Chapter 02
"What the hell?"
"Welcome to Alphera Academy, Lady Arthisa," biglang sabi ni Wade na humarang pa sa harapan ko. Nangunot ang noo ko sa taong ito bago siya masamang tiningnan.
"Tss. Umalis ka sa harapan ko," malamig na utos ko sa rito kaya natatawang umalis siya.
Lumakad na ako papasok habang palihim kong tiningnan ang bawat sulok ng eskwelahang pinasukan ko.
Naningkit ang mata at mas lalong kumunot ang aking noo nang makitang hindi nakatayo sa lupa ang mga school building at lahat ito ay nakalutang sa ulap! At walang hagdan para makaakyat! Seriously?
"What kind of bullsh*t is this?" Bulong ko.
"Ahm this is not a bullsh*t. This is a school," nakangiting sambit ni Rieka kaya napatingin ako sa kaniya.
"What?" Inis na sabi ko. Ano ba talagang mundo 'tong pinasok ko? Can someone please tell me where I am? Sobrang weird ng mga tao at hindi ko iyon nagugustuhan! Gusto ko silang pagpapatayin isa-isa!
"Whoop! That's bad," biglang sabi ni Kobie. Lalong nangunot ang noo ko dahil sa pinagsamang galit, inis at pagtataka.
"What are you talking about?" Inis na tanong ko sa kanya.
"You're thinking of something brutal," nakangiwing sabi niya na mas lalong nagpadagdag sa galit ko. Paano niya nalaman 'yon? Arrgh! I want to kill these people! Really.
Nakatingin lang ako sa kaniya nang masama nang biglang may lumapit sa'ming isang middle-age na babae. Kahit nasa middle-age na ang itsura niya ay halata pa rin ang ganda nito. Ayaw ko mang aminin pero mukha pa ring bata ang itsura niya. May kaunti lamang akong nakikitang wrinkles sa may noo niya pati sa gilid ng mata kaya ko nasabing nasa middle-age na siya.
"Good morning! Hello, Lady Arthisa. It's nice to see you here," nakangiting sabi niya. Blanko ko siyang tiningnan bago inirapan.
"And it's NOT nice to meet you," sagot ko na siyang nagpatanggal sa ngiti niya ngunit kalaunan ay ibinalik niyang muli.
"Psh," I murmured. I hate her smile. It feels like she's mocking me or something and I don't like the feeling. Nakakainis!
"Well, I'm the Alphan of this school. I'm more like the headmistress or the school master of this school but Alphan would be enough," nakangiting aniya.
I smiled sarcastically at her before facing her my hand. "Talk to my hand."
"Ahm, Alphan, sorry for her attitude. King and Queen told us her personality and yeah, she's some kind of rude," Czarina apologized.
"Oh, I see," nakangiwing sagot naman ng Alphan. Kahit naiinis ay pinigilan ko ang sariling gumawa ng masama dahil paniguradong ako lamang ang mananagot. Lalo pa at mukhang kilala sa lugar na ito ang pamilya ko. Oh well, kahit naman siguro saang mundo o planeta ako pumunta ay kilala ang buong pamilya ko. Others say our family is powerful... and dangerous.
"Where's my room and how can I get there?" I asked, changing the topic. Mukha namang natauhan ang Alphan kaya tumingin siya sa mga kasamahan ko.
"Oh, right. Disciples please guide her to her room," utos niya.
Tumango naman ang mga ito. "Yes, Alphan," they said in unison.
Umalis na ang Alphan at lumakad na rin ang mga tinawag niyang Disciples opposite sa direksyon na tinahak ng Alphan. Sumunod naman ako at naglakad nang may blankong expression.
They are talking nonsense things kaya naman napapabuntong-hininga na lamang ako bago napapairap sa ere.
Hindi ko alam kung makakatagal ba ako rito kasama ang mga tao'ng ito. Tsk.
Habang naglalakad kami patungo sa hindi ko alam na lugar ay nagulat ako nang biglang may lumitaw na pusa sa harap ko.
"Fuck!" Mura ko dahil sa gulat.
Napatingin sa'kin ang limang Disciples bago napagawi ang tingin nila sa pusang lumitaw bigla sa harap ko.
"Is that Keowa?" Tanong ni Rieka sa mga kasama niya. Tinitigan naman nila ang pusa at pagkaraan ng ilang sandaling pagtitig sa pusa ay mabilis na nagsitakbuhan patungo sa direksyon ko.
Ngunit hindi pa man sila nakakalapit nang tuluyan sa pusa ay bigla na lamang itong lumundag sa may ulunan ko at doon komportableng nahiga.
Fudge!
Agad silang napatigil sa pagtakbo at gulat na napatingin sa akin. May mangha sa mukha nila at lahat sila ay nakaawang ang bibig.
"Bakit?" I asked in a cold manner, wondering because of their reaction. Duh, it's just a cat! Ano namang kagulat-gulat dito?
Ang nakakainis lang ay bakit kailangan pang sa ulunan ko siya humiga?!
"W-why?" Gulat na balik nila sa tanong ko. Tsk.
Kinuha ko ang pusa sa ulunan ko at saka iyon ibinigay sa kanila pero hindi pa man ito nahahawakan ng isa sa Disciples ay kumawala ito sa hawak ko bago mabilis naman na lumundag sa balikat ko. Aish.
