Chapter 10 Game
"We couldn't do anything! Hindi tayo pakikinggan ng council! Lahat ng mga trainee niya noon ay nagreklamo na pero wala namang ngyari"
Unti unti kong iminulat ang aking mata ng marinig ko ang boses ni Shea
Puti. Puro puti
Iyon ang nakikita ko ngayon
"My gosh! Dana! Gising na siya!"
Lumapit saakin sila Shea at Chanel
"Nasaan ako?"
"Waahh!! May amnesia siya! Di na niya tayo kilala!" - ngaya ni Chanel
Napangiwi naman ako ng batukan siya ni Shea
"OA! OA! Nagtanong lang kung nasaan may amnesia na agad?!"
Ngumuso lang naman si Chanel
"Nasa hospital ka Dana"
"At dalawang araw ka ng tulog" - dagdag ni Chanel
"Dalawang araw?"
"Ayy malala pagkakabugbog sayo neng! Nabingi ka na eh!" - Chanel
"Sorry Dana"
Napatingin ako kay Shea ng hawakan niya ang kamay ko.
"Huh?"
"Wala kaming magagawa sa lagay mo. Kahit magreklamo kami sa taas wala din" - malungkot na sabi nito
"Paano pala ako nakarating dito?"
"6 pm na pero di ka pa rin bumabalik. Sinubukan kong i mind link ka kaso di kita ma i mind link wala kang response. Kaya pinuntahan kana namin tas un nga nakita kana lang namin walang malay tas bugbog sarado" - Chanel
"Buti nga at kahit sa tagal mo ng walang malay doon eh nakayanan pa rin ng katawan mo" - Shea
"Kinailangan ka namin dalhin dito di kasi namin pwedeng ideretso ka sa kwarto niyo kasi bawal un kahit pa kaya kang gamutin ni Shea" - Chanel
"Buti nga di masyadong natamaan yang inosente mong mukha Dana!" - Shea
Napatingin naman ako sa mga braso ko at napangiti ako ng wala na akong makitang mga pasa doon
"Halos master na ni Shea ang ability niya kaya wag ka ng magtaka kong madaling nawala ung mga sugat at pasa mo. At ang bilis talaga ng katawan mo na makarecover bhe!" - sabay tapik ng mahina saakin ni Chanel
"Agree! Alam mo bang mga limang araw bago magising kung sa ibang tao lang yan ngyari" - Shea
Natigilan naman sila ng dumungaw saamin ang nurse ata dito sa clinic
"Shhhh. The patient needs to rest"
Inirapan naman lang ito ni Chanel ng umalis na ito
"Ehhhh!"
Napatingin kami kay Channel ng bigla nalang itong nangisay
"Napano ka Channel?" - tanong ko
"Eh kesi nemen demelew dete se Mester Leyt"
"Ano?" - naguguluhan kong tanong
Mukhang napilipit ata ang dila ni Chanel. Kaya kaya siyang pagalingin ni Shea?
"Umayos ka nga ng salita mo Chanel! Hindi taga planeta mo si Dana kaya di ka nyang maiintindihan!"
"Grabe to! Makaplaneta kana man! Ano ako? Alien? Ahh oo magandang alien! haha. Yun nga Dana! Dumalaw dito si master Light!"
At sabay silang tumalon talon ni Shea
"Ano naman kung dumalaw si Light dito?"
Bigla naman silang natigilan at saka masamang tumingin saakin.
"Hayy! Ang slow! Dinalaw ka dito ni Master Light Dana noong nabalitaan niya ang ngyari sayo!" - Shea
"Ahh"
"Di ka man lang ba kikiligin?" - Chanel
"Bakit naman ako kikiligin? Eh sa pumunta lang naman siya dito"
Sabay silang napakamot sa kanilang ulo
"Slow na nga! Wala pang kilig bones! Ay pisti lang"
"Dana!"
Natigilan sila Shea ng pumasok si Light sa clinic
"Light?"
Agad itong lumapit sa kama ko
"Master" - nagsiyukuan naman sila Shea na tinanguan lang ni Light bago tumingin saakin
"Mabuti naman at nagising kana ayos ka lang ba?"
