Library
English
Chapters
Settings

Chapter Four - First Practice Date

HALOS lahat ng mata na nadadaanan ni Gabbe pagpasok niya ng university kinabukasan ay nakatingin sa kanya. Pinag-uusapan at pinagtitinginan siya ng mga tao. Naiilang siya dahil hindi siya sanay sa ganoong atensyon ng mga tao. She was known to be Ms. Nobody. Pero ngayon, daig niya pa yata si Lady Gaga na napadpad sa Pilipinas kung pagtinginan ng mga tao.

Lumakas din ang mga bulungan kapag lampas niya. Kunot na kunot ang noo niya. What's happening to the world? Bakit tila isa siyang sikat na artista kung pagtinginan ng mga ito? Kahapon lang ay dinadaan-daanan lang siya ng mga tao at tila hindi sigurado kung nag-e-exist ba siya pero ngayon ay sikat na sikat na siya.

Ngunit hindi naman nagtagal ay nasagot din ang tanong niya nang marinig ang isang babaeng napalakas ang tinig sa pagsasalita. Kumalat na pala ang tsismis tungkol sa kanila ni Prince kaya naman ganoon na lang ang mga bubuyog sa tabi. May nakakita daw sa kanila kahapon sa may parking lot na naghahalikan kaya naman kumalat agad iyon.

Dinaig pa ng kinagat ng sampung bubuyog ang mukha ni Gabbe sa pula. Hiyang-hiya siya na hindi malaman. Kilalang-kilala na siya sa university dahil napakabit na siya sa pangalan ng isang prinsipe.

Binilisan niya ang paglalakad nang marinig niya ang balita. Ngunit malayo pa siya sa room niya sa araw na iyon ay may isang boses na nagpatigil sa kanya sa paglalakad.

"Gabbe, baby!" malakas na sigw ni Prince sa likuran niya.

Pakiramdam ni Gabbe ay binaril siya ng freezing gun. Halo-halo ang emosyon niya sa dibdib. Kilig, tuwa, hiya at ilang. Hindi pa siya sanay kay Prince. Hindi pa rin niya masyadong naihahanda ang sarili para dito kahit na ba naiisip na niya iyon. Sa nangyari kahapon ay napatunayan niya iyon. Kahit yata kumbinsihin niya ang sarili na kaya niya, mukhang mahihirapan pa siya. Pero naiisip niya na kahapon lamang nag-umpisa ang palabas nila kaya tama lang na hindi pa siya sanay at handa.

"Anong ginagawa mo rito?!" agad na bungad niya kay Prince.

"Gusto kong ihatid ang girlfriend ko. Masama ba?" mukhang sinadya pang laksan ni Prince ang boses para marinig ito ng karamihan.

"I didn't get your phone number yesterday kaya inabangan talaga kita ngayon," pagkatapos naman ay bulong na sa kanya ni Prince.

"W-well, nasira ang cellphone ko a week ago. Hindi pa ako nabibilihan ng bago,"

"Its okay. Nakuha ko na ang schedule mo kaya hindi na siguro ako mahihirapan na contact-in ka. But anyway, kumusta na?" wika ni Prince saka tumingin sa kanya. Napakunot ang noo nito nang makita ang pag-iitsura niya "Bakit ka namumula? May sakit ka ba? O..." sumilay ang isang ngisi sa labi nito nang mukhang may kalokohang naisip itong dahilan.

Hinampas naman niya ito ng isang librong hawak niya. Pigil na pigil ang pagba-blush pa kahit kanina pa talaga nagba-blush ang mukha niya. "Nahihiya lang ako 'no! Hindi pa kasi ako sanay." Palusot ni Gabbe. "Saka 'wag mo muna akong akbayan."

Kumunot ang noo nito. "Bakit naman? Kasali dapat ito sa usapan." Wika nito sa mahinang tinig.

Eh kasi naman, kinikilig ako! Gusto sana niyang isagot. "Naiilang ako," sa halip ay sagot ni Gabbe. Nuncang sasabihin niya kay Prince ang nararamdaman. Paano kung makaapekto iyon sa sitwasyon nila? Baka idispatsa siya nito. Kailangang-kailangan na niya ng pera. Nakausap na niya ang mga magulang at nasabihan na huwag nang ibenta ang bahay dahil nakahanap na siya ng paraan. Nag-alinlangan ang mga ito pero nakumbinsi niyang nakahiram siya ng pera sa magulang ni Serena at pati na rin sa kaibigang si Gladys. Kilala ng mga magulang ang dalawa at dahil parehong may kaya sa buhay, napaniwala rin niya ang mga ito na naggawa nga siyang pahiramin ng mga ito.

