Library
English
Chapters
Settings

Chapter Five - The Princess Comeback

"THANK you." Pagpapasalamat ni Gabbe kay Prince nang ibigay nito ang bayad nito sa kanya kahit na ba nagsisimula pa lamang at hindi pa tagumpay ang drama nila.

"You're welcome. Aanhin mo nga pala ang pera?"

"Ahmm. Kailangan kasi ng younger brother ko. Nasa ospital siya ngayon."

Agad naman ang pagbadha ng alala sa mukha nito. "Bakit?"

Ikinuwento naman niya dito ang sakit ni Briel.

"Oh, I see. Sana gumaling na siya."

"Sana nga," wika ni Gabbe rito. Kasalukuyan silang nasa kotse ni Prince at pauwi na galing sa restaurant. Ang sabi nito ay ihahatid na siya nito sa mismong bahay nila ngunit nag-insist siya na huwag na. Baka kasi tiyempo na nasa bahay ang isang magulang niya at malaman pa ng mga itong may naghatid sa kanya. Siguradong hindi siya titigilan ng usisa ng mga ito pati na rin ang mga kapitbahay nilang numero unong tsimosa.

Nagpababa siya sa kanto malapit sa kanila. Tinignan niya muna kung walang taong nakakilala sa kanya sa paligid bago siya nagpaalam.

"Good night," wika niya dito.

"Good night kiss ko?" ungot nito sa kanya.

"Alam mo, sobra na iyang scoring mo. Kulang pa yata itong ibinigay mo dahil sa hilig mo sa halik."

"Don't worry, dadagdagan ko iyan halikan mo lang ako." Kinindatan pa siya ni Prince.

Kahit siguro 'wag na. Basta ako na lang ang mahalin mo 'wag lang si Antoinette. Sulsol ng isang bahagi ng utak ni Gabbe. "Sumusobra ka na talaga. Wala dito si Antoinette para magdrama tayo."

"I don't need the kiss because of the drama."

Natigilan si Gabbe dahil sa sinabi ni Prince. Kumabog nang malakas ang dibdib niya. What is he trying to say?

Nang maramdaman naman nito na para siyang naging yelo sa kinauupuan ay nagsalita muli ito. "Kailangan ko iyon para masanay ka sa mga sweet ways at umepekto ang drama natin."

Ang hirap talaga ng umaasa kahit alam mong wala na.

Parang hinihimay na langka ang puso niya dahil sa sinabi ni Prince. Bakit ba kasi ayaw pumasok sa kokote niya na kahit kailan ay hindi siya magugustuhan ni Prince? Bakit ba palagi na lamang siyang nangangarap na magugustuhan siya nito eh binabayaran lang naman siya nito para mag-pose bilang pretend girlfriend nito?

"A-ah... Oo nga," tanging nasabi na lamang ni Gabbe saka hinalikan ito sa pisngi para sa hinihingi nitong good night kiss. Mabilis pa sa alas-kwatrong binuksan niya ang pinto ng kotse nito nang matapos niyang ilapat ang labi sa pisngi nito. Ayaw niya kasing makita nito ang mukha niyang nasasaktan dahil sa sinabi nito.

Wish niya na sana talaga, 'wag nitong angkinin ang puso niya. Mahihirapan kasi talaga siya. Lalo na't malinaw naman sa isip niyang palabas lamang ang lahat ng ito para sa pagbabalik ng taong gusto at mahal talaga nito. Ayaw ng isip niya na umasa ngunit ito namang tangang puso niya, wala ng ginawa kundi ang umasa nang umasa.

---

PANG-LIMANG laro na nina Prince laban sa kabilang university. Hindi mahulugang karayom ang buong gymnasium dahil sa dami ng nanonood. Hindi rin magkandamayog ang iba't ibang banners sa paligid. Halos mabingi rin si Gabbe dahil sa sigawan ng mga fans ng buong varsity team.

Natatawa na lamang siya sa mga reaksyon ng mga ito. Todo ang cheer ng lahat ng mga ito sa bawat member ng grupo. Siya naman ay ganoon rin. Kasama niya ngayon muli si Gladys na nanonood ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ito makapagbigay ng suporta sa ex-boyfriend nito dahil kasa-kasama nito ang nobyo nito ngayong si Joshua.

