Chapter 01
Killing is true happiness.
That is what I believe. Taking away someone's life is my kind of pleasure. I don't care what they feel. I don't care if they are thinking to kill me, too. If, they can lay their hands on me.
I looked at the boy who is crying out loud just to please me for not killing him. Ang kaniyang mukha ay punong puno ng dugo dahil sa ilang oras kong pambubugbog sa kaniya.
"P-parang awa mo na, Lady Arthisa. H-huwag mo kong patayin," nagmamakaawang sambit nito sabay yakap sa aking binti. Napaismid ako sa kaniya bago sinipa ang kaniyang mukha.
"Don't kill you?" I laughed sarcastically. "Nagpapatawa ka ba? You have the guts to disobey my rule that once you fought one of my members, I'll kill you. But you can't face these consequences? Are you nuts?" I gritted my teeth as I grabbed a handful of his hair.
Kita ko ang unti-unting pagtulo ng luha galing sa kaniyang mga mata kaya napahagalpak ako ng tawa. One of the Leader of a well-known gang is crying in front of me! I am so great!
Pabato kong inalis ang pagkakasabunot sa kaniya at saka siya tinalikuran at naglakad ng mga limang hakbang bago muling humarap sa kaniya. Mabilis kong hinugot ang aking baril at pinaputukan siya sa hita, braso at ang huli ay ang kaniyang ulo. Bumulagta ang katawan niyang wala ng buhay sa lupa kaya napangisi ako.
I just eliminated the Leader of Exodus Gang.
Pinaputukan ko pa ng tatlong beses ang katawan ng Leader ng Exodus Gang bago ako umalis sa abandunadong lugar na iyon.
Sumakay ako sa motor ko at pinaharurot ito patungo sa mansion. Nang makarating ako sa mansion ay agad akong sinalubong ni Butler Kim na nakakunot ang noo. Siguro ay iniisip niyang may pinatay na naman ako.
Well, who cares? I don't follow someone's rule. And he didn't say anything, anyway. Kaya wala na akong pakialam sa iniisip niya.
"Lady Arthisa, the Lord is here," he said while I'm taking up the stairs. Mabilis akong lumingon sa kaniya ng nakakunot ang noo.
"Why?" I asked, wondering. Hindi basta-basta pumupunta rito ang Lord ng walang sapat na dahilan at kung ano mang dahilan niya ay hindi ko alam.
"Hindi ko po alam, Lady. Ngunit nasisiguro kong mahalaga iyon," aniya pa na siyang tinanguan ko na lang at nagpatuloy sa paglalakad pataas ngunit bigla siyang nagsalita na siyang dahilan ng aking muling pagkatigil.
"You're really cruel and merciless."
I smirked, not giving him a look. "Yes. And before you taste my wrath, shut your f*cking mouth," I said and continued walking upstairs.
Nang makarating ako sa aking kwarto ay agad akong naligo dahil sa nararamdamang panlalagkit dahil sa mga dugong tumalsik sa akin.
Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng kwarto para sana hanapin ang Lord ngunit nakita ko siyang lumabas galing sa study room kasunod ang Queen.
Ang Lord na tinutukoy ko ay ang aking lolo at ang Queen naman ay ang aking ina. Ang King ay ang aking ama at Lady ang tawag sa akin. Isang batas na ginawa ng pamilya namin ang pagtawag sa pangalan namin ng may kasamang Lady or whatsoever. Isang malaking kahangalan o kasalanan ang pagtawag sa mismong pangalan namin nang walang ginagamit na Lady o kung ano pa man.
"I want you to do that as soon as possible. Ayoko mang malaman niya ang lahat but she needs to know all the truth," rinig kong sabi ng Lord sa nakasunod na Queen.
"I will, Lord Velmint," the Queen answered as she bowed her head a little. Nang tumunghay siya ay nagtama ang aming paningin kaya nanlaki ng bahagya ang kaniyang mga mata ngunit di kalaunan ay naitago rin naman ang ipinakitang ekspresyon.
"Lady Arthisa..." Tawag niya sa akin na siyang dahilan upang mapalingon sa gawi ko ang Lord.
