Chapter 13
(Lady Arthisa’s POV)
"Before we go to Demourne Forest. I'll assign to you your partners. By pairs ang paghahanap." Sabi ni Miss Haidie.
"Gyle and Czarina. Rieka and Kobie. Denisse and Wade. Shane and Caleb. Stacey and Harold. Khimberly and Gerald..."
Nasabi na ang lahat ng pangalan pero, pangalan ko ang hindi pa nababanggit. Lahat may partner na at ako na lang ang wala. Tss.
"And dahil labis kayo ng isa, ako ang magiging kasama ni Lady Arthisa." Nakangising sabi niya na siyang nagpangisi rin sa akin.
Maraming nagprotesta sa mga partners nila pati na sa sinabi ni Miss Haidie na siya ang magiging partner ko. Anila ay mas mapapadali daw ang paghahanap ko ng ingredients dahil sa siya ang kasama ko. Oh well, think what they want to think but that is not what I want.
It'll be easy for me to do 'that' thing.
"Maghihiwa-hiwalay tayo pagkarating natin sa dulo ng Gastre Forest. And before the sunset dapat naroon na kayo. May makuha man kayong ingredients o wala, dapat bago lumubog ang araw nandoon na. Walang mahuhuli, or else iiwanan namin kayo. Is that clear?" Paglilinaw niya sa dapat na gawin. Tumango naman sila at saka inayos ang mga paglalagyan ng ingredients.
"Let's go."
Nagpauna kaming dalawa ni Miss Haidie at nasa likuran naman namin ang iba. Tinanguan lang ni Miss Haidie ang guard ng madaanan namin ito.
Bumaba kami sa hagdan na gawa sa cloud at ganoon pa rin ang pakiramdam. Ang pakiramdam na sobrang lambot ng nilalakaran mo.
"Okay... our first stop is Gastre. We need to get the Dersderania Flower, the Sproctu Seed at pupunta na agad tayong dulo ng Gastre para makuha ang tubig sa Hiandus River and of course to get the other ingredients in Demourne." Ani Miss na siyang ikinatango nila.
Lumakad na kami papasok sa gubat dahil kaharapan lamang ito ng school. I mean, kaunting lakad mo pa ay may papasukan ka munang mga vines na nakaladlad.
Pagkapasok doon ay nagsimula na silang maghanap ng mga ingredients.
"Bring out the receptacle." Ani Miss kaya napairap muna ako sa hangin bago inilabas ang sisidlan.
"Open it." Binuksan ko naman ito at saka iniharap sa kanya.
May binunot siyang kulay blue na bulaklak na kasama pati ang ugat at saka dahan dahang ipinasok sa sisidlan. Mukhang gumamela ang bulaklak na iyon pero may nadagdag lang na kaunti dito dahil patilos ang dulo ng petals nito.
"Bakit kasama ang ugat?" Tanong ko sa kanya.
"Kakabit ng buhay ng bulaklak na iyan ang ugat niya. Kapag tinanggal mo agad ang ugat, wala pang ilang segundo, mangingitim na 'yang Dersderania Flower." Aniya at saka pinagpagan ang kamay. Napatigil ako ng ilang sandali at tiningnan ang bulaklak.
"Come over here." Napatingin ako sa kanya na nasa malayo na pala, hindi ko man lang napansin. Isinarado ko na ang lalagyan at saka naglakad patungo sa kanya.
"Where's the jar with water?" Inilabas ko ang garapon at ibinigay sa kanya.
Nakaharap kami ngayon sa isang kulay lilang bulaklak na mukhang nakatikom at hindi pa nagbo-bloom.
Binuksan niya ang garapon na may tubig at inilapit sa bulaklak. Pumitas siya ng isang bulaklak at saka mabilis na ipinasok sa garapon at mabilis itong tinakluban.
"What is that?" Nagtatakang tanong ko.
