Library
English
Chapters
Settings

Chapter 04

(Lady Arthisa's POV)

Nagising ako nang maramdaman kong umuga ang sangang tinutulugan ko. Pagmulat ko ng aking mata ay halos mapamura ako nang bumungad sa harapan ko ang mukha ng isang hindi ko kilalang lalaki.

Mabilis kong itinaas ang kaliwang paa at sinipa ang pisngi niya na naging dahilan ng pagkakahulog niya sa puno.

"Ahh! Shit! Ang sakit!" Rinig kong hiyaw niya dahil sa sakit. Napairap na lang ako sa hangin at tiningnan ang pinagbagsakan niya. Hindi ko alam kung maaawa ako o hindi nang makitang sa batuhan siya bumagsak.

Pero dahil may kaunting awa pa namang natitira sa akin, mabilis akong bumaba ng puno.

Kunot-noo akong lumapit sa kanya at akmang aalalayan siyang tumayo nang galit niyang tinabig ang aking kamay.

"Ano ba?!" Sigaw niya sa'kin ngunit sinuklian ko lang siya ng isang blankong tingin.

"Bakit mo ko sinipa sa pisngi?! Tanga ka ba?!"

"Hindi," tipid na sagot ko bago siya tinalikuran at nagsimulang magalakad palayo.

"H-hoy! B-bumalik ka rito!" Sigaw niya kaya tumigil ako at naghintay pa ng sasabihin niya, hindi na nag-abala pang lingunin siya.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa kinatatayuan ko at akmang hahawakan niya ang balikat ko nang mabilis akong kumilos at mabilis na kinuha ang kamay niya. Ipinaikot ko iyon sa likuran niya kaya ngayon ay nasa unahan ko na siya at hawak-hawak ko ang kaniyang kamay sa likod.

"A-ahh! Aray! K-kanina ka pa, ah!" Galit na sigaw niya mula sa unahan ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin.

"Bakit ka nasa puno kanina?" Seryosong tanong ko kaya siya natigilan.

"W-wala lang. Nakita kitang natutulog, eh. Gigisingin sana kita kaso bigla ka namang nagising," kinakabahang paliwanag niya kaya hindi ako kumbinsido.

"Bakit mo 'ko kailangang gisingin?" Pigil ang inis na tanong ko sa kaniya.

"M-masama na ba ngayon ang manggising?" Kinakabahang aniya.

"Oo. Lalo na ang isang illusionist na kagaya mo." Hindi ko alam kung bakit iyon ang mga salitang lumabas sa bibig ko na tila normal lang para sa akin ang mga ganitong may kapangyarihan. Hindi ko rin maintindihan kung bakit tila nakaramdam ako kanina ng panganib nang makita ko ang mukha ng lalaking ito sa harapan ko.

"P-paano mo—"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at mabilis kong sinipa ang likuran niya dahilan para mapasubsob siya sa lupa. Dahil kasabay ng pagsipa ko sa kaniya ay siya namang pagbitaw ko sa kaniyang kamay.

"Putangina! Kanina ka pa ah!" Galit na galit na anas niya nang makabangon mula sa pagkakasubsob. Napangisi naman ako sa inasta niya dahil ganitong-ganito rin ang mga nakakalaban ko.

"Eh, ano ngayon?" Nang-aasar ang tonong sabi ko sa kaniya.

"Mamamatay ka sa ilusyon ko!" Gigil na sambit niya at mabilis na tumakbo sa kinaroroonan ko. Umatake siya kaya mabilis ko itong iniwasan. Bawat suntok niya ay walang hirap ko lamang iniiwasan. Ang alam ko sa ilusyon ay sa oras na siya mismo ang humawak sa akin ay tuluyan niya akong mapapapasok sa ilusuon niya, kaya hangga't maaari ay panay lamang ang iwas na ginagawa ko.

"Leche! Lumaban ka!" Naiinis na aniya. Humanap ako ng tyempo sa pagsugod niya at ng akmang susuntukin niya ako ay hinawakan ko ang kamay niya at sinunod ang isa pa at parehas na ipinihit patalikod katulad ng ginawa ko kanina. Impit naman ang ginawa niyang paghiyaw dahil sa sakit.

"Gotcha," bulong ko malapit sa tenga niya.

"A-anong gagawin mo sa'kin?" Kinakabahang tanong niya kaya napatawa ako bago dumura sa lupa.

"Wala naman. May babaguhin lang ako ng kaunti sa mukha mo," nakangising pahayag ko.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya at gigil na gigil siyang sinipa muli sa likod ngunit hindi ko na binitawan pa ang kaniyang kamay.

"Arrgh!" Impit na sigaw niya dahil sa pagkakasipa ko.

Gustong gusto kong baguhin ang pagmumukha niya at hindi siya makilala dahil sa mga bugbog na ipapataw ko sa kanya. At kung may kakayahan lang akong baguhin ang itsura niya ay nagawa ko na.

Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang unti-unting pangungulubot ng mga kamay niya na hawak ko.

What the heck?

"A-anong nangyayari s-sakin?" Takot na tanong niya ngunit hindi ako sumagot dahil gulat akong nakatingin sa katawan niyang ngayon ay kumukulubot na!

What the hell is happening to him?

"Anong ginawa mo sakin?!" Galit na sigaw niya ngunit kahit boses niya ay naging pang matanda na rin!

"A-anong nangyari sa'yo?" Gulat na tanong ko sa kanya. Tumigil na ang pagkulubot ng katawan niya at ngayon ay sobrang tanda na ng itsura niya. Binitawan ko siya at gulat na lumayo sa kaniya.

"Anong, ano ang nangyari sa'kin? Ikaw ang sumagot niyan! Anong ginawa mo sakin?!"

"Wala akong alam," balik sa walang ekspresyong sagot ko.

"Hah! At ano pa bang ipagtataka ko kung anong special ability mo? Age shifting and danger sensing. Nice abilities. Pero huwag mong hayaang mahawakan kita dahil hindi ko rin hahayaang makalabas ka na sa ilusyon ko kapag nagkataon," aniya sa isang seryosong tono, halatang nagbabanta.

Hindi ko na inintindi pa ang bantang sinabi niya at mabilis na siyang tinalikuran para makabalik ng dorm.

Ano ba talagang nangyayari sa akin? Bakit gano'n ang nangyari sa lalaki? Bakit... bakit may kapangyarihan ako? Babaliwin ba ako ng lugar na ito? Damn.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.