Library
English
Chapters
Settings

Chapter Three - Part Time (Pretend) Lover

NAISIP ni Prince na kung sakaling kumuha siya ng isang babaeng magpapanggap bilang girlfriend niya ay maaring magselos si Antoinette at bumalik ito sa kanya. Ngunit hindi niya nasip na ganoon lang pala siya kadaling makakakuha ng babaeng babagay sa plano niya.

Gabbe, as what was Eron called her was exactly the girl who will fit to be her pretend girlfriend. Nang hinagod niya ito ng tingin kanina mula ulo hanggang paa, alam na niya na ito ang total "nobody" na hinahanap niya.

Simple lamang si Gabbe. Hindi kahabaan ang itim na buhok nito na tanging headband lang ang arte at hindi rin kapansin-pansin ang mukha nito. May pagkapatpatin ito at may pagkamaliit din. Sa pagkakalapit niya dito kanina habang binubulong ang plano niya ay hindi man lang umaabot sa balikat niya ang bumbunan nito.

Ito ang babaeng kailangan niya. Sobra-sobra na kasi siyang nainsulto sa ginawa sa kanya ni Antoinette. Sa lahat ba naman kasi ng ipapalit nito sa kanya, nerd pa ang napili nito. Sobrang natapakan ang ego niya dahil sa ginawa nito. Siya, si Prince Raymundo na tinitingala, tinitilian at crush ng bayan ay nagawa nitong ipagpalit sa isang lalaking namumutok sa kapal ang salamin at pinagtatawanan lang kadalasan ng sambayanan kaysa pansinin ang angking katalinuhan.

Hindi mapapalampas ni Prince iyon. Naririndi na siya sa mga tsismis na naririnig niya sa tabi-tabi. Lalo na nang nalaman niyang pinag-uusapan din siya ng mga lalaki dahil sa nangyari sa issue sa pagitan nila ni Antoinette.

Kanina pagpasok niya sa university ay hindi sinasadyang napadaan siya sa may CR ng lalaki at nakarinig ng mga usap-usapan. Pinagtatawanan siya ng mga ito tungkol sa ginawa sa kanya ni Antoinette. Siguro daw ay may mali sa kanya kaya siya ipinagpalit nito sa nerd. May nagsabi pang baka bobo siya at maliit daw ang kuwan niya kaya naman naghanap ang nobya niya ng iba.

Sobrang nainsulto si Prince dahil sa narinig. Galit na nilisan niya ang CR. Habang nasa klase ay hindi siya makapag-concentrate dahil na rin sa narinig. Sobra-sobra na ang dinala nito sa kanyang puwerhisyo.

Kaya naman nakaisip siya ng plano. Gagantihin niya si Antoinette dahil sa ginawa nito sa kanya. At ang planong iyon ay ang magkaroon ng pretend girlfriend upang pagselosin ito.

Malinaw sa isip niyang gasgas na ang mga ganoong istorya sa pelikula man o sa libro pero nagbabaka-sakali pa din siya. Sabi nga ng iba, there's no harm in trying. Kaya naman ito siya at susubok. Isa pa, marami syang nakikitang eksena na talaga namang effective ang ganoong klaseng palabas.

He wanted Antoinette back. Kahit na sobra ang pagkaselosa nito ay mahal nya ito. Ito lamang ang tanging babaeng sineryoso niya kaya naman masakit sa kanya ang ginawa nito.

"What?! Isasali mo ako diyan sa plano mo?!" gulat na wika ni Gabbe. Kung sakaling papayag si Gabbe sa plano niya ay patas na sila ni Antoinette. Maiinsulto ito sa gagawin niya dahil ipinagpalit lang niya ito sa isang babaeng malayong-malayo ang personalidad dito.

Tumango si Prince. "You are the perfect nobody for this game, Gabbe. Sinuyod na kita ng tingin. Hindi ka kapansin-pansin. Ikaw ang nararapat na babae upang tumayo bilang pretend girlfriend ko."

"Ha? Bakit ako? Puwede namang iba na lang. Hindi lang ako ang nag-iisang simpleng babae dito sa university!"

"Pero narinig mo ang usapan naming dalawa ni Eron. Alam mo na ang plano ko kaya naman nararapat din siguro na isali kita rito."

"Hindi puwede. Kaggaya ng sinabi ko sa 'yo, may part-time job ako. Busy akong tao kaya hindi ako puwedeng sumali sa plano mo."

