CHAPTER 2: THE PAIRED BROWN EYES
~ Stacy
Pagbaba namin ng kotse ni dude ay nakatingin samin ang ilan na nandito sa parking lot. Nagtataka man kami ay nagdere-deretso nalang kami sa paglalakad. May hindi maganda akong nararamdaman pero kung ano man yun, kelangan maging handa.
"It's fucking weird. Nakakainis bakit ba sila nakatingin satin? Bwiset" iritang sabi ni dude. Maging ako ay hindi ko talaga alam kung bakit nakatingin ang mga weirdo na yan.
Malapit na kaming maghiwalay ng landas ni dude kaya kinakabahan ako hindi para sakin, kundi para sa kanya. Ako alam kong kaya kong ipagtanggol ang sarili ko pero si dude hindi nya kaya.
"Dude, mag ingat ka ah. On mo lang palage GPS mo okay" sabi ko sa kanya. Iba kasi ang way nya dahil hindi naman kami parehas ng course na kinuha. Business Management ang sakin dahil kailangan ko yun, samantalang Agriculture naman ang sa kanya dahil mahilig sya sa mga puno, halaman at kalikasan.
"Yep dude. Ingat din. Call you later" she said. Naglakad nako dahil sa kabilang building pa ang room ko.
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si nerd na hinarang ni dude kahapon. Para syang balisa at hindi malaman kung kakausapin ba ako oh hindi. Luminga linga pa sya sa paligid at ng makitang wala naman nakatingin ay pasimple syang nagsalita.
"Nasan na yung kasama mo kahapon? Nako check nyo na yung kotse nyo dun! Mag iingat kayo ah! Nako mabuti pang umuwi nalang kayo!" Sabi nya na akala mo ay hindi ako ang kausap nya at mabilis na umalis sa harapan ko.
"T-teka lang--"pigil ko sa kanya dahil naguguluhan talaga ako sa sinabi nya. Pero nakalayo na sya at ang bilis bilis nyang magsalita.
Bigla akong kinabahan. Dali dali kong tinungo ang parking lot at pinagsisisihan kong binalikan ko pa ito. Kitang kita ko ang walang awa nilang pagsira kay boomie. Ang pinakamamahal kong sasakyan na regalo pa sakin ni mommy at daddy five years ago nung bday ko.
Kay boomie ako tinuruan ni dad magmaneho. Si boomie ang lagi kong kasama sa korea. Halos kararating nga lang nya kahapon from korea. Ngayon ko palang sya magagamit after one month tapos anong ginagawa nila????
Naiyak nako ng hindi ko alam habang nakatingin sa ginagawa nila. Yupi yupi na sya at hindi nila tinitigilan. Ano bang kasalanan ni boomie sa kanila????
Marami rami na ang nanonood kung pano nila sirain si boomie pero ni isa sa kanila walang nangahas na tumulong at pigilan sila. Lalapit na sana ako para pigilan sila sa ginagawa nila ng biglang may humatak sa wrist ko at kaladkarin ako palayo. Tanging likod lang nya ang nakikita ko. Hindi ako makapalag dahil malakas sya kaya kahit anong hila ko sa kamay ko ay hindi ko ito mabawi.
Nagulat ako ng dinala nya ako sa Gym.
Marahas nya akong binitawan kaya muntikan nakong ma out of balance. Iritang tumingin ako sa kanya pero hindi nako nakapag salita ng makilala ko sya.
"Ikaw?! Anong problema mo ha?!" Sigaw ko sa kanya. Halata ang pagkagulat sa itsura nya.
"Nilayo lang kita sa kapahamakan. Dapat nga magpasalamat ka pa eh" sabi nya pa sakin kaya lalo akong nainis.
"Ano??! Pasalamat pako sayo??? Bakit kaba nangengealam? Palibhasa hindi sayo kotse yung sinisira nila? Well sabagay kasi kayo naman ang may gawa nun diba????! Diba???? Anong kasalanan ni boomie sa inyo???!" Umiiyak kong sabi sa harapan nya. Nakakainis kasi. Ang sama sama ng loob ko.
"You don't understand" he said na ikinainit ng ulo ko.
"Kayo ang hindi ko maintindihan!" Sigaw ko sabay talikod sa kanya.
Iyak lang ako ng iyak habang tumatakbo.
Hindi kona alam kung saan ako napad pad. Napaupo ako sa isang bench na may dalawang puno sa magkabilang gilid. Nakatukod ang ulo ko sa dalawang tuhod kong nakapatong sa upuan. I feel so hopeless because of boomie. Ni hindi ko man lang ito na ipagtanggol sa mga bwiset na sumira sa kanila.
