CHAPTER 8⸙
Kakayanin kaya ni hansel ang tatlo? E mag isa lang sya? Minsan talaga ang engot din nito, may pa "stay here" pa syang nalalaman akala mo naman si batman.
Pero sobrang thankful parin ako dahil dumating sya, pag nagkataon siguro lutang nakululuwa na ako ngayon at pagala-gala lang sa mall. Ngayong nandyan nasya, edi sya na ang bubog sarado at hindi na ako.
"At sino kanaman? Wag kang makealam kung ayaw mong mapuruhan! ".
Sabi nung isang lalaking mataba pagkatapos ay pinandilatan pa ng tingin si hansel.
Sakanilang tatlo ay dyan ako mas natatakot sa matabang yan, kamukha nya kase ang isang sumo restler na minsan konang napapanood sa tv. Jusko! baka mabali ang buto ni Hansel sa kanya!
Kaya naman medyo lumapit ako ng kaonte kay hansel pagkatapos ay binulungan sya.
"Sigurado kang kaya mo yan hansel? Tatlo kaya sila tapos mag isa kalang? Sayang yang gwapo mong mukha pag nasugatan, pero ok lang din ang importante wag ako ma bugbog hehe".
Agad nya naman akong nilingon at pinasadahan ng nakaka matay na tingin , wahh naimagine ko tuloy sya si superman tapos yung mata nya na may nakakamatay na laser!
Kaya mas mabuti nang umatras muna ako ng onte hihi. Alam nyo na , baka mag bago ang isip nya at mag back out. Ayoko namang mamatay ng maaga.
"Would you shut the hell up eunice? ".
Nang marinig kong tinawag nya ang pangalan ko ay nanlaki ang magaganda kong mga mata. Oh em geee !! Σ(⊙▽⊙")
Paano nya nalaman ang pangalan ko? Hini kaya ay may inatasan syang spy para mag manman saakin habang wala ako? Mas mabuti sigurong tanmungin ko nalang sya. Ibubuka kona sana ang bibig ko nang maunahan ako nitong magsalita.
"Were in the same class, stupid". Pshh maka stupid to’ akala mo naman di nya inakalang sinusundan sya ng moon noong bata sya!
"Tama na ang satsat! Ibigay muna samin yang babae kung ayaw mong dumura ng dugo!” Ma angas at pa cool pa na utos nung lalaking may peircing sa ilong.
Nabaling ang tingin ko kay hansel na inilabas ang isang kamay sa bulsa pagkatapos ay inaya pa yung tatlong kalaban na parang nag hahamon.
Wow grabeng kahanginan, ano bang nasinghot nito?
"Come and get her"
Σ(⊙▽⊙")
AAAAAACCKKKKKKKK?! Ibibigay nya rin naman pala ako?!
Napakasama! Tinapunan ko sya ng masamang tingin at nag imagine na iniihaw ko sya.
Mabilis akong napa atras ng biglang sumugod ang matabang lalaki habang dahan dahang pumoporma ng suntok ang kanang kamay nito, na agad namang naiwasan ni hansel.
Iwas dito, iwas doon lang naman ang ginagawa ni sungit, tapos ay para bang tinatamad pa ito. Pshhh hambog talaga!
Nang matapos sa pag suntok ang taba ay kaagad itong napa upo sa sahig dahil sa pagod at naliligo narin ito sa sariling pawis.
Sinulyapan ko si Hansel at wala manlang itong kahit anong reaksyon sa mukha. Nakakagwapo talaga sa lalaki ang ganyan huhu crush kona kaya sya?
"Kayo!” napatingin kami sa matabang lalaki ng ituro nito ang mga kasama nyang parang natatawa pa. “Anong tinutunga tunganga nyo! Sugurin nyo yan!” humugot pa ito ng hangin bago mag salitang muli. “Mga walang kwenta! "
Pagkatapos ay sabay na sinugod nung tatlo si hansel at nag simula na naman akong kabahan nung makita kong may mga hawak hawak ang mga itong kutsilyo.
Mukhang magagaling ang dalawang yun, na se-sense ko talaga. Kaya kailangan kong maka hanap ng paraan.Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tutunga nalang ako dito at manonood nalang kung paano nila katayin ng buhay si hansel.
Agad kong nilibot ang paningin at agad na nadismaya nang wala akong makitang kung anong bagay na kahit ibato manlang o pwedeng panlaban.
Two Vs. One ang labanan tapos ako dito nakatayo lang, tinampal ko ang sarili at mabilis na nag isip ng paraan. Hindi pwedeng tutunganga nalang ako dito.
Hmmmm ano kaya ang pwede kong gawin?
Imagination 1.
Hinubad ang jacket , ginulo gulo ang buhok pagkatapos ay nag lipstick ng sobrang pula .
Dahan dahang kenimbot ang mga balakang na para bang dancer ako sa isang bar kung saan nag papatay sindi ang mga ilaw, mapang akit, mapang matyag, matang lawin!
Hehe syempre! Alam kong makukuha ko sila sa nakaka akit kong alindog at nang sa ganon ay may tyempo si hansel para mabugbog ang mga kalaban.
Tapos sinabayan ko pa ng kanta.
"Kaya moba to? Oha oha, sumayaw ng ganito? Oha oha "
Nakita kong effective naman ang ginawa ko dahil napa tigil sila sa pakikipag bugbugan, kaya napag desisyunan kong mas kumembot pa lalo.
