Library
English
Chapters
Settings

CHAPTER 5: THE HANDSOME NEIGHBORS

~Stacy

"A-ano bang sinasabi mo dyan?! Nerd tong babaeng to di mo ba nakikita? Ang panget nya??!"

Ouch!

Putek talaga tong kaibigan ko ang sakit magsalita sakin.

"Yeah i know. But she's different. Di sya katulad ng ibang nerd na nakikita ko. Usually tahimik yung iba." Sabi naman ni seatmate habang nagdadrive...

"Hindi ah! Anong iba?! Wag ka nga! Bakit ano bang tingin mo sa kaibigan ko? Maganda? Tss.. look at her face! Like duh!" May aksyon pa talaga na akala mo nandidiri sakin ang kaibigan ko. Pero simula ngayon kayo unang makakaalam na itinatakwil kona sya bilang kaibigan ko!

>_ <

T_____T

"Your so mean" Pagtatanggol sakin ni seatmate. Nakatingin lang ako ng masama kay dude. Nag me-makeface sya sakin na ang ibig sabihin ay makisabay nalang ako pero hindi eh! Grabe eh!

"Salamat naman ha? Lait na lait ako bestfriend.. ang sakit eh.. tagos eh.."

Pabulong na sabi ko sa kanya habang kunwari ay nakangiti ako pero hindi ko pinapahalata kay seatmate na nagtatalo kami dahil natingin tingin kasi sya samin.

"Anong floor kayo?" Tanong nya samin.

"19th" mabilis na sabi ni dude. Na hampas ko nanaman sya.

"Aray naman!!" angal nya.

Ang daldal kasi. Di malaman kung nananadya tapos ngingiti sakin ng nakakaloko. Pshh. Sana mamayang gabi talaga wag kong makalimutan na bestfriend ko sya!

"Magkape ka muna sa condo namin. Bilang kapalit ng pag hatid mo samin ha?" aya nya pa kay seatmate..

O_____O

Nagulat ako sa sinabi nya. T_____T

>___<

"Okay." Tamad na sabi naman ni seatmate. Hinayaan ko nalang silang mag usap.

Bahala sila! Nakakainis!.

_

Nasa elevator na kami ng may mapansin kaming parang kakaiba. Kami nga ay isang buwan na dito sa Red Velvet pero ni wala kaming masyadong ka close dito pero si seatmate parang kanina pa sya nginingitian ng bawat makasalubong namin. Mga guard, mga employees at kung sino sino pa.

Ano to joke? Ganun sya kasikat?

"Friendly ka pala" basag ni dude sa katahimikan namin.

"Yup" sagot lang ni seatmate.

"Ah oo nga pala! Kanina pa tayo usap ng usap pero hindi pa tayo nagpapakilala sa isa't isa" -dude

"Ako nga pala si Lyca, Agriculture Student. I love plants. And this is my nerd dude. She's so adorable and i love her so much more than i love the plants" pagpapakilala ni dude samin kay seatmate. Napangiti lang si seatmate sa kanya. Akala ko nga hindi sya magsasalita eh.

"Englebert" tipid nyang sabi.

Tahimik lang ako at sila lang ang usap ng usap. Ang galing kasi ng isang to eh. Baka mahalata nya ako na hindi talaga nerd. --_-

Sakto namang bumukas na ang elevator. Napaka gentleman ng kilos nya. Pinauna nya kaming lumabas. Okay din sana ang isang to kung hindi lang sila mga bad.

"Pasok" sabi ni dude sa bisita nya. Tsk. Asar..

"okay lang?" Tanong nya pa habang ginagala ang paningin nya sa kabuuan ng condo. Nauna nako pumasok at dire diretso nako sa kwarto ko at pabalibag kong sinara ang pintuan ko.

-

~ Lyca

Naupo si Englebert sa couch habang pinagtitimpla ko sya ng kape. Halatang namamangha sya sa bahay namin ni dude. White and pink kasi ang theme ng kabuuan ng condo at halos lahat ng makikitang nakadisplay at nasa loob ng condo namin ay talaga namang mamahalin. At alam kong makikilala nya ang mga mamahaling bagay.

Natatawa ako kay dude. Asar na asar sya kanina eh. Ihahanda kona nga ang pang sorry ko sa kanya hihi..

^___^

Na kukyutan kasi ako sa kanya pag ganun sya. Feeling ko nga may crush sya kay Englebert eh. ^__^

"Charaan!" Sabi ko pagkalapag ko ng special coffee na gawa ko mismo. Pinartneran ko ng isang slice ng mocha cake ang pag sinerve ko sa kanya.

"Thanks." sabi nya lang.

"Classmates pala kayo ni dude" sabi ko sa kanya. Naupo ako sa harap nya.

"Yeahh. And she's smart." Sabi nya pa. Asus kung hindi lang nakadisguise si dude ay masasabi kong may gusto sya sa bestfriend ko.