I hate them! >__<
30 minutes din ang lumipas bago ako nahimasmasan sa pag iyak. Tumayo ako, inayos ko ang sunglasses ko at umalis na. Hindi nako nakapasok sa unang subject ko. Habang naglalakad ako sa hallway ay wala nako masyadong makita na mga nakakalat na studyante sa paligid. Nag uumpisa na kasi ang unang subject ngayon. Mangilan ngilan nalang ang makikita mong naglalakad, kabilang nako at ang ilang mga janitor na naglilinis.
Dinala ako ng paa ko sa parking lot. Nanghihina ako habang nakatingin sa sira sirang si boomie. Yupi yupi na ito, at ang daming scratches. Puno din ito ng mga paint na sinaboy nila kanina. May note pa nga silang iniwan,
yan ang bagay sa mga ashumera!
Napahawak ako sa boomie ko. Wala silang awa. Mga bwiset sila. Napatingin ako sa kotseng nakaparada na ngayon sa pinag parking-an ko kanina. Lumingon muna ako sa paligid at nilapitan ko ang kotseng itim. Umandar ang kapilyahan sa utak ko. Nilabas ko ang monopad ko sa bag ko at ang lipstick ko. Sinulatan ko muna ito gamit ang red lipstick ko saka ko ito pinaghahampas ng monopad.
Medyo gumaan ang pakiramdam ko nung makita kong may basag na ang salamin nito sa harap at mga gasgas sa gilid gilid. Well sorry nalang Ferrari Sports Car. Kasalanan ng amo mo yan. Linga linga ako sa paligid at maingat akong naglakad ng mabilis. Patungo nako sa classroom namin. Pagpasok ko ng room ay dahan dahan akong naupo sa upuan ko.
Tamang tama lang naman ang dating ko dahil mag uumpisa palang ang pangalawang subject namin. Kararating lang ni teacher at inaayos pa ang mga gamit nya.
"Psst. San ka galing? Bat wala ka kanina?" Nagulat ako sa biglang pagharap ni cute sakin. Yung kaharap kong upuan.
"Ahh, hehe oo trapik kasi" pagsisinungaling ko. Nagulat ako ng mapalingon si seatmate sa gawi namin. Nakakaloko ang tingin nya at para bang sinasabi nyang sinungaling ako. Tsk! Wala akong pake sa kanya! --__--
"Umiyak kaba? Bakit parang pugto ang mga mata mo?" Tanong ulit sakin ni cute na parang feeling close kami, de joke lang. Mabait kasi yata talaga sya. Para nga syang si dude. They are both kind.
Nagsimula nang magdakdak si teacher sa unahan. And as usual, hindi nanaman nakikinig ang ilan. Bilang nalang sa daliri ang mga nakikinig sa kanya.
Naisip ko bigla si dude. Kailangan nyang malaman na nasira si boomie. Kaagad kong nilabas ang phone ko at itetext kona sana sya ng bigla akong tawagin ni teacher.
Pshh... pag minamalas ka nga naman oh. Sa dami ng hindi nakikinig sa kanya ako pa ang nakita! --__--
"Answer this question and problem solving here now Ms. Villamore!" Mataray na sabi ni teacher. Halos sakin lahat ng atensyon ng buong klase. Nagbubulungan pa sila at handa nakong pagtawanan anytime.
"Hey Ms.Villamore! Come here and solve this problem! Pinag aralan na natin to kahapon ah! Nire-review ko lang kayo but it looks like you didn't get it already! hindi ka nakikinig! mukhang busy ka yata??!" Sigaw nya na halos mag echo ang boses nya sa buong klase. Halata naman ang pagkatakot ng iba sa kanya at nagsitahimik ang mga ito. Tumayo nako at naglakad sa blackboard. Kaya naman pala ganito nalang kamahal ang tuition dito. Talaga naman palang matututo ka ng maige. Kakaumpisa palang ng klase may recitation agad na nangyayare.
Wtf! -___-
Agad kong sinagutan ang mga questions na ginawa nya sa blackboard pati na din ang mga problem solving. Ang usapan namin ni dude ay hindi ko muna ibubulgar ang pagiging matalino ko at ganun din sya pero pag ganitong sitwasyon ay hindi ko kayang gawin yun. Sinagutan ko ng walang kahirap hirap ang pinagawa nya at ganun nalang ang gulat ni ma'am ng makita ang sagot ko.
"Okay very good. You may seatdown now" sabi nya sakin. Tameme ang mga nakahandang pagtawanan ako. Well sorry nalang sila. Hindi nila kilala ang pinagtatawanan nila ^___^
"Wow ang galing mo!" Sabi sakin ni cute pagupo ko.
