Chapter 09
(Lady Arthisa’s POV)
Mabilis na tumakbo palapit sa kinaroroonan namin si Czarina at kasunod nito ay ang nag aalalang mukha ng ibang Disciples at ng ibang personnel pero blankong nakatingin lang ang Alphan. Tsh.
Nawala na ang kulog at kidlat at lumiwanag na uli ang paligid. Hindi namin napansin na umaga na pala.
Tiningnan ko ang kabuuan ni Wade at kitang kita na lapnos ang balat niya sa likod. Sunog ang damit niya at halos mandiri ka dahil kita na ang laman niya.
"W-wade...I'm...I am s-sorry. Hindi ko sinasadya." Natatarantang ani Czarina kaya napaismid ako.
"A-arrghh..." Daing ni Wade.
"Rieka can you heal him?" Tanong ni Gyle kay Rieka na ngayon ay kinakagat kagat ang kuko. Tumango ito at lumapit kay Wade.
Lumuhod siya sa may likuran ni Wade at itinapat ang dalawang kamay niya sa likod ni Wade at may lumabas namang liwanag galing sa kamay ni Rieka at unti unti ay naghilom ang lapnos sa likod ni Wade. So she's a healer huh?
Bumabagal at umaayos na uli ang paghinga niya.
Umayos ng tayo si Wade at magaan na ang paggalaw niya. Wala na siyang sugat.
"W-wade...sorry talaga." Paumanhin ni Czarina habang nakatungo.
Hinawakan ni Wade ang magkabilang balikat ni Czarina at saka siya nginitian.
"Okay lang." Nakangiting aniya dito at saka humarap sakin.
"Pwede mo na ba siyang ibalik sa dati?" Nakangiting aniya kaya napairap ako. What's with his smile? Nakakairita.
Tiningnan ko si Czarina at unti unti ay bumalik na uli sa dati ang itsura niya ngunit nandun pa rin ang bakas ng pagkakasampal ko sa kanya. Bakat na bakat pa rin ang kamay ko sa magkabilang pisngi niya at putok pa ang labi niya. Tsk.
"Sa susunod kasi, bagu-baguhin na ang ugali." Parinig ni Czarina.
"Tsk. So you're scared now? Kasi hanggang pagpaparinig na lang ang kaya mo? And besides, 'yang ipinagpaparinig mo d'yan, sumasakto sa ugali mo." Malamig na utas ko sa kanya na siyang nagpakunot na naman sa noo niya tanda na galit na naman siya.
"Both of you, please, stop!" Naiiritang sigaw ng Alphan na siyang inirapan ko lang.
Tinalikuran ko sila at narinig ko pa ang sinabi ni Kobie bago ako tuluyang makalayo sa kanila.
"The Best Team!"
Napailing na lang ako dahil sa sinabi niya. Kailanman hindi ko sila tinuring na ka-team. Isa lang ang team ko at 'yon ay ang gang ko.
Habang naglalakad papunta sa dorm ay bigla na namang sumulpot sa harap ko ang pusang nagngangalang Keowa.
Again, pumunta na naman siya sa favorite spot niya, ang ulo ko.
Napailing na lang ako at saka nagpatuloy sa paglalakad. May mga naglalabasang mga estudyante na rin at pumupunta sa kung saan. Maaga pa kaya pwede pang maggala sa loob.
Napapatingin sila sa akin ngunit agad din nila iyong iniiwas kapag napapansin nila ang nasa ulunan ko ngunit hindi naman nila iyon tinitingnan.
Nang tumapat ako sa bahay ay lumabas ang hagdan at saka ako nagtuloy tuloy sa pag-akyat. I wonder kung nahuli yung tatlo kagabi.
Nagtuloy akong pumunta sa kwarto ko at saka kinuha ang pusa sa ulunan ko at inilapag sa kama ko.
"Meow."
Napatingin ako sa pusa ng bigla itong nagmeow na parang may sinasabi sakin.
"Huh?" Tanong ko rito na para bang sasagot siya sa tanong ko.
"Meow." Sagot lang niya kaya hindi ko na pinansin pero bigla uli siyang tumalon sa akin at nagpunta sa ulunan ko. Err? Pinabayaan ko na lang siya dahil wala rin naman akong magagawa.
Papunta sana ako sa walk-in-closet ko ng bigla akong makaramdam ng kakaiba. Intruder.
Pasimple kong hinanap ang intruder at hindi ako nagkakamali dahil nakakarinig ako ng paghinga ngunit wala namang tao. Invisibility huh?
Biglang tumalon mula sa ulunan ko si Keowa at biglang lumutang, no, hindi siya lumutang dahil pagka-landing niya sa kung saan o kung sino ay unti unting nagiging visible ang intruder at ang nakakagulat dito ay naging taong abo ito ngunit noong lumipat na si Keowa sa ulunan ko ay bumagsak ang abo at tinangay na ito ng hangin.
Gulat na gulat ako sa nangyari ngunit agad rin iyong nawala ng marinig ko ang sigaw ni Rieka sa baba.
"Uwaaaaaahhhh!!!"