Maraming tanong sa kanya si Gladys tungkol sa kanila ni Prince. Paano daw siya napansin nito gayong hindi naman sila magkakilala dati? Hindi niya dito sinabi ang totoo pero hindi naman niya sinasagot ang tanong nito. Kapag nangungulit ito sa kanya ay sinasabi na lamang niya na parang magic ang nangyari sa kanila ni Prince. Paniguradong pangangaralan kasi siya ng kaibigan kapag nalaman nito ang totoo.

Hanggang second-half ng laro ay lamang ang university nila. Tuwang-tuwa lahat ng mga schoolmates niya. Isang panalo na lang kasi nina Prince ay panalo na ang mga ito sa finals. Ngunit humina ang mga sigaw pagdating sa fourth-quarter. Bumawi kasi ang kalaban. Parang in-injection-an ang mga ito ng Gatorade dahil biglang sumigla ang mga ito.

Nanlumo si Gabbe nang makitang lamang na ng sampung puntos ang kabilang unibersidad. Lalo na nang makita niyang isang minuto na lamang ang natitira sa oras. Ibig sabihin ay talo na sa laban ang university nila.

Nang maghiyawan sa tuwa ang kabilang university, siya naman ay humihiyaw sa lungkot ang puso. Natalo sila Prince. She really felt sorry about them.

Pinuntahan niya ito sa baba. Malungkot ang mukha nito.

"Okay lang 'yan. May game six pa naman, eh." Pampalakas ng loob niya dito. "Basta ang mahalaga, you did your best."

Ngumiti naman ito sa sinabi niya. "Sana nga manalo na kami sa game six. Ang laki pa naman ng expectation ko dito sa larong ito."

"Ganoon talaga ang buhay. May mga bagay na sadyang dumarating kahit na hindi natin gustong mangyari."

"Oo nga. Pero basta, babawi na lang kami sa game six."

"Ganyan nga. Think positive!" pampalakas ng loob niya rito. Mayamaya ay kahit natalo, may mga dumating pa rin na fans na binate ito nagpakuha pa ng litrato. Sobra talaga ang kasikatan ng pretend boyfriend niya.

Hinayaan na lamang ito ni Gabbe at nanatili sa tabi nito para suportahan. Masaya siya na pinagkakaguluhan ito ng tao sa kabila ng pagkatalo. Hindi naman siya selfish na tao para ipagdamot si Prince lalo na at alam niyang hindi naman talaga ito sa kanya. Isa pa, fans lang naman ni Prince ang mga iyon. Kung wala ang mga ito, hindi sisikat at mamo-motivate sa laro si Prince. Malaki rin ang tulong ng mga ito sa tinatamasa ng lalaki ngayon.

Habang abala si Prince sa pag-e-entertain ng mga tao ay sinuyod ni Gabbe ang crowd at may isang pigura ng babae siyang nakita na palapit kay Prince. It was Antoinette.

Kumabog ang puso ni Gabbe sa nakita. Ano ang ginagawa ni Antoinette roon?

Tinignan niya si Prince na ngayon ay tapos na sa pag-e-entertain ng mga tao. Niyakap siya nito saka hinalikan. Matagal ang iginawad sa kanyang halik nito. Parang nayanig ang mundo niya sa sobrang intense ng halik na ginawa nito sa kanya. Ma-e-enjoy na sana niya ang ginawad nitong halik at yakap sa kanya kung hindi niya lamang alam na ginawa lang nito ang ganoong halik at yakap para pagselosin si Antoinette.

Halos mapugto ang hininga niya nang matapos ang halik. Napatingin naman siya kay Antoinette na ngayon ay tila tinurukan nang pampatigil. Halos wala ng dalawang metro ang layo nito sa kanila kaya naman kitang-kita nito ang ginawa sa kanya ni Prince.

"Hi..." bati niya dito na mukhang nagpabalik naman dito sa mundo.

Hindi nito pinansin ang bati niya bagkus ay nagpunta ito kay Prince. "You still did great."

Ngumiti naman dito si Prince. Ngiting ngayon niya lang nakita sa mga labi nito. "Nanood ka? Thanks. Mabuti at sinuportahan mo kami."

"I just realized na ni hindi ko pala iyon nagagawa dati kaya naman nandito ako ngayon."

"Oh, I see. Anyway, si Gabbe nga pala. Gabbe, this is Antoinette." Pagpapakilala ni Prince sa kanya sa dating nobya. Hindi man lang sinabi kung ano ang katayuan niya sa buhay nito kahit pagpapanggap lang iyon.

Inilahad ni Gabbe ang kamay niya sa kabila ng sakit na naramdaman. She's trying to be friendly kahit na ba halatang-halata sa mukha nitong hindi nito gustong makipagkaibigan sa kanya. "Hi Antoinette. It's nice to meet you."

