Chapter 15
(Lady Arthisa’s POV)
Maaga akong nagising ng araw na 'yon. Nagawa ko na lahat ng ritwal sa pag hahanda at agad na akong bumaba ng matapos.
"You're early." Halos mapatalon ako sa hagdanan ng biglang may nagsalita sa baba. Damn! Nakakagulat si Gyle!
I composed myself at agad ibinalik sa walang buhay ang aking mukha.
"Didn't know that you mind, though." Malamig na sabi ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya at saka bumalik sa ginagawang pag-aayos ng kung ano.
Hindi ko na lang siya inintindi at humakbang na paalis sa hagdan.
Pumunta akong kusina at nakitang ayos na ayos na ang mga pagkain.
"They're here." Aniya. Naramdaman ko ang pagpunta niya sa kinatatayuan ko kaya mabilis agad akong umupo sa aking upuan.
"Morning." Bati ni Czarina. Hindi ko siya pinansin ngunit binati naman siya ni Gyle pabalik.
Pagkaupong pagkaupo ni Czarina ay saka umingay dahil sa mga yabag nila at rinig na rinig rin ang maingay na boses ni Rieka.
"Morrniiiing!" Masayang bati ni Rieka. Binati siya pabalik ni Gyle at Czarina. Napatingin ako sa kanila ng biglang tumahimik.
Pagtingin ko, nakatingin silang lahat sakin at naghihintay na sumagot sa bati niya. Tss.
"Morning." Bored na sabi ko at saka kumuha ng pagkain at nilagay sa aking pinggan.
Nagsiupuan na rin sila para makapagsimula ng kumain. Tahimik lang kaming kumakain at puro kalansing lang ng kubyertos ang maririnig sa apat na sulok ng dining area ng biglang binasag ni Kobie ang katahimikan.
"Hmm, we're having our meeting with Alphan later." Biglang sabi ni Kobie habang kumakain. Napatigil ang lahat sa sinabi ni Kobie, including me. Siguro'y pinadala ng Alphan ang mensahe kay Kobie gamit ang isip.
"Why all of a sudden?" Nagtataka ang mukha ni Czarina ng itanong niya iyon. Nagtataka lahat ang mukha nila pero blanko pa rin ang mukha ko.
Tinuloy na nilang muli ang pag kain kaya tumuloy na rin ako.
"I don't have any idea," sagot ni Kobie.
"Do you think it's about King Alpha?" Biglang tanong ni Wade. Napatigil na naman sila kaya ibinaba ko na ng tuluyan ang aking kubyertos.
"I don't know. We'll go to find out later." Sagot ni Gyle sa kaniya.
Nagpatuloy sila sa pagkain samantalang tumayo na ako para bumalik sa kwarto at ayusin ang gamit ko. Ramdam ko ang mga mata nilang nakasunod sakin ngunit ipinagsawalang bahala ko iyon.
Nang matapos doon ay agad rin akong bumaba para makapasok na. Nakita ko sila doong nag-iintay at nang makita ako ay mabilis silang nagsitayuan.
"Let's go?" Ani Gyle kaya nagpatinaod na kaming lahat paalis. Pagkalabas na pagkalabas ay napansin agad namin ang temperatura ng paligid.
Sumisikat na si Haring Araw ngunit sobrang lamig ng temperatura.
"It's odd." Kumunot ang noo ko dahil sa narinig mula kay Czarina.
"Something's happening."
Half run ang ginawa naming lahat papunta sa office ng Alphan. They decided to ask her what's happening.
Nang makarating doon ay walang pasubali nilang pinasok agad ang office. Nakita namin ang Alphan na may kausap sa telepono at kunot na kunot ang noo. May mga dark circles na rin sa ilalim ng kanyang mga mata at parang namayat siya.
"Alphan!"
Binaba ng Alphan ang telepono at agad na humarap sa amin. Nagulat pa siya ng makita kami ngunit kalaunan ay naibalik muli ang dating ekspresyon.
"Disciples, what can I do for you?" Mababa ang tonong ginamit ng Alphan.
"You changed... a lot." Puna ni Czarina.
"Don't worry about me. And why are you all here? We'll just be having our meeting later." Sabi niya.
"Oh, yes. The temperature outside. It's odd. The sun is now emitting rays of light but the temperature is very low! What the hell is happening?" Hysterical na tanong ni Czarina.
Napahinga ng malalim ang Alphan at pagkatapos ay hinilot ang sentido na parang may mabigat siyang pinapasan.
"Someone from our city, Alphelonia, is controlling the season. Summer ngayon pero may isang kumokontrol ng temperatura ng paligid at ginagawa iyong malamig." She sighed. It looks like she's tired of thinking who that person is.
"What the hell?" Gulat na tanong ni Czarina.
"Yes. And I'm afraid na baka mas lalo pa itong lumala. Kaya mas mabuting mas maaga ay masolusyunan na agad ito." Ani Alphan at saka umupo sa swivel chair.
"Anong gagawin natin?" Tanong ni Gyle.
"I'm giving you a mission. Mamaya ko pa sana ito sasabihin sa inyo kaso naunahan n'yo ako." Aniya.
"What mission?" Tanong ni Czarina. Ngumisi ang Alphan na animo'y may magandang plano siyang naiisip.
"You'll be going to play... hide and seek."