"Sproctu Seed. Nasa loob ng bulaklak na iyan ang seed nila. Nabubuhay lang sila sa tubig at kaya hindi ito namamatay ay dahil sa tubig na nasa loob ng bulaklak." Sabi niya na siyang tinanguan ko na lang.
"What's our next stop?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.
"Dulo ng Gastre. We need the water from Hiandus River." Aniya at umupo sa isang malaking batong nakita niya.
"Why? Wala ba dito ang Hiandus River?" Tanong ko at umiling lang siya.
"Hiandus River ang naghahati sa dalawang gubat. Mayroong bridge para makatawid sa kabila." Aniya. Napatango na lang ako at naupo na rin sa isang bato na nandoon.
"Wait... You said na ang Hiandus River ang naghahati sa dalawang gubat at bridge ang dinaraanan para makarating sa kabila, so it means may mga hayop sa Demourne ang nakakarating dito?" Tanong ko pa sa kanya.
"Nope. May invisible barrier na naghaharang sa pinakagitna ng tulay. Nadedetect agad ng barrier kung sino ang tatawid sa kabila kaya hindi nakakatawid ang mga wild na hayop dito." Aniya pa. Napatango-tango na lang ako at nanahimik na. We're not close.
Ilang minuto pa kaming nag-hintay ng magdatingan na silang lahat.
"Miss! Ang bilis n'yo natapos!" Maktol ni Rieka. Napatawa na lang si Miss at saka tumayo.
"Let's go. Kailangan na nating magmadali at baka wala tayong makuhang ingredients sa Demourne." Sabi niya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Sobrang dilim sa Demourne pagsapit ng gabi at naglalabasan rin ang mga wild na hayop doon." Sagot ni Gyle sa tanong ko. Hindi ko na siya nasagot dahil tinawag na ako ni Miss. Tss.
"Let's go, Lady Arthisa." Tawag niya sakin.
Sumabay ako sa kanya ng paglalakad at tuloy-tuloy lang naman siya habang diretsong nakatingin sa daraanan.
"Gastre forest is the safest forest in Aphelonia. Walang mababangis na hayop dito kaya pwedeng pwede kang gumala dito kahit gabi na." Biglang sabi ni Miss habang naglalakad kami.
"Pero bakit ang Demourne forest ang pinakamapanganib?" Tanong ng isang estudyante na sa pagkakatanda ko ay Stacey ang pangalan. Nasa katabi na siya ni Miss at mataman itong nakatingin sa kanya.
"You don't know huh?" Singit ko sa usapan nila. Akala ko ba ako lang ang walang alam dito?
"She's from the other City. She lives in Defonia." Sagot sakin ni Kobie na katabi ko na sa paglalakad. Nasa kanan ko siya at nasa kaliwa ko naman si Miss.
Napatango na lang ako sa sinabi ni Kobie at tiningnan uli si Miss.
"It's a cursed forest. Isinumpa ito ng isang evil sorcerer dahil doon nangyari ang masakit na pagtalikod sa kanya ng kanyang lalaking minamahal." Sagot ni Miss na diretsong pa ring naglalakad.
"Evil sorcerer? Sinong evil sorcerer yun, Miss? Parang wala pa ata akong naririnig tungkol sa isang evil sorcerer? Tsaka sino po ba yung minahal n'ya at bakit siya tinalikuran nito? May third party po ba? O dahil pangit ang itsura nung evil sorcerer kaya iniwan ito nung mahal niya?" Ani Stacey at saka tumawa dahil sa huling sinabi.
Biglang tumigil si Miss sa paglalakad at hinarap si Stacey.
"Watch your words, brat. You don't know anything." Ani Miss na parang may pinaghuhugutan.
"S-sorry." Napapayukong sabi ni Stacey. Lumakad na uli si Miss kaya sumunod na naman kami sa kanya. Aish. Kapag ako nainis na talaga sisipain ko na 'tong teacher na 'to. Kanina pa kaming lakad ng lakad eh!
