CHAPTER 7⸙
Kasalukuyan kong tinitignan ng masama ang mga naka linyang men in black sa harapan ko. Masama ang loob ko dahil hindi ako pinapalabas nina granddy and grammy sa loob nitong mansion, tapos wala pa akong maka usap! Tapos kahit saan ako mag punta sunod ng sunod tong mga unggoy na mga buddy guards ko kuno.
Nakaka ilang takas nanga ako kaso palagi akong nahuhuli.Tapos sina mommy naman iniwan muna ako dito dahil may aasikasuhin pa daw sa ibang bansa, kaya dito daw muna ako sa grandparents ko.
Wala din ang reapers ko kasi sumama din sakanila, wahhhhhhh ansama nila huhu
︶︿︶
Habang tinitignan ko sila ng masama ay pasipol sipol pa ang mga ito at para bang walang pakealam, kaya mas napa simangot ako lalo.
"Hoy kayo, bakit ba kasi dito pa kayo nag trabaho kina granddy? Pwede naman na dun sa jollibee hehehe, may libreng kain pa kayo o di kiya dun nalang kayo sa bahay! Mas malaki sweldo! Libre kain! Kaya kung ako sa inyo aalis na ako ngayon dito at lilipat doon sa amin! "
Sabi ko at ngumiti pa ng pilit hehe para naman maniwala sila. Ngunit napa buntong hininga nalamang ako nang hindi parin nila ako pinapansin.
Hmp! Inirapan ko nalang sila at padabog na pumunta sa living room kung saan nandoon si granddy na nag babasa ng newspaper. Syempre, sumunod din ang mga unggoy!
Pshhhh, susumbong ko sila! Nang makita si granddy ay kaagad akong ngumiti ng kay lapad at niyakap sya mula sa likod. Mukhang nagulat pa sya pero tumawa nalang din.
"Granddy..... gusto ko na mag libot libot at mag shopping! huhu sobrang nalulungkot na ako granddy , konteng push nalang at magiging si sadness na ako! Huwahhhhhh gusto mo ba iyun granddy?! Pag nag kataon wala kanang napaka cute at napa ka bait na apo in the whole solar system ".
Tapos ay nag pout pa ako at nag pa cute (⌒o⌒). Hehehe alam nyo namang cute na ako matagal na. Tinetest kolang itong si granddy.
"No, you stay here " Nang marinig yun ay kaagad akong sumimangot at padabog na umupo sa kabilang couch. Hindi ako tumabi kay granddy kasi hindi kami bati.
"Apo, alam mo namang mapangani-"
Hindi na naituloy ni granddy ang sasabihin nung awatin ko sya.
"Yes granddy i understand, and wag mo muna ako kausapin ng 30 minutes dahil nagtatampo pa ako ". Tapos ay nag cross arms pa ako at tinignan ng masama yung mga unggoy kong bodyguards. Nakaka inis naman kase!
Halos nalibot kona ang buong bahay at nakipag usap narin ako sa mga hayop dito, mapa kabayo, aso, pusa at kambing pa!
"Love, hayaan mona iyang si Eunice ,malaki na sya and she already know what she's doing". Kaagad na nagliwanag ang mga mata ko nang makita si grammy na pababa mula sa staircase ng hagdan.
"Nakita muna granddy! buti pa si grammy! Payagan nyo na aksi ako ".
Sabi ko at nag kunwaring nalungkot ng sobra. Yung tipong pati anak ng demonyo maaawa. Nakita kong umiling iling si granddy na para bang ang laki ng problema nya.
"Yes, she maybe has grown up a lot but we can't be so sure about an eagle that keep on eyeing its prey ".
Napakunot noo naman ang noo ko ng marinig yon'. Ano ang akala nya sakin? Eagle?!! Sa gandang to? Sa napa cute na mukhang to!? No no no no.
Hmp! Buti sana kung baboy nalang e! Wag lang eagle kasi panget! Nag mukha akong uwak. Brown ngalang!
