Summary
Sa Silangang parte ng mundong puno ng karahasan, nakatayo ang isang paaralan. Paaralan sa likod ng mga nagsisitayugang mga pader. Kung saan tinitipon-tipon at hinahasa ang may mga kakaibang abilidad at kapangyarihan.A place that is all about survival, all about fame and power. Where there's no place for weakness. Where you can't trust anyone besides yourselfWill you dare to enter?
Chapter 1 Chapter 1
Mahina kong ipinipedal ang aking bisikleta habang may nakasalpak na headset sa aking tenga at mahinang sinasabayan ang kanta
Kasalukuyan kong tinatahak ang mahabang daan pauwi sa bahay. Halos wala naman medyo nadaan ditong sasakyan kaya magandang magbisikleta
Di rin gaano mabahay sa parteng ito. Puro mga likod lamang ng mga gusali ang makikita sa lugar na ito at mangilan ngilan na poste ng kuryente.
Shortcut ito pauwi sa bahay kaya dito ako nadaan kaysa dumaan sa highway
Sa di kalayuan na dadaanan ko ay natanaw ko ang dalawang babae, parang mag-ina sila. Kaedaran ko lang ata ung babaeng kasama nung medyo matandang babae. Mukha namang may hinihintay sila
Nagpatuloy ako sa pagpipedal. At ng makalapit na ako ay nahagip ng aking mga mata ang papabagsak na malaking billboard mula sa gusaling katapat lang nila at mukhang hindi nila iyon napapansin
Agad akong bumaba sa bisikleta at iniwan iyon at saka mabilis na tumakbo sa pwesto nung dalawa na ngayon ay nagtatakang nakatingin lamang saakin
Bago pa man tuluyang bumagsak saamin ang malaking billboard ay na kalutang na ito sa ere habang mariin akong nakatingin rito
"Oh my gosh!" - dinig kong sabi nung babaeng mukhang kaedaran ko
"Move lady"
Dinig kong sabi nung medyo may kaedaran ng babae
"P-pero po matatabunan tayo nito. Umalis na lang po kayo ng anak nyo ako na pong bahala rito"
Sagot ko na nakatingala pa rin sa malaking billboard na naka suspend sa ere
"Its okay. Let it go. Mom will take care of it"
Sagot nung babae. Kahit nalilito ako kung gagawin ko ba o hndi.. Ay ginawa ko na rin kasi medyo hindi ko na rin kayang panatilihin iyong nakalutang
Akala ko ay tuluyan na kaming matatabunan ng malaking billboard na iyon ng itaas ng babaeng medyo may edad na ang kanyang kamay at ng lumapat ito sa billboard ay agad iyong naging isang maliit na billboard na bumagsak sa aking paa
"Thanks for saving us lady, what is your name by the way"
Nakanganga pa rin ako ng tumingin ako sa babaeng medyo matanda na
"I-I am Dana Elaina Marqueza"
Rinig ko ang mahinang pagtawa nung babaeng mukhang kaedaran ko
"Thanks for saving us Dana. If you didn't came maybe we are now flattened here on the street"
Sabi nya at saka bahagyang tumawa
Nakatulala pa rin ako sa kanilang dalawa. Parang wala lng sakanila ang nangyari kani-kanina lang. At may kakaibang abilidad rin ang babaeng kaharap ko ngayon
"By the way I am Desiree Austin and my daughter Sheena"
Pakilala nito
"Hey! Ba't tulala ka lang jan? Haha kung ano man ang nkita mo kanina ay natural lang iyon. Nga pala meron ka rin palang abilidad? What school are you came from?"
Tanong saakin nung Sheena
"St. Benilde Academy" - sagot ko
Nangunot naman pareho ang noo nila saakin
"Owh, ibig sabihin ay hindi mo pa alam ang Utopia?" - Sheena
"Utopia? Ano yun?"
Ngiting ngiti naman saakin ung Sheena
"That's great! Mom, we should enrol her to Achillean. We should get her there"
Baling nito sa mama nya
Enrol in Achillean? Saan un? Ngayon ko lamang narinig ang paaralan na iyon
"So hija, can we talk to your parents?" - mrs. Desiree
"P-po? Ahh sige po"
Napatingin naman ako sa pumaradang itim na kotse sa harapan namin.
At ibinaba naman ng nasa driver seat ang window glass
"Dad! Your late again. Di mo nakita kong paano kami muntik ng madagaanan ng billboard na to" - Sheena habang sinisipa sipa ang billboard na ngayon ay kasing liit na lamang ng flashcard
So Daddy nya pala ang lalaking nasa kotse?
"Haha sorry masyadong mahaba ang pila. Nga pala who's the girl besides you hon?"
Tanong nito habang nkatingin saakin
"Mabuti pang sa loob na ng kotse natin ituloy ang pagkukwentuhan natin. Shall we ms. Marqueza?"
