Chapter 07
(Lady Arthisa's POV)
Naramdaman ko ang malakas na pwersa tanda na nakalabas na kami ng Alphera at pagkatapos noon ay naramdaman kong binitawan na ako ni Gyle.
Pagmulat ko ng mata ko ay nakita kong nasa tagong parte ng park kami. Itatanong ko sana kung bakit kami nandito ng biglang magring ang cellphone ko.
*kriiing*
Tiningnan ko ang caller at nakitang si RedEye iyon. Sinagot ko ito at lumayo ng konti kay Gyle.
"Hello?"
"Lady! Kailangan ka na namin! Hinang hina na ang mga ka-gang natin!" Natatarantang sabi sa kabilang linya.
"Nasan kayo?"
"Nasa Awstery Park. Gitnang bahagi." Sagot niya at biglang naputol ang linya.
"Hello? Hello?! Aish!" Muntik ko ng maibato ang cellphone ko dahil sa biglaan nyang pagputol ng linya.
Awstery Park? Does it mean nandito na kami?
Nilapitan ko si Gyle na ngayon ay nakatingin sakin.
"Tara sa gitnang bahagi nitong park." Yaya ko sa kanya. Tumango naman ito at naglakad na kami papunta sa gitnang bahagi. Hindi pa man kami nakakalapit ng husto ay rinig na rinig ko na ang sigawan nila.
Biglang may tumakbo papalapit sakin. Tinignan ko kung sino iyon at ng mamukhaan kong si RedEye iyon ay sinalubong ko siya.
"Lady Arthisa!" Halata sa mukha niya ang pagod. At kitang kita rin ang mga bugbog sa katawan at mukha niya.
"Kumusta ang gang?"
"Kailangan ka namin!" Tumango ako sa kanya at nagpauna naman siya at sinundan ko.
Habang nagsasaya at nagsisigawan ang Exodus Gang dahil sa akala nilang sila ang panalo ay nagsalita ako.
"The battle is not yet over." Malamig na utas ko.
Natigilan silang lahat pati ang mga ka gang ko.
May isang tumawa galing sa myembro ng Exodus at saka ito sinundan ng iba pa nilang myembro.
"Akala mo ba kaya mo kami? Hindi porke't napatay mo ang leader namin ay kakayanin mo na kami. Babae ka at nag iisa samantalang kami marami at puro lalaki." Tatawa tawang ani ng nasa unahang lalaki.
"Why don't we start the true battle?" Nakangising sabi ko na siyang kinatigil nila.
"Boss, masyadong malakas ang loob nito eh." Sabi ng isang lalaki sa lalaking nasa pinakaunahan. So may bagong boss huh? Well, let's see.
"Sugurin nyo siya. Patayin nyo." Utos nung sinasabing boss nila.
Mabilis na nagsikilusan ang mga myembro ng Exodus Gang at maraming lalaki agad ang lumapit sakin.
Sisipain sana ako ng isa ngunit nailagan ko ito kaya nagdirediretso siya sa lupa. Sinipa ko naman ang likod niya kaya hindi agad siya nakatayo. May sumugod uling isang lalaki sakin at inambahan ako ng suntok pero dahil mabilis ang reflexes ko ay nasambot ko ang suntok niya at sinuntok siya sa tiyan saka tinadyakan. Nagpagulong gulong naman siya sa lupa dahil sa sakit.
May kinuha ang isa pang lalaki sa bulsa niya ng isang kutsilyo. Tss. Hindi pa rin talaga sila nagbabago sa dirty moves nila.
Inambahan niya ako ng hawak niyang kutsilyo ngunit dahil mabilis akong kumilos ay mabilis kong nasipa ang kamay niya na may hawak na kutsilyo at lumipad ang kutsilyo papunta sa direksyon ko kaya mabilis ko itong sinambot.
Ngumiti ako bago humarap sa kanila habang hawak pa rin ang kutsilyo.
