CHAPTER 9⸙
Matapos akong ilibre ni hansel ay umuwi na kaagad ako. Oo nilibre nya ako, hindi ata sya maka tiis sa ka kyutan ko. Balak pa nga sana nya akong ihatid kasi gabi na ang kaso ay nag pumilit ako na ako na kaya kona.
Bago ako mag paalam sa kanya ay nag pasalamat muna ako sa pag ligtas nya saakin, sigurado akong pinglalamayan na ako ngayon pag nagkataong hindi sya dumating.
Nang maka rating sa bahay ay nagulat ako ng makitang prenteng nakaupo sa sofa ang pinsan ko, naka dekwatro pa ito habang nanonood ng paborito nyang Anime Series. Nakakailang ulit na ba sya sa episode na yan?
" Oy Eunice, late kana umuwi a, san ka galing? Tinawag pa ako nina lolo para sunduin ka, kaya lang hindi ko naman alam kung saang lupalop kana napadpad. So, dumeretso na ako dito". Sabi niya sabay pause ng pinapanood nya.
Sya si Andria , "ANDI" for short. Ang magiting kong pinsan, sya rin ang isa sa mga close ko sa lahat ng mga cousins ko. Kahit minsan ay madalas nya akong pagalitan sa ugali ko. Mataray din siya pero love ako nyan! Hihi
"Kailan ka naka uwi? Akala ko nasa US ka? ". Takhang tanong ko habang hinuhubad ang suot na jacket.
"Kanina lang. Nga pala, sabay pala ako sayo bukas". Sabi nito habang hindi inaalis ang tingin sa tv.
Anong sabay?! Hindi kaya?
"Ikaw na bagong driver ko? ". Takhang tanong ko habang naka turo pa ang hintuturo sa kanya. Agad nya naman akong tinignan ng masama at pinatay ang tv bago mag simulang tumayo.
"Meron na akong new school dito". Sabi nya sabay ngiti na para bang may masamang binabalak.
"Share molang? Ano naman kong may bagong school ka? Ako ba principal ha? "
Tanong ko, pagkatapos ay inirapan sya at nag simulang mag lakad.
"Sungit mo ngayon a, tsaka dun ako nag enrolled sa school mo". Napantig ata tenga ko sa sinabi nya kaya napa lingon ako para harapin sya.
"Wehhh??? ". Sya? Mag eenroll sa school ko? Hmm? Ano kaya ang pinainom ni lolo sakanya at napapayag nya si Insan na mag enroll sa school ko? Mas kumportable kase si Insan doon sa eskwelahan nya sa ibang bansa.
"Seryoso eunice" Hmmm mukhang seryoso nga kase hindi sya mukhang nag bibiro.
"Wow insan! Sama ka palagi para may manlilibre na sakin. Mabuti narin yun at may kasama na ako, alam mo naman diba insanskie? cute ako kaya madaming nag hahabol"
Sabi ko at humagikgik ng kaonte. Pero syempre inirapan nya lang ako at nilampasan. Abaughh! Ansama talaga nun!
TOMORROW MORNING
7:00 AM
Maaga akong nagising dahil first day ko sa school at ayaw na ayaw kong nalelate. Matapos akong mag bihis at mag ayos ng sarili ay agad na akong pumunta sa dining area nila tita, doon ko nakitang abala sa pag luluto ang isa sa mga maids nila dito.
"Ay, Good morning po madam Andi, kain napo kayo" Tinanguan kolang ito at mag sisimula na sanang kumain nang maalala ko si eunice. Tsk, Tulog mantika pa naman ang babaeng yun. Tumayo ako at nag simulang maglakad papunta sa dereksyon kung saan ang kwarto nya.
Matapos kong umakyat sa hagdan ay dumeretso ako sa pinaka dulo ng hallway. Nang makaharap kona ang pinto ay napa kunot noo ako ng makita ang plaka na naka sabit sa labas ng pintuan nya.
NOTICE:
PLEASE KNOCK 3 TIMES BEFORE ENTERING
-love, the management.
Napa iling nalang ako at bahagyang natawa sa kalokohan ng babaeng ito.
Tsk tsk kahit kailan talaga. Kumatok ako ng tatlong beses at nag hintay ng ilang minuto para mapagbuksan. Ngunit nakaka anim na akong katok ay wala parin kaya pinihit kona ang door knob at nagulat ng mapagtantong hindi ito naka lock.
Paano nalang pag pinasok sila dito? Hindi talaga nag iisip tong si eunice! Well, pano naman sila mapapasok sa daan- daang taga bantay nila dito? Maliban nalamang kung assassin ang papasok mag tatangkang pumasok.
Katulad ko. Nang makapasok ay hindi ko maiwasang mapairap ng makitang tulog na tulog pa ito at naka nganga pa. Sinimulan ko syang tawagin at bahagyang niyugyog sa balikat pero wala pa din.
"Eunice, ill count one to three. Pag di kapa nagising puputulin ko ang ulo nyang paburito mong teddy bear". Tignan lang natin kung di pasya magising. Kinuha ko ang malaking teddy bear na naka patong sa bedside table nya at nag hanap ng gunting sa drawers.
