Library
English
Chapters
Settings

CHAPTER 4: NEW CLASSMATES

~ Stacy

Papasok na kami para sa pang limang subject. Syempre kami ni joanna ang magkasabay dahil classmate ko sya. Si bestfriend naman ay dun sa Agriculture Building. Busog na busog kami dahil nag Jollibee nalang kami at tag dadalawang rice pa kaming tatlo.

Naging close na nga agad ang dalawa dahil pareho pala silang matakaw ^__^

Bukod sa rice ay nag spaghetti at nag burger pa kami! Oh kitam? Gano katakaw ang dalawa diba?

Ay-- este kaming tatlo pala hehehehe

^_____^

Sa sobrang saya nga namin kanina nalimutan kong sabihin kay dude na wala na si boomie. Bigla ko tuloy naalala lalo akong naiinis.

"Psh. Nu nanaman yang iniisip mo dyan?" Sabi sakin ni maimai. Ayun nalang ang naisip kong itawag sa kanya para mas madali..

^__^

"Wala, may naalala lang ako," sabi ko nalang sa kanya. Kakarating lang namin sa room ng madatnan naming nagbubulungan ang mga kaklase namin.

Dito na pala sya ngayon papasok!

Napakaswerte naman natin!

Oo nga! Sana katabi ko sya!

Ohmygawd dapat sakin sya tumabi!

Kung ano ano pang bulungan nila na rinig na rinig naman namin. Tsk. Ang lalandi nila akala mo naman. Pero sino kaya ang tinutukoy nila? Mat bagong transfer kaya na sila lang ang nakakakilala?

Hmm bahala sila. --__-

Dumating na ang teacher namin sa pang limang subject namin ngayong araw pero parang may mga bakanteng upuuan pa din. Uhmmm... pagtingin ko sa gilid ko wala pa si seatmate. Late kaya sya oh cutting classes na?

Psshh.. ang sisipag kasi -___-

"Okay Class let us proceed to our lectures no. 2. The Process of internationalization" Paumpisa ng teacher samin. Habang nagdadakdak sya sa harapan namin, nagulat kami ng may mga bastos na pumasok nalang bigla sa loob ng classroom namin.

P-pero nang makilala ko kung sino ang pumasok, si seatmate at saka y-yung... yung brown paired eyes. Dire diretso sila na akala mo mga siga. Ni wala man lang ha ni ho kay teacher. Basta upo nalang. Actually tatlo sila. Sila din yung nasa canteen kanina.

Tumigil lang sandali si teacher sa pagdakdak habang pinapanood naming lahat ang tatlong lalaki kasama na si seatmate habang umuupo sa kanya kanya nilang upuan.

Katabi ni seatmate si brown eyes habang kaharap naman ni seatmate ang isa pa na katabi naman ni maimai. Ayan nanaman ang ingay nila kanina. Yung mga bulungan nila na rinig na rinig naman. Mga impit na kilig ng mga malalandi kong kaklase.

Tsk. Wth!

"Good afternoon Mr. Edmonds." Bati ni teacher sa isa sa kanila pero no reaction lang sila. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ni maam sa kanila pero hano daw???

Edmonds daw??

o_____O

t---tama ba ang rinig ko???

I-----ibig s-sabihin????...

Napatakip ako sa bibig ko. Kung ganun..

Owgawd. T_______T

Isa sa kanila yung anak ng owner ng school nato!

The hell!

Magiging kaklase ko pa ang mga sira ulong to! Sila ang sumira ng kotse ko! Bwiset galit ako sa kanila! Kaya naman pala ganyan sila mga umasta! Kala mo kung sino!

Nagulat ang lahat lalo nako syempre dahil ang walang modong babae na panira ng pag aaral naming lahat ay ang babaeng nakasagutan ko kanina sa canteen. Dalawa sila ng babae na kasama nya kanina sa canteen. Nakakaloka na ang araw nato ah. Bakit kaklase ko din sila?!! T____T

Pshh. This is so amazing.. Galing tumayming ng panahon ah.

"Hi. Teacher. I think we dont need to introduce ourself right?" Sabi nya. Napatingin ako sa pwesto nila. At tumabi pa talaga sya dun kay paired brown eyes? Di sila takot?

"A-ahh yeah yeah it's okay iha. Maupo nalang kayo dyan." Nakangiting sabi lang ni teacher sa kanya. Halatang gulat silang lahat dahil nagumpisa nanaman ang bulung bulungan sa paligid. Umilaw ang phone ko senyales na may nagtext.

From maimai :

what's happening? Who are they? Why are they here? Sila yung kanina diba?

To maimai :

Later.

Tinago kona agad ang phone ko at baka mapagalitan pako. Puro monster pa naman ang nasa paligid ko.

Habang nagsasalita si teacher sa harapan ay may nagsalita nanaman.

"Hey." Napatigil si teacher sa pagsasalita. Pati kami ay napatingin sa kanya.

