Library
English
Chapters
Settings

Chapter Seven - Meet The Family (Prince Edition)

"KUMUSTA ka na?"

Napaikot ni Gabbe ang kanyang mga mata nang sa pangatlong pagkakataon sa araw na iyon ay narinig niya ang tanong na iyon mula kay Prince. Isang lingo na simula nang pahiramin siya nito ng cellphone para magamit raw niya sa pagkakataong kailangan siya nito. Hindi niya sana gustong kuhanin iyon pero nang in-insist nito na kailangan niya iyon para sa trabaho niya rito, wala na siyang naggawa.

Inamin sa kanya ni Prince na nag-alala ito sa kanya kaya ibinigay nito ang cellphone. Ayaw na raw kasi nitong mangyari ang nangyari kinailangan pa nitong puntahan siya sa bahay nila para lang alamin ang lagay niya noong araw na nakipag-inuman ito sa Papa at kapitbahay nila. Paano kasi ay nalasing ito nang husto. Hindi naman daw sa natakot ito sa kanyang ama. Hindi lang daw talaga magandang experience iyon dahil ilang beses itong nagsuka sa kalasingan.

Gustong isipin ni Gabbe na concern talaga sa kanya si Prince kaya ginagawa nito iyon. Na baka magkaroon nga ng pag-asa na magkagusto ito sa kanya kaggaya ng narinig niya noon sa inuman. Pero nawalan na siya ng pag-asa dahil hindi naman nito sinasabi sa kanya ng harapan iyon kahit na ba simula nang ibigay nito sa kanya ang cellphone ay isa sa mga paborito nitong gawin ay ang gawin iyong MP3. Palagi nitong gustong kausap siya. At hindi naman maggawang tanggihan ni Gabbe si Prince dahil isa rin iyon sa nadiskubre niyang paborito at kaaliw-aliw na gawain ngayon.

Tumigil si Gabbe sa paglalakad galing sa library para kausapin si Prince. Kahit abala siya sa "trabaho" niya kay Prince, hindi pa rin niya puwedeng pabayaan ang pag-aaral niya. Sa tuwina ay pumupunta siya sa library para mag-aral dahil mas tahimik roon kaysa sa bahay nila, lalo na kapag hindi naman siya sinasabihan ni Prince na kailangan siya nito para sa palabas nila ni Antoinette na simula noong nangyari sa fifth game ay wala pa rin siyang balita hanggang ngayon. Hindi na siya nakikialam pa. Kahit naman kasi itanggi niya at natatakot siya sa maaring mangyari kapag nagtagumpay na ang plano ni Prince, masaya siya na kasama ito. Mas nangingibabaw ang sayang nararamdaman niya kapag kausap at kasama ito kaysa sa takot sa maaring mangyari pagkatapos nilang magpanggap.

Hindi mapigilan ni Gabbe iyon. Kahit sino naman sigurong babae ay mabilis na mahuhulog ang loob kay Prince. Lalo na siya na noong una pa lang ay gustong-gusto na ito. At nang makasama niya ito, hindi na niya napigilan ang damdamin niya. In love na siya rito.

Paano ba naman siyang hindi mai-in love rito? Ilang beses na pinaparamdam nito sa kanya sa kabila ng pagpapanggap nila na may pagpapahalaga ito sa kanya. Oo, siguro ay marami ang makikita na kapag nalaman ang usapan nilang dalawa, sasabihin na napakasama nito dahil ginamit lang nito ang kaggaya niya. Pero sinabi rin nito na nakakaramdam ito ng guilt tungkol roon. Humingi pa nga ito ng patawad, hindi ba? Somehow ay naiintindihan rin naman niya si Prince kaya nito ginawa iyon. Mahal na mahal lang talaga nito si Antoinette kaya gagawin nito ang lahat ng paraan para mapabalik ito sa piling nito.

"Kailangan ba na paulit-ulit mo akong tanungin niyan? Parag two hours ago lang yata noong huli mo akong tanungin niyan. In person pa," paalala ni Gabbe kay Prince. Iyon ay noong hinatid pa talaga siya nito sa library kahit hindi naman iyon kailangan pa.

"I just want to know your condition. Masama ba 'yun?"

"I'm fine, okay? Wala namang masamang mangyayari sa akin sa library," nakakatakot ang pagiging worrier ni Prince dahil baka masanay siya roon. Pero hindi rin niya maiwasang matuwa. Kung totoo ang lahat ng ito, siguro ay siya na ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Prince is the perfect boyfriend. Napakamaalaga nito.