Nakita kong kinagat ni Chanel ang hawak hawak nitong damit habang nakatingin na parang ewan kay Light
"Ayos na ako Light. Magaling maggamot si Shea"
"Yeah that's true she's good at vitakinesis"
Nakita ko naman ang bahagyang pagngiti ni Shea
"Ahmm master Light aalis muna po kami" - Shea at saka hinila si Chanel
Inilapag ni Light ang dala niyang mga prutas sa maliit na lamesa na naandito sa loob ng clinic
"What do you want? Apple, orange or grapes?"
"Grapes!!" - agad kong sagot na ikinatawa niya naman
Kumuha siya ng isang kumpol at saka naupo sa stool na nasa tabi ng hinihigaan ko
Kukunin ko na sakanya ng iniiwas niya at saka kumuha ng isa
"Ahh"
Napasimangot ako dahil parang bata naman ako para subuan pero dahil I love grapes agad akong ngumanga at isinubo ang ubas na isinusubo niya
Panay lang siya sa pagsubo saakin at natutuwa pa siya na madali ko itong nauubos
Pero natigilan ako ng makita siyang nakatitig saakin
"Light ayos ka lang ba?"
"He shouldn't have done that"
"Hu?"
"First day of training niyo at alam niyang begginer ka pa lang pero iyon agad ang ginawa niya"
Naalala ko na naman. Ang masamang tingin niya saakin na para bang galit na galit siya saakin. Pero bakit?
Matapos akong subuan ni Light ay nagpaalam itong aalis na
"Hayaan mo. Kakausap ko si Dad, pakikiusapan ko ang council na ako na lang ang maging trainor mo"
tatalikod na sana siya ng hawakan ko siya sa braso niya
Natigilan naman siya at tumingin sa kamay kong nakahawak sakanya bago tumingin saakin
"Wag mo iyong gawin Light"
"Pero Dana, look what he did to you"
"Kapag ginawa mo yan mas magmumukha lang na masama si Master Ken"
Natigilan siya sa sinabi ko
Aware naman ako na maraming may ayaw at kinatatakutan siya dito. Lahat sinasabing wala siyang puso.
At iyon ang gusto kong baguhin.
Alam kong lahat ng tao may mabuting kalooban. At alam kong may malaking rason kung bakit ganoon siya.
At gusto ko siyang tulungan.
Oo tutulungan ko siyang ilabas ang tunay niyang pagkatao
"Kaya ko naman Light. Hindi ako ung taong madaling sumuko" - sabi ko ng nakangiti
Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak pa sa braso niya at saka iyong inilapag sa tagiliran ko
"Okay I wont. But I can't promise ba wala akong gagawin kapag sumubra na siya"
I smiled at him. He's really a good friend
Viviene POV
"Yow!! Anong pinagkakaabalahan natin?"
Tinapunan ko lamang ng blankong ekspresyon si Klein habang nakahiga ako sa mahabang sofa
"Balita ko nakalabas na ung newbee sa clinic. Ang dali makarecover"
Napakachismoso talaga
Sasabihin ko pa ba kung nasaan kami?
Nakakatamad magkwento, pero sige
Naandito kami sa pent house namin na nasa loob ng Academy.
Di naman na kayo dapat magtaka pa doon. We are the sons and daughter of the council besides we are one of the 12 masters. Well apat na penthouse ang naandito. One for us, kasama ko dito sila Klein, Liam, Naiah, Light and Elisse.
While the other one is for the rest of the 12 masters. Hinati kasi kami.
Samantalang may sariling penthouse sila Ken at Seth.
Well tambayan lang naman namin ito maliban pa dito ang dorm namin.
"Sa tingin niyo magtatagal ung babaeng un kay Ken?" - Liam na nagbabasa ng magazine
"Hmm I doubt that" - Naih na busy sa mga halaman niya.
The nature lover
"Sige! Mabuti pa pustahan tayo kung ilang araw lang siya tatagal kay Ken" - excited na sabi ng loko loko
"Ano ba ang pusta?" - Liam
Sinasabi ko na nga ba. Yan agad ang itatanong niyan! He's always after the price!
