Library
English
Chapters
Settings

CHAPTER 3: THE FOUR BOYS

~ Englebert

Nasa tambayan ako ngayon kasama ang dalawang gago na sina jorge at macky. Si Jorge ang pinaka bully saming lahat. Mapang asar at mahilig sa chicks. Si makmak naman ang pinaka cute samin. Pero syempre hindi kami papayag.

Gwapo kami.

May isa pa kaming mas gagong kaibigan. Si Ice. Pero kami lang ang tumatawag nun sa kanya. Malalapit lang na tao sa kanya ang pwedeng tumawag ng ice sa kanya. Yung iba lalo na yung mga humahanga lang sa kanya ay Ian lang. Kung anong meaning ng ice hindi kona sasabihin. Bahala na sya magkwento.

--___--

He's my bestfriend. Kaibigan kona ang gagong yun simula pagkabata palang. Kakaiba syang tao. Wala syang kaibigan dahil sa mata ng iba, masama ang ugali nya pero pag nakilala mo sya, dun mo malalaman ang tunay nyang pagkatao. We're in high school ng makilala namin si Jorge. Isa sa mga makapangyarihang tao din ang pamilya nila tulad ng family namin ni ice.

Madali namin syang nakapalagayan ng loob at sunod namin nakilala ang bestfriend nyang si mark anthony, macky for short. Kami lang din ang tumawag nun sa kanya.

At ako. Ako ang pinaka tahimik sa kanilang lahat. Pinaka seryoso at makikita mo lang akong ngingiti at tatawa kapag kasama ko ang tatlong gago. Madalas kaming tumambay sa tinatawag naming headquarters na kami lang apat ang pwedeng pumasok. Pagmamay ari ni ice ang tambayan na yun dahil sinadyang ipagawa yun ng Daddy nya para sa kanya. Sila ang may ari ng school nato kaya madalas tawagin syang prince.

Sa apat na taong pag aaral namin sa school nato ay sanay na sanay na kaming palaging tinitilian, at pinagkakaguluhan lalo na ng mga babae. Tulad nga ng sinabi ko, gwapo kami.

"Pare ano ba? Sabi ng nagugutom nako eh!" Reklamo ni Jorge samin. Nakahiga pa kasi ako sa couch habang si mackyboy naman ay nagbabasa nanaman ng paborito nyang one piece sa laptop.

"Sandali nalang to" sabi ni mackyboy sa kanya.

"Tsk ewan ko sa inyo! Kakain nako bahala kayo!" Hindi ako kumibo. Parang tinatamad kasi ako. Unang klase palang ngayon pero wala akong gana.

"Hey, tara na" sabi ko kay mackyboy. Tumayo nako at kinuha ang phone ko sa gilid ng mini table sa tabi ng couch na hinigaan ko.

"Hay! Ano ba yan! Nakakainis naman oh!" Angal ni macky pero tumayo din naman. Sumunod na kami kay topak boy dahil baka magalit nanaman yun. Ewan ko ba dun palagi nalang gutom.

Kung nagtataka kayo, kung bakit kulang kami ngayon, well tinamad lang naman sa unang linggo ng pasukan ang prinsipe ng university na to. Bukas pa yata papasok ang loko.

_

Pagpasok namin ng cafeteria, as usual pinagtitinginan at kinikilig na naman ang mga babae samin. Pero ang masama nito, may nakaupo sa favorite table naming apat.

Yari na. Samin ayos lang, pero kay ice? Tsk.

Ang table kasi na yun ay pasadya para talaga saamin.. Halos apat na taon na iyon palagi ang pwesto namin.

Si Ice. Dun lang nya gustong umuupo twing lunch at walang ni isang nangahas na umupo dun depende nalang kung may bagong salta sa school.

Memorable kasi sa sakanya ang pwestong yun. Dun sila nakapwesto ng kapatid nya four years ago nung barilin ito na naging dahilan ng pagkamatay ng kapatid nya. Isang kaaway ng kumpanya ng daddy nya ang may kagagawan ng lahat. Nakita namin kung gaano sya nalungkot at isang linggong tulala dahil sa pagkamatay ng mahal nyang kapatid. Dun nag umpisang maging jerk at bully ang isang Ice.