Ngumiti si Prince. And Lord, she wanted to faint with just one smile. Ganoon kalakas ang epekto nito sa kanya. "Kailangan mo ng masanay kaya kailangan ko rin gawin ito."

Bumuntong-hininga si Gabbe para pakalamahin ang sarili niya. Nagwawala kasi ang puso niya sa loob ng ribcage dahil sa ginagawa nito. "Okay," tanging nasabi na lamang niya at hinayaan ito sa ginagawa nito sa kanya.

Kinuha ni Prince ang librong hawak niya at ito na ang nagdala-dala noon. Habang naglalakad ay naging triple pa ang populasyon ng taong tumitingin at nag-uusisa sa kanila kaysa kanina. Kulang na lang ay magyuko siya ng ulo para ipaglandakan na naiilang siya sa tingin ng mga ito. Ngunit si Prince naman ay taas noo pang tumitingin sa mga ito na tila proud na proud na siya ang kasama nito.

Magaling na actor, wika ni Gabbe sa loob-loob niya.

Nang makarating sa kanyang room ay napa-"oh" lahat ng kaklase niya sa kanya. Si Gladys naman na palaging maagang pumapasok kaya hindi niya nakakasabay kapag umaga ay tila napako sa upuan nang makita siyang kasama si Prince.

"So hanggang dito na lang ako, baby. May klase pa rin ako, eh." Pagpapaalam nito sa kanya.

"Okay, ingat ka."

Lumabi ito. "Iyon lang?"

Kumunot ang noo ni Gabbe. "Anong iyon lang?"

"Wala ba akong kiss?" nakangising sabi nito.

Hinampas niya ito muli sa balikat. "Saka na," wika niya saka nag-sign na umalis na ito. "Layas na!"

Humalukipkip ito. "Hindi naman yata tama 'yan."

Namula lalo siya kaya naman nagyuko siya ng ulo. "Basta umalis ka na."

Pero hinawakan nito ang baba niya saka siya hinalikan sa labi. At muli, ang sensasyong naramdaman niya nang una siya nitong hinalikan ay umusbong sa puso niya.

Ngumiti naman ito sa kanya pagkatapos ng halik. "Kailangan mo ng masanay sa ganito, okay? At nga pala, susunduin kita pagkatapos ng last class mo ngayong araw. Nakuha ko na ang schedule mo kaya alam ko na kung anong oras kita susunduin." Anito saka nagpaalam na sa kanya.

Lahat naman ng kaklase niya ay mga hindi nakahuma sa nakita sa kanilang dalawa ni Prince. Ang tingin ng mga ito sa kanya ay siya si Cinderella at ito naman si Prince Charming. Tanong nang tanong ang mga ito sa kanya ngunit hindi naman siya makasagot. Hinayaan na lamang niya ang mga ito hanggang magsawa ang mga ito.

Nang makarating naman siya sa upuan niya ay siniko siya ni Gladys na seatmate din niya. "Ikaw, ha? Marami kang hindi sinasabi sa akin."

Ngumiti na lang si Gabbe nang kimi. Kung ganoon ay problema pa pala niya ang pag-e-explain sa mga tao kung ano at paano sila nagkamabutihan ni Prince bukod sa problema pa niya sa pusong malapit na talagang maadik dito.

Tama ba talaga itong napasukan niya?

---

PRACTICE game nila Prince ng hapong iyon. Bukas ay fifth game na nila ng interschool basketball competition at kung sakaling manalo sila sa larong iyon ay sila na ang tatanghaling kampyon. Hindi na tuloy siya makapag-antay na dumating ang araw na iyon. Nararamdaman niya kasing makukuha na nila ang talagang tagumpay bukas.