Hindi ko na inintay pa na magsalita ito at agad na akong lumapit sa Lord at saka siya hinalikan sa pisngi bago yumukod ng kaunti. Ganoon din ang ginawa ko sa Queen bago kami naging pormal uli lahat sa pagtayo.
"Kanina ka pa riyan, Lady?" The Lord asked.
I looked at him before answering his question politely. "Hindi, Lord. Kasabay lamang ng paglabas ninyo sa study room ang aking paglabas sa kwarto." He nodded.
"Hmm sige. I'll go ahead, Queen," ibinaling ng Lord ang paningin sa Queen at binigyan ito ng makahulugang tingin na tinanguan naman ng Queen. "Lady Arthisa," baling niya sa akin bago humalik muli sa aking pisngi.
Dumating na si Butler Kim at inalalayan ang Lord patungo sa baba ng mansyon hanggang sa labas nito. Paalis na sana ang Queen nang pigilan ko siya upang magtanong.
"Anong napag-usapan ninyo ng Lord?"
She didn't bother to look at me but I didn't mind that anyway. We had this cold personality to everyone... or maybe just for me.
"Wala naman. Something that is not really important at hindi mo na kailangang problemahin pa," aniya habang nakatalikod pa rin sa akin. My forehead creased, starting to feel irritated because of her response but I managed to stay calm and answered her.
"Okay."
Naglakad na ako pabalik sa kwarto ko. Bubuksan ko na sana ang pintuan nito nang bigla naman siyang magsalita.
"Pack your things, Lady Arthisa. All your things. We're going somewhere," aniya sa isang pormal na tono. Nakuha ng sinabi niya ang interes ko kaya agad akong lumingon sa kaniya.
"Somewhere? Mind if I ask where is that somewhere?" Nakangising tanong ko kahit pa libo-libong tanong na ang pumapasok sa utak ko.
"Just pack your things."
Bumalik sa pagiging matigas ang mukha ko kaya hindi na ako nagtanong pa.
"Okay," I answered again.
Tuluyan na akong pumasok sa aking kwarto at asar na nahiga sa aking kama dahil sa naging usapan namin ng Queen.
"Nakakaasar!" Sigaw ko bago sinabunutan ang sarili ko dahil sa inis na nararamdaman.
I stopped hurting myself when my phone suddenly rang. Tiningnan ko ng masama ang cellphone ko na nakapatong sa may bedside table na parang lalabas ang tumatawag at hihingi ng paumanhin.
Nang mainis sa tunog ay asar kong kinuha ang cellphone at tiningnan ang istorbong caller.
RedEye calling...
My brows drew together, wondering why he's calling. Sinagot ko na lamang ang tawag at naglakad patungo sa balkonahe ng aking kwarto.
"Lady Arthisa, may problema," bungad na sabi niya sa akin. My forehead automatically wrinkle because of his tone. His voice seemed problematic.
"Ano 'yon?"
"Nalaman ng Exodus Gang na ikaw ang pumatay sa leader nila at gusto nila ng isang malaking laban sa pagitan ng grupo natin at grupo nila."
Tumawa ako ng mahina hanggang sa unti-unti iyong lumakas. Tumahimik sa kabilang linya kaya sa tingin ko ay nagtataka siya sa naging reaksyon ko.
Pinoproblema niya iyon? Their Leader is so weak, what more its members?
"Pagbigyan natin kung ganoon. Mahina ang leader nila kaya siguradong mahina rin ang mga miyembro. Burahin nyo na sa listahan ang grupo ng Exodus dahil wala naman silang binatbat," I replied as the other side of my lips rosed.
"You coming with us?" He asked from the other line.
I puffed a cigarette before answering him. "No. I am going somewhere with Queen."
I felt again the building irritation inside my chest because of that interaction with Queen earlier. She's irritating, I swear!
"Somewhere, huh? Matatagalan ka ba?"
"Obviously. She said pack all my things so I think so." Humithit muli ako sa sigarilyo bago ko narinig ang paghinga niya nang malalim mula sa kabilang linya.
"Kaya n'yo na 'yon. Besides, you are my members and I am a hundred percent sure na na-train ko kayo ng husto kaya h'wag ninyo akong bibiguin," I added seriously. Hindi siya agad nakapagsalita ngunit dinig kong parang tumayo siya sa kinatatayuan niya at naglakad.