"Her name is Georgina. She is the Guardian of Demourne Forest. Isa siyang mangkukulam, mabait na mangkukulam. Maganda noon ang Demourne Forest, katunayan, tinatawag ito noong The Paradise dahil sa mukha itong paraiso. Pero dahil napamugadan ng maraming masasama at mababangis na hayop simula noong nangyari iyon ay tinawag na rin itong Demourne hango sa pangalang Demon." Panimula ni Miss.
"Paano n'ya po nakilala yung lalaking minahal niya?" Tanong naman ni Rieka na halatang interesado sa narinig.
"Isang beses, pumunta ang lalaki sa paraiso dahil may kailangan siyang kunin na sangkap para sa gagawin nilang potion. At sa di kalayuan ay nandoon si Georgina, nakamasid sa napakagandang lalaki na ngayon lang niya nakita sa tanang buhay niya. Kumukuha at naghahanap lang ng sangkap ang lalaki habang si Georgina naman ay nakatingin at pinagmamasdan ang mga galaw niya."
"Love at first sight ba tawag dun?" Natatawang sabi ni Czarina kaya tiningnan siya ni Miss ng matalim kaya napatahimik siya.
"Maggagabi na pero hindi pa rin umaalis yung lalaki. May isa pa kasi itong hinahanap na sangkap ngunit nalibot na niya ang buong paraiso ngunit hindi niya iyon makita. Hindi na rin natiis ni Georgina na hindi lapitan ang lalaki kaya naglakas siya ng loob na lumapit dito at kausapin."
"Wow. Sana ganoon din ako hindi katorpe." Side comment ng isang babae. Napakunot ang noo ko dahil sa mga sinasabi nila. Lagi na lang bang may side comment pag tumitigil sa pagkukwento si Miss? Nakakairita.
"Will you please just shut your f*cking mouth? Hindi ba makatigil 'yang bunganga n'yo na hindi magsalita?" Inis na sabi ko kaya napatungo sila. Nakakainis.
"Should I continue?" Tanong ni Miss kaya hinarap ko siya.
"Continue." Sabi ko sa kanya.
"Lumapit nga si Georgina sa lalaki kaya nagulat ang lalaki. Hindi niya inakalang makikita niya ang taga-bantay ng paraiso."
"Tinanong ni Georgina kung ano pa ang ginagawa ng lalaki sa paraiso dahil maggagabi na. Sinagot naman siya ng lalaki na may hinahanap pa siyang isang sangkap para sa potion na gagawin niya. Muling nagtanong si Georgina sa lalaki at itinanong kung ano iyong sangkap na hinahanap niya. Sabi ng lalaki ay ang ugat ng Fresturia Tree ang hinahanap niya ngunit hindi niya iyon makita. Naalala ni Georgina na ang Fresturia Tree ay ang kanyang tahanan. Tago ito sa mata ng mga dumadayo. Pero dahil sa mukhang tinamaan si Georgina sa lalaki ay kumuha siya ng ugat sa Fresturia Tree at ibinigay sa lalaki. Nagpasalamat ang lalaki at umalis na dahil lalo siyang gagabihin sa daan. Ngunit dahil ayaw ni Georgina na mapahamak ang lalaki ay sinundan niya ito hanggang sa makarating ng Alphera. Tuwang tuwa si Georgina ng bumalik siya sa paraiso. Iyong lalaking iyon ang unang nagpatibok sa puso niya at ang hiling niya ay ang maging huli."
"Bakit nasasaktan ak--" Tiningnan ko ang nagsalita kaya tumikom ang bibig niya at tumungo. Sinabi ng 'wag sisingit eh.
"Napadalas na ang pagpunta ng lalaki sa paraiso dahil gusto niyang makita si Georgina. Patagal ng patagal ay pahulog ng pahulog ang loob ni Georgina sa lalaki. Lingid sa kaalaman ni Georgina na mayroon ng nobya ang lalaki at ginagamit lang siya ng lalaki upang mapadali ang pagkuha niya ng mga sangkap sa potions na ginagawa niya. In short, he's just using Georgina." Parang may hinanakit ang boses sa sinabi ni Miss. Parang siya ang naroon sa posisyon ni Georgina.