Nang makita ay napangisi ako at agad na humarap sakanya. Nag kunwari pa itong pumikit but sadly, nakita ko.
"One, two, thr-"
As I expected, agad syang bumangon at agad na kinuha sakin ang teddy bear at inilayo ito saakin.
"Bad ka talaga insanskie! Huhuhu kawawa namansi sirri! Alam mobang isang krimen ang muntik monang ginawa! Hmp! " Inirapan kolang sya at nagsimulang maglakad palabas.
"Maligo kana at mag bihis, hintayin kita" Sabi ko at nginitian sya, kahit na naiinis ako sa ugali nya ay namiss ko rin naman sya. Tsk
Kumuha sya ng towel at nag salute pa saaken. "Aye aye insanskie! ". Pagkatapos ay patakbong pumunta ng c. r. Napapailing nalang ako sa lakas ng topak nun, minsan nakakahiya din syang maging pinsan. Oh geez!
------
Nasa kalagitnaan na kami ng daan papunta sa school nang biglang pomreno ng malakas ang sinasakyan naming kotse at parang may kung ano kaming nabangga.
Hala ano yun?
Naunang lumabas si kuya driver para tignan at sandali pa itong napayuko, pagkatayo ay may inalalayan itong lalaki na kung maka tingin ng masama sa driver namin ay parang kinakatay na ito. Sa mukha nilang pareho ay halatang nag tatalo sila.
Tinignan ko si insanskie na para bang walang pake sa mga nangyayari at nakatingin lang sa labas ng bintana. Kaya dahil sa sobrang curious ko ay agad na akong lumabas sa kotse.
Nang makalabas ay tinignan ko ang lalaking mukhang nabangga ata namin, enexamin ko sya mula ulo hanggang paa at doon na pag tantong schoolmate ko ito.
Pareho kase ang suot-suot naming uniform. Nang maibaling nito ang tingin sa akin ay kaagad ako nitong pinasadahan ng nakakamatay na tingin.
Luh? Anong kasalanan ko?
"You! You are the owner of that car and you are supposed to be the one choosing a good driver. " Napanganga naman ako nung agad nya akong sumbatan ng kung ano ano. Tapos dinuduro pa ako nito gamit ang hintuturo nya.
"Hoy para sabihin ko sayo , hindi ako ang may ari ng kotseng yan, parents ko! Gets mo? Tsaka bat ka english ng english nasa pilipinas naman tayo? Pshh panget mo! ".
Sabi ko at agad syang benelatan .Kala ng mokong nato! Aba! Kahit mag suntukan pa kami dito!
"What did you say!? ". Tanong nya na halatang napipikon na.
"Sabi ko kamo mag tagalog ka! ". Pagkatapos ay inirapan ko sya.
"Maam sorry po, nabangga kopo kasi sya kaya medyo may damage yung motor nya, pinapa bayaran nya ho ng kalahating milyon, eh wala naman po akong ganun kalakimg pera ". Hindi ko maiwasang maawa kay kuya driver kaya biglang kumulo ang dugo ko.
"HAAA?! ANONG KALAHATING MILYON?! HOY! WAG MO KAMING PINAG LOLOKO AH? HINDI AABOT NG KALAHATING MILYON ANG GASTOS DYAN! " . ABAUGH! naiistress na ako ng kiaga aga!
" Damn, it's expensive! Even your soul won't make it for an exchange". Sabi nya at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. "Nah... Not even a half".
ABAAAAA! Susugdin kona sana sya nang biglang pumagitna si insanskie.
"Late na ako, just give your address to kuya at ipapadala nalang namin ang pera, let's go eunice". Sabi ni insan at tinignan pa ako ng masama nung akmang magsasalita pa ako. Pshh! Edi fine!
Papasok na sana kami sa kotse ngunit napatigil din nang mag salitang muli yung lalaki. "Forget it, i dont need your fxcking money anyway".
Sabi nito at agad na lumayo at may kung sinong tinawagan sa cellphone.
Wow ha! Hahaha napaka yabang! Dinaman pala kailangan nakipag away pa saakin, anong klaseng utak meron sya? Munggo?
Tuluyan nanga kaming pumasok sa kotse at saktong lalampasan na namin sya nang bigla kong ibinaba ang bintana ng sasakyan. Sinadya ko talaga na e timing kung saan sya nakatayo.
"See you when i see you monkey! " Tapos ay agad kong ibinaba ang bintana at tumawa ng malakas.
"Geee, anong klaseng tawa yan eunice? Kabadtrip a?”. Napa tigil nalamang ako dahil sa sinabing yun ni insan, napaka kj nya talaga! Minsan lang ako manalo sa mga ganitong usapan no!
Tumahimik nalang ako hanggang sa nakarating kami sa school , hanggang sa papalabas na kami ng kotse ng may maalala ako.
"Insanskie! Saan room mo? Anong section? ". Sunod sunod na tanong ko sa kanya ngunit imbis na sagutin ay inirapan lang ako nito.
"Malayo sa room mo". Sagot nya at naunang mag lakad. Grabe! Napaka sungit! Ayoko na pala sa kanya, hindi kona sya pinsan!