Habang tumatakbo ay ginagala niya ang tingin sa bleachers. Hinahanap niya si Gabbe sa mga taong nanonood. Magkasabay silang mag-lunch kanina at sinabihan niya ito na manood ng practice game nila lalo na at nakita naman niya na wala itong schedule sa oras na iyon. Masunurin ang pretend girlfriend niya. Ngayon niya lang naalala na hindi pa niya pala naibibigay ang pera na kailangan nito. Naggawa siya ng note sa isipan na yayain niya itong mag-dinner mamaya para makausap niya ito ukol roon. After all, hindi pa man tapos ang usapan nila ay may naggawa na rin naman ito sa kanya.

Nakita naman niya si Gabbe sa crowd. Mag-isa lamang ito at nakaupo sa may pinaka-itaas ng bleachers. Napangiti siya.

Nang mapansin ni Gabbe nakatingin siya rito at nakangiti ay ngumiti din ito sa kanya. Ngunit hindi ganoon kalawak ang ngiti nito. She just smiled a little. Parang nahihiya pa ang ginawad nitong ngiti sa kanya.

Gustong mapailing-iling ni Prince. Tama ba na inupahan talaga niya ito? Pero sa kabilang banda naman, sandali pa lang silang nagpapanggap. Sabagay, iba nga naman ang mundong ginagalawan nito sa kanya. Siguro ay talagang mahirap mag-adjust sa sitwasyong kinalalagayan nito kaya naman hindi niya rin ito masisi.

Mag-aalas-sais na ng gabi nang matapos ang practice game. Pinuntahan muna niya si Gabbe na nag-iisa pa rin sa parteng iyon ng bleachers.

"Hey," wika niya saka tumabi rito.

"Ang galing mo," papuri naman nito sa kanya. "Pagod ka ba?"

"Mawawala ang pagod ko kung hahalikan mo ako," ngumisi si Prince sa naisip.

Namula agad ang mukha nito sa sinabi niya. Kung kapag umiirap ito ay naku-cute-an siya dito, kapag naman nagba-blush ito ay nagmumukha itong maganda. And he really likes it when she blushes. Ano ba itong nangyayari sa kanya?

"Ikaw talaga. Puro ka biro. Wala dito si Antoinette at kakaunti lamang ang tao dito kaya naman tama na muna ang drama."

"Hindi nga. Kiss mo ako para mawala ang pagod ko, baby." Pangungulit niya pa rito.

"'Tse!" sabi ni Gabbe saka hinampas siya sa braso. "Magbihis ka na nga. Amoy pawis ka na."

"Ayaw mo kasi akong punasan, eh." Sinubukan niyang magreklamo, sinusubukan kung ano ang magiging reaksyon nito. Mahihiya rin ba ito kapag napapag-usapan ang halik? Iirapan rin ba siya nito? O magiging kagaya na lang ito ni Antoinette na maninigas muna siya bago nito gawin iyon?

"Nasaan ba ang towel mo?" sa halip ay tanong sa kanya ni Gabbe pagkatapos. Sandaling natulala siya. Hindi niya inaasahan iyon. Mas inaasahan niya na iirapan siya nito kagaya na lang nang madalas na ginagawa nito sa kanya kapag kinukulit niya ito.

Was Gabbe concerned about his welfare? Tila kay sarap isipin na ganoon pero ayaw niyang umasa. Masama iyon sa relasyon nila. Ginagamit lang niya ito para pasakitan si Antoinette. Alam rin nito iyon. Pero bakit tila natutuwa siya sa isipin na sana ay totoo ang lahat ng iyon?

Ibinigay niya kay Gabbe ang towel niya. First time na may babaeng gumawa sa kanya noon. Nang mga panahon kasi na magkasama pa sila ni Antoinette ay ni hindi nito iyon ginagawa sa kanya kahit na ba pinipilit niya ito. Ang Mommy naman niya ay masyadong abala sa pagiging business woman nito para suportahan pa siya sa mga aktibidad niya.

"Your hand is shaking," puna niya habang pinupunasan nito ang mukha niya. Nakatingin siya sa mukha nitong mukhang tense na tense din.

"Pasmado lang ako," palusot ni Gabbe.

Hinawakan niya ang kamay nito. "Hindi kaya."

Inalis ni Gabbe ang kamay nitong hawak-hawak niya. "Pasmado nga ako."

