Library
English
Chapters
Settings

Chapter Eight - Caught In The Arms of First Love

ANG FIFTIETH wedding anniversary ng Lolo at Lola ni Prince ang unang beses na makadalo si Gabbe nang ganoong kaengrande na selebrasyon. Marami siyang mga kaklaseng mayaman pero dahil hindi siya sociable na tao, bihira niyang tanggapin ang mga paanyaya. Ngunit sa halip na ma-insecure si Gabbe sa matataas na tao na ilang oras na rin niyang nakakasalamuha dahil sa sorpresang ito ni Prince, malayong-malayo iyon sa nararamdaman niya.

She felt like far away of Miss Nobody. Ngayong gabi ay naranasan niya na maging kapansin-pansin. Nakakailang noong una pero nasanay rin siya. Pakiramdam tuloy niya ay siya si Cinderella at si Prince ang naging fairy God Mother niya. Inayusan siya nito at pinadala pa sa isang party na tama nga ito, mag-e-enjoy nga siya. Dahil bukod sa pagiging fairy God mother nito sa kanya, ito rin ang umalalay sa kanyang prinsipe.

Ipinakilala siya nito sa pamilya nito na kahit naramdaman niyang bahagyang nagulat ay tinanggap siya. Nag-iisang anak lang si Prince kaya ang mga magulang nito ang madalas na nakakasama niya. Sa maikling panahon, pakiramdam niya ay naging belong na siya sa mga ito. Marami silang napagkuwentuhan at tila kilalang-kilala na niya agad ang mga magulang nito na kahit madalas ay abala sa trabaho, ramdam niyang mahal at may pag-aalala pa rin kay Prince. Hindi rin matapobre ang mga ito at sinabi pa ngang balewala na raw ang nakaraan. Basta kung sino ang mahal ng anak nila, mahal na rin ng mga ito.

Gusto ni Gabbe ang pagtrato sa kanya ng pamilya ni Prince. Pero masasabi niyang mas gusto niya ang pagtrato sa kanya ng mismong taong nagdala sa kanya rito. Lahat na yata ng katamisan ay naggawa ni Prince sa kanya ngayong gabi. Mula sa pagpapaayos sa kanya, pagpapakilala sa magulang at sa pag-alalay sa bawat oras. Halos hindi siya nito alisan ng tingin mula rito. Pati sa pagkain ay asikasong-asikaso siya nito. Isinayaw rin siya ni Prince nang dumating ang social dances. Hindi siya ganoon karunong na magsayaw pero nang yayain siya nito, pakiramdam niya ay namuhay siya noong unang panahon kung kailan sikat na sikat ang ganoong klaseng pagsayaw. It was a romantic night. It was perfect.

Almost.

Ayaw pakaisipin ni Gabbe ang lahat ng ginagawa sa kanya ni Prince. Nalululon siya sa ginagawa nito at hindi na iniisip ang malabong katotohanan na ginagawa lang nito iyon dahil nandoon si Antoinette. Ginagawa lang nito ang lahat para pagselosin ang dating nobya nito.

Mali ang ginagawa ni Gabbe, alam niya iyon. Pero ano ang magagawa niya? Isa lang siyang babae. Hindi siya bato. Hindi siya manhid. May damdamin rin siya. Damdamin na ngayon ay ayaw nang makinig sa kanyang isip. Nabubulag na sa lahat ng mga ginagawa sa kanya ni Prince.

She was really falling for him.

"Baby, puwede bang iwanan muna kita? I'll just go to the rest room," paalam ni Prince sa kanya.

"Sure, sure," pagsang-ayon naman ni Gabbe rito. Ano ba ang ilang sandali na mawala sa tabi niya si Prince?

Ilang sandali pagkatapos makaalis ni Prince ay tumunog ang cellphone nito na naiwan nito sa lamesa. Nakita niyang tumatawag si Eron. Alinlangan pa siya sandali kung pakikialaman niya iyon hanggang sa sabihin ng Mama ni Prince na gawin niya ang gusto niya roon. Nag-excuse siya sa magulang nito at sinagot ang tawag. Inimporma niya rito ang lagay ni Prince.

