CHAPTER 1: WEIRD UNIVERSITY
..Eight years later..
~ Stacy
"I'm Stacy Villamore. 18 year's old. New Student here, I live in korea but pure pilipina. Please to meet you all."
Ahahahaha!
Ang pangit!
Di ka bagay dito oy!
Panget mo! Umalis ka dito!
Like duh! She's so ugly and baduy!
Ewwwww!
Bawal ang nerd dito!
"Class keep quiet!" Sita ng teacher namin sa buong classroom. Kung ano anong sinisigaw nilang panlalait sakin dahil sa makapal at malaking salamin sa mata ko at ang makapal na braces na nakapag paumbok ng bibig ko.
Nagsitahimik lahat pero maririnig mo pa din ang mahinang bulungan nila habang mapanglait na nakatingin sakin.
"Okay seatdown villamore, next!" Sabi ni teacher kaya naupo nalang ako sa pinakadulong upuan. Yep right. Sa pinaka dulo. Dun ang trip ko dahil mas tahimik ang buhay ko pag nasa dulo ako.
Nakita kong tumayo ang lalaking katabi ko kanina sa upuan. Grabe parang ang weird nya pero mukha namang may dating sya.
"Englebert" walang gana nyang pakilala. Parang wala lang sabay upo ulit sa tabi ko. Pero ni wala kang maririnig na kahit na ano sa buong classroom kundi ang impit na pagkakilig ng mga babae.
"Okay next!" Sigaw ulit ni teacher at sumunod na ang isang cute na babae sa harapan ng upuan ko. "Hi. I'm Joana. Maymay for short. Please be nice to me" Nakangiti nyang sabi. Hiyawan naman ang mga boys.
Ang cute nya. Sexy din naman sya. Pero mukhang hindi sya super bitch katulad ng iba dito. Sya nga lang ang nagsmile sakin kanina.
Bago sya umupo ay nag smile sya ulit sakin. Mabait nga. Parang si dude lang. ^_^
Natuon ulit ang atensyon ko sa katabi ko. Hindi naman as in katabi ah. Isang dangkal kasi ng dalawang kamay ko ang pagitan ng bawat upuan dito.
Pasimple ko syang tinignan. Ang tahimik nya lang. Gwapo sya at mukhang mayaman talaga. Hindi na nakakapagtaka yun sa itsura palang nya.
"Staring is rude." Dinig kong sabi nya pero hindi sya sakin nakatingin. Deretso lang ang tingin nya sa harapan kaya napatingin din ako sa harapan ng di oras. I know na ako ang kausap nya kahit hindi sya sakin nakatingin.
Gwapo nga, masungit naman! >__<
Natapos na ang pakilala sa isa't isa kaya naman nagsimula na din ang klase at ang pagdakdak ni teacher sa harapan ng lahat. At hindi ko man tignan isa isa ang mga kaklase ko ay alam kong hindi lahat nakikinig.
Hay nako! Mga spoiled brat nga naman!
_____
~ Canteen
"Dude naman, ito ang gusto mo diba? Pwes tiisin mo nalang. Sa una lang yan. Kaya mo yan. Alam kong kaya mo. Alam mo namang pinahirapan tayo sa entrance exam dito kaya sana wag nating sayangin yun. Ito lang ang fit para satin at may maganda gandang feedback na university. Lahat hindi natin nagustuhan. Ang school nyo nalang ang natitirang choice natin kung aalis tayo dito kaso ayaw mo naman. Tiis lang dude. Hmm?" sabi ni dude habang kumakain kami ng lunch. Sinabi ko kasi sa kanya ang trato sakin ng ibang kaklase ko.
"Yun na nga eh. Kaya nga ako naiinis eh. Kaya nga ako naka disguise diba? It's my second reason. Ayoko ng atensyon" sabi ko habang ngumunguya ng carbonara. Diet kasi ako ngayon kaya hanggang pasta lang muna ako. ^_^
"K fine whatever. Ilang araw lang naman yan. Believe me titigil yang mga yan." Sabi nya sabay irap. Hay nako si dude yan eh. Walang pakealam sa mundo. --_--
Hindi ko nalang sya pinansin at kumain nalang ako ng tahimik. Pero napansin ko din na parang kanina pa pinagtitinginan ng ilan ang tatlong lalaking nakaupo sa di kalayuan. Ano kayang meron? Mukha namang ordinary lang sila. Psh.. --__--
Maya maya lang ay isa isang naghahawian at tumatabi ang ilang mga students na nakakalat sa loob ng canteen. Napatigil ako sa pagnguya at nakita kong ganun din ang ginawa ni dude. Nakaabang ang lahat lalo na kaming dalawa ni dude kung ano bang meron at parang may hari naman na dadaan sa ginagawa nila.
kyaaaaaaaah!!!
Ahhhhhhhhhh!!!
Ang hot nila!
Ang pogi nyo talaga!
Take my heart!
Kung ano ano pang sinisigaw ng mga babae habang dumadaan ang tatlong mga lalaki na akala mo ay feeling mga f4. Well i don't think so dahil tatlo lang sila.