"I will pay you. How much money do you want? Around twenty thousand? Ayos lang sa akin. Sa planong ito, para kang magtatrabaho sa akin. And don't you worry, malaki ang sweldo na ibibigay ko sa 'yo para sa pagpapanggap na ito. Hindi mo na kailangan pang mag-part time job sa iba kung sakaling tatanggapin mo ang offer ko na ikaw ang magiging pretend girlfriend ko."

Tila napaisip ito nang sandali sa narinig ngunit umiling din pagkatapos ng ilang sandali. "Ayaw ko. Manloloko tayo nito ng mga tao."

Naisip rin ni Prince iyon. Hindi naman niya ginusto na maging ganoon. Ayaw rin niyang manakit at manloko ng mga tao. But Antoinette pushed him into the limits. Kung naggawa siya nitong saktan, makakaya rin niyang saktan ito. But in a way na tuturuan niya ito ng leksyon. He sounded desperate but he was out of ideas and felt like blinded by the hurt Antoinette had given to him. Alam niya na masama rin na mandamay siya ng isang kagaya ni Gabbe. But there would always be a catch of course and it's the money. Willing siyang magbayad basta ba kaya nitong panagutan ang pagpapanggap nila. After all, pera lang naman iyon. Marami siya noon. Maipapangako rin naman niya na hindi niya pababayaan si Gabbe.

"Panandalian lang naman ito, Gabbe." Giit niya pa rin sa dalaga.

"Pero kahit na. Ayaw ko. Hindi ako papayag sa gusto mo." Mariing wika nito sa kanya. Hinawakan muli nito ang shoulder bag at sa itsura nito ay nagbabadya na itong umalis.

"Ayaw mo pang pumayag? Minsan lang naman ito. Ayaw mo bang magkaroon ng kulay ang boring mo na buhay? Isang Prince Raymundo na ang nag-aalok at nangangailangan sa 'yo. If ever na patulan mo ang plano niya, tiyak na sisikat ka na. Hindi ka na magiging isang nobody katulad ng tingin ng maraming tao sa 'yo!" sabat ni Eron sa usapan nila.

Inirapan ni Gabbe si Eron. "Mas gugustuhin ko pang maging nobody habang buhay kaysa naman manloko ng ibang tao."

So she had guts, Prince thought. Parang ngayon lang siya nakakita ng isang kagaya nito na mukhang palaban. Base sa itsura nito, nainis ito sa sinabi ni Eron. Pero dahil roon, napansin niyang kahit simple lamang pala ito ay cute ito. Lalo na nang inirapan nito si Eron kanina. Gusto niyang matawa sa sarili niya dahil nag-iba ang tingin niya kay Gabbe dahil lang sa ginawa nitong iyon.

Tinignan ni Gabbe si Prince. Hindi niya mawari kung ano ang reaksyon ng mata nito habang nakatingin sa kanya. Para itong masaya na naiinis din.

Nagkibit-balikat si Prince at tinapik ang ulo nito na parang aso. "Think about it, Gabbe. Don't worry bibigyan kita ng isang linggo para mag-isip. When you changed your mind, just find me around. After all, hindi naman ako ganoong kahirap hanapin."

Inungusan lamang siya nito at umalis. Naiwan silang dalawa ni Eron.

"Are you sure you're going to hire, Gabbe?" tanong ni Eron sa kanya nang makalayo na si Gabbe sa kanila.

Ngumiti si Prince at tumango. Sinundan niya ito ng tingin habang naglalakad palayo sa kanila. Hindi niya mawari kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Alam niyang marami pa siyang puwedeng upahan na hindi siya mahihirapan kagaya ng nararamdaman niya ngayon kay Gabbe. Pero may malaking boses na nagsasabi sa kanya na parang magiging masaya yata ang plano niya kung sakaling magbago ang isip ni Gabbe at pumatol sa plano niya. Maaring nobody lang itong maituturing pero may claws rin ito. Palaban ito. Sapat na dahilan na siguro iyon. Bukod sa magagawa niya ang plano niya, maari rin siyang mag-enjoy roon.

---

BINUKSAN ni Gabbe ang pinto bahay nila. Kakagaling lamang niya mula sa part-time job niya bilang tutor. Nabungaran ni Gabbe ang kapatid na si Beth sa sala. Ito ang sumunod na anak sa kanya. Nasa highschool na ito. Namumugto ang mata nito at umiiyak. Agad na kinabahan siya dahil sa nakitang anyo nito.