Lumabi si Prince "Bakit ba palagi kang parang hindi mapataeng pusa kapag kasama ako? Hindi ba talaga ako ganoong kakomportableng kasama?"

Naglihis ito ng mukha sa kanya. "Naiilang lang ako,"

Pilit niyang kinuha muli ang mukha nito para tumingin sa kanya. "Naiilang ka pa rin kahit nahalikan na kita?"

"Hindi mo ako masisisi. First time kong magkaroon ng boyfriend or lover or whatsoever. Kaya hirap ako sa ganito." Pag-amin nito sa kanya.

Namilog sa tuwa ang mata ni Prince. Hindi niya inaasahan iyon pero nakakatuwa. "So ako ang first kiss mo?"

Namula na naman ang mukha nito. "Eh ano?"

Tumawa si Prince. Nakakatuwa naman na siya pala ang naging unang halik ng babaeng ito. "Wala lang." nasabi na lamang niya saka kinuha na ang towel dito. "Mag-shower lang ako, ha? 'Tapos hintayin mo ako. Magdi-dinner tayo after this. Naikuwento mo sa akin kaninang umaga na out of town ang tutee mo kaya wala ka ng dahilan para tumanggi pa."

Inamin sa kanya ni Gabbe na tinutuloy pa rin nito ang trabaho sa kabila ng pera na inalok niya rito. Mukhang may iba pa itong pagagamitan bukod roon. Hindi na lang niya ito pinigilan dahil so far, hindi pa naman nakakaapekto ang trabaho nito sa sitwasyon nila.

Kumunot ang noo nito. "Magdi-dinner? Bakit naman?"

"Para makapag-bonding naman tayo outside the school. Tuturuan din kitang masanay sa presence ko para hindi ka na mailang sa akin. Baka hindi umepekto ang drama natin kay Antoinette kung ganyan ka."

Isang beses pa lamang silang nakikita ni Antoinette sa isang sweet na puwesto at iyon ay noong una niyang hinalikan sa Gabbe sa may parking lot. It was not really his intention to do that. Ang plano niya talaga ay kinabukasan pa nila gagawin ang plano nila ngunit dahil agad ang pagbangon ng selos sa katawan niya nang makita ito at ang nerd ay nahalikan niya si Gabbe. Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman sa unang halik na iginawad niya rito. Malambot ang labi ni Gabbe. Pero bukod roon ay may iba pa siyang naramdaman. Maari niyang masabing nagulat siya kaya lumakas ang tibok ng puso niya dahil lang sa simpleng pagtatagpo ng labi ni Gabbe. At dahil din masyado siyang na-distract sa nangyari ay hindi na niya nakita pa ang naging reaksyon ni Antoinette.

"I know. Susubukan ko na maging maayos ang pag-arte ko next time para um-effective na."

"Okay, I'll hold on to what you said. Pero sa ngayon, magsa-shower muna ako, ha? Hintayin mo ako para makuha mo na din iyong bayad ko sa 'yo."

"Okay," wika nito at sandaling iniwan muna ni Prince sa bleachers.

Habang papasok sa loob ng shower room ay nakita niya si Eron at si Allain na nakasabay niya sa pagpasok.

"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Ms. Nobody, ah?" untag sa kanya ni Eron.

Nginisian niya lang naman ito. "It's part of the plan."

"Plan din ba na nag-go-glow 'yang mata mo kapag nakatingin sa kanya?" sabat naman ni Allain na isa rin nilang kasamahan sa varsity. Alam din nito ang pagpapanggap nila ni Gabbe dahil naikuwento nila iyon dito ni Eron. Bukod kasi kay Eron ay isa rin sa ka-close niyang team mate si Allain.

Kumunot ang noo ni Prince. "What made you think that? Alam mo ang plano. Wala akong gusto kay Gabbe."

"Talaga?" wika ni Eron. "Eh bakit parang feel na feel mo ang palabas niyo? Kanina sa practice game, kapag time-out, palagi kang nakatingin sa kanya."

"Natutuwa lang ako sa kanya. Saka parte rin iyong ng drama. Kailangang kunwari ay in love ako sa kanya." Depensa ni Prince.

"Natutuwa? Ano iyon bata na cute para matuwa ka? Naku, pare, ha. Ingat ka. Baka mamaya magkagusto ka kay Gabbe samantalang hindi naman talaga siya ang target mo. Mahirap 'yan," Wika pa ni Allain saka tinapik-tapik ang likod niya.