"May I help you Mr. Edmonds?" Tanong ni teacher sa kanya.

"Nakikita mo bang may mga transferee dito? Hayaan mo silang magpakilala ng sarili nila." Sabi ng walang galang na lalaki.

"A-ahh o----okay yes! Mr. Edmonds. Miss can you two introduce yourself here?" Sabi ni teacher at tumingin na kila bitch.

Lumakas nanaman ang bulungan sa paligid. Parehong napatingin si seatmate at yung babaeng bitch sa walang galang na lalaki pati na din yung seatmate ni maimai ay nagtatakang napatingin sa kanya.

"Ice.." Nagtatakang sabi ni bitch sa kanya. Nagmemake face si seatmate pero hindi naman namin maintindihan. Hmm ano kayang meron? Seryoso lang na nakatingin si brown paired eyes sa harapan.

"Shirley. Sige na" basag ni seatmate sa tensyon na namamagitan sa kanila.

"P-pero besty--!" -bitch

"Shut the fuck up. Kung ayaw mo, maluwag ang pintuan, lumabas ka rito"

Nakakatakot na sabi nya. Lahat talaga kami as in gulantang. Ang O.A nga ng reaksyon ng iba pati si maam. Nagtatakang nakatingin lang sa kanya si seatmate at yung isa pang lalaki. Si bitch naman ay hindi maipinta ang itsura. Akala mo ay pinagbagsakan ng langit at lupa.

Tumayo sya at akala namin ay lalabas na sya pero nagulat kami ng pumunta sya sa unahan ng lahat. Proud at naka chin-up pa syang tumingin sa lahat.

"I'm Shirley. 18 year's old, ang nag iisang anak ng dating presidente ng pilipinas, and 3 years girlfriend ng may ari ng school nato." Deretsahang sabi nya habang diretsong nakatingin sa mga mata ni monster.

There's something between them.

LQ??

Wooaahh...

Sila pa din?

Wooow...

Grabe!

Sya pala yung girlfriend ni ian?

Oo sya yun! Pero ang alam namin isang taon syang nawala sa EU at dun sa ibang bansa nag aral.

Talaga?

Oo yun ang bali-balita. Ang alam nga namin break na sila eh kasi may mga nababalitang date yan si ian.

Grabe hindi ako chismosa ah. Sadyang malakas lang talaga ang bulungan ng mga kaklase namin tapos yung iba ang lapit pa samin ni maimai. --__-

Halos hindi na nga namin narinig ang pagpapakilala nung isang babae na kasama nya dahil sa mga kadaldalan at kaingayan nila!

"Keep quiet class! Let's start!" Sigaw ni teacher samin. Nagsitahimik naman ang lahat. Nagsisimula na ulit magdakdak si teacher. Sana totoo nato. Tumingin nako sa harapan. Nagkakalabitan pa nga kami ng pasimple ni maimai sa ilalim ng upuan nya eh.

Pero alam nyo yung feeling na pagbinalot ka ng curiosity mo?

Putek..

I dont know but i find myself staring at the monster. Kakaiba sya. Parang ang tapang at nakakatakot syang tignan pero may nakikita ako sa mga mata nya.

Parang...

parang malungkot? Ewan!

_

Uwian na. Sobrang tensyon ng mga naganap kanina sa loob ng room namin. Parang ang tagal tuloy ng oras para sakin. Halos yung iba hindi na nakikinig sa mga teacher. Si maimai nga nangungulit sakin kanina pa pero sabi ko bukas nalang kami mag usap. Pasulyap sulyap sya dun sa seatmate nya pati ang iba naming classmates sa mga lalaking nasa likuran.

Tss..

Pero ngayon hindi kona muna yun iniisip, ang problema ko ngayon, anong gagawin ko kay boomie?!!

"Duuuude!!!!!!" Nagulat naman ako kay dude. Nasa harapan kona pala ang loka. Nasa gitna kami hallway ngayon. Dito ko nalang sya inantay.

"Anong meron? Parang byernes santo yata ang mukha mo?" Sabi nya sakin. Inirapan ko lang sya.

"Kung alam mo lang kung anong nangyari" nakapout kong sabi sa kanya.

"Bakit ba kasi???" Tanong nya ulit.

"Si boomie." Sabi ko.

"Anong nangyari kay boomie?????!" exaggerated nyang tanong. Alam nya kasi kung gaano ka importante sakin si boomie.

"Wala na sya." Malungkot kong sabi.

"I don't fucking understand dude! Can you please?????" Iritang tanong nya. Paiyak na kasi ako. Naalala ko nanaman kasi.

"Sinira sya kaninang umaga pa. Nakalimutan ko lang sabihin sayo kanina-----"

"Anooo??????! Sinong sumira sa kanya??? Ha???! aba lagot sakin ang mga hayop na yun ituro mo! Ituro mo sakin-----!"

