Chapter 9 First Day Hell Training
"Ano?!"
Naitakip ko na lamang ang dalawa kong kamay sa aking tenga
"Shea, Chanel pwede namang di sumigaw diba?"
Nasa tambayan kami ngayon. Dito sa may bench sa gilid ng open field
At nakwento ko na sakanila na nakabangga ko kanina si Ken
"Gosh! Ibig sabihin anytime from now pwede ka na niyang ipatawag para sa traning!" - Shea
"Eh? Edi mas ayos yun! Makakapag umpisa na kami"
"Damn! Ayos?! Saan ang maayos doon Dana?! Aray ko naman Shea!" - reklamo ni Chanel ng tapakin ni Shea ang bibig ni Channel
"Hoy! Kung maka mura ka jan! Kasama natin si Dana oy!"
"Haha sorry" - sabi nito habang naka peace sign
Di ko alam na nagmumura din pala to si Chanel parang ang tahimik niya kasi noong una kaming nagkita
"Holy fuck!" - biglang bulalas ni Shea habang nakatingin sa likuran namin
"Aray Chanel! Ba't ka nananapak?!"
"Kakasabi mo lang na wag magmumura tas ikaw mas malutong!"
"Pano ba naman kasi! Papalapit sa direksyon natin si master Ken" - mahinang sabi nito
"Huh?" - di ko kasi narinig masyado ang sinabi niya
At bigla namang natuod si Chanel na katabi ko
Habang si Shea naman ay natulala na habang nakatingin sa likuran ko kaya lumingon ako sa likod
Kumunot ang noo ko ng ang makita ko ay kulay itim na damit.
Unti unti kong itinaas ang aking panigin hanggang sa kanyang mukha
And he's now looking down at me
Naramdaman ko ang pag alis ni Chanel sa tabi ko
"M-master Ken" - dinig kong sabi ng dalawa
Samantalang ako ay hindi makagalaw sa inuupuan ko
Nakatingin lamang ako sakanya
"I don't like the way you look at me" - malamig na sabi nito
Ehh?
Anong klaseng tingin ba gusto niya?
"I-im sorry master Ken. Baguhan palang kasi siya. Hayaan mo pagsasabihan na lang namin" - Channel
"Hey! Dana dont look at him in the eyes!" - dinig kong sabi ni Shea na nasa likuran ko
Bakit di ba siya pwedeng tignan?
"3 pm at training room"
Sabi niya bago tumalikod at saka umalis
3 pm? Training room?
"Huhuhuhu my poor Dana!"
Naramdaman ko na lamang na may yumakap na saakin mula sa aking likuran
"Bakit ba Shea?"
"Magttraining na kayo mamaya!"
"Ahh kaya pala 3 pm sa training room!"
"Ang ewan mo Dana! Matalino kana man slow naman!" - humihikbing sabi ni Chanel
"Haixt! Wala na tayong magagawa. Mag ayos kana Dana. 2 pm na. Di ka pwedeng malate sa training niyo. Isa sa ayaw niya ay ang late" - Shea bago ako hinila papuntang dorm
Naglalakad na ako ngayon papuntang kabilang building kasi naandun ang training room
Gusto sana akong ihatid nila Shea kaso may training din sila, pero sa ibang building sila. May labing limang training room kasi dito.
Kanya kanyang training room ang mga trainee ng bawat masters, magkakahiwalay
Samantalang may nakalaan na isang training room na exclusively lang para sa sampung masters.
Samantalang tig isa naman ng training room sila Master Ken at sa kapatid nito.
Ang sosyal nuh? May sarili silang training room.
May ari ng school eh
At ang alam ko ung ika labing limang training room ehh sa importanteng paghahanda lamang ginagamit.
Nasa tapat na ako ng building kung nasaan ang training room namin. Ang alam ko kasi hiwalay ng building ang training room para sa trainee ni master ken kaysa sa ibang trainees. Nasa building rin na ito makikita ang training room ng sampung masters
Nakita ko pang nagulat ung guard noong pumasok ako pero noong ipinakita ko ang i.d card ko ay tinignan niya ako na para bang mamatay na ako
Bakit ba ang we-weird nila?
Sumakay na ako sa elevator papuntang 4th floor.
Hanggang 7th floor kasi to.
Ng tumigil ang elevator ay agad kung hinanap ang training room at hindi naman ako nahirapan dahil ito lang ang nag-iisang room na naandito sa 3rd floor.