"10 bars of gold" - Klein
"Deal! Papadala ko na lang sa butler ko mamaya" - Liam
"Okay! I bet di siya lalampas sa week na to" - Klein
"3 days" - Liam
"You sure?" - Naih
Tumango lang naman si Liam
Di ko siya masisi, lahat kami naging saksi na sa mga dinanas ng mga nagiging trainee ni Ken. At ni isa sa kanila walang nakatagal ng limang araw!
"3 weeks!" - Naih
"3 weeks??" - sabay na tanong ng dalawa
"Oo! Naniniwala ako sa girl power!" - Naih
"Bahala ka!" - Klein
"Di ba natin sasama si Light? Dagdag pusta din un" - Liam
"Speaking of, nasaan na naman ba un?" - Naih
"Ehh di naman yun nasali sa pustahan ehh, baka tustahin lang tayo nun pag pinilit na naman natin" - Klein
Nadadala din pala ang isang Klein Clinton
Pipikit na lang sana ako ng mapansin na lahat sila ay nakatitig saakin
"What?" - inis kong tanong sa kanila
"Di ka ba sasali Viviene?" - Naih
"Wala akong mapapala jan"
"5O gold bars ang mapapasayo. Kung tatama ang bet mo" - Klein
"Wag niyo na siya pilitin! Baka matalo pa tayo nyan ehh! Baka nakakalimutan niyo Empath yan! Malalaman niya kung hanggang saan ang kakayanin nung babaeng baguhan" - Liam
"Haha ahh oo wag na pala Viviene" - Naih
"Tatagal siya ng higit isang buwan"
Sabay sabay silang lumingon saakin na nanlalaki ang mga mata
"Padala ko mamaya ang pusta ko. Ikaw magtago Naih, wala akong tiwala jan sa dalawang yan"
Ipinikit ko na lamang ang mata ko dahil naiinis ako sa mga tingin nila
How I hate attention!.
"Wooohh!! Ellise!"
"Buti naman pumasok kana!"
"What's up"
Napamulat muli ako ng mata at nakita ko ngang andito na siya
"Young mistress ipapapasok ko na po ang mga gamit ninyo"
"Thanks Butler Ron" - Ellise
"Musta ang bakasyon?" - umupo ito sa tabi ni Klein
Muli ko na namang narinig ang napakahinhin niyang boses.
Napairap na lamang ako
"Bakasyon? Isang linggo na ang pasukan. Ba't ngayon ka lang?"
"May mga tinapos lang ako Klein"
"Madami ka ng namissed na hot news" - Naih
"Hot news?" - Ellise
"Yeah! Marami ng ngyari at isa doon ay ang pagkakaroon na naman ng trainee ni Ken"
"Ahh oo alam ko"
"Paano mo naman nalaman?" - sabat ko
"Nasabi ni Dad"
Psh. If I know
"Nga pala Ellise sasali ka ba sa pustahan namin?" - Klein
Si pusta king -___-
"Pusta? Para saan?"
"Kung gaano tatagal ung trainee ni Ken" - Liam
"Guys, hindi naman tama ung pagpustahan niyo ung tao"
Ipinikit ko na lang ulit ang mata ko. Ayoko na makinig
"Ellise, pustahan lang naman ito. At tsaka di naman namin siya sasaktan. Walang masasaktan sa pustahan na to" - dinig kong boses ni Naih
"Yeah! Come on Ellise! Pustahan lang naman eh" - Klein
"Let me see her first" - dinig kong sagot niya
Seth POV
"What are you doing here?"
Umalis ako sa pagkakasandal sa pader at saka naglakad palapit sa pwesto niya
"You are too harsh on her. She's only a begginer"
"Its so Ironic to hear it from you. Seems like you are too gentle with your own "slaves""
He said emphasizing the last word
"Haha, that's my own way to make them useful and to make sure that they will win the battle"
"Then don't interfere with my own way"
"But she's look innocent and too fragile"
"Are you interested with her?"
Pero hindi ko siya sinagot
I stand and start to walk away
I am now in front of the door when I speak up
"You better keep your last card Ken"
And with that ay iniwan ko na siya sa kwarto niya
I think this game really got my attention. And Im sure I'll be enjoying it
-------------
#AchilleanAcademy
~1813