. Pero siguro blessing in disguise na rin na nakipag-break siya sa 'yo. At least sa ngayon, nakawala ka na sa galamay niya."
Naglabas ng isang mahinang expletive si Prince. "Kahit na ginanoon ako ni Antoinette, siya pa rin ang gusto ko. Mahigit isang taon rin tumagal ang relasyon namin kaya hindi mo ako masisisi kung nagkakaganito ako. Iyon ang pinakamatagal ko dahil hindi naman ako seryoso sa mga dating nakarelasyon ko. Hindi ko matatanggap na ipinagpalit niya kaagad ako. Worst, sa isa pang school nerd. Everybody is talking about me. Nakakahiya. Maraming nagtatawa at nagtatanong kung ano ang mali sa akin dahil pinagpalit daw ako ni Antoinette sa isang ganoong klaseng lalaki. Alam mo ba ang nararamdaman ko tuwing naririnig ko 'yon? Pakiramdam ko, ako na ang pinakamasamang lalaki sa mundo!"
Pumalatak si Eron. "Hindi ko nga rin talaga mawari 'yang utak ni Antoinette. Nababaliw na ba siya? Isang sikat na miyembro ng varsity team, pinagpalit niya sa isang campus nerd? That's insane, man!"
"Yeah. And I think I'm going insane, too because of what she had did to me! Hindi ako papayag na ganituhan na lang ako ni Antoinette!"
Humalukipkip si Eron. "So ano'ng balak mo?"
Napansin ni Gabbe kumuyom ang mga palad ni Prince. Tila galit na galit. "Gagantihan ko siya."
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Gabbe dahil sa narinig. Maghihiganti si Prince kay Antoinette. Ano kayang klaseng paghihiganti ang gagawin nito?
"May plano ka na ba kung paano mo siya gagantihan?" tanong ni Eron.
"Kung nakahanap siya agad ng iba, maghahanap din ako ng iba." Parang balewalang sabi lamang nito.
"Sa tingin mo, magiging effective iyon?" duda si Eron.
"Kung nagalit ako dahil sa ginawa niya, alam kong magagalit din siya sa gagawin ko. Kapag nagselos siya tungkol doon, siguradong babalik muli siya sa akin." Determinadong wika naman ni Prince.
"At paano mo naman iyon gagawin?"
"Hahanap ako ng pretend girlfriend. Babayaran ko siya basta't pumayag lamang siya sa mga plano ko. Isang babae na handang maging pretend girlfriend ko. At katulad ni Antoinette, sisiguraduhin kong maiinis din siya sa gagawin ko."
"Sigurado ka ba diyan sa gagawin mo?"
"Napag-isipan ko na ito ng ilang araw at wala na akong maisip na ibang paraan. Sa totoo lang ay nahihirapan rin ako. But I feel desperate."
"I can't blame you. Sobrang sakit ng ginawa sa 'yo ni Antoinette. Ngunit paano mo siya pasasakitan ng kagaya ng ginawa niya sa 'yo?"
"Hahanap ako ng isang babaeng malayo ang personalidad sa kanya. Isa bang "nobody" kumbaga para siguradong patas na rin kami."
"Parang Mr. Somebody used Ms. Nobody, ganoon?" hula ni Eron.
"Exactly. Sasaktan ko rin ang ego niya kaggaya nang ginawa niya sa akin nang ipagpalit niya pa ako para lang sa isang nerd."
Napasinghap siya Gabbe dahil sa narinig. Ngayon pa lamang unti-unting nag-sink-in sa utak niya ang sinabi nito. Hahanap ng isang nobody si Prince para lamang pasakitan si Antoinette at muling bumalik ito sa piling nito? Ganoon na ba talaga ito kadesperado at nasaktan dahil sa ginawa ni Antoinette kaya gagawa ito ng ganoong plano?
Ngunit naging mali pala ang aksyon ni Gabbe dahil nag-usisa ang dalawa. Narinig ng mga ito ang pagsinghap niya.
"Ano iyon? May ibang tao pa rin bukod dito?" kunot-noong sabi ni Prince.
"Someone is eavesdropping!" wika naman ni Eron at umalis sa puwesto nito.
Hindi alam ni Gabbe ang gagawin. Mahuhuli siya ng mga ito na nakikinig sa usapan ng mga ito. Kumubli siya nang maigi sa pinto ngunit sa pangalawang pagkakataon, nakagawa na naman siya ng pagkakamali. Dahil sa ginawa niyang pagkukubli ay lalo siyang nahalata ng mga ito dahil gumalaw ang pinto. Pumunta si Eron sa likod ng pinto at nakita siya.