"Beth, ano ang nangyari? Bakit ka umiiyak?" tanong niya dito nang makalapit.

"Ate, si Briel, isinugod sa ospital..."

"Ano?!" malakas na bulalas ni Gabbe. Si Briel ay ang bunsong kapatid niya. Nitong nakaraang araw ay may lagnat ito ngunit hindi niya alam na ganoon na pala ito kalala ngayon. "Bakit? Papaano?"

"Ang sabi ni Ate Rita ay napakataas daw kanina ng lagnat ni Briel. Halos nagdedeliryo na ito nang dalhin sa ospital."

Natutop niya ang bibig sa narinig. Natatakot siya sa maaring mangyari sa kapatid. Mahina ang resistensya nito kaya naman talagang sakitin ito.

Lumabas siya ng bahay nila at nagtanong sa kapitbahay na si Ate Rita kung saan dinalang ospital ang bunsong kapatid. Sinagot naman nito ang tanong niya. Sabay silang nagpunta ni Beth sa ospital upang alamin ang kalagayan ng kapatid.

Nang makarating sa ospital ay tinanong na lamang niya kung saan naroroon ang kapatid. Nalaman niyang naka-confine pala ito. Binigay naman ng nasa information desk kung saang kwarto naka-admit ang kapatid niya.

Pagdating sa kwarto ay nabungaran agad niya ang kanyang magulang at si Briel. Tulog na sa ngayon ang kapatd niya.

"Mama," wika ni Gabbe sa ina. "Ano po ang nangyari kay Briel? Ano daw po ang sakit niya?"

Lungkot ang naging ekspresyon ng mukha nito. "Nagka-dengue ang kapatid mo, Gabbe. Sinalinan siya ng dugo kanina."

"Dengue?" hindi makapaniwalang ulit niya. Dengue na pala ang sakit ng kapatid niya ay hindi man lang niya alam!

Tumango ang kanyang ina saka hinila siya palabas ng kuwarto. Naiwan si Beth at ang kanyang ama sa loob upang bantayan si Briel. "Anak, malaki ang gagastusin natin dahil sa nangyaring ito sa kapatid mo. Nais sana naming isangla ang bahay upang magamit na pang-gastos."

"Po?" gulat na wika niya. "Ang bahay? Pero Ma, paano na ang—"

"'Wag kang mag-aalala. Gagawa kami ng paraan upang matubos muli ito pagkatapos."

"Pero Ma, alam niyang kabilin-bilinan ni Lola na 'wag ibebenta o isasangla man lang ang bahay!"

Yumuko ang kanyang ina. "Pero wala na akong magagawa, anak. Hindi ko naman puwedeng patigilin kayong dalawa ni Beth sa pag-aaral."

"Gagawa ako ng paraan, Ma. Hindi maaring maisangla ang bahay natin. Siguradong babangon sa hukay si Lola kapag ginawa niyo iyon." Iyon kasi ang bilin sa kanila ng lola niya bago ito namatay. Importante daw dito ang bahay dahil doon daw nito binuo ng lolo niya ang isang masayang pamilya.

"Isasangla lang naman, anak. Hindi naman tuluyang mawawala ang bahay. Ngunit kung may iba pang paraan upang hindi mangyari iyon, edi mabuti." Wika ng kanyang ina saka pumasok na muli sa silid ng kapatid.

Naiwan si Gabbe sa labas. Hindi siya makakapayag na isangla man lang ang bahay nila. Nangako siya sa lola niyang hindi ibebenta o isasangla man lang ang bahay kahit na ano ang mangyari.

Ngunit ano ba ang magagawa ng isang disi-nuwebe anyos na dalagang katulad niya? Saan siya makakahanap ng pera para ibayad sa magiging hospital bill ng kapatid niya? Ni pambili nga ng bagong cellphone ay hindi pa siya magkaroon, ang magkaroon pa kaya ng ganoong kalaking halaga nap era?

Nasa ganoon siyang katayuan nang biglang pumasok sa isip niya si Prince at ang proposal nito. Dalawang araw na ang nakalilipas simula nang nakinig siya sa usapan ng mga ito at sabihin nitong gusto siya nitong isama sa plano nito.

Noong una ay nagdadalawang isip siya sa sinabi ni Prince. Kung papayag siya, siguradong araw-araw ay makakalapit siya kay Prince. May tsansa siyang mapalapit nang husto sa taong pinapangarap niya. Ngunit sa huli ay umiling din siya. Kung papayag siya sa plano nito, marami silang taong maloloko. Ayaw niya ng ganoon.