"Okay, so where are you? Still in the library?" sunod naman na tanong nito.

"Pauwi na ako," pag-imporma niya rito. May sakit ngayon si Serena kaya wala silang session nito.

"Good. May gusto kasi akong ikuwento sa 'yo,"

Aba mukhang makikipagtelebabad pa yata ang lalaking ito bago ako umuwi, ah! Ang alam niya ay may practice game muli si Prince ngayon para sa sixth game ng mga ito bukas kaya naman nandoon pa rin ito sa university. Siguro ay break nito ngayon kaya naggawa siya nitong tawagan.

"Ano naman 'yun? Pauwi na ako, eh. Puwede bang mamaya na 'yan?"

"Sandali lang ito actually. Tungkol lang ito sa isang babae..."

Tumigil yata ang tibok ng puso ni Gabbe nang marinig iyon. She was silent for a moment. "A-Antoinette?"

"Hindi. Its about..." tumigil pa ito bago muling nagsalita. "Feeling ko ay nakita ko na ang pinakamagandang babae sa mundo..."

So iba pang babae. Hindi lang pala si Antoinette ang maaring maging malaking kalaban ko sa ugok na ito! "T-talaga? That's good. Gusto mo ba akong ipakilala rin sa kanya?"

"Actually malapit lang siya sa 'yo ngayon, eh. Look to the left,"

Napakunot-noo si Gabbe. Malapit lang sa kanya ngayon? Kung ganoon ay alam ng lalaking ito kung nasaan siya? Ngunit nagtataka man ay sinunod ni Gabbe ang sinabi sa kanya ni Prince. Tumingin siya sa kaliwa.

She saw the glass door that reflects her image.

Natulala si Gabbe kasabay nang pagkarinig niya ng tunog ng end call sa cellphone niya.

"Nasorpresa ka ba?" hindi namalayan ni Gabbe na nasa harap na niya agad ang lalaking kausap lang niya kanina sa cellphone.

Ang lakas lakas ng tibok ng puso ni Gabbe na parang kaunti na lang ay lalabas na iyon sa ribcage na siyang nangyari dahil sa sinabi ni Prince. She couldn't deny it. Kinilig siya sa sinabi nito. Hindi rin iyon naitanggi ng kanyang katawan. Her face turns red. Tumalikod siya kay Prince para hindi niya maipakita iyon. "Puro ka talaga kalokohan!" nagkunwari siyang galit.

She heard Prince chuckled. "All right. But you should admit, it was kind of cheesy."

Oo, masaya na nga sana kung totoo lang ang lahat! Bakit kasi hindi na lang natin totohanin?

"Fine. Tapos ka na ba? Kailangan ko ng umuwi. Baka hinahanap na ako sa bahay namin." Palusot ni Gabbe para tigilan na siya nito. Baka mamaya ay humirit na naman ito at hindi niya mapigilan na maglupagi sa sahig.

"I don't think so. Ipinagpaalam na kita sa Papa mo,"

Kumunot ang noo niya. "Ipinagpaalam? Para saan? Isa pa, 'di ba may practice game kayo ngayon? Tapos na ba 'yun?"

Tumango si Prince. "Wala na tayong problema. Wala ka rin naman quiz or exam bukas 'di ba?"

Tumango si Gabbe. Nagpunta siya sa library para lang mag-advance reading para sa susunod nilang topic. Iyon ang isa sa mga sikreto niya para mapanatali niya ang kanyang scholarship. "Ano bang balak mo? Gusto mo ba akong yayain na mag-dinner? Masyado pang maaga, ah." Mag-a-alas kuwatro pa lang ng hapon.

Ngumiti si Prince. "Actually its more than that. But I'd rather keep it a surprise. Kaya ko nga ginawa muna ito sa 'yo para mag-umpisa ka nang masanay sa mga sorpresa."

"Ano na naman bang pakulo ito, Prince?"

"Secret nga. Saka pinagkakatiwalaan mo naman ako 'di ba?" hinawakan ni Prince ang kamay niya. "It was something fun. Something to enjoy. I'll promise you, you'll have a good time."