"Sila yung apat dude! Yung...yung...ano----"

"Ha?! B-bakit?? I-i m-mean, tara na nga! Mag commute nalang tayo!" Sabi nya sabay talikod sakin. Oh kitams. Takot din sya. ^__^ haha imbes na naiiyak nako natatawa ako dahil sa dakila kong bestfriend ^____^

"Dude! Tara na!" Tawag nya ulit. Tumakbo na din ako at sumunod na sa kanya. Habang naglalakad kami palabas sa may gate ay narinig namin ang ilan na nag uusap usap sa daanan.

Nako kawawa yung may gawa nun.

Oo nga. Nakita mo ba yung itsura nya kanina? Grabe galit na galit si ian!

Oo nga! Yun pa naman ang pinakamamahal nyang sasakyan tapos ginasgasan lang at sinira ng matapang na tao na yun???

Tsk. Baka hindi na yun takot mamatay.

Napahinto ako sa narinig ko. Bigla akong binalot ng takot at kaba. Grabe lang. Parang alam ko yung pinag uusapan nila ah.

P-parang.... parang yun yung sinira ko ah? P-pero.... pero ano daw??? Ian daw?

Shit.

I'm doomed. Fucking doomed.

"Dude ano ba? Ang weird mona. Tara na! Taxi nalang tayo!" Sigaw nanaman sakin ni dude..

"Dude.... i think I'm fucking dead" i said to her.

"What--?!

"Forget it! Let's go!" Sabi ko at hinila ko na sya palabas ng school.

"Dude ano b-----??!"

"SHUT UP!" Sigaw ko sa kanya. Ang ingay kasi ng babaeng to.

Malapit na kami sa gate ng biglang may bumusina samin.

"Hey. Wala kang kotse diba? Sakay na" syempre nagulat ako. Pakshet si seatmate?!!

Ang isa sa nakakatakot sa school nato pinapasakay kami? No way! Baka may plano lang yan.

"D-diba sya yun?" Bulong ni dude sakin.

"Oo nga kaya wag tayong pumayag." Bulong ko din sa kanya. Naglakad na kami pero sinusundan pa din nya kami. Ang dami ng nakatingin samin.

Bwiset.

"Sakay na! I insist." Sabi nya pa. Pshh.. anong problema nitong isang to. --__-'

Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa makalabas na kami ng school. Pero mas marami palang tao dito sa labas kaasar. Pinagtitinginan na kami dahil sinusundan kami ng isang kilalang tao sa school.

And i hate that coz i hate fucking attention! >____<

"Walang nadaan na taxi dito. Private at isang sikat na school to kaya wala kayong makikitang taxi dito. Tignan nyo" sabi nya at napalingon naman kaming dalawa ni dude sa paligid. Halos lahat may mga sasakyan. Kung hindi kotse, yung iba naka big bike oh iba't ibang klase ng motor. Yung iba naman nakatambay pa sa labas habang nakasandal sa mga sasakyan nila.

Oo nga noh. Napasapo ako sa noo ko. Kainis matalino ako pero bakit hindi ko naisip yun?

Kainis.

Medyo malayo pa kasi ang highway pag nilakad sya. Akala ko naman may mga nagagawing taxi dito. Pakshet ang bobo ko!

"Pano na ngayon?" Bulong ni dude.

"Lakad tayo" sabi ko.

"Ha???!! No way! A-ahh hi? Pwede ba kami makisakay?"

Sigaw nya sakin tapos sabay tingin kay seatmate.

"Sakay na" sabi naman ni seatmate.

Wow ah. --____--

Hinila nako ng loka at wala akong nagawa sa bandang huli. Andaming nakatingin samin. Tiyak pag uusapan na kami ng mga chismosa na mga yan. Habol tingin pa sila sa kotse ni seatmate.

Napasakay kami ng di oras sa magarang sasakyan nya. Ang bango.... Amoy lalaking lalaki.

^^^___^^^

Bwiset ayoko ng ganito! Parang dumudumi ang utak ko! >_<

"Sasakay din pala" sabi nya pa. Inirapan ko lang sya sa front mirror nya

"Thank you ah? Sa may Red velvet building lang kami" siniko ko si dude sa sinabi nya.

"Aray naman" reklamo nya..

"Ano bang sinasabi mo?!" Pinandilatan ko sya ng mata. Sabihin ba naman ang tirahan namin? Wag ko sanang makalimutang kaibigan ko to si lyca Palermo! >_<

"Ano ba--???" irap nya pa sakin.. loka talaga..

"Anong ano ba???? Bakit mo sinabi???!" Nagbubulungan lang kami habang nasa byahe.

"Hoy! Ibaba mona nga kami dito! Mag tataxi nalang kami!" Sigaw ko sa kanya. Hindi nya padin hinihinto ang sasakyan.

"Hayaan mo na sya." Pigil sakin ni dude.

"Bakit ba?!" Sigaw ko sa kanya.

HAYPPP...

"Nerd ka ba talaga?" Isang tanong na nakapagpatahimik saming dalawa.

What the eff...

*

To be continued...

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.