Isa pa, mahirap ang maging isang pretend girlfriend. Lalong lalo na sa isang kagaya niya na patay na patay dito. Baka mamaya, sa sobrang saya niya dahil sa nangyari ay malimutan na niyang isang pagpapanggap lamang ang ginagawa nila. At risk ang puso niya. Masasaktan lang siya sa huli.

Ngunit ano ba ang maari niyang gawin sa ngayon? Kailangan niya ng pera. Willing si Prince na tulungan siya kung tutulungan niya ito.

Napabuntong-hininga si Gabbe. Mukhang kailangan niyang tanggapin ang alok nito para sa pamilya niya. Mukhang kailangan din niyang ihanda ang sarili para sa isang giyera. Dahil isa sa mga araw na makakasama niya ito, alam niyang magugulo palagi ang puso niya.

---

"KAYA mo ito, Gabbe, okay? After all, sobrang kilig ang mararamdaman mo kapag natuloy ito. Iyon nga lamang, kailangan mong paalalahanan ang sarili mo na isa lamang itong palabas." Kausap ni Gabbe sa sarili sa may harap ng restroom ng university nila. Mabuti na lamang at walang tao sa may CR kaya naman wala ding nakarinig sa sinabi niya.

Napagdesisyon na niyang pumayag sa plano ni Prince kaya naman niya nasasabi iyon. Alang-alang sa bahay, pamilya at damdamin niya. Iyon nga lamang, kailangan niyang huwag madala sa palabas. Kailangan niyang pagsabihan ang sarili niya dahil baka umasa siya na ang palabas na iyon ang magiging daan upang sila'y mapansin siya nito.

Inayos at kinalma ni Gabbe ang sarili bago lumabas ng CR. Hinanap niya si Prince loob ng gym dahil dito niya ito madalas na makita kapag hapon. Madalas kasi ay palagi itong may practice game ng ganoong oras. Ngunit nang pagkakataong iyon ay wala ito roon at ang mga kasamahan nito. Nagtaka tuloy siya.

Gayunpaman, hinanap pa din niya ito. Namataan niya ang kotse nito sa may parking lot. Napagdesisyunan na lamang niyang maghintay sa may tapat ng kotse nito.

Hindi naman nagtagal ay nakita ni Gabbe na palapit sa may kotse si Prince. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya habang papalapit ito. Pinagmasdan niya ito habang naglalakad. Ang guwapo-guwapo pa din nito sa suot nitong simpleng blue shirt at jeans.

"H-hi," wika ni Gabbe nang makalapit si Prince.

"Hello," ganting bati naman nito sa kanya. "Changed your mind?"

Huminga muna siya nang malalim bago tumango.

Ngumiti naman ito. "Good. Your job will start—"

"Bago ang lahat, ipinapaalala ko sa 'yo na hindi ako pumapayag sa gusto mo dahil gusto kong mapalapit sa 'yo," she said a half-truth lie. "Pumayag lang ako dahil sa ibibigay mong pera sa akin kapalit ng trabaho."

"Okay. So how much do you want?" parang balewala lamang na sabi nito.

"Ang sabi mo sa akin ay kaya mong magbigay even in the amount of around twenty thousand pesos. Kailangan ko ng twenty thousand pesos. Kaya mo bang ibigay iyon kapalit ko bilang isang pretend girlfriend mo?"

Hindi naman kataka-taka na kayang magbigay ng ganoong halaga ni Prince. Mayaman ang pamilyang kinabibilangan nito. Mataas ang puwesto ng Mama nito sa isang cosmetic company at may-ari naman ng chain of restaurants ang ama nito. Baka one-fourth lang ng monthly allowance nito ang perang ibibigay nito sa kanya.

Tumawa muna ito bago tumango. "No big. Wala naman akong gaanong rules na ipapanukala sa 'yo except na rin sa dapat, sumunod ka sa mga gusto ko. Kailangan mong mag-react---in a good and believable way---sa mga gagawin kong paraan para mapaniwala natin si Antoinette."