"Of course, Lady. We can do that," labas sa ilong na sabi niya kaya napaikot ko pataas ang aking mga mata.
"Do what you must."
Pinatay ko na ang tawag pagkatapos at hindi na tinapos pa ang paninigarilyo. Itinapon ko na iyon sa ash tray at lumakad na ako papasok sa loob ng kwarto ko. Hindi pa man ako nakakaupo sa aking kama ay may kumatok na sa pinto.
I bore my eyes on the door as I waited the person who knocked to open it. Nang bumukas iyon ay dumungaw ang isang batang kasambahay na halatang takot na takot.
"L-lady Arthisa, kakain na raw po," she stuttered.
She seemed... scared.
Nakaisip ako ng kalokohan kaya unti-unti akong napangisi. Kitang kita ko kung paano siya kabahan nang makita ang pag-ngising ginawa ko.
Humakbang ako ng isa ngunit nabigla ako ng bigla siyang nagtatakbo paalis. Humagalpak ako ng tawa dahil sa naging reaksyon niya. Mukha ba akong mangangain? HAHAHA!
Nang maayos ko ang aking sarili ay bumaba na ako sa dining area at nakita roon ang King at Queen na nagsisimula ng kumain.
Nang makaupo ako ay siya namang pagsasalita ng King.
"Alam mo na naman siguro na may pupuntahan tayo bukas 'di ba?" He said, not giving me a single stare. Hindi ako sumagot sa kaniya hangga't hindi niya ako tinatapunan ng tingin. Kaya naman nang mapansing wala akong balak sumagot ay napilitan na siyang tingnan ako.
I smirked mentally. "Ngunit ang hindi ko alam ay kasama ka pala, King," I answered with no trace of sarcasm.
His brows shot up. "Hmm... ayaw mo ba?" He asked while cutting his steak. Pinanood ko siya hanggang sa mahiwa niya iyon at maisubo bago ako sumagot.
"Hindi naman sa ganoon. Hindi lamang nasabi sa akin ng Queen na kasama ka pala," sagot ko na lang at kumain na rin ng hiniwa kong steak kanina. Tumango na lang siya at hindi na muli umimik pa kaya binalot ng matinding katahimikan ang buong dining area at tanging kalansing lang ng kubyertos ang maririnig.
Nang matapos kaming kumain ay hindi na ako nag-abala pang kausapin ng matagal ang King at ang Queen at nagtuloy na agad ako sa aking kwarto at nagpasyang matulog na ng maaga. Panigurado namang ang mga kasambahay ang mag-iimpake ng mga gamit ko.
***
Maaga akong gumising at maaga rin akong naghanda. Ayoko sa lahat ay iyong nahuhuli ako sa mga lakad.
Matapos kong gawin ang mga bagay na lagi kong ginagawa tuwing umaga ay humarap ako sa salamin at pinuri ang sarili sa isip. Nang matapos ay agad na akong bumaba at naabutan ko ang Queen at King na kauupo lang sa hapag.
"Lady Arthisa, ipapatawag pa sana kita pero mukhang maaga kang nagising," ani Queen. Tinanguan ko lang siya dahil wala ako sa mood magsalita. Nang makaupo ay siya namang pagsasalita ng King.
"We're going to your school and not to a gang fight."
My eyes narrowed. School, huh? Bakit naman ngayon pa nila naisipang ipasok ako sa paaralan? Kung kailan alam ko na lahat?
"I know what you are thinking," putol niya sa pag iisip ko. "Your knowledge didn't reached half of the truth in the world," he said bluntly.
Is he insulting my f*cking knowledge?
Pinili kong hindi na lamang sumagot. Paniguradong darating ang Lord dito sa oras na malaman niyang lumalaban ako sa kanila.
"I can't see any problem with my outfit," sagot ko sa sinabi niya kanina.
Magsasalita na sana ang Queen ngunit pinigilan siya ng King gamit ang isang malamig na tingin. Siguro ay ayaw niya rin ng away ngayong araw.
***
I rolled my eyes for the nth time because of so much boredom. If I knew that this going-to-school-plan would go like this, then I would probably left the mansion and fight against the Exodus Gang with my members!