"You have a point love, but we can't just let her stay here in this boring mansion, she doesn't even have a friend to talk to. Were just making our princess life's miserable and I hate that. "
Nang marinig yun ay kaagad akong tumakbo papunta kay grammy na ngayo'y nakaupo na sa upuan na katabi ni granddy.
"Huwahhhh thank you grammy! Tsaka granddy, tama naman si grammy e huhu amboring kaya dito! Talagang magiging si sadness ako pag di ka pumayag! "
Nagtatampo kong sabi kaya napabuntong hininga naman si granddy at tinignan ako ng seryoso .
Wahhhhhh mukhang binabawi kona! Katakot ๏╭╮๏
"Fine, but in order to let you go out, you have to take your buddy guards with you". Halos manlumo naman ako nung marinig ang sinabi ni granddy .
Pshhh, pag hindi naman ako pumayag na kasama ang mga buddyguards ko baka tuluyan na akong maging uwak este sadness dito. Pero kung sasama naman sila, e baka sabihin ng mga tao ang lakilaki kona may buddyguards pa!
Atsaka ayoko kong may mga sumusunod sakin pag nag s-shopping ako .
Humugot ako ng malalim na hininga at nag isip ng posibleng solusyon.
Aha!!! Hihihihihi, napangisi ako sa isip-isip ng may edeyang biglang sumagi sa isip ko.
Mwahahaha May plano na ako!
"Ay oo naman granddy! Payag ako dyan! Hehehehe .Bati na tayo granddy basta wag mona uulitin ha? Okeh? " Sabi ko at nagsimula nang tumayo at maghahanda na. Kyahhhhh! Excited na is meeeeee weeewwwooo.
"Granddy, grammy! Bihis napo ako! Wait lang ".Pagkatapos ay masaya akong umakyat sa hagdan with matching pa kanta kanta pa.
Oh ha? Cute ko kasi!
-------------- 30 minutes later -----------
Isang brown na winter dress lang ang isinuot ko at pinarisan ng denim jacket tapos isang stripe brown na bag then flat shoes. Hihi
Nang matapos akong mag suklay ay tinignan ko ang sarili sa salamin.
Wahhhhhhhh ako na ata ang pinaka cute sa buong kalawakan (♥ω♥ ) Nilabas ko ang cellphone ko sa bag at nag selfie muna bago umalis .
Hawak sa ulo pose.
CHARANNNNN!! Oh diba? Cute ko! Nang matapos konang kausapin ang sarili sa salamin ay kaagad na akong bumababa .
"Im readyyyy! grammy, granddy alis napo ako este kami pala " Agad namang tumango sina grammy at granddy habang hindi inaalis ang mga tingin sa hawak hawak na newspaper. Hmp! Alis na ngalang ako. Mag I-isang hakbang na sana ako ng may maalala ako.
"OMYGASH! BARASUBAS ANAK NI HUDAS KUMAIN NG HILAW NA BAYABAS TIGOK ANG LABAS! wahhhhhh buti nalang naalala ko! "
Nakita ko namang napahawak sa dibdib sina granddy at grammy kaya agad naman silang inalalayan nung mga maids na kaninang naka yuko lang sa gilid.
Wahhhhhh may asthma ata sina grammy at granddy! Huhu kawawa naman sila!
"Oh holycow, please princess next time don't shout out of nowhere "
Sabi ni grammy habang naka hawak parin sa dibdib tapos ay ininum ang tubig na ibinigay ni aling maid. "Wahhhh sorry po grammy hehehe naalala ko lang kasi wala akong pera kase diba nga nikidnap nyo lang ako? " Tapos ay nag kamot pa ako sa ulo ehehehe nahihiya ako, andami konang utang! Hayyys.
Dapat ay maghanap na ako ng trabaho para naman matustusan kona lahat ng mga utang ko. Napatingin ako sa inaabot sakin ni grammy, isa itong black na card mula sa dala dala nyang pouch.