"Ano kayang pakiramdam ng balatan ng buhay?" Ngingisi ngising sambit ko habang iniikot ikot sa kamay ko ang kutsilyo. "Wanna try?" Dugtong na tanong ko sa lalaking takot na nakatingin sakin. Mabilis itong umiling kaya napatawa ako.
"Hmm...scared?" Tatawa tawang sabi ko.
Nangahas na lumapit sakin ang bagong pinuno nila at sinubukan akong suntukin ngunit mabilis kong iniwasan ang kamay niya at umikot sa likod niya at saka ko siya sinakal gamit ang braso ko at pagkatapos ay itinutok ko sa mukha niya ang kutsilyong hawak ko.
"Pinuno!" Sigaw ng mga myembro ng Exodus Gang.
Napatawa ako sa kanila at saka mas lalong sinakal ang pinuno ng Exodus.
"B-bitawan m-mo a-ako. P-papatayin kita." Hirap na sabi niya.
"Ah, talaga?" Pabalang na sagot ko sa kanya habang nakangisi.
Nagpumiglas siya kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakasakal. Sige lang. Mamamatay ka ng maaga dahil sa ginagawa mong 'yan.
May nagtangka uling sumugod sakin ngunit agad ng lumapit si RedEye at mabilis na pinatulog iyon gamit ang suntok.
"Subukan nyong sumugod pa uli dahil hindi ako magtatangkang lagyan ng peklat ang mukha ng pinuno nyo." Seryoso ngunit nakangising sabi ko.
"Sige subukan mo dahil papatayin ka namin." Sagot ng isa. Oh well, mukhang gusto nilang masample-an ah. Let's try.
"Sure. Gusto ko din naman na itry lagyan eh." Nakangising sabi ko.
Itinutok ko ang patalim sa pisngi ng pinuno nila at saka ito dahan dahang ibinaon at pagkatapos ay pababang hiniwa ang pisngi. Mabilis na rumagasa ang dugo galing sa pisngi niya kaya mas diniinan ko ang pagbaon.
"A-ahhh! P-putangina!" Malutong na mura nito na mas nakadagdag ng tuwa sa dibdib ko.
"Tigilan mo 'yan! Hayop ka!" Sigaw ng isa.
Itinigil ko ang paghiwang ginagawa ko sa pisngi ng pinuno nila at tiningnan ang itsura nito mula sa likod. Malaki ang hiwang nagawa ko sa pisngi niya, nakakatuwa.
"Tang*na kang babae ka! Mamatay ka na!" Ani ng pinuno.
"Hindi ako basta-basta mamamatay. Masamang damo ako." Bulong ko sa tenga niya at saka siya pabatong itinulak sa mga kasamahan niya at kung hindi pa siya nasambot ng mga myembro niya ay tuluyan siyang mapapahalik sa lupa.
"I told you, you can't win over me." Blankong ekspresyong sabi ko sa kanila at saka mabilis na tumalikod at hinarap naman ang mga ka-gang ko.
Mangha ang nakarehistro sa mukha nila kaya napatawa ako sa isip ko. As always.
"Lady!" Sigaw ng kung sino at pagkatapos ay nakaramdam ako ng pagyakap sa likod ko at naramdaman ko ang parang pagteleport. Pagtingin ko sa paligid ay nasa may likuran na kami ng mga ka-gang ko at lahat sila ay gulat sa nangyari. Napatingin ako kay Gyle dahil sa ginawa niya, nagtatanong ang mukha kung bakit niya iyon ginawa.
"They tried to stab you." Sagot niya na parang wala lang sa kanya na may nakakita sa ginawa niyang pagteteleport.
"H-halimaw!" Sigaw ng isang myembro ng Exodus at nagsimula na silang mag-ingay tungkol sa nakita nila. Susugod na sana sila sa amin ng harangin ito ng mga ka-gang ko at humarap sakin si Red.
"Umalis na kayo, Lady! Kami na ang bahala dito!" Sigaw niya kaya tumango ako sa kanya. Mabilis namang hinawakan ni Gyle ang kamay ko at saka nagteleport pabalik sa Academy.