Tsk! Hindi yun pwede, baka akalain ni Hansel isa akong bayaran.
Imagination 2.
Mag kunwaring nag collapse at hinimatay para dalhin nila ako sa hospital!
"Ha-hansel, i can't do this anymore. Bye"
Tapos ay bigla akong nahimatay, buti nalang at nasalo ako ni hansel.
"NOOOO! pleaseee eunice, don't leave me. Not now, I can't live without yah pleasee wake up"
Sabi ni hansel habang nag sisimula nang umiyak. Kaya mas ginalingan kopa ang pag akting lalo na’t nakukuha ko narin ang atensyon ng mga kalaban.
"Tumawag kayo ng ambulance now na! ". Utos ng humahagul-gul na si Hansel sa mga nakatunga-ngang kalaban.
"Hello!? 911? May nahimatay dito babae! Bilis! Baka ma tuluyan!”. Bwesit! 911 ba naman ang tinawagan imbes na ambulance!
Urgh! Napaka low ng IQ! Nabaling ang atensyon ko kay hansel na nasa gilid ko at panay ang iyak tapos ay may uhog pa!
Yuck!
Kaya para di ako mauhugan, agad akong napaupo sa pagkakahimatay .
"No sipon allowed". Pagkatapos ay bumalik uli sa pagkaka handusay.
Pero wrong move ata dahil mas malakas na ang hagulgol nya ngayon kesa kanina. Wahahahahaha ang panget ni hansel sa imagination ko pag naiyak!
HAHAHAHAHA sobrang panget tapos may uhog pa! Ewsss
Napa balik ako sa realidad nang biglang may pumitik sa noo ko at may kung anong mainit na nakapulupot sa kaliwang kamay ko.
"WAHHH... Bat moko pinitik ha! "
Tanong ko na hindi nya pinansin at hinatak ako nang mabilis. Lumingon ako upang hanapin yung mga kalaban namin este NYA, kanina at nakitang naka bulagta na ang mga ito sa sahig.
Wow! Pano ni hansel natalo ang mga yon?!
"You smiled like an idiot earlier, what were you thinking? "
tanong nya habang hatak hatak parin ako palabas ng mall. At dahil sa tanong nya ay naalala ko nanaman ang na imagine ko kanina at agad akong napahalagapak ng tawa.
"WAHAHAHAHAHA nakoooo baka pag sinabi ko sayo matatawa ka rin hahahaha" . Sabi ko sabay kinuha ang kamay ko na hino holding hands nya.
"Hansel? Bat moko ni ho-holding hands? Crush moko? " Tanong ko, ala lang na curious lang, hehehe. Pero denedma nyalang ako at nauna nang mag lakad. Joke lang naman, sungit!
"Oyyyy! Hintay! Libre moko sa jabeeeeeee!".
Sigaw ko nung medyo malayo- layo nasya, kaya agad ko naman syang sinundan.
Hmp!! kuripot! Minsan lang e!
Nang maabutan ko sya inilagay ko ang dalawang kamay sa likod habang iniisip ang lahat ng nangyayari saakin simula nung nakaraan. Nakakaranas naman ako ng mga ganito noon pero hindi pa ganito kalala. Naintindihan ko naman kase una palang sinabihan na ako nina Daddy na mag ingat lalo na’t marami silang kalaban sa negosyo.
Tahimik lang kaming naglalakad kaya hindi ko maiwasang tignan sya, na abutan kong kinukuyom nito ang kamaong hanggang ngayon ay dumudugo pa. Nagulat ako kaya agad ko syang nilapitan ngunit humakbang ito paatras mula saakin.
“Sorry, titignan kolang sana baka mapano yan.” Sabi ko ngunit nag patuloy lang ito sa paglalakad kaya hinayaan ko nalang sya at sumunod nalang.
Nilibot ko ang paligid at hindi namalayang naka rating na pala kami sa parke kung saan malapit sa subdivision namin. Napatigil ako sa paglalakad at tinignan ang kalangitan, pumikit ako at dinama ang pagdampi ng malamig na hangin sa pisngi ko.
Muli kong inimulat ang paningin at ngumiti sa kalangitan, sobrang daming bituin. Kahit gaano kabigat ang problema ko basta makakita ako ng bituin sa langit ay kusa itong nawawala. Simula pagkabata ay mahilig na akong mag star gazing sa labas ng bahay tuwing gabi, may malawak kaming bermuda grass at doon ako nag lalatag ng tela pagkatapos ay humihiga. Minsan nga nakakatulog din ako dun, ginigising lang ako ni daddy para pumasok na o di kaya binubuhat nalang nya ako papasok.
Nang maramdaman kong may nakatingin saakin ay nilibot ko ang paningin at hindi ko alam kong malabo lang ba ang mata ko o nakita kong nakangiti si Hansel? Tsk maka uwi na nga, kung ano-ano na ang nakikita ko at baka nasa bahay na sina mommy.
“Are you planning to stay here the whole night?”. Salubong ang kilay na tanong ni Hansel kaya natawa ako at sumunod nalang sakanya.
Sungit pshh!
Tatawid na sana kami kung saan ang way papunta sa village namin ang kaso ay nakita ko si jabeee at parang kumikindat at hinahatak ako nito papunta sa kanya kaya hinarap ko si Hansel at ngumuso sa harap nito.
Pinanliitan lang ako nito ng tingin at agad na tumalikod. Kaya malungkot at labag sa loob ko nalang syang sinundan.