Mariin namang umiling siya at tinanggi ang mga inaakusa ng mga ito sa kanya. Wala siyang gusto kay Gabbe. Maaring may kakaiba siyang nararamdaman. Pero tama ba ang mga iyon samantalang sandali pa lang naman silang nagkakasama?

Hindi siya madaling ma-fall sa isang babae. Noong niligawan niya si Antoinette ay hindi pa siya sure sa nararamdaman niya noon dito. Saka niya lang nasiguro na nahuhulog na ang loob niya dito nang malapit na siyang sagutin nito.

Iba ang nararamdaman niya kapag kasama niya si Antoinette at kapag kasama niya si Gabbe. Kapag kasama niya si Antoinette, pakiramdam niya ay perpekto ang mundo dahil perpektong babae ang kasama niya. Samantalang kay Gabbe naman ay naaliw siya. She's cute and he likes the things that she's doing. Kahit na ba tila siya isang preso kapag kasama siya nito kung mailang ito ay natutuwa pa rin siya. Iyon nga lang, hindi niya alam ang sagot doon kung bakit.

Pumasok na siya ng tuluyan sa shower room at naglinis ng katawan. Inalis na lamang niya sa isip kung ano ang mga sinabi sa kanya ng mga kasamahan at kaibigan.

---

KUNG nakakapangit man ang mga titig, siguradong kanina pa tinubuan ng sangkaterbang tagihawat, nagkaroon ng maitim na kutis at buhaghag na buhok si Gabbe habang naglalakad sa mall. Kung makatingin ang mga babae sa kanya ay para namang ang panget-panget niya.

Lahat yata ng mga babae na napapadaan sa landas nila ay tinitignan siya mula ulo hanggang paa. Pinamumukha talaga ng mga itong hindi siya bagay sa isang kagaya ni Prince. Naiinis siya sa mga ito. Alam niyang hanggang pangarap niya lamang talaga si Prince pero talagang nakakainsulto lamang ang mga ito kung makatingin. Ang iba, akala mo naman ay kung sinong kagandahan kung makasuyod ng tingin sa kanya.

Si Prince naman ay tila oblivious sa paligid. Balewala dito ang mga presensya ng mga babaeng iyon. Cool na cool pa ang dating nito at tila proud na proud habang akbay siya at naglalakad sila sa isa sa mga sikat na malls sa Quezon City para humanap ng makakainang restaurant.

Hindi naman mapinta ang mukha ni Gabbe. Masaya siya dahil kaakbay siya ni Prince pero nasusura siya dahil sa tingin ng mga tao sa kanya.

"O, bakit ganyan ang mukha mo?" tanong sa kanya ni Prince nang sa wakas ay matagpuan na ni Prince ang restaurant kung saan nito gusting kumain.

"Wala," sabi na lamang niya. Ayaw naman niyang ipahalata rito ang inis. Isama pa na isa iyon sa mga usapan nila ni Prince 'di ba? Isa iyon sa mga consequences. Kaya nga siya inupahan nito dahil isa siyang nobody at nakakatawa nga naman na kasama niya ang isang kahit hindi kilala sa mall ay kapansin-pansin rin na tignan na lalaki.

Pero hindi pa rin ito mukhang satisfied sa sagot niya. "Your face says something. Naiinis ka ba dahil inakbayan kita?"

"Hindi ako naiinis dahil doon." Sa totoo nga lang ay natutuwa pa nga ako nang dahil roon! Wika ni Gabbe sa loob-loob.

"Kung ganoon ay bakit? Tell me." Parang concern na concern pa ito sa kanya.

Napabuntong-hininga muna si Gabbe bago tinuluyang aminin ang nilalaman ng kanyang kalooban. "Naiinis lang ako sa tingin sa akin ng mga tao."

Kumunot ang noo ni Prince. "Bakit naman?"

"Akala mo para akong tinubuan ng buntot at sungay dahil kasama kita. Ganoon na ba talaga ako kapangit? Alam ko namang hindi ako pansinin at hindi bagay sa 'yo pero kung makatingin sila sa akin, parang kaakbay ng isang kagaya mo ang pinakapangit na tao sa balat ng lupa."