We're almost two and a half hour travelling to my school! And the place is full of old trees! What the heck?
But one thing really bugs me. These trees are glowing for pete's sake! May mga artificial lights ba na nakakabit dito?
But I can't see any wires! Baka naman nasa ilalim ng lupa?
Really, Arthisa? Ilalim ng lupa, really?
"We're here," biglang sabi ng Queen dahilan para mapatingin ako sa unahan. An old big tree, huh? Akala ko ba eskwelahan?
Taka kong tiningnan ang King at ang Queen ngunit wala naman silang sinasabi.
Magtatanong sana ako ng biglang nagsalita ng kung ano ang Queen.
"Porta opsie!"
She faced her open palms infront of the tree as she chant those words.
Tatawa na sana ako sa ginawa niya pero nagulat ako ng biglang bumukas ng kusa ang parang bibig ng puno at walang imik na pinaandar ng King ang sasakyan.
Hindi ko inalis ang tingin sa pinasukan namin na parang bunganga dahil hindi ako makapaniwala. Pero nang mawala ito at maging parang nasa isang panibagong gubat na uli kami ay tuluyan na akong napanganga.
"Can someone please tell me what's going on here?" I said, puzzled.
"Just stop asking. Nandito na tayo," ani Queen at bumaba nang tumigil ang sasakyan. Lumabas na rin ako ng sasakyan at lalong napanganga dahil sa nakita. What the effin' sh*t!
This is my school? Heck! It is more like a palace! Mas malaki pa ang school na ito kaysa sa palasyo sa England!
"They're here," ani ng King kasabay ng paglitaw ng dalawang babae na may gray at light gray na buhok at tatlong lalaki na may dark brown, brown at light brown na buhok.
"Lady Arthisa, it's my pleasure to meet you. My name is Gyle," ani ng lalaking may kulay dark brown na buhok. He attempted to shake hands with me but I refused to take his hands. Napapahiya siyang umalis na lang sa harap ko at tumayo sa medyo malayo sa akin.
"Ikinagagalak ko kayong makita, Lady Arthisa. Ang pangalan ko ay Kobie." The man with brown hair introduced his name. I just nod at him at agad naman siyang umalis sa harap ko.
Nang matapos silang makipagkilala sa aking lahat ay medyo naalala ko naman ang mga pangalan nila. Si Czarina ay ang mga gray na buhok, Rieka ang pangalan ng babaeng may light gray na buhok at sa lalaki naman si Wade ang may light brown na buhok, Gyle ang pangalan ng lalaking may dark brown na buhok at Kobie naman ang pangalan ng lalaking may brown na buhok.
"Lady Arthisa, we're going. Sila na ang bahala sayo," ani ng King bago humalik sa aking pisngi pati na ang Queen. May sinabi pa siya kay Czarina at nakita kong tumango tango si Czarina bago tumingin sa akin.
I don't like her stare. Tss.
Nang matapos silang mag-usap ay umalis na sila kaya kami na lang lima ang natira sa labas ng school. Tumalima si Kobie at Wade at kinuha ang aking mga gamit.
"Let's go," utos ni Czarina sa kaniyang mga kasama. Sumunod naman ako sa kanila at naglakad na kami pataas sa hagdanang ulap na lumabas nang tumapat kami rito.
Kakaiba ang pakiramdam habang lumalakad ako sa hagdang ulap. Nang makarating kami sa tuktok ay halos manlaki ang mga mata ko dahil sa mangha.
Alphera Academy: School of Alphas
Alphas? They call themselves Alphas?
"Are you ready, Lady Arthisa?" Czarina asked but I only gave her a blank stare before I looked at the huge gate infront of us. Itim at ginto ang tanging kulay na makikita dito at wala ng iba. At sa tingin ko ay purong ginto ito at walang halo.
May sinabing kung ano si Czarina at unti-unting bumukas ang pagkalaki-laking gate ng Alphera. At nang tuluyan na itong bumakas ay hindi ko na napaigilan pa ang sarili kong tuluyang mamangha.
"What the hell?"
Hindi ko alam kung bakit iyon ang unang lumabas sa bibig ko imbes na wow.