Simula nun ay dun na sya palagi pume-pwesto at hangang sa ipagawa nya iyon at nilagyan ng apat na upuan para saamin. May nakalagay pa ngang note sa gilid na

Back off! MEJI Property!

MEJI as in Mark Anthony, Englebert, Jorge, at Ian Carl..

Dalawang beses may umupo dun na bagong transfer lang ay nagalit si ice. At dahil loko ang gago, sinindak nya ito at pinaalis. Maayos naman itong sumunod pero nung pangalawang beses, inabangan sya ng pangalawang pinaalis nya. Nagdala ito ng isang grupo at balak nilang pagtulungan kami pero dahil mas magaling kami sa kanila, talo sila takbo ang iba at natira ang lalaking sinindak nya.

Yun ang scene na naabutan ng mga ilang studyante na nagkalat ng maling storya tungkol saming apat. Masamang tao at kinatatakutan kami ng ilan dahil sa mga maling sabi sabi na patuloy lang nadadagdagan hanggang ngayon. Pero dahil kami ang pinaka walang pakealam sa lahat, hinayaan nalang namin sila.

"Alis." Sabi ni jorge sa kanila. Sanay na kami dyan. Pareho sila ni ice ng ugali. Mga bully. Halata ang gulat nila pero wala silang magagawa kundi ang umalis nalang. Pero nginisihan lang kami ng isang loko. Kinwelyuhan sya ni Jorge kaya nagsalita nako. Masama to. Buti wala si ice.

"Hindi nyo ba alam kung kaninong pwesto ang inuupuan nyo?" Tanong ko.

Pero pag may mga pakealamero talaga, bigla nalang sumisingit.

"Hoy! Tayo kayo dyan! Pag aari nila ang upuan na yan!" sigaw ng isang epal..

"Sakanila to? Eh nauna kami dito eh! Inaano ba namin kayo? Andaming upuan oh!" Sabi ng isang lalaki. Tsk.

Wrong move dude. Lalong nag init ang ulo ni jorge.

"Bitawan mo nga ako!" Maangas na sabi ng kinwelyuhan ni jorge.

Tsk. Mahirap to.

Umalis sila sa harapan namin. Mga bagong studyante lang siguro ang mga to.

"Let's go. Hindi nako nagugutom." Seryosong sabi ni jorge. Sumunod nalang din kami macky.

-

"Fuck! Ang angas nila eh kung hamunin ko silang tatlo? Tang ina." Pabalibag na salampak ni jorge sa couch. Balik kami tambayan..

"Magluluto nalang ako" sabi ko nalang dahil kumpleto naman dito sa tambayan namin. Wala eh. Mainit ang ulo ng isa. Pero mukhang may nararamdaman akong hindi maganda sa nangyari.

"Chillax! Masyado kang mainit." Pang aasar ni macky kay jorge. Nagluto nalang ako ng kakainin namin. Pero bago yun tinext ko muna si ice.

To: ICE :

'Pasok kana.'

____

Hapon na. Tapos na ang unang klase. Pumasok ako. Hindi na pumasok sila jorge. Natulog nalang maghapon at si macky naman, ayun nakabantay lang sa kanya. Nagbasa lang ng kaadikan nya ang gago.

Tinawagan kona ang dalawang gago kanina. Sabi ko mauuna nakong uuwi sa kanila. Papunta nakong parking lot ng marinig ko ang ingay mula dun sa likod ng building na malapit sa gubat.

Naglakad ako ng mabilis dahil kakaiba ang nararamdaman ko. Tama nga ako. Bugbog sarado na ang tatlong lalaki kanina sa canteen. Halos hindi na makilala ang mukha nila.

Tsk. Damn it.. here we go again. Kami nanaman ang may kasalanan nito..

--__-

Paglapit ko ay nagsalita ako.

"Tama na yan."

Kaso may nahagip ang mga mata ko. Isang babae. At alam kong nakita nya lahat.

Tsk. Nalintikan na.

Sumunod kayo sakin. Wag dito. May nanonood satin.

Mahinang sabi ko sa kanila na hindi nahahalata nung babae. Halata namang natakot sila kaya sumunod nalang sila at nag bow pa ang mga hayop.