"What is this thing? Ano bang problema ng pusa'ng 'to sa'kin?" Iritang tanong ko sa kanila. Ilang minuto silang natigilan bago nagkatinginan at sabay-sabay na nagtawanan. The nerve!
Huminga ako nang malalim upang mapakalma ang aking sarili bago nagpatuloy na lang sa paglalakad habang nasa balikat ko pa rin ang pusa'ng 'to. Habang naglalakad papunta sa kung saan ay nakarinig ako ng bulong-bulungan sa mga estudyante habang nakatingin sa'kin.
"Wait, girl look! It's Keowa right?" Tanong ng isang babae sa kaibigan niya.
"OMG, yes! Bakit kasama niya ang Lady?" Sagot naman ng kaibigan nito. Nangunot ang noo ko kaya tumigil ako sa paglalakad at hinarap ang dalawang nag-uusap.
"Who's Keowa?" I asked coldly. Para namang natakot ang dalawang ito kaya mabilis na tumungo.
"I-it's the cat on your s-shoulder, Lady," nakatungo at kinakabahang sabi ng unang babae.
"Look at me." I demanded.
Takot na takot siyang tumingin sa'kin ngunit kapansin-pansin ang ginagawa niyang pag-iwas sa nasa balikat ko kaya naman mabilis na kumunot ang aking noo.
"Look at the cat," sunod kong utos sa kaniya dahilan para gulat siyang napatingin sa akin.
"L-lady," she stuttered, obviously because of fear. Kita ko ang panginginig ng katawan niya ngunit wala akong pakialam.
"Look. At. The. Cat." Mariing utos ko habang nakatingin nang diretso sa mga mata niya. Napansin ko ang paghawak ng kaniyang kasama sa kamay niya at tila pati ito ay kinakabahan.
Nagtataka man sa inaasta nila ay hindi ko binawi ang aking mga sinabi.
Walang nagawa ang babae kung hindi sundin ang utos ko. Dahan-dahan niyang inilingon ang paningin niya sa pusa ngunit bago pa niya matingnan nang buo ang pusa ay bigla na lang may tumawag sakin.
"Lady Arthisa!"
Napatingin silang dalawa sa mga tumatakbong Disciples pero hindi ko inalis ang tingin sa kanilang dalawa. Mukhang tuwang-tuwa ang mga ito base sa namumuong luha sa mata nila dahil nailigtas sila ng mga epal na Disciples. Psh.
Hindi na ako nagulat nang biglang may humawak ng kabilang balikat ko. Pero hindi ko pa rin ito nilingon dahil paniguradong isa ito sa mga Disciples.
"What are you doing?" Tanong nila at nakita ko sa gilid ng aking mata ang ginawa nilang pagtingin sa dalawang estudyanteng kaharap ko. Tinanguan nila ito na tila sinasabing puwede na silang umalis.
Napangiti naman ako sa isip nang halos kumaripas ng takbo ang dalawa paalis. "I just ask them to look at the cat," simpleng sagot ko sa tanong nila kanina.
"W-what?" Gulat na tanong nilang lima. Umirap ako sa hangin bago sila tuluyang tiningnan.
"Why did you do that?" Gulat na tanong pa ni Gyle.
"Why?" Bored kunwaring tanong ko dahil pinipigilan kong makita nila ang pagkainterest ko sa pinag-uusapan namin.
"N-nothing," aniya bago mabilis na umiwas ng tingin. Kumunot ang tingin ko sa naging aksyon nito ngunit nabaling ang tingin ko kay Czarina nang bigla niyang hinila ang balikat ko.
"Why did you do that?!" Inis na sabi nito. Tiningnan ko siya nang masama ngunit tila wala lang ito sa kaniya. Pinalampas ko ang ginawa niyang paghila sa balikat ko at sinagot ang tanong niya kanina.
"Do what?" I asked in a cold manner.
"That! Why did you ask them to look at the cat?!"
"So?"
"Anong so? Lady Arthisa bawal tingnan ang pusang 'yon lalo na ang mata!" Histerikal na sabi niya.
"Pero natingnan ninyo 'tsaka ako." Sarkastik na sagot ko sa kaniya.
"Dahil iba tayo! Disciples tayo at sila pangkaraniwang estudyante lang na may special abilities!" Sigaw niya dahilan para matigilan ako. Special what? Did... Did I heard her right?
"What the fuck are you talking about? Special what?"
"Special abilities!"
Kahit naguguluhan sa sinasabi niya ay hindi ko ito pinahalata sa kanila. Pinanatili ko ang matigas na ekspresyon bago muling nagsalita.
"Tsk. At ano namang kinalaman niyan dito sa pusa'ng 'to?" Blankong ekspresyong tanong ko. Tss. Kung iba 'tong kaharap ko matagal na 'tong patay.
"Dahil nga special abilities lang ang meron sila at tayo special abilities at kapangyarihan," ngayon ay mahinahong sabi niya.
"Tss," tipid na sagot ko na lang. Ayoko ng humaba pa ang usapan namin dahil gustong-gusto ko ng itulog lahat ng nalaman ko ngayong araw.
Tch. Mas masarap pa ang pumatay kaysa malaman 'tong mga walang kwentang bagay.
Special abilities? Powers? Fuck it!