Library
English
Chapters
Settings

Chapter 14

(Lady Arthisa’s POV)

"Bring out the bottle. Quick." Utos sakin ni Miss kaya mabilis ko iyong inilabas galing bag. Ibinigay ko iyon sa kanya at dali dali naman niya itong inilublob sa Hiandus River at inintay na mapuno.

Nang mapuno iyon ay muli niyang sinarhan at ibinigay sa akin.

"Are you all done?" Tanong niya sa iba. Tumango naman ang mga ito kaya sinenyasan sila ni Miss na pumunta na sa may tulay.

"Ready?" Tanong niya isa-isa sa amin at nagsitanguan naman sila.

Umunang lumakad si Miss na kasunod ako at sinundan na rin ng iba. Nang nasa may gitna na kami ay naramdaman kong parang may pinasukan kami.

"It's the invisible barrier." Ani Miss na parang nabasa ang iniisip ko. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Pagkatapak na pagkatapak ko sa lupa ng Demourne Forest ay nakaramdam na agad ako ng panlalamig na nagpabilis ng paninindig ng aking mga balahibo sa buong katawan.

"M-miss..." Tawag ng isang estudyante na halatang takot na takot base sa boses.

"Ilabas n'yo ang mga flashlights n'yo at sisimulan na nating maghihiwalay upang mabilis tayong matapos sa pagkuha ng mga ingredients. Bilisan n'yo!" Ani Miss. Maingat kong kinuha ang flashlight na dala sa bag at saka ito binuksan.

Nagulat ako sa nakitang ayos ng gubat.

Patay na patay ang mga halaman at walang buhay ang buong gubat. Malamig ang paligid at sobrang tahimik.

"Quick! Bilisan n'yo ang pagkilos. 'Yon pa rin ang partner n'yo. Now, go!" Sabi ni Miss sa iba at mabilis naman silang nagsikilusan.

"Lady..." Tawag niya sa akin kaya mabilis ko siyang hinarap.

"Let's go." Aniya. Hindi ko alam ngunit parang may bahid ng pagkalungkot ang kanyang boses.

"Ano pa bang mga ingredients ang kukuhanin natin?" Tanong ko sa kanya.

"Sanya root, Greca fruit at Swetan leaves. Sila na ang bahala sa ibang ingredients." Aniya na tinutukoy ay ang ibang estudyante.

"Where we can find those ingredients?" Tanong ko pa.

"Malapit na tayo sa pinagtataniman ng Sanya Tree which means makukuha na natin ang Sanya root." Wika niya habang diretso pa ring naglalakad.

Biglang pumasok sa isip ko ang mga kinuwento niya kanina. I wonder kung sino ang lalaki at ang babae sa kanyang kwento pati kung nasaan na ang taga-bantay nito na dating paraiso.

Hindi ko alam kung bakit parang pamilyar sa akin ang peklat na kinuwento ni Miss at parang nakita ko na iyon ngunit hindi ko lang maalala kung saan at kailan.

"In your story, uhm, do you mind if I uhm, ask who the man is?" Tanong ko not minding if I cross the limits.

Natigil siya sa paglalakad at ilang sandali pang natulala ngunit kalaunan ay naglakad muli, hindi sinasagot ang tanong ko.

"We're here." Aniya at saka tumigil muli sa paglalakad.

"Bring out the knife." Kinipit ko sa aking kili kili ang flashlight at saka kinuha ang kutsilyong dala na nasa bag. Ibinigay ko iyon sa kanya at agad naman siyang umupo at parang may pinuputol.

"Ilabas mo na agad ang lalagyan, dali!" Aniya kaya dali dali akong kumuha ng lalagyan sa bag. Itinapat ko iyon sa kanya at mabilis niya naman inilagay ang ugat ng Sanya at saka tinakluban.

"Whew."

Dumaan ang ilang oras pang paghahanap ng ingredients at natapos din naman iyon. Papunta na uli kami ngayon sa dulo ng tulay kung saan kami muli magkikita kita.

Pagkarating doon ay naghanap agad ako ng mauupuan dahil sa sobrang pagod na nararamdaman. Umupo ako sa malaking batong nakita at gumaya naman siya.

"He is..."

"My father." Tuloy ko sa sinasabi niya.

Alam kong sasagutin niya ang tanong ko kanina kaya inunahan ko na siya.

"How'd you... know?" Nagtatakang tanong niya.

"Why? Bakit ka nagtatago sa katawan ng isang tao, Miss Haidie? Or should I say, Georgina?" Balik tanong ko sa kanya.

"You... knew. Well, anak ka nga ni Ysmael. Good at thinking, that fast!" Aniya.

"Tss."

"It's for my own good." Anito. Sinagot niya ang tanong ko kanina.

"For your own good? Really?" I said mockingly.

"Yes. Years ago, I hid myself in this body to take revenge on your father but I ask myself 'anong makukuha ko kung gagawin ko iyon? Sasaya ba ako? Mawawala ba yung sakit na dinulot sakin ng ama mo kung maghihiganti ako?'" Aniya.

"So, you're not angry with King anymore? Hindi ka man lang ba nagalit kay Queen dahil do'n?"

"Sa una, oo, nagalit ako. Kaya ko nga nalagyan ng peklat ang braso ng ina mo, e. But my anger lasts as well as my love to your father when I realized that he did not love me. All he did is to take all the ingredients he needed here in Demourne and to add in his potions while me, giving it all to him including my heart. Hindi ko alam na... naisama ko pala sa binibigay sa ama mo ang puso ko. Huli na ng malaman ko ito nang ibinalik niya... kaso it's in pieces kaya kinailangan kong buuin muli," sabi niya. Pain is very evident in her face. It's like she really hurt because of what my father did.

But I don't blame my father. He just wants the ingredients of his potion and taking it and he didn't realize that there is someone who is already... in love with him.

I don't blame her, too. She just loved my father but she didn't know that my father is in a relationship... with my mom.

"Are you moved on?" I asked her. She laughs hard and it echoed in the whole forest. Damn!

"Of course! Dear, hindi naman pwedeng magpatali na lang ako sa past. I should move on in life! Hindi ako aasenso kung hindi." She said in a playful tone.

Bumalik sa pagiging cold ang mukha ko. What the hell is going on to me? Am I changing? Damn! I shouldn't!

"Why are you not going back to your old life, Georgina? Why are you hiding your true self in that body? Why aren't you going back here and change this forest?" Sunod sunod na tanong ko at saka pinasadahan ng tingin ang buong lugar.

Huminga siya ng malalim at saka tumayo.

"Because Demourne Forest is now part of Alemania. And the Georgina who's the guardian of this forest is dead. I'm contented in my life now." Aniya sa isang mababang tono at may tipid na ngiti.

Nang marinig ko ang palapit na mga yabag ay tumayo na ako at hindi na rin naman kami uli nag-usap.

"Still the first one who finished searching." Ani Rieka kaya napangiti na lang si Miss.

Well, Miss Haidie is right. We should forget the painful past and start a new beginning.

"Let's go." Anila at saka naglakad paalis ng gubat.

Nang makabalik sa Academy ay inilagay lang namin ang mga ingredients sa lab dahil bukas na lang daw kami gagawa ng potion at pagkatapos ay nagsibalikan na kami sa kanya kanyang dorm.

I think I badly need a rest. This day is really exhausting. Too much for this day.

Nahiga na ako sa kama at mabilis na nakatulog dahil sa pagod.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.