"Isang araw, pumunta uli ang lalaki sa paraiso upang kumuha ng mga sangkap pero hindi siya sinalubong ni Georgina. Malungkot ang aura ng paraiso. Tinatawag ng lalaki si Georgina upang tulungan siya sa paghahanap ng sangkap ngunit walang lumalabas na Georgina. Napagod ang lalaki sa katatawag kay Georgina kaya sinabi niya sa isip niya na ipagpapabukas na lang niya ang pagkuha. Paalis na sana siya ng paraiso ng biglang lumitaw si Georgina ng may umiiyak at galit na mukha habang hawak ang nobya ng lalaki. Nagulat ang lalaki dahil sa nakikita niya. Umiiyak ang galit na mukha ni Georgina habang hawak ang nobya niya, sinong hindi magugulat diba?"
"Tinanong ni Georgina ang lalaki kung sino ang mahal niya, kung siya ba o ang babaeng hawak niya. Hindi sumasagot ang lalaki bagkus ay nakikiusap siyang bitawan ang kaniyang nobya ngunit hindi, hindi binitawan ni Georgina dahil nilagyan niya ng sugat ang braso ng nobya ng lalaki." Ani Miss at napansin kong nakatitig siya sa akin. Tumaas ang kilay ko dahil sa inakto niya. Umiling lang siya at nagpatuloy na uli sa pagkukwento habang naglalakad.
"Tinanong uli ni Georgina ang lalaki kaya walang nagawa ang lalaki kundi sabihin ang totoo, na ginamit niya lang si Georgina at ang totoong mahal niya ay ang babaeng hawak ni Georgina." Sabi ni Miss.
"Binitawan ni Georgina ang babae dahil sa sobrang panghihina sa narinig. Hindi niya inakalang ang unang lalaking minahal niya ay niloko lang pala siya. Pasimpleng tumakas ang dalawa paalis ng paraiso, hindi inalintana ang taga-bantay na umiiyak. Nang maulinigan ng taga-bantay na umalis ang dalawa ay literal na nag-apoy ang mata niya. Tumakbo siya papunta sa Fresturia Tree at kinuha ang book of spell niya. Sa galit niya ay isinumpa niya ang paraiso. Ginawa niya itong pugad ng masasama at mababangis na mga hayop na kahit mga halaman doon ay ginawa niyang masama. Ang dating maganda, maaliwalas at maliwanag na paraiso ay naging madilim at pugad ng mga masasamang nilalang. At pagkatapos niyon, nawala siya. Nawala siya ng parang bula at hindi na kailanman pa nagpakita. She just vanished in the air. Walang nakakaalam lung saan siya nagpunta o kung buhay pa ba siya. Ang alam lang ng lahat, na ang Demourne Forest ang bunga ng masakit at sawi sa pag-ibig ng dating taga-bantay ng paraiso." Pagtatapos ni Miss sa kwento. Nakarinig ako ng ilang mga paghikbi at pagsinghot kaya napatingin ako sa likuran. Nakita kong umiiyak ang mga babae at ang mga lalaki naman ay napapatungo na lang. Tss.
"P-pero Miss, sino po ba yung lalaki?" Sumisinghot na ani Rieka. Napatigil si Miss Haidie ng konti sa paglalakad pero kalaunan ay tumuloy uli. Akala ko sasagutin niya ang tanong ni Rieka pero iba ang sinagot niya.
"We're here." Aniya na siyang nagpabalik ng tingin ko sa unahan. Nakita ko ang isang river na sa hula ko ay ang tinatawag nilang Hiandus River at isang tulay na gawa sa bato. Pacurve ang tulay na ito na parang sa mga napapanood kong pambatang movie.
At sa kabilang dako ng tulay ay ang madilim at may malamig na aura na pumapalibot sa gubat, ang Demourne Forest.