Chapter 03
(Lady Arthisa's POV)
Nakarating na kami sa tutuluyan ko at isa pala itong malaking dorm na paghahati-hatian naming anim na Disciples 'kuno'.
Matapos ang nangyaring sagutan namin kanina ni Czarina ay naisipan na lang ni Gyle na magteleport kaya napadali ang pagpunta namin sa dorm. Tinuro nila sa’kin ang kwarto ko kaya nagtuloy-tuloy ako sa pagpunta do’n nang hindi man lang nagpapaalam sa kanila.
Why would I do that? Besides the hell they care. I don't fucking meddle with their business so, they should also mind their own.
Pagkarating ko sa kwarto ko ay muntik na akong mapamura dahil sa design ng kwarto ko! Damn! Bakit puro pink at puro barbie 'to?!
Pumikit ako nang mariin at huminga nang malalim nang ilang beses para mapakalma ang aking sarili. Nasa ganoong posisyon ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko kaya roon nabaling ang aking atensyon. Pagtingin ko sa pumasok ay si Rieka pala.
"What are you doing here?" Pigil ang inis na tanong ko, hindi pa rin nakakahuma sa nakitang design ng kwarto.
"Ah eh hehe itatanong ko lang sana kung… kung nagustuhan mo ba ang design ng kwarto mo? Ako kasi ang nagdesign niyan eh hehe,” parang batang aniya. Nang dahil sa sinabi niya ay tuluyan nang napigtas ang pisi ng pasensya ko at mabilis na akong napasugod sa kaniya.
"What the hell are you?!" Galit na galit na sigaw ko sa kaniya. Blood is rushing through my veins and I could feel the intent to kill this person right now.
"H-ha? T-tao ako, L-lady,” kabadong sagot niya sa akin kaya mas lalo akong nainis. Napasabunot na lang ako sa sariling buhok dahil sa pinaghalong galit at inis. Nanggigigil kong hinawakan ang mukha niya at tiningnan nang diretso ang mata niyang puno ng takot at namumuong luha.
“Don’t mess with me, Rieka,” gigil na sabi ko sa kaniya bago siya padabog na binitawan. “Get out of this room. Before I kill you,” dugtong ko na mabilis niyang sinunod habang umiiyak.
Napahinga na lang ako nang malalim nang sa gano’n ay kumalma ang buong sistema ko. Hirap akong kontrolin ang emosyon ko at kung nagkataon ay baka malamig na bangkay na si Rieka ngayon.
Isinara ko na ang pinto at naglakad patungo sa kama para mahiga. Ipinikit ko ang mga mata ko para mas lalong mapakalma ang sarili. Nasa ganoong pwesto ako nang bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto na tila may pumasok sa kwarto ko. Pagmulat ko ng aking mata ay nakita kong nasa harap ko na si Czarina at galit na galit ang mga mata nito. Naupo ako at tiningnan siya nang malamig.
"Anong ginawa mo?" Mariing tanong niya kaya napakunot ang aking noo.
"Ano bang ginawa ko?" Balik tanong ko sa tanong niya.
Napamura siya dahil sa naging sagot ko sa kaniya. Tsk. Hindi ko alam kung mmy utak siya o wala. Nagtatanong, hindi ko naman alam ang itinatanong niya.
"Anong ginawa mo kay Rieka?" Nanginginig sa galit na sabi niya.
"May ginawa ba ako kay Rieka?" Balik na tanong ko sa kaniya. Sa pagkakaalala ko ay wala akong ginagawa kay Rieka. Kung may ginawa man ako sa kaniya, iyon ay dapat patay na siya.
Napahinga siya nang malalim at halatang pinipigilan niya ang galit niya. "Bakit siya umiiyak?" Pigil sa galit na tanong pa niya.Napataas ang kilay ko sa sinabi niya at napangiti nang maalala ang nangyari kanina. Hindi ko kasi maiwasang mapatawa kapag naiisip ko ang paiyak na itsura ni Rieka.
“Oh, that? Hindi naman masakit ang ginawa ko, e,” nakangising sagot ko sa kaniya ngunit tila nagpanting ang tenga niya sa sinabi ko.
"Peste, Lady Arthisa! Ganyan ka ba talaga kaignorante?! Wala kang pakialam sa nasa paligid mo!" Sigaw niya sa akin na siyang nakapagpanumbalik sa walang ekspresyon kong mukha.
