Chapter 10
(Lady Arthisa’s POV)
"Uwaaaaahhhh!!"
Mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto ko at sabay sabay rin na nagbukas ang pinto ng kwarto naming ibang Disciples. Nagkatinginan pa kaming lahat ngunit tumakbo din agad kami ng mabilis papunta sa sala dahil doon nanggaling ang sigaw ni Rieka.
Nakita namin siyang nakaupo at parang maiiyak kaya agad ko siyang nilapitan at tinanong.
"What happened?!" Nag aalalang tanong ko sa kanya.
Teary-eyed pa ang mukha nya noong sinagot nya ako.
"L-lady...huhuhuhu..."
"Anong nangyari?! May pumasok ba dito?" Tanong ko kahit alam kong wala namang makakapasok dahil kapag nagkataon ay tutunog ang dorm. Umiling iling siya at saka pinunasan ang pisnging may luha.
"L-lady..." panimula niya. "Late na tayo!" Aniya at umiyak na naman kaya napakuyom ako ng kamao.
Tangina! Akala ko kung ano na! Peste!
"Haist! Akala namin kung ano ng nangyari sa'yo!" Sabi ni Wade.
"Bakit may mangyayari sakin?" Inosenteng tanong ni Rieka.
"Ang hirap talaga kausap ni Rieka." Rinig kong bulong ni Kobie.
Napailing na lang ako at umalis na sa harapan ni Rieka. Paakyat na sana ako ng kwarto ng may sinasabi pa si Rieka na nakapagpatigil samin lalo na sakin.
"Pero kanina kasi may nakapasok dito." Nakapout na sabi niya kaya mabilis akong pumunta uli sa kinatatayuan niya.
"Sino?!"
"H-ha? H-hindi ko kilala eh. N-nakasunod siya sa'yo. K-kita kita kanina nung papasok ka na dito eh. Kaya siguro siya nakapasok d-dahil mo. " Aniya habang nakatungo.
"Sigurado ka?" I asked.
Tumango naman siya habang nakatungo pa rin.
"Nasan na siya?" Tanong naman nina Gyle.
"W-wala na siya. G-gamit niya ang ability niya, invisibility." Sagot niya na siyang nagpakunot sa noo ko.
"That's her other special ability. She can determine other's ability and she can see those who are using it like invisibility. She can see the person even though he/she's using it." Bulong sakin ni Kobie na siyang malapit sakin.
"Invisibility?" Tanong ko kay Rieka at tumango na naman siya.
"Meow."
Napatingin kaming lahat kay Keowa ng bigla siyang sumali sa usapan.
'She's pertaining to the intruder in your room.' Biglang may nakipag-usap sakin gamit ang isip kaya napalinga ako sa paligid. Lahat ng Disciples ay busy sa pakikipag-usap kay Rieka. Pero isa lang ang nakita kong nakatingin sakin. Si Keowa.
'Yeah. That's me.' Aniya kaya napakunot ng todo ang noo ko. Eh?
'Who are you?' Tanong ko sa kanya gamit ang isip.
'Keowa.' Maikling sagot niya na siyang nagpatalim ng tingin ko sa kanya.
'Tss. Slow.' Sagot ko sa kanya.
'I'm not. You're asking me if who am I then I just answered you. You are slow.' Pagdidiin niya kaya napairap na lang ako. Ibinaling ko ang tingin ko sa Disciples na nakikipag-usap pa rin kay Rieka pero may isang pares ng mata ang nakatingin sakin. Si Czarina na may nagtatakang mukha.
"Crazy." Rinig kong bulong niya pero hindi ko na lang pinansin. Tsk. Immature.
"Who's Keowa?" Tanong ko sa kanila na siyang nagpatigil sa ginagawa nilang pagtatanong kay Rieka at binaling sakin ang atensyon nila.
"Ahm...it's the cat." Sagot ni Kobie. Haist. Another slow.
'Tsk. Clarify your question.' Sabat nung slow na pusa sa isip ko.
"I know it's the cat! What I mean is, is it he or she?"
"She." Maikling sagot ni Wade. Napatingin ako kay Keowa at parang bigla siyang ngumiti. I dunno. Maybe I'm just hallucinating.
"Is she talking with you?" Tanong ko pa sa kanila. Nagtinginan naman silang lahat at parang mga nag-uusap sa mata.
"Nope. But there's only one person who can talk with her." Sagot naman ni Gyle.
"Who?"
"The King Alpha." Sabat ni Czarina kaya sa kanya naman ako napatingin.
"Really? Then where is he? And if there is a King Alpha, where is the Queen?" I asked.
Muli na naman silang nagtinginan at pagkatapos ay magiiwasan ng mga tingin.
"You're asking too much. Let's go. We need to get ready. We're late." Dire-diretsong ani Czarina.
What the heck? Binigyan lang nila ako ng isipin! Kung merong King bakit walang Queen? Fuck! Ngayon lang ako naging usisera!