Tignan ko lang.

Nakita kong umalis na yung babae. Tumigil ako sa paglalakad.

Mga gagong to ah.

"Kayo nanaman? Wala naba talaga kayong mga dala? Gusto nyo bang tanggalin ko yang mga takip nyo sa mukha at ipakita sa lahat ang mga pagmumukha nyo?" Sabi ko sa kanila pag harap ko. Ilang beses ko nang nakakaharap at nabubugbog ang mga to pero parang walang mga dala ang gago.

"Kung sino ang gustong mamatay sa bugbog ngayon lumapit na" paghahamon ko sa kanila. Pero mahahalata mong takot sila.

"Sa susunod na magkaharap tayo ulit, sisiguraduhin kong hindi na kayo makakabangon pa" sabi ko sa kanila at ang mga gago ang bibilis ng takbo.

Tss. Mga duwag naman pala.

_

[Yeah. Pumasok kana. Nag umpisa nanaman sila.]

[Okay.]

Tinapos kona ang tawag kay ice. Ang loko puro pasarap nanaman yata. Sinabi kona ang nangyari kaninang hapon. At sa tono nya mukhang galit nanaman sya.

Hindi kasi namin mahuli huli ang pinaka ulo sa lahat ng to kung bakit may mga taong gustong siraan kami sa lahat. Pinalalabas nilang nakakatakot kami at dapat iwasan.

Tss.

____

Bagong araw nanaman at ito ang araw na inaabangan ko.

Papasok na sya...

Trapik kaya

Medyo late nako nakarating ng school. For sure, hinihintay nako ng mga gago sa tambayan namin. Lalo na si ice.

Pagbaba ko ng kotse ko may sinisirang isang cute na kotse. Itsura palang halata ng babae ang may ari. Pero ano nanamang palabas ng mga gagong to?

Lumakad ako ng hindi nila napapansin. Marami na din ang nanonood at nahagip ng mata ko ang isang babae nanaman, tsk. Tama. Sya nga. Kaya pala parang pamilyar sya. Yung nerd na katabi ko na laging pinagtatawanan at binubully. Kung ganun sa kanya ang sasakyan na yun. Pero bakit?

Tsk. Aalis na sana ako para sabihin kina ice ang nangyari pero ng makita kong lalapit na si nerd sa mga ugok,

Binilisan ko ang lakad ko at hinala ko sya. Pakaladkad ang ginawa ko. Napalag pa nga eh pero wala syang magagawa. Dinala ko sya sa gym at marahas ko syang binitawan. Muntik pa nga syang ma out of balance at nagulat ng makita ako.

Ikaw?! Anong problema mo ha?!" Sigaw nya sakin. Syempre nagulat ako.

"Nilayo lang kita sa kapahamakan. Dapat nga magpasalamat ka pa eh" sabi ko sa kanya. Tsk. Ako na nga ang nag magandang loob ako pa sinigawan? Pambihirang babae to. Kakaiba sya. Kung ibang babae to baka kinikilig na to ngayon sakin. --_--

"Ano??! Pasalamat pako sayo??? Bakit kaba nangengealam? Palibhasa hindi sayo kotse yung sinisira nila? Well sabagay kasi kayo naman ang may gawa nun diba????! Diba???? Anong kasalanan ni boomie sa inyo???!" Umiiyak sya habang sumisigaw. Tsk. Nakakainis ayoko ng may umiiyak na babae sa harapan ko.

--__--

"You don't understand" i said to her.

"Kayo ang hindi ko maintindihan!" Sigaw nya sa mukha ko sabay talikod. Tumatakbo pa sya. Tsk. Gaano ka importante sa kanya yung kotseng yun at iniyakan nya ng ganun?

Psshh... she's one of a kind.

_

Pumasok na muna ako dahil late na din ako sa unang subject at kasalan yun ni nerd pero ang nakakapagtaka, wala pa din sya dito sa room. But who cares?

She's just a nerd.

Tapos ang unang subject namin. Nakadating na ang second teacher namin pero wala pa din sya. Pshh. Masyado nya yatang dinamdam ang pagkasira ng kotse nya.