"Tama ka dyan. Kaya nga patalon talon nalang sya from elementary to secondary" sabi ko sa kanya. Tumango tango nalang sya sakin habang iniinom ang kape nya.

"Kayo lang dalawa dito?" Tanong nya pero hindi sya sakin nakatingin.

"Yep. Wala dito ang parents namin. Nasa korea sila. Dun talaga kami nakatira. Nag migrate kami dun 8 years ago. Actually our parents are bestfriends too since bata pa sila like naming dalawa ni dude. We're bestfriends since three-years old." Mahabang sabi ko tapos ay humigop din ako ng kape ko.

"Then why are you here?" Tanong nya.

"Gusto namin talaga dito. Eversince naman dito talaga namin gusto. But for one reason lahat kami and our parents decided to migrate. Dun namin tinuloy ang pag aaral namin pero kahit na anong gawin namin hinahanap hanap pa din namin ang pilipinas. Kahit andaming tutol gumawa kami ng paraan para makabalik at dito nalang ituloy ang pag aaral. Kaya ayun, andito kami ngayon"

Sabi ko at tulad kanina, patango tango lang sya sakin.

Naubos na ang kape nya. Napasarap siguro sa kwentuhan namin. Syempre ako pa ba? Kape at kwento ang specialty ko.

^____^

"By the way, Thanks for the very warm welcome. Thanks for the coffee and trust. Mauuna nako" sabi nya at tumayo na.

"Your welcome. Pasensya kana kay dude ha? Ganun lang talaga yun. Till next time" sabi ko nalang sa kanya.

"Yes thanks" he said. Hinatid ko sya hanggang sa pintuan.

"Sige na. Pasok kana sa loob." Sabi nya pa. Napakagentleman talaga nya. Sinira ko na ang pintuan at pumasok nako sa loob. Habang nililinis ko ang glass table sa sala ay natigilan ako.

Goddammit... I'm so fucking Stupid and fucking idiot. I'm sooo doomed..!

Nasapo ko ang noo ko at napaupo sa couch. Bigla akong nanghina. Gusto ko ngayong lamunin nalang ng kinauupuan ko! Gusto ko ng maglaho nalang!!

T______T

~ Stacy

Pagkapasok ko ng kwarto ko ay nag alis nako ng salamin, at braces ko. Tapos ay nilugay ko na din ang mahaba kong buhok. Nagshower ako ng matagal dahil naiinis ako sa mga tao sa labas lalo na at naalala ko si boomie tapos ang isa sa sumira sa kanila ay nasa loob lang ng condo namin!

>__<

Paglabas ko ng banyo ay nagpatuyo agad ako ng buhok ko tapos ay nagbihis nako agad at umupo na sa malambot kong kama. Binuksan ko ang laptop ko at nagtingin tingin ako sa real facebook account ko. Meron pa kasi akong isang fb account na ginawa ni dude na gagamitin ko bilang isang nerd.

Habang nag s-scroll ako ay biglang tumunog ang phone ko. Sinagot ko naman ito agad dahil si daddy pala ang tumatawag.

[I'll fetch you there]

"Dad please. I'm happy here"

[Are you sure? How about boomie]

Hindi nako nagulat sa sinabi nya. Kitam. Ang daddy ko talaga gagawa at gagawa ng paraan para lang ma bantayan ako at malaman ang bawat kilos ko. Pero malaki nako at gusto kong matutong tumayo sa sarili kong mga paa. I want to be with them syempre pero i have my own plan, dreams and goals in my own life too..

[Stacy darling are you there? I miss you. We miss you so much]

Napaiyak nako ng tuluyan. Hindi maganda to. Sa twing tatawag talaga sila lalo na si mommy at napapaiyak ako. Miss na miss kona sila at sobrang gusto kona silang mayakap at makasama pero marami pa akong gustong gawin sa ngayon. Maraming dahilan kung bakit ako nagbalik dito.

[Stacy, baby hello what happened? Don't cry okay? If you want this life, we will support you all the time okay? Be strong like your mother and i know your a very tough smart person like your dad. I love you baby..]

Hindi ako makasagot. Tulo lang ng tulo yung luha ko habang naririnig ko ang mga sinasabi ni daddy.

[Stacy.. dad will hang up now okay? Look after yourself]

"L-love y-you d-dad" sabi ko sa pagitan ng pag iyak.

Tooooot..toooooot....!

Natapos na ang tawag pero nakalagay pa din ang cellphone sa tenga ko habang umiiyak. Nakakainis. Kaya ayaw kong maririnig ang boses ng isa sa kanila eh. Nung isang beses si mommy, tapos sila stephen at nate naman ang tumawag sakin. Mga brother ko na makukulit pero mahal na mahal ko. Miss ko na talaga sila.