Makakatanggi pa ba si Gabbe samantalang parang kinuha na ni Prince ang buong pagkatao niya sa paghawak pa lang nito sa mga kamay niya? Gusto niyang maging positibo na magiging masaya nga iyon. For days now, madalas ay inilalabas siya ni Prince kahit wala namang dahilan. Minsan nga ay naiisip niya kung nagpapanggap pa ba talaga sila para sa sake ng pakikipagbalikan nito sa ex-girlfriend nito. Paano ba naman kasi ay madalas silang lumabas at magsama na wala namang purpose ang gagawin. Wala pa rin improvement kay Antoinette. Iyon ang alam niya dahil hindi na muli ito nagpakita. Kaya naman ang mga araw na magkasama sila ni Prince ay talaga namang ka-enjoy-enjoy. Feel na feel na talaga niyang mag-ala Carol Banawa kapag kasama niya ito.

Pero kahit ganoon, ayaw pa rin ni Gabbe na tuluyang kalimutan ang tungkol sa simula ng lahat. Madalas ay nagtatanong siya rito kung bakit nito ginagawa iyon. Madalas na sinasabi lang nitong "wala lang" o 'di kaya ay wala lang talaga itong makasama kaya trip nitong kasama siya o 'di kaya ay para daw masanay na siya sa piling nito. Wala ng pagkailang kaggaya ng nararamdaman niya rito noong una pa lang. Which is from now, masasabi niyang wala na talaga. She felt totally comfortable whenever he was around. Or maybe she just thought. Paano kasi, nasa eratikong pagtibok pa rin ang puso niya kapag kasama ito.

"So anong reason naman nitong surprise mo? Para lokohin na naman ako? Para masanay ako sa 'yo o---"

"I just need you to be there." Simpleng putol nito sa sasabihin niya.

"And Antoinette? Nandoon ba siya? Kailangan ba nating magpanggap?" kailangan niyang ihanda ang sarili niya kung nandoon nga siya.

Matamang tinitigan muna siya ni Prince bago ito nagsalita. "Y-yes, she will be there."

At sa isang iglap, nawala na lahat ng epekto ng kilig na dinala sa kanya ni Prince kanina.

---

NAMANGHA si Prince sa nakitang transpormasyon ni Gabbe pagkatapos niyang paayusan ito sa salon para sa okasyon na pupuntahan nila ngayon. He wanted to hit himself because he had first considered her as a "nobody". Hindi naman talaga pala ito isang "nobody" dahil may kakaiba kay Gabbe na nakita lang niya nitong magkasama sila.

Madalas na mabasa ni Prince ang kataga na, "No one really cares unless you're pretty, rich or dying,". Gabbe wasn't one of the above. Simple lang ito kaya hindi pansinin ang ganda nito. But she was smart. Kaya nga ito nakakapag-aral sa university sa kabila ng hindi naman ganoon kagandahang buhay ng mga ito dahil roon. Ngunit hindi naman lahat ng matatalino ay sumisikat. Lalo na kapag hindi naman ipinagmamayabang ng mga ito ang achievement na nakukuha ng mga ito.

That was Gabbe. Hindi mo pa ganoong makikilala ito kung hindi mo nakasama ito. Pero ramdam ni Prince na may iba pa kay Gabbe na siyang nagustuhan niya rito sa kabila ng kung ano ang turing rito sa university nila. Iyon ba ay dahil hindi ito kaggaya ng madalas na babaeng kilala niya? Hindi ito maarte at may pagkamahiyain rin ito. Malayo rin ang ugali ni Antoinette rito. Madalas na nakokontento na lang si Gabbe sa kung ano ang kaya niyang ibigay rito. Hindi rin ito nagagalit kapag natatalo siya sa laro o 'di kaya ay nilalapitan siya ng mga fans. Positibo ito at naniniwala sa kanya. Suportado rin siya nito, kahit pinapalibutan siya ng mga fans ay balewala lang iyon rito. Bagkus ay nakikita niyang masaya pa nga ito. Ngunit hindi lang iyon ang mga katangian na gusto ni Prince kay Gabbe. Pero sa isang hindi maipaliwanag na kadahilanan, hindi niya malaman iyon.

Was it because he felt like a real Prince whenever she was around? Gusto niyang protektahan ito. Maging knight in shining armor nito. Ang i-rescue ang damsel in distress na kaggaya nito. Pinahahalagahan niya ito. Gusto niya na palaging nasa maayos na kalagayan ito.

Anong mayroon kay Gabbe at nararamdaman niya ang ganoong damdamin? Hindi naman talaga ito dapat na maging espesyal. Pero sa pagkakalapit nilang dalawa, mas higit pa yata sa espesyal ang nararamdaman niya para rito.