After a minute nandito na sya. At halatang umiyak sya kahit na may malaking salamin sa mata nya. Binati pa nga sya nung nasa harapan nya at rinig na rinig ko ang pagsisinungaling nya. Tsk. -__-

Medyo nabagalan ako sa oras. Lunch time na at sakto namang tumawag sakin ang gago.

[Okay.]

Sagot ko kay ice. Papunta na daw sila ng cafeteria. Binilisan ko ang lakad ko papuntang tamabayan. Habang naglalakad ako, sa dami ng makakasalubong ko,

"Besty!"

ouch.

Kada maririnig ko talata yang tawag nya sakin masakit pa din kahit na taon na yung sugat. Yumakap pa sya sakin ng mahigpit tapos hindi pa sya na kuntento lumambitin pa sa leeg ko. Ganyan kami ka close.

"Hey." Sabi ko lang sa kanya. Masaya akong makitang pumasok na sya pero hindi ko nalang pinahalata.

"Lunch na tayo dali! Miss na kita best! Kamusta ang bakasyon mo? Yung pasalubong ko sayo mamaya ko nalang dadalhin sa condo mo okay?" She said very happy.

"Fine." I said and smile at her while pinching her cheek.

"I miss you" sabi ko habang nakatingin sa mga mata nya. Lalo syang gumanda.

"Uhmm nagdadrama kana naman! But it's okay! I miss you too so much! By the way! Si--???"

"Nasa tambayan. Papunta na nga ko dun." Sabi ko sa kanya. Pinutol kona agad ang sinasabi nya.

"Ahhh sige wait ko nalang kayo sa cafeteria ha?" Sabi nya sabay wink pa.

Tsk.

_

"She's here" bungad ko kay ice pagdating ko sa tambayan.

"Tss. Wala akong pakealam." Sabi ng loko. Tss. Gago talaga.

"Tara na. Gutom nako" sabi nya at tuloy tuloy lang na lumabas sa tambayan. Hindi na kami hinintay ng gago.

"Yaan mo nalang. Masakit pa sa kanya ang pag alis ni shirley. Magkakayos din yan" si jorge.

"Tumpak. Magpapakipot lang yan!" Dagdag naman ni macky. Mga gago talaga.

"Ewan ko sa inyo. Sundan na natin yun" sabi ko sa kanila at umalis na din.

"Anong itsura ni shirley ngayon? Dyosa pa din ba?" Sabi ng hari ng playboy. Sino pa ba, si jorge.

"Damn you!" sabi ko nalang sa kanya.

_

~ Cafeteria

Pagpasok palang namin ng canteen ay tahimik na ang lahat. Uupo na sana kami ng makita namin na si shirley pala ang isa dun sa pinagtitinginan. Nagulat ako ng lumakad papunta sa kanila si ice. Sumunod nalang din kaming tatlo sa kanya. Pag lapit namin, dun ko nakilala si nerd. Pero anong meron bakit sila magkausap ni shirley?.

"Anong meron dito?" Seryosong sabi ni ice sa kanila dahil nakahawak si shirley sa braso ni nerd.

"Ice! Ahh it's nothing! Were just taking to each other. Right?" Sabi ni shirley pero hindi ako naniwala. Kilala ko sya. Bata palang kami kilala kona sya kung nagsasabi sya ng totoo oh hindi.

"Ahh yes." Sagot naman ni nerd. Pero may mali. Hindi marunong magsinungaling ang isang to. Tsk.

Umalis na si nerd at naiwan nalang kami dun.

"Kayong lahat! Anong meron? Bumalik na kayo sa mga pwesto nyo!" Sigaw ni ice. Syempre kanya kanyang takbuhan ang lahat. Takot nalang nila.

"Ice--"

"Let's go. Wala nakong ganang kumain" putol ni ice kay shirley. Umalis na sila kasunod ang dalawa. Naiwan ako at kita ko ang pagtulo ng luha ni shirley.

Shit.

Ayoko sabing nakakakita ng luha ng isang babae.

Damn it.

"Let's go" hinila ko sya sa braso. Papagaanin ko nanaman ang puso ng babaeng mahal ko, na may mahal na iba, na pinaubaya ko sa bestfriend ko, sa tunay na may, may-ari sa kanya.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.