Naintindihan ni Gabbe ang mga sinabi ni Prince. Inihanda na niya ang sarili roon. Siguro naman ay hindi siya pababayaan nito. After all, kilala na rin niya si Prince. Mabait ito at may respeto rin sa mga babae. Hindi ito kaggaya ng kaibigan nitong si Eron. One-woman ito at may pagkaseryoso rin na tao. Kaya lang siguro hindi naging maganda ang una nilang pagkakakilala ay dahil mainit pa rin ang ulo nito sa nangyari rito at kay Antoinette. Naiintindihan niya ito. "So hanggang kailan tatagal ang pagpapanggap na ito?"

"Hanggang bumalik si Antoinette sa piling ko." Determinadong sabi nito.

"Eh paano kung hindi na muli siyang bumalik?"

Muli ay tumawa si Prince "I don't think that will happen."

Sabagay ay tama ito. Marami siyang alam na istorya na katulad ng gagawin nilang dalawa. At madalas ay nagiging effective ang ganoong strategy para mapagselos ang isang tao.

Magpapalaam na sana siya dito dahil malapit ng lumabas ang bituin sa langit at may trabaho pa siya. Ngunit pinigilan ni Prince si Gabbe. Nagulat siya nang bigla na lamang siya nitong isandal sa pinto ng kotse nito. Magkalapit na magkalapit ang katawan nila dahil sa ginawa nito sa kanya. At ang puso niya ay parang binabayo ng kabayo nang magtama pareho ang kanilang mata.

"A-ano'ng ginagawa mo?" she said between breaths. Pagtama pa lang ng paningin nila, tila mawawalan na siya ng hininga. Ganoon kalakas ang epekto sa kanya ni Prince.

"Antoinette and the nerd are coming. Kailangan niyang makita tayo na nasa isang romantic na puwesto." Wika nito sa tainga niya. Lalong namula si Gabbe sa ginawa nito.

Ngunit hindi pa siya nakakahuma sa sinabi nito ay bigla na lamang siya nitong hinalikan sa labi. Nanlaki ang mata ni Gabbe. Nais sana niyang magprotesta sa ginawa nito ngunit mas lalo pa nitong nilaliman ang halik nito sa kanya. He just didn't gave him a peck in the lips. He even nipped it! Libo-libo yatang boltahe ng kuryente ang dumaan sa katawan niya. Ang akala niya noon ay exaggeration lang ang mga nababasa niya na ganoon ang mararamdaman mo kapag hinalikan ka ng taong gusto o mahal mo. But it doesn't seems so. Isama pa na may kapangyarihan yata ang labi ni Prince. Tama ba na malasahan niya na matamis iyon? Parang nilagyan ng honey. He was also giving her new sensations that run through her body kaya naman napapikit na lamang siya at least na magprotesta.

It was her first kiss. She was lucky that her first was a kiss by a prince. Napakasarap ng pakiramdam niya. Hinalikan siya ng lalaking pinapangarap niya. Kahit malinaw sa isip niya na isang palabas lang iyon, para siyang idinuduyan sa alapaap sa sarap.

Nagdilat lamang si Gabbe ng mata nang maramdamang wala na ang labi ni Prince sa labi niya. That kiss lasts for about fifteen seconds. Ngunit kahit ganoon lang kadali ang naging halik nito sa kanya, alam niyang nagmukhang kinagat ng libo-libong langgam ang pisngi niya dahil sa pula.

Sa gilid ng mata niya, nakita niya si Antoinette. Kitang-kita niya ang paniningkit ng mata nito sa nasaksihan. Ibig sabihin ay naapektuhan ito dahil sa nakita. Pero wala siyang pakialam. After all, making her jealous is part of the plan.

But deep inside me, I don't want her to get jealous. Not now. Or maybe never. Kailangang hindi pa magselos si Antoinette para matagal ko pang makasama si Prince. Alam kong mali itong gusto ko dahil pera lang naman dapat ang habol ko sa kanya. Pero pagkatapos ng insidenteng ito? Gusto ko ng maging ambisyosa.

Ilang segundo ang lumipas ay nakita ni Gabbe na hinila ni Antoinette palayo ang nerd na kasama nito. Siya naman ay napatingin kay Prince. Nanatili pa rin itong nakatingin sa kanya pagkatapos ng halik.

Hindi niya mabasa kung ano ang nasa mata nito. Pakiramdam niya ay nagulat din ito sa ginawa nito sa kanya.

Itinulak niya ito palayo sa kanya kahit na ba ang nais niya ay kabigin muli siya nito at halikan. Pinilit niyang huwag magpa-apekto sa sitwasyon. This was just a game. A charade. Hindi totoo ang lahat ng pinapakita nito sa kanya.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.