Eh? Mukha ba akong ATM machine?
"Use that apo ko, you can buy all you want but just remember you go home before 8 in the evening." Tumango nalamang ako at kaagad na kiniss si grammy sa cheek.
"Babye guys! Hanggang sa muliiiiii! Paalam! " Pagkatapos ay isinarado kona ang pinto.
Ay! Nasa loob pa pala ang mga buddy guards! Nakoooo nakalimutan ko!
---------- M A L L ---------------
Saan ko kaya sisimulan ang plan A ko? Gustong gusto kona kasi talaga tumakas sa mga buddy guards ko huhu.
Kase kanina pa ako pinagtitinginan! Pshhh sinasabi kona nga ba! Pahamak tong mga unggoy kong buddy guards. Saktong nasa World of Fun na kami at may nakita na akong gagamiting target para sa plano ko hehehehe.
Pinuntahan ko yung machine na puro may teaddy bears (♥ω♥*) waaaaaaah.
Sorry bears huhu patawarin nyo sana ako sa gagawin kong karumaldumal na krimen. Matapos kong mag paalam sa mga cute na teddy bears ay agad kong sinuntok ng malakas ang glass dahilan para mabasag ito.
'sht how did that happen?'
Wahhh feeling ko may nag salita bigla sa inner dimension ng pagkatao ko!
Basta ang importante nabasag ko hehehehe.
At syempre ine expect kona na nasa likod ko nanaman ang mga body guards ko kaya dahil mabait ako, binigyan ko sila ng tig iisang teddy bear.
"Merry christmas hohohoho"
Sabi ko habang isa isa silang binibigyan, mukhang naguguluhan pa ang mga ito sa pangyayari kaya hindi kaagad sila naka pag react. Nung makita kong papalapit na yung taga bantay nung store ay kaagad kong tingnan ng seryoso ang mga unggoy.
"I'll count 1 to 3 tapos takbo kayo ! O baka gusto nyo makulong?! "
Agad naman silang nag si ilingan kaya tumango naman ako at nag simulang mag bilang.
"In 1"
"Pero Pr-"
Hindi na natapos nung isang unggoy yung sasabihin nya nung agad akong nag salita ng 3 kaya agad din silang tumakbo. Wahahahahahha success!!
"Excuse me maam' kasama nyo ho ba iyon? "
Tanong nung lalaking taga bantay pero sa ngayon ay may kasama na syang tatlong security guards.
"Nakoo manong hindi ho, sa katunayan nyan ay sinuway kopa po sila , pero sabi daw nila kailangang kailangan daw nila iyun lalo na't wala silang katabi sa pag tulog huhu pero nakita ko pong doon sila lumiko"
Sabi ko at umakting na para bang awang awa tapos ay itinuro yung dereksyon kung saan nagsi takbuhan kanina ang mga bodyguards ko. Hihi oh diba? Galing kong umakting! Isa ata tong miyembro ng theater club!
"Sege maam' salamat po " Sabi nito pagkatapos ay tumango.
MISSION ACCOMPLISHED! Im so brilliant!
Lumabas na ako dun sa world of fun at nag pasyang kakain na muna sa food court, hihi my favorite part. Nang makarating doon ay mag o-order na sana ako ng bigla akong maka ramdam na parang may sumusunod.
Hayaan na at baka guni-guni kolang.
Hinayaan ko nalang muna at nag simulang mag order, maya maya ay dumating nadin ang mga in-order ko at sinimulan itong kainin. Pero hindi pa ako nakaka kalahati sa kinakain kong burger ay kaagad na akong pasimpleng tumayo.
Kanina kopa sila pinagmamasdan at walang duda na ako nga ang binabatayan nila, hindi ko naman sila kilala at talagang nag hiwa-hiwalay pa sila para hindi ko mahalata.