"Thanks" sabi ko nalang. Tinignan ko si seatmate pero no reaction lang sya. Seryoso lang syang nakatingin sa harapan.
Sus! Pake ko sa kanya! Maririnig mo pa ang bulung bulungan ng iba.
Sus. Nerd na panget kasi!
Kahit anong gawin nya panget pa din sya!
She's so fucking ugly!
"Wag mo nalang silang pansinin. Mga epal yan at walang magawa sa mga buhay nila." Sabi ni cute girl sakin na ang tinutukoy nya ay ang mga bitch na babaeng nagbubulungan ng malakas.
"Yes. Thanks" sabi ko nalang sa kanya. Tumingin na kami sa harapan at nakinig na kay Ms. Terror. ^_^
-
Kriiiiiiiiiiiiiiing........!
Tunog ng bell na senyales ng lunch time na. Kanya kanya ng alis ang mga studyante na sabik sa breaktime. Kinuha kona ang bag ko at susunduin ko nalang si dude. Nakita kong nagring ang phone ni seatmate at agad nya naman itong sinagot.
"Hey! Sabay tayo lunch okay lang?" Nakangiting sabi sakin ni cute girl.
"H-ha? M-may kasabay kasi ako eh" Alanganing sagot ko. Nakakahiya kasi sa kanya baka isipin nyang ayaw ko syang kasabay.
"It's okay, sabay nalang ako sa inyo" makulit nyang sabi kaya nag nod nalang ako sa kanya. Sabay kaming naglakad habang papunta sa Agriculture Building.
Nagku-kwentuhan kami habang naglalakad. Mabait sya. Nakapalagayan kona agad sya ng loob. Masasabi kong genuine ang bawat smile nya, it's very true at walang halong ka plastikan. Nalaman kong bago lang din pala sya dito katulad namin at tulad din namin, marami na din pala syang napapansin na kakaiba sa school nato.
"By the way, kanina pa tayo nag uusap pero hindi mo pa siguro alam ang pangalan ko. Nalimutan mo noh?" Sabi nya sakin. Smiling face talaga sya.
"Ah--ahhm j-ona--"
"Joanna. Maimai nalang. Nickname ko yun" sabi nya sakin.
"Ah hehe joanna nga pala. Sorry ah. Hehe" kakamot kamot kong sabi sa kanya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Hehe okay lang. Sana friends na tayo ah? I find you very kind kasi" she said. Ngumiti nalang ako sa kanya.
"Wow. So may bago kana palang bff?" Nagulat ako sa Mataray na nagsalitang si dude habang naka cross arms pa ang loka at nakasandal sa isang puno.
"Asus. Selos ka naman agad. Kaklase ko si maymai. May, si dude, her name is lyca bff ko, dude, si maimay classmate ko" Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa..
"Hi! Nice meeting you!" Bati ni maymay kay dude.
"Nice meeting you too" Ganting sabi din ni dude. Akala ko nga magtataray pa ang loka.
"Pano? Tara na? Gutom nako eh." Reklamo ni dude.
"Tara."sabi ko at naglakad na kami papuntang cafeteria..
--
~ Cafeteria
Nagkakagulo ang mga students ngayon na akala mo ay importanteng mga pinaguusapan.
"Dun tayo!" Sabi ni maymay at mabilis na pumunta sa tatlong bakanteng upuan. Sumunod nalang din kami ni dude.
"Ako na ang pipila" sabi ko sakanila at lumakad nako papuntang cashier. Hindi naman kalayuan ang cashier area sa pinwestuhan namin. Kumuha nako ng tray tapos pumila nako. Nasa pangatlo ako ng biglang may mga sumulpot sa gilid at Dire diretso sa unahan.
Wow! As in wow. Halos lahat ay nakatingin lang sa dalawang babae. walang nagrereact..
"White carbonara nga." Sabi ng isang babae.
"Ganun na din ang samin ni genesis" sabi pa ng isang babaeng kasama nya. At ang matindi pa nito, ni hindi man lang umangal ang nasa unang pila pati na din ang cashier.
This is so annoying! Tsk. Hindi pwede yang ganyan!
"Ah, mga miss, may nauna ho sa inyo. Hindi pwedeng basta nalang kayo pumunta dyan sa harapan"
Mahinahon kong sabi sa kanila. Lumakas ang gasp sa paligid. Pero i dont care basta nasa tama ako.
"Excuse me? Kami ba ang kausap mo?" Mataray na sabi ni ng isang babae sakin.