"Can you find him now? Kailangan ko lang talaga siyang makausap. ASAP," utos sa kanya ni Eron. Pumayag siya rito at sinundan niya si Prince sa rest room. Nakita niyang palabas na ito mula roon. Akmang tatawagin na sana niya ito nang may nauna sa kanya.

"I missed you, Prince." Diretsong sabi ni Antoinette na na-corner pa si Prince sa isang gilid. Dahil medyo malayo pa siya sa mga ito at hindi nakatingin sa direksyon niya, hindi siya kita ng mga ito.

"Antoinette..." tanging nasabi lang ni Prince. Naramdaman niya ang pagkalito sa tinig at mukha nito sa sinabi ng dating nobya.

Ilang sandali pa ay umiyak si Antoinette. "I'm sorry, Prince. I didn't mean to broke up with you. I love you. I still love you..." niyakap pa nito si Prince.

"I know I've pushed you to the limits. Napakamaalalahanin mo. Napakabait. It seems like a girl like me doesn't deserved you. Pero natatakot lang ako na mawala ka sa akin. Ayaw kong mawala ka sa akin kagaya nang ginawa ni Daddy sa pamilya namin..."

"Ginawa ng Daddy mo sa pamilya niyo? What do you mean, Antoinette?" nagkaroon ng pagkalito sa boses ni Prince.

"Ang akala ng lahat ay perpekto ako. Pati na rin ang pamilya ko. But they are wrong. Hindi na kami buo, Prince. Palabas lang ang lahat na maayos ang pamilya namin dahil na rin sa image ni Papa. He actually already left us. Ipinagpalit niya kami sa personal assistant niya at mayroon na rin siyang isang anak roon.

"Naging selosa ako nang dahil roon. Naging overprotective ako. Ayaw ko kasi na dumating 'yung araw na may umagaw na ng atensyon mo kaggaya nang nangyari kay Papa. Ayaw kong mawala ka sa akin. Mahal na mahal kita, Prince..."

Pakiramdam ni Gabbe ay namutla siya sa mga narinig. Muntik na niyang maibagsak ang cellphone na hawak. Anong oras na ba? Alas dose na ba? Tapos na ang fairy tale ni Cinderella...

"Gabbe? Are you still there? Nakita mo na ba si Prince?" sa kabila ng pagkagulat ay narinig pa rin ni Gabbe ang sinabing iyon ni Eron sa kabilang linya.

Oo, nakita ko na siya. Sa piling ng iba. Gusto sanang isagot ni Gabbe pero pinili niyang magpakatatag. Umalis na siya sa lugar kung nasaan sina Prince at Gabbe. Kahit malinaw na sa kanya ang lahat ng ibig sabihin noon, hindi pa rin niya nanaisin makita ang susunod na mangyari. Alam kasi niya na tatanggapin pa rin ito ni Prince. Hindi na niya gustong masampal pa ng mga pangyayaring iyon.

Sinagot niya si Eron at sinabing hindi niya ito makita at mamaya na lang tumawag. Nang magreklamo pa ito ay pinatay na lang basta niya ang tawag. Wala na siyang pakialam kung ano pa ang isipin nito. After all, hindi naman dapat talaga niya sinagot ang tawag nito.

Bumalik si Prince ilang sandali lang ang nakalipas pagkatapos niyang bumalik sa lamesa. Nahanda na ni Gabbe ang kanyang sarili. Bago pa ito makapagsalita ay inunahan na niya ito.

"Prince, its getting late. I think I should go now,"

Kailangan na ni Gabbe na makakuha ng alibi para hindi siya maging katawa-tawa. Nagkabalikan na sina Prince at Antoinette. Kapag nagtagal pa siya roon, magiging kahiya-hiya lang siya. Maaring maging discreet si Prince para na rin sa welfare niya pero dahil alam na niya ang nasa loob nito, mas masaklap pa rin iyon.

"Almost ten in the evening pa lang. Ihahatid naman kita at ipinagpaalam na kita. May problema ba? Aren't you enjoying?" sunod-sunod na tanong sa kanya ni Prince.

