Library
English
Chapters
Settings

Chapter 06

(Lady Arthisa's POV)

*kriiinng*

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang tunog ng cellphone ko. Hinanap ko kung nasaan ito at nang makita ko ito sa side table ay tiningnan ko ang caller.

RedEye Calling…

Kumunot ang noo ko hindi dahil nagtatanong kung bakit siya tumatawag kundi dahil may connection pa rin pala sila dito.

Sinagot ko naman ang tawag at saka tumayo sa kama at pumunta sa balkonahe.

"Bakit?" Tanong ko dito.

"Lady Arthisa...we need you." Nagulat ako dahil sa tono ng boses na nya parang nahihirapan at pagod na pagod.

"Anong sinasabi mo?" Tanong ko rito.

"We underestimate their abilities. Malalakas sila hindi gaya ng iniisip natin. Kailangan ka namin dito, Lady. Pagod na ang mga gangmates natin at marami pang myembro ang Exodus. Wala na tayong laba--"

"No! Don't say that! I'll do my best to rid of here. Wag na wag kayong susuko." I answered bago pinatay ang tawag.

Gabi na at ito nga pala ang oras na sinabi ng Exodus. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito or else mawawala lahat ng pinagpaguran kong gang.

Lumabas ako ng kwarto only to find out na nandun si Gyle at nakaupo ng prente sa sofa. Mukhang may iniintay.

"Where are you going, Lady?" Tanong niya habang diretsong nakatingin sakin.

"Paano ako makakaalis dito?" Blanko ang ekspresyong tanong ko sa kanya.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"It's none of your business." Sagot ko dito pero hindi siya nagpatinag. Tumayo siya sa sofa at naglakad papunta sa harap ko.

"Where are you going?" May diing sabi na niya ngayon. Tsk. I need to tell him para lubayan na niya ako at para sabihin na niya kung paano ako makakaalis dito.

"Help me to escape. Please." Ngayon lang sa tanang buhay ko ako nakiusap kaya dapat pumayag siya.

Napahinga siya ng malalim at saka ako diretsong tinignan sa mata.

"Fine. Makakahindi pa ba ako? Pero sa isang kondisyon, Lady Arthisa." Seryosong sabi niya.

"Tsk. Spill it."

"Let Alphera change you...please." Seryosong saad niya. Nagulat ako sa sinabi niya ngunit agad ko rin namang binawi at wala na akong nagawa kundi tanguan siya dahil kung hindi ay mas hahaba pa ang diskusyunan.

Lumabas kami ng bahay at tahimik na Alphera ang bumungad samin.

"Hindi tayo pwedeng umalis gamit ang portal. Malalaman yun ng Alphan. I have no choice but to use my ability."

"Bakit? Ano bang ability mo?"

"Teleportation." Aniya na siyang tinanguan ko lang.

Handa na sana kaming umalis ng may maramdaman ako. Katulad ito ng pakiramdam noong muntik ng umatake sakin ang illusionist na iyon. I'm feeling danger right now.

"We need to hide." Sabi ko sa kanya nung handa na niyang hawakan ang kamay ko.

"Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong niya.

"Danger. I can sense danger." Sagot ko lang sa kanya at ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko na namalayan. Mabilis akong hinila ni Gyle patungo sa halamanan at pagkatagong pagkatago namin ay may dumaang tatlong estudyante. Lumilinga na parang may hinahanap.

"Sigurado ba kayo sa gagawin natin? I mean masyado atang delikado." Sabi ng isang lalaki medyo payat.

"Tss. Ngayon ka pa umatras, Lucas? Malaki ang atraso sakin ng Lady Arthisa na yun. Kaya kailangan nyang pagbayaran ang ginawa niya sakin." Boses ng isang pamilyar na lalaki. Nang masinagan ng buwan ang mukha niya ay saka ko lang naalala ang mukha niya. Ang walanghiyang Illusionist na yun. At ano namang balak ng mga 'to?

Pansin ko rin na nag iba na uli ang itsura ng Illusionist na iyon. Bumalik na uli sa pagkabata ang itsura niya. Baka may kakilala siyang age shifter rin.

"Pero, Ace, anak siya ng King at Queen. Mali ang gagawin natin." Sabi uli ng mapayat na nagngangalang Lucas.

"Pwede ba Lucas? Kung hindi mo kaya 'tong gagawin natin, pwede ka ng umalis. Hindi namin kailangan ng duwag dito." Sabi naman nung mataba.

Napatungo si Lucas at pagkatapos ng ilang segundo ay tumunghay muli siya at parang napipilitang sumagot.

"S-sasama na ako, Ace, Lester." Napipilitang sabi niya. Lester? Pangalan siguro nung mataba.

Umalis na sila at pumunta sa direksyon kung saan ang dorm namin.

What are they up to? What are they planning to do? Ipinangsawalang bahala ko ang naiisip ko kahit na may kaunting pag aalala akong nararamdaman.

"Let's go." Sabi ko sa katabi ko ngunit hindi ito kumibo.

"Hey! I said let's go! Kailangan na nating makapunta dun as soon as possible!" Naiiritang sabi ko.

Tumingin siya sa akin at parang may malalim na iniisip.

"Hindi ka ba nagtataka? What if they're planning to something? What if mapahamak naman ang ibang Disciples?" Aniya na parang kinakabahan.

"Look, Gyle. It's ok kung bumalik ka na sa dorm. Pero kailangan ko talagang umalis dito. I need to help my gang!" Naiinis ng sabi ko.

"What? You want to help your gang but you don't want to help your fellow Disciples? Ganyan na ba talaga kasama ang ugali mo, Lady Arthisa? Kaya mong makitang nahihirapan at nasasaktan ang kapwa mo Disciples pero ang gang na kinabibilangan mo na gumagawa ng hindi maganda ay hindi mo kayang hindi tanggihan?"

"Hindi mo kasi naiintindihan."

"Pwes ipaintindi mo!"

"That gang is special to me! Pinaghirapan kong buuin yun! Iyong sinasabi mong gang ay ang tinuturing kong pamilya!" Sigaw ko sa kanya. Mabilis na nangilid ang luha sa mga mata ngunit bago pa ito tumulo ay pinunasan ko na.

"Hindi mo naiintindihan kasi hindi naman ikaw yung nasa sitwasyon ko. Oo, Disciples ako, sila, tayo pero yung tinuturing kong pamilya ang pinag uusapan dito, Gyle."

Napayuko siya matapos marinig ang mga sinabi ko.

"S-sorry." Nasagot na lang niya.

"Ok. Fine. Kung ayaw mong sumama sakin okay lang. Pwede ka ng bumalik sa dorm at bantayan ang tatlong lalaking yun pero ituro mo sakin kung paano ako makakaalis dito." Balik sa blankong ekspresyong sabi ko sa kanya.

"No. Sasama ako sayo." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"How about the Disciples?"

"They can manage it. Besides hindi makakapasok ang tatlong yun sa dorm natin." Kumpyansang sabi niya.

"Bakit?"

"Dahil walang madedetect na tattoo ang detector. At sa oras na wala iyong madetect ay tutunog ang dorm." Aniya. Napatango tango na lang ako sa sinabi niya.

"Tara na." Hinawakan niya ang kamay ko at pagkahawak na pagkahawak niya doon ay naramdaman kong umikot na ang paligid.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.