Nagpunas ako ng luha sa mga mata at pisnge ko. I have to be strong. Hindi habang buhay magtatago ako. Wala akong kasalanan at alam kong wala kaming tinatapakang tao kaya imposibleng may kaaway ang isa samin. I dont know kung sino ang mga gustong pumatay sakin eight years ago at kung bakit ilang beses nilang pinagtangkaan ang buhay ko, kaya kailangan kong malaman kung sino sila at anong dahilan nila.

-

Pagkatapos kong isara ang laptop ko ay tumayo ako dahil naiihi nako. Pagkatapos ko kasing mag emote, bumalik ako sa pag scroll sa facebook account ko. Pero natigilan ako sandali ng may mahagip ang mga mata ko.

Holly sh*t!

Mabilis pa sa alas kwatrong nakalabas ako sa kwarto ko at dun naabutan ko ang kaibigan kong parang nababaliw na habang nakaupo sa couch at nakatingin sa isang picture frame.

"Huhuhuhu..... huhuhuhu...." iyak iyakan nya na akala mo ay nababaliw na sya.

Napaupo nalang din ako sa couch dahil sa panghihina. This is epic fail... umpisa palang palpak na.

T____T

"Sorry dude. Gusto mo patayin mo nalang ako ngayon dali kunin mo na baril sa kwarto ko dali patayin mo nako dali na huhuhuhuhuhuhuhu"

Baliw na nga sya. Pero wala na kaming magagawa. Nandyan na yan. Nakita na ni seatmate ang picture naming dalawa at yun ang totoo kong itsura kapag walang salamin, at braces. Wala nakong itatago sa kanya ngayon. Pano na to? Anong gagawin ko?

T____T

_

~ Englebert

She's so beautiful. Ngayon nalang ako ulit nagandahan at nabuhayan dahil sa isang babae. I can't help myself but think about her. I don't know pero sa isang iglap parang bigla akong na attract sa kanya.

Ngayon masasabi kong naka move on nako kay shirley. Ito ang pangalawang beses na naramdaman ko ulit ang ganito. Habang nakatingin ako sa picture nya kanina, my heart beats fast and i dont fucking know but i cant take my eyes off of her beautiful picture with her bestfriend.

Sabi ko na nga ba, kaya naman pala kakaiba sya. Parang iba ang kilos nya, at hindi ko nararamdaman sa kanya ang kilos ng isang nerd! Tinatawag syang panget at pinagtatawanan sya but damn it..

she's so beautiful.

Kung ano man ang mga dahilan kung bakit kailangan nyang maging nerd sa ibang tao yun ang kailangan kong malaman. I need to find out. I like her the first time i laid my eyes at her picture. Gagawin ko ang lahat para mapalapit sa kanya. Mukhang ito na ang senyales ng lahat na matagal ko ng hinihingi sa Taas na sana ibigay na Nya ang babaeng para sakin. At sana, sya na nga ang babaeng yun.

Dalawang beses kona syang nakita, at yung isang beses niligtas ko sya sa mga lalaking sumira ng kotse nya. Classmates ko sya, seatmate, at hindi lang yun.....

_

~ Morning

~ Stacy

Umaga na, papasok ako ng maaga dahil balak kong kausapin si seatmate. Mukha namang mabait yun at kailangan kong makipag close sa kanya. Si dude naman ayun, patay na, de joke lang! Syempre naman kahit na minsan palpak yun, mahal na mahal ko pa din yun. ^__^

Palabas nako ng condo. Si dude mamaya pa sya kasi pinaayos nya si boomie kaya kailangan nyang puntahan si boomie mamaya. Paglabas ko mismo ng pintuan,

"AY PALAKANG KOKAK!!-- nagulat naman ako sayo!" Napatili ako ng di oras. Pano ba naman kasi si seatmate nasa harapan ko na bigla.

"P-pano... B-bakit nandito kana agad???!" Tanong ko sa kanya. Naka smile lang sya na parang ewan. Tsk. Alam kong gwapo sya oo na halata naman eh pero nakakagulat pa din kasi! --_--

"Ayan lang ang condo ko kaya nandito ako. Sabay na tayo pasok" sabi nya habang nakangiti ng sobrang tamis as in kahit sinong ngitian nya ng ganun ay talaga namang Pak! Ganern. Mapapaihi ka nalang ng wala sa oras eh. ^__^

Pero hanooo dawww????!

o____o

Yan lang ang kwarto nya????....

P-pero totoo???

Dahan dahan kong nilingon ang pintuan na katabi lang ng samin.

"S-sayo yan??" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Ngumiti nanaman sya at nag nod.

"Di ka naniniwalang sakin yan? Eh pano pa kaya kung malaman mong family ko ang may ari ng building nato?"

Napanganga nalang ako. Pinaglalaruan ba ako ng tadhana????...

❤❤❤

*AN:

To be continued...

Yun oh! Abangan ang mga maiinit pang tagpo mga ka APJMABN. :)

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.