Imagine! Ganun kagara at kalawak ang akademiyang ito.
Agad akong pumasok sa loob at tumambad saakin ang sobrang lawak na training room. Dinaig pa sa lawak ang basketball court ng kwartong ito
Nakita ko rin na maraming mga kagamitan sa gilid ng training room
"Your late"
Napatalon ako paatras ng may biglang magsalita
At nakita ko siyang nakaupo sa isa sa mga benches na nasa gilid ng training room
Nakatingin ito saakin ng masama
Napatingin naman ako sa wrist watch ko. 3:01 pm
"Isang minuto lang naman akong nahuli. Ayaw kasing maniwala nun ni manong guard na dito ako pupunta"
Mas lalong sumama ang tingin nito saakin at saka tumayo
Unti unti itong naglakad papalapit saakin
Tumigil siya sa aking harap na ilang inch lang ang layo namin sa isa't isa
"You're late and then now you are answering back huh?"
Napalunok ako biglang ng makitang nagdilim lalo ang kanyang mukha
"Totoo nam–"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng marahas niyang hinawakan ang baba ko
"And you're addressing me as if we're at the same level you dimwit!"
Hinawakan ko ang kamay niya dahil nasasaktan na ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa baba ko
"Don't touch me!"
Napadaing ako ng tumama ang katawan ko sa malamig na sahig nitong training room
"Don't you dare lay your hands on me low class! Stand!"
Pinigilan ko ang luha na nagbabadyang umalpas sa aking mga mata.
Tumayo ako gaya ng sabi niya
"Don't touch me if I didn't say and if we are not in training. Don't speak if I didn t say. Don't you dare to answer back! Don't look at me in my eyes. Don't be fucking late! Don't complain. Dont make me repeat what I've said. Always follow what I say. Address me as your master and know where your place. And last, Don't meddle with my business"
Kung ganoon parang magiging dummy lang ako? Halos pati ata paghinga ko ipagbawal niya na
Tumalikod siya at saka pumunta sa gitna nitong training room. Dali dali naman akong sumunod
"Scream is free. You can scream as loud as you want" - ngising sabi niya
Siguro ay ganito lang talaga ang training. Oo Dana ganito lang talaga iyon
"Let's try first your physical stamina"
Nagulat ako ng bigla siyang sumugod.
Agad ko namang inilagan ang suntok niya pero sumipa siya kaya natamaan ako sa tiyan ko dahilan para mapaatras ako
Di pa man ako nakakabawi ay pinaulanan niya na agad ako ng suntok
Hindi ako magaling umilag kaya halos lahat ng suntok niya ay tumama sa iba't ibang parte ng aking katawan
"Ahhh! Tama na!"
Nananakit na ang buo kong katawan pero wala pa rin siyang tigil sa pagsuntok at pagsipa saakin
Nakahiga na ako ngayon sa sahig samantalang nakatayo siya sa harapan ko at panay tadyak saakin
"T-tama na"
"We are just started! Get up!"
Isang malakas na tadyak sa aking tiyan ang ibinigay niya saakin bago tumigil
Napaubo naman ako ng dahil doon
"Don't make me repeat!"
Pinilit kong tumayo kahit hinang hina na ako.
Pakiramdam ko rin na mamamasa ang katawan ko
Hindi pa man ako masyadong nakakatayo ay nakaramdam na agad ako ng isang malakas na suntok at muli akong bumagsak sa sahig
"I hate weaklings! Stand!"
Nakapikit na ako ngayon hbang nakahiga sa sahig
Nangilid na ang luha sa aking mga mata dahil sa sakit na nararamdama ko
"T-tama na d-di ko na kaya"
"Did I gave you permission to speak?!" - isang tadyak na naman ang ibinigay niya saakin
"Psh! I thought your strong!"
Akala ko ay makakatanggap na naman ako ng tadyak pero muli lang siyang nagsalita
"Psh you are like a brave hero on that night. But look at yourself now. You're like a mess"
With that ay iniwan niya na ako mag-isa dito sa training room habang hinang hina
Ano bang ginawa ko sakanyang masama?
Ngayon mas ramdam ko na ang sakit ng buo kong katawan
pinilit kong imulat ang aking mata pero konting liwanag pa lang ang nakikita ko ay nilamon na ako ng kadiliman
--------
#AchilleanAcademy
~1813