"See? Sinigawan lang kita bumalik na uli sa walang kwenta 'yang mukha mo-"
Hindi ko na siya pinatapos pa at pinutol agad ang sasabihin niya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinawakan ang palapulsuhan niya bago siya hinila palabas.
"Get out of my room,” malamig na sabi ko habang hila-hila siya ngunit mabilis siyang nagpumiglas kaya nabitawan ko siya.
"No! Gusto kong malaman mo kung gaano ka kawalang kwentang tao! Kung gaano ka kawalang puso!" Aniya pa. Tuluyang nandilim ang paningin ko at mabilis siyang sinakal sa leeg.
"Don't you dare make mess with me. I can be devil you wouldn't want to see,” I whispered right next to her ear. Naramdaman ko ang pagkakatigil niya dahil sa sinabi ko kaya napangisi ako.
"B-bitawan mo a-ako. H-hindi ako m-makahinga,” hirap na hirap na usal niya. Mas lalo akong napangisi nang tila wala siyang kalaban-kalaban na nakikiusap bago ko siya pabatong binitawan.
"’Wag na ‘wag mo 'kong kakalabanin, Czarina. Hindi mo pa ako kilala. At hindi mo pa alam kung ano pa ang kaya kong gawin sa'yo,” huling sabi ko sa kaniya bago naglakad palabas ng kwarto ko. Ngunit napatigil ako nang may humawak s braso ko. Pagtingin ko rito ay nakatayo na pala si Czarina mula sa pagkakabato ko sa kaniya.
Iniharap niya ako sa kaniya at akma niya akong sasampalin nang mahawakan ko ang kamay niya. Ngumisi muna ako sa kaniya bago siya sinampal nang malakas. Agad siyang napaluhod dahil sa lakas ng pwersa ng sampal na ginawa ko sa kaniya.
"Sinabi ko na sa’yo, Czarina. Higit pa d’yan ang mararanasan mo kapag patuloy ka pang humarang sa daraanan ko,” galit na usal ko sa kanya at saka siya sinipa nang malakas sa tiyan bago lumabas ng aking kwarto.
Pagbaba ko sa sala ay nakita kong nandoon silang lahat at pinapatahan si Rieka. Lumapit ako sa kanila at humawi naman sila sa daraanan ko papunta kay Rieka.
"Here." Sabi ko habang binibigay ang panyo sa kanya. Napatingala naman siya at parang batang takot na takot kaya wala akong nagawa kun’di lumuhod sa harap niya.
"Sorry about earlier. Nagulat lang ako,” maikling paumanhin ko sa kaniya.
"Pero nagustuhan mo naman ‘di ba?" Parang batang aniya pa habang humihikbi-hikbi.
Napipilitang tumango naman ako sa kanya kaya tumigil siya sa pag iyak at napalitan ng sobrang lawak na ngiti.
"Yey!" Masayang sabi niya at niyakap pa ako. Hindi ko na siya niyakap pabalik at mukhang wala naman iyon sa kaniya.
Pagkabitaw niya sa yakap ay tumayo na ako at lumapit kay Gyle, hindi iniintindi ang mga matang nakatingin sa akin.
"Paano ako makakaalis dito?" Tanong ko sa kanya.
"Lalabas ang hagdan sa bahay kapag nadetect ng detector ang tattoo sa braso mo,” aniya na siyang tinanguan ko lang.
"Lalabas lang ako,” paalam ko at naglakad na palabas ng pinto.
Pagbukas ko ng pinto ay siya ring pagkakaroon ng hagdan na gawa rin sa ulap. Nadetect siguro ang tattoo na inilagay sa akin kanina noong nakarating kaming dorm, bago pumasok sa loob.
Bumaba na ako sa hagdan at naglakad lakad sa buong Alphera.
This place is so interesting. Hindi masakit sa mata ang buong paligid, in fact, nakaka-peace pa ng mind.
Habang naglalakad ay biglang pumasok sa isip ko ang nangyaring sagutan namin kanina ni Czarina. I feel sorry for her. Tsk.
Nang magkita ako ng puno sa di kalayuan ay mabilis ko itong tinakbo at saka nagtuloy tuloy sa pag akyat.
Humanap lang ako ng matigas na sanga na kaya ang bigat ko at saka nahiga doon ng makitang ayos iyon at kaya ako.
Habang nagmumuni muni sa taas ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa sobrang relaxing ng paligid sa pakiramdam.