Paano pa ako mag-e-enjoy samantalang tapos na ang oras ko? Gusto sana niyang sabihin rito. Pero makakaya ba niyang komprontahin ito kung naiisip pa lang niya iyon ay naiiyak na siya? Kailangan niyang magpakatatag muna. Mamaya na siya bibigay. Kaya hindi muna niya uungkatin iyon rito. Sana nga lang ay huwag ito ang mauna.

"Masaya naman pero---" nag-isip nang dahilan si Gabbe. Hinawakan niya ang ulo.

"You're not feeling well?"

Tumango si Gabbe. Hindi iyon totoo pero kailangan niyang kumapit roon para lang makatakas sa sitwasyon.

"All right," wika ni Prince. "Ihahatid na kita,"

Akmang tatayo na si Prince nang pigilan niya ito. "Don't worry. Magta-taxi na lang siguro ako,"

Hindi niya puwedeng abalahin ito. Kailangan na lang nitong ilaan ang oras nito para kay Antoinette. Saling pusa na lang siya sa lahat. "What are you talking about? Dinala kita rito kaya ako ang mag-uuwi sa 'yo."

"Oo nga naman, Hija. Hayaan mo ng si Prince ang maghatid sa 'yo pauwi," pagkumbinsi naman ng Mommy nito.

Sinuyod ni Gabbe ang paligid at hinanap si Antoinette. She was nowhere to be found. Nagtataka siya. Hindi ba dapat ay nasa malapit lang ito ni Prince? Binabantayan ito dahil nagkabalikan na ang mga ito?

"Come," tumayo na si Prince at hinawakan siya. Inalalayan siya nitong makatayo. "Magpaalam na tayo kayna Lola."

Hindi na natanggihan pa ni Gabbe ang paanyaya ni Prince. After all, malamang ay ito na ang huling gabi na makasama niya ang lalaki. Kailangan na niyang sulitin ang lahat ng ito.

Habang nasa kotse sila nito at hinahatid siya pauwi ay hindi sila nagsasalita pareho. Ipinagtataka ni Gabbe kung bakit ganoon. Hindi ba sasabihin sa kanya ni Prince ang pinag-usapan ng mga ito ni Antoinette kanina? Pero naisip niya ang tungkol sa kalagayan niya ngayon. Sinabi nga pala niyang masama ang pakiramdam niya. Baka concern lang ito sa kanya kaya ayaw siya nitong biglain.

Nakumpirma ni Gabbe ang hinala nang bago siya bumaba ng kotse nito ay nagsalita ito.

"Siguraduhin mong pupunta ka bukas sa laro ko, ha? I need you to be there."

Bakit? Maayos na kayo ni Antoinette. Bakit kailangan mo pa akong nandoon? Iyon sana ang mga gusto niyang sabihin kay Prince pero ayaw kumawala noon sa kanyang bibig. Hindi niya maggawang isantinig. Hindi niya pa kayang komprontahin ito. Sariwa pa ang sugat.

"Okay," tanging nasabi na lang ni Gabbe.

"May sasabihin ako sa 'yo pagkatapos," wika ni Prince. Siguro ay iyon na nga ang tungkol sa pagtatapos ng palabas nila.

Pinili ni Gabbe na ngumiti na lang. Pero bago pa siya makalabas ng kotse nito ay tinawag muli siya nito. Hinawakan nitong katawan niya at hinila paharap rito. Nagulat pa si Gabbe nang marahang hinalikan siya ni Prince sa kanyang noo.

Naramdaman ni Gabbe na may luha na tumulo mula sa kanyang isang mata sa ginawang iyon ni Prince. His kiss was gentle. Iyon bang tipo na parang ipapaalala sa 'yo na mahalaga ka para sa isang tao. Gusto rin niyang maramdaman iyon. Pero mas malaking puwersa ang pumipigil.

Tapos na ang lahat sa kanilang dalawa.

"Get well soon. Take care and I'll see you tomorrow."

Ayaw na niyang dumating ang bukas. Tomorrow it would officially end.

---

"PRINCE! Are you really with us? Final na game na dapat natin ito. Bakit mukhang gusto mo pang paabutin hanggang game seven? Ang lamya mo maglaro!" asar na wika ni Eron kay Prince. Third quarter na ng sixth game at malaki ang lamang ng kalabang university sa kanila. Gustong sisihin ni Prince ang lugar kung saan ginaganap ang laro. Dahil natalo sila ay sa court ng kalabang university sila naglalaro. Pero ramdam ni Prince na hindi talaga iyon ang dahilan kung bakit nagkakaganoon siya.