Tumawa ito saka hinawakan ang pisngi niya. "Hindi ka pangit, iyon ang tandaan mo."

"Pero pakiramdam ko, ang pangit-pangit ko. Ikaw ba, ano ang tingin mo sa isang kagaya ko?"

"Cute ka," simpleng sagot lang nito pero ramdam niyang bukal iyon sa loob. Napaka-genuine kasi ng ngiti nito.

Parang lumundag ang puso ni Gabbe sa tuwa dahil sa sinabi nito. Ngayon lang may taong nagsabing cute siya. And take note, ang lalaking patay na patay pa siya ang nagsabing cute siya. "Talaga? Cute ako?"

Tumawa muli ito. "Alam mo ba na may nakapagsabi sa akin na ang salitang cute ay pampaluwag loob lamang sa mga taong pangit,"

Sumimangot si Gabbe at tumayo. Alam niyang hindi siya dapat masaktan pero napakahirap itago ng kanyang nararamdaman. Naiinis siya. Ang akala pa naman niya ay totoo na ang sinabi nitong cute siya. Iyon pala ay may iba itong pakahulugan sa salitang iyon. Akmang aalis na siya nang hawakan nito ang braso niya.

"Don't touch me!" mataray na wika niya. Naiinis kasi siya rito. Kung alam lang nitong parang gumuho ang mundo niya dahil sa sinabi nito. Naiinis rin siya sa sarili niya. Umasa naman siya samantalang patunay na ang maraming tao sa dapat maramdaman niya sa sarili niya. Kung ang mga ito nga ay iba ang tingin sa kanya, si Prince pa kaya?

Amused naman na tumingin ito sa kanya. "You looked like a tigress when you said that. Hindi ko alam na may taglay palang katarayan ang pretend girlfriend ko,"

Inirapan niya ito at inalis ang kamay nito sa braso niya at naglakad na palayo sa restaurant. Sinundan naman siya nito.

"Gabbe, baby? Galit ka na agad noon?"

Hindi siya umimik at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Hindi niya ito pinansin.

Narinig niya mula sa likod na nagpakawala ito ng malalim na hininga saka mabilis itong tumakbo para maunahan siya at humarang sa dinaraanan niya. Para silang nagpatintero sa daan dahil ayaw siya nitong padaanin.

"I'm sorry, baby. That's only a joke."

"Wala akong pakialam." Mataray pa rin na sabi niya.

"Ikaw naman, joke lang talaga 'yon. 'Swear. I really find you cute. Lalo na kapag umiirap ka. And when you blushed, you looked so pretty."

Gusto niyang maniwala pero hindi niya ginawa. Baka kasi mamaya may bago na naman itong pakuhulugan ito.

"Padaanin mo nga ako!" she was being irrational. Pero mahirap talagang pigilan ang damdamin. Iyon na nga ba ang sinasabi niya!

"Gabbe..." hinawakan nito ang kamay niya. "I'm so sorry. Can you forgive me?" lumuhod pa si Prince sa harap niya.

Nagulat si Gabbe sa ginawa nito. Hindi niya akalaing luluhod pa ito sa harap niya para lang mag-sorry sa isang kagaya niya. Agad ang pag-arangkada ng bulung-bulungan sa tabi sa nakita sa kanilang dalawa ni Prince.

"Tumayo ka nga diyan!" utos niya dito. Nahihiya siya dahil sa mga tingin at sa mga naririnig sa mga tao. Pulang-pula na din ang mukha niya.

"I'll just stand if you'll forgive me."

"Ang arte mo! Nakakahiya sa mga tao. Tumayo ka na!"

"Again, tatayo lang ako kung papatawarin mo na ako."

"Dyino-joke lang din naman kita! Kaya please, tumayo ka na. Okay?"

Ngumiti naman ito saka hinagkan pa ang kamay niya saka tumayo. "Okay, baby. Bati na tayo, ha? Kaya naman kakain na muli tayo."

Pinaikot muli ni Gabbe ang mata kasabay ng pag-ikot rin ng puso niya sa kanyang dibdib. Kung ganito lamang ang gagawin sa kanya ng isang kagaya ni Prince, hindi siguro niya mararanasang mainis nang matagal.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.