Ngiting tanong ni Mrs. Austin saakin
Tumango naman ako bilang pag sang ayon at saka kami pumasok sa loob ng kotse at ipinasok na rin sa likuran ng kotse ang aking bisikleta
~~
"Nay Alicia andto na po ako. May bisita po tayo"
Sigaw ko ng makapasok kami sa bahay
"Maupo muna po kayo"
Naupo naman na silang tatlo sa sofa namin dito sa sala
"Ohh Dana naka uwi kana pala"
Agad akong lumapit kay Nay Alicia at saka nagmano
"Nay Alicia sila Mrs. and Mr. Austin po at anak nila si Sheena. Gusto raw po kaung makausap"
Tinignan naman ni Nay Alicia sila Mr. Austin at saka ngumiti
"Ikuha mo muna sila ng maiinom"
Agad naman akong pumunta sa kusina at pagbalik ko ay nag aalalang napatingin saakin si Nay Alicia
Ibinaba ko sa lamesa ang mga inumin bago naupo katabi ni Nay Alicia
"Mas makabubuti pong maisama namin sya. Hindi po ligtas kung mananatili sya sa lugar na ito. Baka ibang paaralan pa ang kumuha sa kanya. Mas delikado" - Mrs. Austin
"May nakalaang lugar para sa mga tulad nya. Pahintulutan nyo sana kaming dalhin sya roon. Kami ng bahala sakanya" - Mr. Austin
Dadalhin? Kukunin nila ako?
"Sige bumalik kayo sa makalawa. Ipapahanda ko na ang mga gamit ni Dana mamaya"
~~
"Nay? Nag-aaral na po ako ngayon sa maayos na paaralan. Ba't kailangan ko pa pong lumipat? At malalayo pa ako sainyo ni Tay Karding. Wag na lang po Nay"
"Dana nakausap ko na ang tay Karding mo tungkol dito. At di ba gusto mong makakita ng mga katulad mong may mga kakaibang kakayahan? Hundi kana nag-iisa ngayon Dana. Kailangan mong pumunta sa paaralan na iyon upang lalo mong mapaghusayan ang kakayahan mo at para na rin sa kaligtasan mo ito anak" - Nay Alicia habang mahigpit na hawak ang dalawa kong kamay
Niyakap ko naman si Nay Alicia. Totoong gusto kong makakilala ng mga kagaya ko. Gusto kong may makasalamuha na katulad ko ring may kakaibang abilidad
Pagkatapos ko syang yakapin ay tinulungan nya na akong mag impake
~~
"Oyy Dana! Iiwan mo na talaga kmi ni Jess?" - Nico
Si Nico at Jess, ang mga matatalik kong kaibigan simula pa ng bata pa ako. Alam din nila ang kakayahan ko. Lahat sila pati mga magulang nila pero sinisikreto lamnag namin iyon sa ibang tao
"Oo ehh. Kailangan" - sagot ko
Nasa may tambayan kami ngayon. Kailangan kong mag paalam sakanila dahil bukas aalis na ako
"Ginamit mo na naman ksi ang kakayahan mo bes! Ayan tuloy mawawalay ka saamin" - mangiyak ngiyak na sabi ni Jess
"Jess, di naman pwedeng pabayaan ko nalang silang mapahamak. Tsaka wag kayong mag alala babalik pa naman ako. Parang magsasanay lang naman ako doon ehh. Haha parang training ba" - natatawang sabi ko
"Training?! Baka masaktan ka lng dun Dana!" - Nico sabay tayo sa upuan na gawa sa kahoy
"Nico, magiging maayos din ako doon tsaka tutulungan naman daw ako ni Sheena" - ako
"Basta! Pag masyadong mahirap umuwi ka agad kung hindi ako mismo ang pupunta doon at kukunin kita"
Napangiti ako sa sinabi ni Nico
"Bes malayo ba un?" - Jess
"Hmm. Oo ata. Ang sabi lang ni Sheena. Wala daw un dito sa mundo natin. Haha mukhang sa ibang planeta pa ata ang punta ko"
Npakunot noo naman ang dalawa kung kaibigan
"Haha wag kayong mag-alala dadalaw ako pag may time, tara uwi na tayo maggagabi na"
~~
Dalawang oras na akong nakahiga sa higaan ko pero hanggang ngayon ay di pa rin ako makatulog.
Di ko alam ang mangyayari bukas. Di ko alam kong anong klaseng mundo ang papasukin ko. Basta ang alam ko lang ay gusto ito ng aking puso
Parang may kung anong dahilan na di ko malaman na nag-uudyok saakin na nararapat lamang na pasukin ko ang bagong mundong pupuntahan ko bukas.
Bago pa man ako lamunin ng antok ay may isang kataga pa ang paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan
Bukas. Bukas ang simula.
-----------
#AchilleanAcademy
~1813