"Puyat lang ako kagabi kaya siguro ako ganito," kunwaring dahilan niya sa kaibigan. Hindi man si Prince ang captain ball ng varsity team, isa siya sa magagaling at inaasahan ng grupo. Nakakaapekto nang malaki sa laro ang performance niya.

Tinitigan siya nang mataman ni Eron. Nag-time out ang kalaban kaya naman naka-break rin sila ngayon. "I don't think so. Nanonood si Antoinette ngayon. Dapat may energy ka. I can also see her cheering for you. Ito ang unang beses ko yatang nakita na nagkaganoon siya,"

Napatingin tuloy siya kay Antoinette na nakaupo sa bleachers ilang dipa ang layo sa kanya. Nakatingin ito sa kanya. Ngumiti pa ito at ikinaway ang kamay. She looked so happy despite of the situation. Tila proud sa kanya. Dapat rin ay maging masaya siya. Hindi ba at iyon ang pinapangarap niya? Ang suportahan ni Antoinette. Pero may iba pa siyang gusto. Sa kasamaang palad ay wala iyon rito.

Nginitian niya si Antoinette at hinanap si Gabbe. Gusto niyang sapukin ang sarili niya dahil malinaw na naman sa kanya na hindi ito darating. Nagtext ito sa kanya kaninang umaga na masama pa rin ang pakiramdam nito kaya hindi ito makakapanood. Nag-aalala siya rito at isa pa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi siya makapag-concentrate sa laban bukod sa gusto rin niyang makita ito roon.

"Hmmm... Pakiramdam ko, may kinalaman 'yan sa pretend girlfriend niya. May hinahanap o!" sulsol naman ni Allain.

"What? Pare, 'wag mong sabihin na nahulog na ang loob mo sa "nobody" na 'yun?"

"Shut up, Eron!" nangigigil na sabi niya sa kaibigan. Hindi talaga niya gusto kapag iniinsulto si Gabbe nang ganoon.

"Shut up for what? Na tinawag kong "nobody" si Gabbe? Hey, ikaw ang unang nambasag sa kanya nang ganoon. Ikaw rin ang namili sa kanya. Bakit ngayon ay tila big deal na sa 'yo iyon? Pare, don't tell me tama talaga ako, ha? Hindi naman sa dahil nag-aalala ako na nahulog ka sa isang kaggaya niya. Maayos naman si Gabbe. Kaya lang, may usapan kayo. Paano kung nahulog ka tapos siya ay hindi naman pala? Para sa kanya, ang lahat ng ito ay isang pagpapanggap lang para maibalik sa 'yo si Antoinette."

Natigilan si Prince sa sinabi ni Eron. Tama naman ito na siya ang nambasag kay Gabbe nang ganoon. Pero humingi na siya nang patawad. Ang ikinagulat niya ay ang napagtanto sa sinabi ni Eron. Paano nga kung siya lang naman ang nakakaramdam ng ganoon kay Gabbe?

Pero hindi pa rin naman siya sigurado sa nararamdaman kay Gabbe, 'di ba? Kaya nga niya hinayaan si Antoinette na sumama sa kanya dahil gusto niyang siguraduhin ang nararamdaman niya. Pero hindi ibig sabihin noon na nakipagbalikan na siya rito kaggaya nang hiniling nito sa kanya kagabi.

Ang alam ng lahat ay may relasyon sila ni Gabbe. Kung basta-basta na lang niya na pinayagan si Antoinette sa buhay niya na hindi pa naayos ang tungkol rito, hindi ba at magiging masama iyon? Isama na rin ang nag-aalinlangan siya sa damdamin niya kay Antoinette. Tila nawala na kasi iyon sa pagdating ni Gabbe sa kanyang buhay.

Ngunit tama na ba mas intindihin niya ang isang bagay na walang kasiguraduhan? Paano nga kung tama si Eron? Paano kung para kay Gabbe, isang pagpapanggap lang ang lahat? Isang trabaho. Hindi ba at ito pa nga ang palaging nagpapaalala sa kanya ng tungkol sa sitwasyon nila?