Yung isa nasa kabilang table ko lang habang yung dalawa naman ay naka upo sa isang bench malapit sa entrance. Grabe naman itong mga stalker ko, nakakatakot! Nagkunwari akong parang normal lang at dumaan sa malapit na bookstore.
Huwahhhh kinakabahan na ako! Mukhang tama nga sina granddy! Dapat hindi na ako lumabas ng mansion *pout* Pasimple akong lumingon at nakahinga ng maluwag ng makitang wala na sila sa likuran ko.
Wahhhh akala ko talaga ako target nila huhu.
Namili ako ng mga libro at saktong may nakita akong parang magandang basahin kaya agad ko itong kinuha sa shelf at kaagad ding nabitawan nang pagkakuha ay tumambad ang naka ngising itsura ng isang lalaki na kung hindi ako nag kakamali ay isa sya sa mga sumusunod sakin kanina.
Mabilis akong umalis ng bookstore at kaagad na sumakay ng elevator.
Naririnig kona ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba, wahhhh naiiyak na ako.
"Now were on the ground floor " Eh? Ground?
Mag tatanong pa sana ako dun kay ate na nag ooperate sa elevator nang may maramdaman akong isang matulis na bagay ang bahagyang naka tusok sa tagiliran ko.
Halos manginig na ako sa takot pero pinipigilan kong ipahalata . Mas nadagdagan pa lalo ang kaba ko ng may bumulong sa kaliwang tenga ko.
"Ground floor, pag di ka sumunod patay ka"
Mabilis akong tumango at agad na lumabas ng elevator pagkatapos ay tumakbo at nag tago sa likod ng isang sasakyan.
"Magtago ka hanggang kaya mo, pero sinisigurado kong hindi ka makakalabas ng buhay dito". Nanginginig na ang nuong kalamnan ko at mukhang lalabas na ang puso ko sa bilis ng kabog nito.
Hindi pa naman ako marunong mag karate! Jusko! mukhang dito na ako mamamatay!
"Asannn kanaaaaaaaa, magpakita kanaaaaa"
Sabi pa nung isa nilang kasama at sumipol sipol pa .
Madilim at nakakatakot dito sa ground floor , wala ding tao at tanging mga sasakyan lang ang makikita mo. Nararamdaman kong papalapit na ang mga ito dahil sa tunog ng yapak ng mga sapatos , kaya pumikit ako at taimtim na nag dasal.
"Ohhhhh nasaan kanaaaa? Mag tago ka ng mabuti para hindi ka namin makita".
Jusko po, sana naman tulungan nyo ako mula sa mga panget na to, ayoko pa pong mamatay. Agad na nag sipatakan ang mga luha ko dahil narin sa sobrang natatakot na ako, bakit lagi itong nangyayari sa akin?
Sinusundo na nga ba ako ni kamatayan?
Ilang segundo ang nakalipas ay napatigil ako sa pag iyak, sobrang tahimik na ng paligid at hindi ako masyadong nakakakita dahil sa namumuo pang luha sa mga matako.
"BULAGA!!!!! "
"AHHHHHHH!!!!! "
Agad akong napa sigaw dahil sa gulat nang bumulaga sakin'ang lalaking may hawak na kutsilyo at mukhang uhaw na uhaw na itong patayin ako. N-nakakatakot!
Naistatwa ako sa kinatatayuan at hindi na alam ang gagawin kung kaya ay pumikit na lamang ako, ngunit biglang may kung anong mainit ang pumulupot sa nanginginig konang kamay at mahinang hinigit ito.
"Stay there and get your fckn' self safe ". Mala autoridad nitong utos habang nakatalikod at naka pamulsa pa ang isang kamay. Hindi koman kita ang kanyang mukha ay agad na akong nag pasalamat at nakahinga ng maluwag dahil sa kilalang-kilala ko ang pamilyar na boses at ang pabango nitong pang artistang mayaman.
Hansel'