Chapter 05
(Lady Arthisa's POV)
Mabilis akong umakyat pataas ng dorm at nang makapasok ako sa loob ay nadatnan ko silang nasa sala lahat at kaharap si Czarina na may mga band aid sa katawan.
Nagtuloy ako sa paglalakad at hindi ininda ang mga tinging may bahid ng pagkadismaya sa kanilang mga mata.
Akmang tataas na ako ng kwarto nang biglang may humawak sa kamay ko. Nilingon ko kung sino iyon at nakita ko ang mukha ni Wade.
"Please have a sit with us," aniya. Tiningnan ko lang siya bago mabilis na inalis ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Naglakad ako patungo sa sofa at prenteng umupo roon kaharap nilang lahat.
"What do you want?" I asked with no hint of interest.
"You did this?" Diretsong tanong ni Kobie habang nakaturo kay Czarina. Tiningnan ko ang kabuuan ni Czarina bago ako muling tumingin kay Kobie at saka walang-buhay na tumango.
May mga pasa pa ito sa katawan at may kaunting galos na hindi na nilagyan ng band aid.
"Yeah. Is that why you want me to sit here? Para magkaroon din niyan? Pasensya na, wala ako sa mood," sagot ko na siyang nagpasinghap sa kanila.
"No. We want you to say sorry to her. Hindi pangmakatao ang ginawa mo sa kanya, Lady Arthisa," seryosong sabi ni Gyle na siyang nakapagpatawa sakin.
"At ang makialam ba sa buhay ng iba ay makatao? Ikinuwento ba ng babaeng 'yan ang ginagawa niyang pangingialam sakin? At ang pagtatangkang ginawa niya?" Nakangisi ngunit may diin at pagkaseryoso sa boses na sabi ko na siyang nagpatigil sa kanila.
Nilingon nila si Czarina ngunit tumungo lang ito kaya mas lalong lumawak ang ngisi ko.
"See? Look at her. Ni hindi niya kayo matingnan! Bakit? Kasi hindi niya kayang sabihin ang mga kagagahang ginawa niya sakin. Kasi gusto niyang ako ang mapasama kahit ang totoo, we're just same," seryosong sambit ko sa kanila.
Dumaan ang ilang minuto ngunit hindi na sila sumagot dahil nakatingin pa rin sila kay Czarina na hanggang ngayon ay iniiwasan ang mga tingin nila kaya tumayo na ako. Tiningnan nila akong lahat ngunit blanko ko lang silang tiningnan isa isa.
"Sa susunod, siguruhin n'yo munang may ilalaban 'yang mga salita nyo sa utak ko," makahulugang sabi ko bago tuluyang umakyat patungo sa aking kwarto.
Tsk. Hindi ko akalaing may ganito ring tao rito, at hindi ko akalaing kasamahan ko pa. Tss.
Pagkarating ko ng kwarto ko ay mabilis akong naligo at pagkatapos ay nagtuloy sa paghiga sa kama ko.
'Kamusta na kaya ang gang?' I asked myself while staring at the ceiling.
Hinayaan kong mag-isip nang mag-isip ang utak ko hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
* * *
(Czarina's POV)
"Why didn't you tell us about what you did?!" Galit na galit na usal ni Gyle habang kausap ako.
"S-sorry. S-sasabihin ko naman eh." Nakatungong sagot ko sa kanya.
"Pero hindi mo nga sinabi! Pinagmukha mo kaming tanga, Czarina!" Singit naman ni Wade.
Tiningnan ko silang lahat nang may galit at inis sa mata ko. Talaga bang kinakampihan nila ang babaeng 'yon?
"Oo na! Ako na ang may mali! Pero 'di ba dapat pinagsasabihan n'yo rin siya?! Hindi porke't anak siya ng King at Queen ay ganyan na ang magiging trato niya sa atin! At gaganyanin niyo na rin ako dahil sa kanya! Lintek naman oh!"
"See? Ikaw na nga 'tong pinagsasabihan namin para mabago mo 'yang ugali mo, pero ikaw pa 'tong galit. Czarina, what is happening to you? Hindi ka naman ganyan dati, ah?" Nagtatakhang tanong ni Gyle, wala ng bakas ng kahit anong galit o inis sa mukha at boses niya.
Napaiwas ako ng tingin at saka siya sinagot.
"Lahat nagbabago, Gyle. Walang permanente sa mundo. At kung ayaw n'yo sa ugali ko ngayon, well then, kalimutan n'yo na lang lahat. Kalimutan n'yo na lang na may Czarina kayong kakilala," malamig na tugon ko sa sinabi niya. Umiling-iling siya at saka nagbuntong hininga.
"No. Czarina, ang sinasabi lang ni Gyle ay hayaan muna natin si Lady Arthisa. Look, bago pa siya dito. Kaya, please, Czarina, mangako kang hindi mo na uulitin ang ginawa mo," ani Kobie na nagpakunot sa noo ko.
"At bakit ko naman gagawin 'yon? Bakit kailangan na tayo ang mag-adjust kung pwedeng siya? Look guys, hindi natin kailangang sundin si Lady Arthisa!"
"Czarina... You—nothing, please, just follow us," ani Gyle.
Napahinga nang malalim muli si Gyle at saka umalis ng dorm gano'n rin si Wade. Natira si Kobie at si Rieka na nakatingin sa'kin nang may dismayadong tingin.
"What?!" Galit na anas ko.
"Magsorry ka na lang kay Lady. Hehe." Parang batang ani Rieka at saka naglakad paalis. Napairap naman ako sa hangin dahil sa sinabi niya at dumapo ang paningin ko kay Kobie na matamang nakatingin sakin.
"Hindi mo kilala ang binabangga mo, Czarina. Wala kang alam." Makahulugang aniya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo sa katawan ko papunta sa ulo ko.
"Wala akong pakialam kung sino pa siya, Kobie. Wala. Akong. Pakialam."
Nagkibit balikat lang siya at umalis na rin. Marahas akong huminga nang malalim bago pabagsak na isinandal ang likod sa back rest ng sofa.
Tsk. Pare-parehas kaming Disciples dito kaya walang nakakalamang. Kung akala nila at ni Lady Arthisa na sasantuhin ko siya pwes do'n sila nagkakamali. Hinding-hindi ko sasantuhin ang taong hindi marunong makiramdam sa nararamdaman ng ibang tao. Hindi ko sasantuhin ang taong walang puso. Hindi ko kailanman sasantuhin si Arthisa. Magkamatayan man.