Lalong nawalan ng gana si Prince sa laro dahil sa pag-iisip. Natalo ang kupunan nila sa huli. Halos siya ang sinisisi ng mga kasamahan niya dahil puro palpak ang mga tira niya.

"Its okay, Honey. You can do better next time," wika sa kanya ni Antoinette. Pinuntahan siya nito sa locker room at dahil kakilala ito ng mga co-players niya ay pinayagan ito na makapasok.

"Thanks," maikling sabi lang niya kay Antoinette.

"'Yun lang?" sumama ang mukha nito. "Prince, hindi mo ba nakikita ang efforts ko? Ayaw mo ba ng ganito?"

Huminga nang malalim si Prince. "Si Gabbe---"

She snapped. "I don't believe this."

Halos ganoon rin ang sinabi sa kanya ni Antoinette kagabi nang sabihin nito ang nararamdaman nito sa kanya. Nagulo siya, siyempre. Pero mas nanaig sa isip niya na kasama niya si Gabbe. Hindi siya maaring mag-decide kagabi. At kahit ngayon, hindi pa rin buo ang isip niya kahit na ba naging malinaw na sa kanya ang dahilan ni Antoinette sa mga pagseselos nito. Naiintindihan na niya nang husto ito ngayon. Naguguluhan siya pero mas nanaig sa pagkagulo noon ang tungkol kay Gabbe. Kung bakit ganoon ang nararamdaman niya para sa dalaga at hindi para kay Antoinette.

"Nagpapasalamat ako na nandito ka, Antoinette. I appreciate it. Pero hindi pa ako nakakapag-isip nang ayos. Hindi ko pa nakakausap si Gabbe---"

"Bakit kailangan mo pa siyang kausapin? Hindi mo na ba talaga ako mahal, Prince? Inaamin ko nagkamali ako. Naging marami akong pagkukulang. Natakot lang naman ako...

"Hindi ako makapaniwalang mahal mo talaga ang Gabbe na 'yun. Sandali pa lamang na nagsama kayo. Samantalang tayo ay tumagal ng taon. Hahayaan mo na lang ba na masira ng ganoon na lang ang pagsasama natin? Ang itapon iyon? Prince, I love you. Handa na akong magbago. Ako na lang ang piliin mo..."

Hindi nakaimik si Prince. May punto si Antoinette. Bukod sa hindi niya sigurado ang nararamdaman para sa kanya ni Gabbe, sandali pa lamang silang nagkakasama. Nahulog na nga ba talaga siya rito sa maikling panahon na iyon? Puwede ba talaga na mangyari 'yun?

"Okay fine. I'll let you have your time to think. Pero kung ano man ang desisyon mo, you know where to find me, Prince..." wika ni Antoinette nang mukhang ma-gets nito na naguguluhan siya.

Na-relieve si Prince sa sinabing iyon ni Antoinette. Naguguluhan siya sa sitwasyon niya pero may isang solusyon lang siyang naiisip para maayos iyon.

Kailangan niyang kausapin si Gabbe.

Tinext niya si Gabbe at tinanong kung makakapasok ba ito. Sumagot naman agad ito at sinabing baka hindi na dahil masama pa rin daw ang pakiramdam nito. Na-guilty tuloy si Prince. Kung hindi sana niya niyaya sa party si Gabbe kagabi, hindi siguro ito mapapagod. Hindi magiging masama ang pakiramdam nito.

Gumawa siya ng mental note na babawi rito.

Pagkatapos ng laro ay pumasok si Prince sa klase. Umaga ang laro pero may klase pa siya ng hapon. Pagkatapos ng klase niya ay saka niya bibisitahin si Gabbe. Nahihiling niya na sana ay maayos na ang pakiramdam nito para makapag-usap na sila.

Nang matapos ang klase ay si Prince dumiretso sa library muna dahil may special assignment na ibinigay sa kanya ang professor nila. Dahil varsity player siya, madalas na hindi siya nakaka-attend ng klase, lalo na ngayon dahil season ng mga competition. Kapag ganoon ay madalas na binibigyan siya ng special assignment o project ng mga professor para maremedyuhan ang absences niya.