Tinanggap nito ang pakikipagkamay niya pero ramdam niyang napilitan lamang ito. Nanatili pa rin kay Prince ang tingin nito sa kanya kahit na ba sa kanya ito nakikipagkamay.

Nang mapansin ni Prince na nag-iiba na ang tingin dito ni Antoinette ay lalo pa nitong pinagselos ang dalaga sa pamamagitan ng pag-akbay sa kanya. "So how do you and your rumored boyfriend doing?"

"Oh, he's not my boyfriend. He's just a friend." Pagsagot naman nito sa tanong ni Prince.

Naramdaman niyang tila nanigas si Prince sa sinabi na iyon ni Antoinette. He felt cold too. Samantalang ang puso naman ni Gabbe ay tila natunaw sa narinig. Kung hindi naman pala totoo ang relasyon nina Antoinette at ng nerd, ibig sabihin ay wala naman talagang halaga ang pagpapanggap nila.

Kung ganoon, nararamdaman niyang malapit ng matapos ang maliligayang araw niya. Malapit na siyang bumalik sa dating siya. At tuluyang anihin ang mga sakit.

Hindi nagsalita si Prince kaya lumihis ang tingin ni Antoinette sa kanya. Napansin niyang sumama ang tingin nito. Tila inis na habang tinitignan rin kung ano ang ginawa sa kanya ni Prince. Mabilis na umeepekto na nga ang lahat. Nagseselos na ito.

"I can't believe ipinagpalit mo ako sa isang kaggaya niya, Prince. Sabihin mo sa akin ang totoo, ginamit mo lang ba ang nobody na ito para pagselosin ako?"

Napatungo si Gabbe sa sinabing iyon ni Antoinette. Ganoon na ba talaga sila kahalata? Pakiramdam tuloy niya ay ang laki ng kasalanan niya. Hindi siya nakaakto ng ayos. Pero higit sa lahat, ipinamukha na naman sa kanya ang katayuan niya sa buhay.

She really hates it.

Ngunit sa pagkakataong iyon, nawala na ang nararamdaman niyang paninigas ni Prince. Naramdaman niya na tila nag-init ito at nang tumingala siya para tignan ang reaksyon nito, nakita niya ang inis sa mukha nito. Teka, bakit naman ito maiinis sa sinabi ni Antoinette? Dahil ba kaggaya niya, naiinis rin si Antoinette sa pinamukha nito sa kanya? Pero teka rin, bawal siyang umasa. Lalo na at nakalimutan niya na maiinis nga si Prince kapag nabuking na agad ni Antoinette ang tungkol sa kalokohang naisip nito.

Lalong sumama ang pakiramdam ni Gabbe. She wasn't a good actress, nainsulto pa siya. Kaya pa ba niya ang lahat ng ito? Parang gusto na lang tuloy niyang ibalik kay Prince ang pera na ibinigay nito sa kanya. She doesn't deserved it.

Kumawala siya mula sa pagkakaakbay ni Prince. Nagkunwari siyang tinignan ang relo sa kamay niya. Nagpasalamat siya sa isip na mabuti na lang at mag-a-alas sais na. May dahilan na siya para umalis ng lugar dahil ayaw na niyang pakinggan pa ang susunod na pag-uusap ng mga ito.

"P-Prince, I think I need to go. Inaantay na siguro ako ni Serena," tukoy niya sa tutee niya. Kilala iyon ni Prince dahil minsang naikuwento na niya rito ang pangalan ng tinuturuan.

Nawala ang focus ni Prince sa pagdating ng dating nobya. "Okay, ihahatid na kita."

Umiling siya. "May practice game kayo mamaya 'di ba?" napag-usapan nila ni Prince ang tungkol sa magiging resulta ng laban. Sinabi nitong kapag natalo ay siguradong may practice game ang mga ito para paghandaan ang susunod. "I-I'll just see you tomorrow,"

"Gabbe..."

Hinalikan niya sa pisngi si Prince kaggaya ng nakaugalian nila kapag maghihiwalay sila. Ngumiti siya kay Antoinette at nagpaalam. Wala na siyang pakialam kung ano man ang isipin nito sa basta na lang niyang pag-alis. Wala na rin siyang pakialam kung ano ang mangyayari sa kanila ni Prince. Dahil alam ni Gabbe na kapag nangialam pa siya, lalo lang siyang masasaktan.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.