"Gabbe?" pagkilala ni Eron sa kanya. Kilala siya nito dahil siya ang palaging kasa-kasama ni Gladys sa mga date ng mga ito dati. "Ano'ng ginagawa mo dito?"
Pakiramdam ni Gabbe ay nahuli siya ng pulis sa salang pagnanakaw. O mas higit pa siguro roon. Pulang-pula sa hiya ang mukha niya. "Ah...Eh...Palabas na kasi ako ng building nang marinig ko kayong nag-uusap. Nahiya naman akong maglakad dahil nakaharang kayo sa daan kaya tumigil muna ako."
Lumapit si Prince sa kanya. "Di narinig mo ang usapan naming dalawa kanina?"
"Ha?" painosenteng sabi niya. "W-wala! Wala akong narinig!" pagtatanggi niya. Hindi puwedeng malaman ng mga ito ang ginawa niya.
"Sigurado ka?"
"O-oo! Wala talaga!" giit pa rin niya.
Ngunit hindi natinag si Prince sa sinabi niya bagkus ay naningkit ang mata nito. "But something's told me that you are eavesdropping. Hindi ka naman mapapasinghap kung hindi mo narinig ang lahat, right?"
Gusto ng tumakas ni Gabbe sa sitwasyon. Hindi na yata niya kaya dahil alam niyang kaunti na lang at mabubuking na siya. Ngunit pinili niyang umiling. Kailangan niyang itanggi nang husto ang narinig. Ayaw niyang malaman ng mga ito kung bakit siya nakinig. Kapag nalaman nito ang sikreto niya pag nagkataon tiyak na malalagutan siya. Isang kasalanan ang makinig sa usapan ng iba.
"Alam kong marami kang narinig. 'Wag ka ng tumanggi. Hindi naman ako mangangain." Giit pa ni Prince.
"Hindi nga sabi! Ang kulit!" sabi niya at tila binabalewala ang presensiya ng mga ito. Inayos niya ang pagkakasukbit ng bag niya sa balikat. Gaano man niyang gustong makausap at mapalapit sa crush niya, hindi ito ang tamang pagkakataon. Malinaw pa rin ang isip niya pagkatapos ng lahat. "Bahala kayo kung ayaw niyong maniwala. Basta aalis na ako. May trabaho pa ako at nagmamadali ako."
Totoo ang sinabi ni Gabbe na may trabaho pa siya. Pareho kasing napasok din sa private school ang dalawa niya pang nakakabatang kapatid kaya naman nais niyang tumulong sa magulang niya sa iba pang gastusin sa bahay. Isa pa ay sakitin ang kanilang bunso kaya palaging maraming gastos. Mabuti na lamang at kaya naman niyang mag-aral habang nagtatrabaho. Isama pa na pang-umaga lahat ng klase niya. Tuwing gabi siya nagtatrabaho bilang tutor ng isang pre-school na bata.
Akmang aalis na siya nang hawakan siya sa kamay ni Prince. "Teka lang!" pigil nito sa pag-alis niya.
"B-bakit?" nauutal na sabi ni Gabbe. Aware na aware siya sa kamay nitong nakahawak sa kamay niya. Bigla-bigla ang pagdaloy ng mainit na enerhiya sa katawan niya nang hawakan nit Prince ang kamay niya. Agad din ang pag-usbong ng kilig sa dibdib niya dahil sa ginawa nito. Hinawakan ni Prince ang kamay niya! Hinawakan iyon ng taong pinapangarap niya! Parang gusto niya yatang magpa-novena ng sampung beses sa tuwa.
"Ang sabi mo ay may trabaho ka. You mean, part time job? Mukhang estudyante ka rito."
Kumunot ang noo niya. Bakit naman naging interisado ito sa trabaho niya? "Oo. Bakit?"
Tinignan siya ni Prince mula ulo hanggang paa na tila pinag-aaralan siya. Hindi maintindihan ni Gabbe ang nararamdaman. Magkahalong kilig at pagkapahiya kasi iyon. Siyempre ay binigyang pansin ng isang campus Prince ang isang kaggaya niya. Pero pakiramdam naman ni Gabbe ay na-insecure siya sa tingin na iyon. Hindi naman kasi isang babaeng kaggaya niya ang karapat-dapat na tignan ni Prince nang ganoon. Napakasimple lang niya. Malayong-malayo sa isang kaggaya ni Antoinette.
Ngumisi si Prince. "Ikaw ang babaeng kailangan ko."
Napatanga siya. Babaeng kailangan nito? Ano ang nais gawin nito sa kanya?
Lumapit ito sa kanya at may ibinulong sa kanyang tainga. Ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mata sa narinig mula dito.