"Una na ako, chat me later ok? bye take care". Hindi ko nalang sya pinansin at bumuntong hininga nalamang. Mag isa nanaman ako! Palagi nalang!
Saktong paliko na ako nung makita ko si hansel na naglalakad sa hallway, syempre nag titili nanaman ang mga girls outhere. Hay nako, kiaga aga na e-istress ako, maka punta ngang cafeteria at mag kape.
Mag iisang hakbang na ako nang may humarang sa daraanan ko at nung maiangat ko ang tingin ay halos man laki ang mata ko. Hala nakalimutan ko schoolmate ko nga pala sya!
"See you when i see you monkey? Hmmm ". Napa lunok ng tatlong beses ng makilala ito ng tuluyan, yung kaninang lalaki na muntik na namin masagasaan este nasagasaan nga pala talaga pero hindi naman na puruhan, oa lang.
Nasa harap ko sya ngayon at nababakas ko sa mukha nyang balak nya akong pahirapan!
‘ Bwesit ka talaga eunice, bat mo nakalimutang schoolmate mo yan?’ Kinutungan ko ang sarili at kahit ako ay naiinis sa sarili ko.
"Ah eh.. Hehehe " Agad ko syang nginitian ng pilit at akmang tatakbo na nang may tumawag sa maganda kong pangalan.
"Eunice". Nilingon ko ito at nakita si Hansel na salubong ang kilay habang papalapit sa gawi namin.
Nang makalapit ito ay feeling ko biglang dumilim ang palagid? Sinundan ko ang ang seryoso nitong mga tingin at napunta iyun sa lalaking katabi ko.
"You know him? ". Halos sabay nilang tanong sa akin kaya kumunot ang noo ko, mukhang magkakilala ata sila.
"Tss, small world ". Nilingon ko ang lalaking katabi ko at pilya itong ngumiti habang tinitignan kaming dalawa ni Hansel.
"Let's go eunice ". Ngunit imbis na sumunod kay Hansel ay nanatili parin ako sa kinatatayuan. Kase diba nga? Pupunta akong cafeteria?
Nagulat ako nang bumalik sya sa dereksyon ko at mahinang hinila ang kaliwang kamay ko palapit sa kanya ngunit napa lingon ako sa kanang kamay ko ng may humablot din dito. Sinundan ko ang kamay nung lalaki at sa ikalawang pagkakataon ay nagulat nanaman ako.
Paano e yung lalaking nabangga namin eh nakiki holding hands din saakin pagkatapos ay hinila ako papalapit sa kanya . Pisti, mukha ba akong lubid kaya ginawa nila akong instrumento para mag tag of war?
(╥﹏╥)
"I am talking to her". Matigas na sambit nung hind ko kilalang lalaki at parang hinahamon pa nito si Hansel.
"No one’s asking”. Walang ka emo-emosyong sagot ni Hansel pagkatapos ay tuluyan na akong hinila mula doon sa lalaki. Jusko! Ang sakit na ng kamay ko.
"EUNICEEEE!! ". For the third time ay napalingon nanaman ako sa likod at halos mabuhayan ng loob ng makita ang mga reapers ko na papunta sa derekyon namin. Salamat naman at dumating sila, baka maging patatas na ako kapag magpatuloy pa sila sa pag hihilahan sa akin.
Isa pa ay nakakakuha narin kami ng madami-daming audience kaya buong lakas konang hinigit ang kamay ko mula sa pagkakahawak nila at sinalubong ang mga reapers ko.
“Sino yun Eunice?”. Tanong ni Ace na hindi ko nalang pinansin. Sobrang dami kopang gustong e kwento sa kanila kaya sa susunod na si Hansel pati yung lalaking nakabangga namin.
Buong araw akong nakipag kwentuhan sa reapers, sabay din kaming kumakain pag lunch hanggang sa uwian na. Hinatid muna nila ako sa bahay bago pumunta sa lakad daw nila. Sasama nga sana dapat ako kaso tinamad ako, imbetado kasi sila sa isang magarbong party at kung gugustuhin ko ay pwede naman akong sumama sa kanila, ang kaso ay marami akong gagawin ngayon katulad nalang ng pag de-decorate ng isang bakanteng room namin malapit sa bodega.
Sayang naman kung papabayaan lang, balak kong gawing music room yun hehe,medyo napa aga ang uwian namin kaya may oras pa akong linisin yun.
Gabi na nang matapos sa paglilipit ng mga lumang gamit na nandoon kaya sobrang napagod ako, gustohin man akong tulungan ng mga kasamabahay kaso ay ayaw ko dahil may kanya kanya din naman silang ginagawa. Matapos maligo ay sumalampak na ako sa kama at binuksan ang cellphone, baka tumawag sina mom at baka ano nanaman ang isipin nun kapag hindi ako nakapag reply ng ilang oras. Matapos mag scroll ay wala namang messages ang inbox at wala ding missed calls kaya bumuntong hininga nalang ako at itinuon ang tingin sa kisame.
Sobrang napagod ako kaya siguro hindi kona namalayang nakatulog na ako.