"You look beautiful..." sa totoo lang ay speechless si Prince sa nakitang transpormasyon ni Gabbe. Pero kailangan niyang magsalita dahil deserved ni Gabbe na malaman iyon.

Nakakulot ang may kahabaan at palagi lang na naka-headband na buhok nito. Bumagay rin ang make-up na nilagay rito at naging kapansin-pansin ang makurbang katawan nito sa binili niyang itim na cocktail dress rito. Ngayong gabi, masasabi niyang hindi na masasabihan pa si Gabbe na isang "nobody". With her looks today, she was not just worth a glance. She was worth a stare.

"Salamat," nahihiyang sabi pa nito saka tumingin sa kanya. "You look good, too."

"Thanks," habang inaayusan si Gabbe ay nag-ayos na rin siya ng sarili sa rest room ng salon. Dahil lalaki siya at hindi na kailangang ayusan pa nang husto ay nagkasya na lang siya sa dating itsura niya. But he knew that the suit he was wearing made him better than he used to be.

"Pero saan nga ba talaga tayo pupunta? Tapatin mo na ako, Prince." Pangungulit sa kanya ni Gabbe pagkatapos niyang bayaran ang salon na nag-ayos rito. Sinigurado pa niya na bigyan nang malaking tip ang mismong nag-ayos rito. She did a really good job.

"Laters, baby." Pagsagot niya kay Gabbe sabay kindat.

Sumimangot ito. Ngunit kahit ganoon, maganda pa rin ito. Sinubukan niyang pagaanin ang loob nito sa pamamagitan ng pagyakap rito. "You trust me, right? Sabi ko sa 'yo ay magiging masaya ang gabing ito."

Sa sinabi niyang iyon ay ngumiti na muli si Gabbe.

Habang nasa biyahe ay wala pa rin siyang binibigay na ideya kay Gabbe kung saan nga sila pupunta kahit na ba napapansin niya na may ideya na ito. Sinabi niya lang rito ang lahat nang narating na nila ang lugar.

Napansin niyang kinabahan si Gabbe. Napalunok ito. "F-family gathering?"

Ngumiti si Prince at inakbayan ito. "Yes."

Sinuntok nito ang dibdib niya. "Bakit?"

"Nakilala na ako ng pamilya mo. Bakit naman hindi ka puwedeng makilala ng pamilya ko? Today is my grandparent's fiftieth wedding anniversary."

"And Antoinette will be here?"

Bahagyang nagulat si Prince sa tanong na iyon ni Gabbe kahit naitanong na nito iyon kanina. Sa totoo lang ay kasinungalingan lang naman ang sinabi niya na pupunta roon si Antoinette. Hindi niya talaga sigurado kung pupunta ito bagama't magkaibigan ang pamilya nilang dalawa. Sinabi lang niya iyon dahil wala siyang maisip na dahilan upang yayain ito. Dahil ang totoo, hindi rin niya maipaliwanag kung bakit.

Alam ni Prince na may mali. Kakahiwalay lang nila ni Antoinette at malapit ito sa pamilya niya. Pero gusto niyang makasama si Gabbe sa kabila ng sitwasyon nila. Gusto niyang ipakilala ito sa pamilya niya dahil sa kabila ng lahat, espesyal ito sa kanya.

Ano na nga ba talaga ang nangyari sa kanya? Hindi ganito ang plano. Ginagamit lang niya si Gabbe pero bakit ganoon? Tila siya yata ang naging biktima ng lahat. Sa halip kasi na si Antoinette ang maisip niya, palaging si Gabbe ang nilalaman noon. Well, naalala pa rin naman niya si Antoinette. Pero iyon ay kapag pinapaalala iyon ni Gabbe sa kanya.

Huminga nang malalim si Prince. Akmang sasagutin na niya ang tanong ni Gabbe nang may umagaw ng atensyon niya mula sa entrada ng venue ng party.

"So I'm wrong am, I? Its not really a charade? Seryoso ka nga sa babaeng ito," wika ni Antoinette. Lukot na lukot ang mukha nito habang tinitignan mula ulo hanggang paa si Gabbe.

Mukhang inis si Antoinette. Mukhang nagseselos na ito. Umeepekto na ang plano. Dapat ay magdiwang si Prince. Babalik na muli sa piling niya ang dating nobya. Pero bakit ganito ang nararamdaman niya? Sa halip na magsaya, purong kalungkutan ang nadarama niya.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.