Chapter 08
(Lady Arthisa's POV)
Pagkalitaw na pagkalitaw namin sa Academy ay bumungad samin ang Alphan kasama ang ibang Disciples at iba pang personnel ng Academy.
"Saan kayo galing?" Malamig na tanong ng Alphan.
"Sa tabi-tabi lang. Hindi naman namin alam na gusto mo palang sumama edi sana nainform ka." Pabalang na sagot ko sa kanya.
"Arthisa!" Suway ni Czarina sakin kaya tiningnan ko siya ng may matalim na titig.
"How dare you to call me in my name without using Lady?" Malamig na tanong ko sa kanya.
"Tsk. Ano bang mapapala mo kapag tinawag ka sa pangalan mo na may kasamang Lady?" Nakangising tanong niya ngunit nakakunot ang noo.
"Well, poor girl, I should've been told you before. I'm using Lady because I'm a respected person. And you should respect me." Madiin na sabi ko sa kanya.
"Hindi ka karespe-respeto kaya h'wag mong hingin ang respeto ko sa'yo." Giit na sabi niya kaya napatawa ako.
"Okay then. It's your choice by the way." Nakangising sabi ko. Tinitigan ko siya at nakipagtitigan naman siya sa akin kaya mas lumawak ang ngisi ko. Unti-unti ay nangulubot ang katawan niya pati ang mukha niya. Nagulat ang Alphan kasama na ang iba pang Disciples at ang mga personnel ng Academy.
"What the hell are you doing to me?!" Galit na aniya na ipinagkibit balikat ko lang.
"Dunno." Nakangising sabi ko.
"Damn! Stop what you're doing!" Sigaw niya pero tinawanan ko lang siya at saka umiling iling. Natigil na ang pagbabago ng katawan at mukha niya at halos hindi na siya makilala dahil sa sobrang tanda ng mukha niya.
"A-anong...?" Hindi matuloy ng Alphan ang sasabihin niya dahil biglang sumigaw si Czarina.
"Pagbabayaran mo 'tong ginawa mo! Pagbabayaran mo!" Aniya.
"Hmm? Okay. I'm looking forward to that." Nakangising sabi ko sa kanya at saka sila tinalikuran.
Hindi pa man ako nakakalayo sa kanila ay lumakas na ang ihip ng hangin at may biglang nabuong malaking ipo-ipo sa harap ko. A few meters away from me.
Danger. I can sense it.
Tumingin ako sa likod at lahat sila ay pinipigilan na si Czarina sa ginagawa niya. She's controlling the damn weather!
Halos lipadin na ako dahil sa sobrang lakas ng ihip ng hangin. Mabilis akong tumakbo papunta uli sa kinaroroonan nila at mabilis na sinampal ng malakas sa pisngi si Czarina. Nawala ang malakas na hangin at ang ipo-ipo matapos kong sampalin si Czarina.
Tumingin siya ng matalim sakin at bigla siyang pumikit at ibinuka ang kamay niya.
Dumilim ang paligid at natakpan iyon ng maiitim na ulap. Narinig namin ang napakalakas na kulog na parang may naguumpogan at nagkikiskisang bato sa langit. Nakakatakot ang kidlat na lumalabas at nagbibigay liwanag sa paligid.
Inikot ko ang paningin ko at lahat ng mga estudyante ay marahil ay nasa dorm nila. Samantalang ang Alphan at ibang Disciples pati na ang ibang personnel ay pinipigilan pa rin si Czarina.
"Czarina! Go back to your senses! Tigilan mo ang ginagawa mo!" Alphan demanded pero tila bingi si Czarina dahil patuloy pa rin ito sa ginagawa niya.
Halos magsigawan naman kami nang biglang tumama ang kidlat sa isang puno malapit sa amin kaya mabilis na nag-apoy ang puno.
"Czarina! Stop it!" Sigaw ni Gyle sa kanya.
"Hindi! Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya napapatay!" Balik sigaw naman ni Czarina habang nakaturo sakin.
Pero sa kabila ng mga nangyayari isa lang ang ekspresyon ng mukha ko; blanko.
Tumalikod na uli ako sa kanila at nagpatuloy sa naudlot kong paglalakad pero napatigil ako ng maramdaman kong may pabulusok sa kinatatayuan ko kaya mabilis akong tumakbo at gumulong sa damuhan. Pagtingin ko sa tayo ko kanina ay tinamaan ito ng kidlat at sunog at umaapoy pa ang paligid nito. Fuck! Ikaw ang papatayin ko Czarina! Damn you!
Nang maramdaman ko uling may paparating na namang kidlat ay gumulong ulit ako at hindi nga ako nagkamali. Dahil pagkagulong ko sa lupa ay may tumama uling kidlat sa kaninang tayo ko.
Pero nararamdan kong maraming kidlat ngayon ang tatama sa akin kaya nagpagulong gulong ako sa damuhan at sunod sunod naman na bumulusok ang kidlat na parang nakasunod sa akin. Argh!
Nang matapos ang mga paggulong na ginagawa ko ay mabilis akong tumayo at tinakbo ng mabilis ang tayo nina Czarina at sinampal ng dalawang beses ang magkabilang pisngi niya ng may dobleng lakas ng kanina. Nang tiningnan ko ang mukha niya ay pula ang magkabilang pisngi niya at bakat na bakat pa ang kamay ko at putok ang labi niya at maraming dugo ang lumalabas dito.
Hindi pa ako nakuntento at mabilis siyang sinipa sa tiyan at tumalsik naman siya at tumama ang likod niya sa trunk ng isang puno.
"You're nothing but a pure shit," mura ko sa kanya bago muling tumalikod at naglakad paalis. Nakasense ako ng danger at haharap sana ako sa likod pero huli na ang lahat dahil may biglang tumulak sakin at siya ang tinamaan ng bubulusok na kidlat.
"Wade!!"