"Ay hindi! Sila, sila ang kausap ko. Natural kayo. Kayo ang nandyan sa harapan eh alam nyo namang may pila. May nauna sa inyo kaya pumila naman sana kayo" Paliwanag ko. Nakakainis kasi. Taasan bako ng kilay habang naka cross arms pa. Tss..kala mo naman bagay. Eh mukha nga syang binabad sa harina.
"What? Ulitin mo nga ang sinabi mo--" "stop it." Putol ng isang babae kay mukhang harina. Humarap ito sakin. Maganda sya. Sophisticated and very gorgeous. Halatang mayaman and siguro kaya ganyan sila kumilos ay dahil isa sya sa campus crush dito. No wonder kung bakit halos lahat ng lalaki ay nakatingin sa kanya ngayon.
"Miss, bago ka lang ba dito?" Sabi nya sakin. Halata ang kakaibang tingin na ginagamit nya ngayon. Ewan ko pero parang bigla akong nagsisi na sinita ko sila. I dont know. Pero nandito na, ipaglalaban ko ang side ko. T__T
"Yes." I said to her starting directly into her eyes.
"So, kaya pala hindi mo ako kilala----"
"Dapat ba kitang kilalanin? I don't think so, nag aral ako sa school nato para matuto at hindi para kilalanin ang mga walang kwentang tao" putol ko sa sinasabi nya. Halata ang pagkagulat sa mukha nya. Nakikita ko na ang tunay nyang pagkatao sa loob ng ilang minuto palang. Hindi nya kayang magpigil ng emosyon. Sabi ko na nga ba. Sa una palang ayaw ko na sa kanya. Tumindi ang bulungan sa paligid. Rinig ko din ang pagtatalo ng dalawang kasama ko sa table namin kung pupuntahan ba nila ako oh hindi pero kilala ako ni dude. I can manage this at alam nya yun. ^_^
"Sinasabi mo bang wala akong kwenta?" Sabi nya at humakbang ng isang step.
"Hindi ako nagsabi nyan. sayo nanggaling yan..." I said to her dahilan para mapa smirk sya. An evil one.
Wala ng urungan to! Shunga ko kasi, usapan lalayo sa kapahamakan eh! Bulong ko sa utak ko.
"Hindi ako makapaniwala na isang ugly little bitch pa ang magsasalita nyan sa isang reyna ng mga bitch." Sabi nya. Eh di lumabas din! Super bitch nga sya. --_--
"I don't care who you are. Pumila ka ng maayos kung ayaw mong napagsasabihan ka." Sabi ko at akmang tatalikuran na sya ng hawakan nya ang wrist ko.
"Anong meron dito?" Isang nakakatakot na tinig. Cold, matigas ang pagkakabigkas at parang kahit sino ay matatahimik. Naramdaman ko ang pagbitaw ni super bitch sa braso ko.
Nilingon ko ang may ari ng tinig at pinagsisisihan kong tumitig ako sa kanya, sa mga mata nya. Nakakatakot ang kulay brown na pares nyang mata at tagos sa kaluluwa mo kung tumingin sya. Matangkad, maputi, matangos ang ilong at singkit na mga mata, idagdag pa ang kutis nyang parang babae. Halata din sa suot nyang fitted na white polo shirt ang malaki nyang katawan. Perfect guy nga kung tawagin.
Hindi maaari ito. Ayoko ng ganito. Hindi naman ako mapang describe ng lalaki ah?! Wth!
"Ice! Ahh it's nothing! Were just taking to each other. Right?" Pagsisinungaling ni super bitch sa lalaking---- wait! Kasama nya sina seatmate, at yung dalawang lalaki na kasama ni seatmate na feeling f4!
Omaygawd. Wait. Di kaya? Di kaya??? Sila yung???---- yung???? Yung sinasabi ni-- ni-- nerd na iiwasan???? Omg..
"Ahh yes." Pakikiayon ko kay super bitch na mabilis na umalis na sa harapan nila. Bahala sila dyan! Tuloy tuloy ako at nakita ko ng nasa may pintuan na pala ang dalawang kasama ko at kinakawayan ako. Ehmeyged.
"Tara sa Jollibee nalang tayo." Sabi ko sa kanila at mabilis kaming naglakad. Tila parang iisa ang utak namin at sa isang iglap ay nakalayo kami sa cafeteria..
~A/N:
Sino ang may ari ng paired brown eyes? At sino ang nakasagutan ng ating bida? Sino ang totoong may kasalanan ng walang awang pagsira kay boomie? Abangan ang mga maiinit na eksena guys! Marami pa kayong dapat abangan! Keep reading and voting if you like every chapters guys! Thankiee ??