Nakuha na ni Prince ang librong kailangan niya nang may mahagip ang mga mata niyang pamilyar na mukha. It was Gabbe.

Napakunot ang noo ni Prince. Ang akala niya ba ay may sakit ito?

Nilapitan niya si Gabbe pero dahil nasa likod siya, hindi siya agad nakita nito. Pero nakita niya na may hawak ito na titig na titig ito. It was a sheet of paper and there was a red mark on it.

"Gabbe?"

Napansin niyang sandali muna itong nanigas bago lumingon sa kanya. Nakita niyang mapula ang mga mata nito. Lalo siyang nagtaka. Dahil ba iyon sa resulta ng pagsusulit na iyon?

Itinago nito agad ang hawak-hawak. Umupo siya sa upuang katabi nito.

"A-ang akala ko ay masama ang pakiramdam mo..."

Tumango ito. "N-naging maayos rin ako kaya napagpasyahan ko ng pumasok."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Ha? Ah, eh importante pa ba 'yun?"

"Of course. Gusto kitang makausap. I told you yesterday na mag-uusap tayo after the game, ah?"

Tumango-tango ito. "Oo nga pala. And sorry about the game. I heard what happened. Anyway, may game seven pa naman."

Hindi ka kasi nanood kaya nagkaroon pa. "Oo nga. I'll do my best for sure next time."

"Good. For sure naman magiging maayos ka na next time dahil kayo na ni Antoinette. Congratulations nga pala,"

Kumunot ang noo ni Prince. "Ha? Where did you get that?"

Tumawa ito. "Ano ba! Kalat na kalat na kaya sa buong campus. Nanood siya ng game niyo kanina, ah. That just means something, right? Lalo na at sa kabilang campus pa 'yun. Nag-effort siya."

"Hindi ko gustong saktan ka, Gabbe."

"It's okay. Dito naman talaga tayo magtatapos 'di ba? After all, it was for a job you paid me for." Pagkatapos noon ay inilabas nito ang cellphone. "Ito nga pala. Ibabalik ko na. Salamat, ha?"

Hindi nakapagsalita si Prince. Parang may malaking kamay na pumiga sa dibdib niya. Iyon lang ba talaga ang lahat ng para dito?

"What? Alam mo naman na kinailangan ko ng pera kaya pumayag ako hindi ba? Nakausap mo si Papa. Siguro naman ay naikuwento niya iyon sa 'yo."

"Right. Para nga kay Briel ang lahat," hindi nagsisinungaling si Gabbe tungkol sa dahilan nito kung bakit pumayag ito. Saka bakit ba siya mag-iisip pa ng iba? Hindi naman talaga ginusto ni Gabbe ang inalok niya rito.

"I hope you'll be happy with her. Salamat sa lahat," akmang tatayo na si Gabbe nang pigilan niya ito.

Pinakatitigan niya ang mukha ni Gabbe. Nakakita siya ng lungkot sa mga iyon. Gusto niyang umasa na pareho sila ng nararamdaman nito. Na malungkot rin ito dahil kailangan na nilang maghiwalay. Malungkot at nasasaktan ito dahil kaggaya niya, na-develop na rin ito sa nangyaring pagpapanggap nila.

Pero bago pa man maitanong ni Prince ang lahat kay Gabbe, naalala niya ang nakita niyang resulta ng pagsusulit nito. Paano kung iyon naman pala ang dahilan kung bakit nalulungkot ito? After all, dahil sa ilang sandali na nagkasama sila, nakilala na niya si Gabbe. Matalino ito. Paniguradong isa rin ito sa mga taong ayaw na napapabayaan ang pag-aaral ng mga ito.

Bahagyang ngumiti si Gabbe. "Hey, nag-aalala ka ba sa akin? I'm fine, okay? Sa una pa lang nakatatak na sa ulo ko ang mga maaring mangyari. Hindi naman ako ganoong ka-impulsive. Hinanda ko na ang sarili ko. It was all business."

Sapat na ang mga pinakawalang salita na iyon ni Gabbe para tuluyan na niyang pakawalan ito.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.