"Who are they?" Bulong sakin ni dude. Nagkibit balikat lang ako sa kanya na ang ibig sabihin ay hindi ko alam sabay kain nalang ulit. Wala akong panahon sa mga ganyang kalokohan.
Nakatingin lang si dude sa tatlong lalaking nakatayo habang nakatingin sa tatlong lalaking nakaupo habang nag lalunch.
"Kumain kana at pupunta tayo sa library mamaya" sabi ko kay dude. Ang loka kasi dun pa din yata nakatingin sa mga pinagkakaguluhan na akala mo mga sikat. Inirapan lang ako ng loka at kumain na ulit sya.
"Alis." Napatigil kami sa pagsubo ng marinig namin ang mayabang na pagsasalita ng isa sa tatlong lalaki. Napatingin kami ng di oras at nakita naming kinwelyuhan na ng isa ang isang lalaking nakaupo. Takot na takot ito at halatang di malaman ang gagawin.
"Hindi nyo ba alam kung kaninong pwesto ang inuupuan nyo?" Sabi naman ng isang lalaki na singkit din at--- si..... seatmate ko yun ah??! Sya yung weird na lalaking napakatahimik at hindi nakikipag usap kahit kanino!
P-pero, anong meron???
"Hoy! Tayo kayo dyan! Pag aari nila ang upuan na yan!" Sigaw ng isang studyante sa mga lalaking nakaupo.
"Sa kanila to? Eh nauna kami dito eh! Inaano ba namin kayo? Andaming upuan oh!" Matapang na sabi ng isang lalaking nakaupo. Tumayo pa ito at napa gasp ang ilan. Makikita mo ang galit sa mukha ng isang lalaki samantalang no reaction lang ang dalawa.
"Lagot kayo! Magtago na kayo!" Sigaw ng lalaking nagsalita kanina.
"Bitawan mo nga ako" sabi ng isang lalaking kinwelyuhan.
"Tara na nga! Nakakasira ng araw ang tatlong yan!" Yung pangatlong lalaki naman. Tapos ay umalis nalang sila at binangga pa ng isang lalaki si seatmate.
Halos lahat ay sa kanila nakatingin. Tahimik ang lahat. Walang nagsasalita. Maging ang tatlong lalaking nakatayo ay tahimik din.
"Lets go. Hindi nako nagugutom" rinig naming sabi ng isa at umalis na din sila. Tulad kanina ay binibigyan nila ng daan ang tatlong lalaking yun. Sino ba sila? At anong meron bakit parang ang daming natatakot sa kanila? Oo astig sila. Gwapo din naman at halatang mayaman talaga. Pero halos lahat naman ay mayaman dito sa school na to ah.
"Dude, it's weird right?" Bulong sakin ni lyca.
"Ang weird talaga" sabi ko nalang. Inubos ko nalang ang pagkain po para makaalis na kami.
Habang naglalakad kami palabas ng canteen ay huminto si dude. Napahinto din ako at nagulat ako ng harangin nya ang isang nerd din katulad ko.
"Miss, matagal kana ba dito nag aaral?" Tanong nya. Nagulat ang babae pero napatango din ito.
"Anong meron dito? At sino ang kinatatakutan nilang tatlong lalaki dito???"
"H-ha? Bago lang ba kayo dito?? Hindi nyo ba alam na delikado ang school na pinasukan nyo? Kung hindi pa kayo handa ay umalis na kayo habang maaga pa." Mahabang sabi nya samin na ikinagulat namin ni dude pero hindi kami natakot.
"I don't fucking care. Hindi yun ang tanong ko. Kung gusto mong makalampas sa daan nato, sumagot ka ng maayos." Takot sa kanya ni dude. Halata namang nasindak ang nerd.
"H-hindi sila tatlo! Apat sila! At hindi lang sila kinatatakutan. Hindi nyo sila pwedeng banggain dahil sa ayaw at sa gusto nyo, kusa nalang kayo aalis sa school na to. Hindi nyo magugustuhan ang parusa ng apat na yun. Lalo na yung leader nila. Walang sinasanto yun!" Sabi nya at mabilis na umalis sa harapan namin.
What the heck??
"Hahaha ano daw? Pshh. Natakot ako dun ah" Sarcastic na sabi ni dude habang natatawa pa. Ako naman ay parang biglang napaisip. Hindi ako natatakot pero parang kinakabahan ako sa sinabi ng nerd na yun!
"Nako let's go dude! Library tayo!" Sabi nya at hinatak nako ng loka.
____
Naglalakad na kami papuntang parking lot dahil uwian na. Maagang natapos ang unang klase namin. Wala pa naman masyadong naging lecture ngayong araw. And as usual, pinagtatawanan at nilalait nila ang itsura ko.
Well wala na kong magagawa pa. Hayaan nalang. Ganyan talaga. Kailangan kong magtiis.
"Dude, una kana muna sa kotse. Susunod ako. Tawag ng kalikasan dude." Sabi sakin ng loka sabay wink pa.
"Yeah" i just nod at her nalang at naglakad na.
Nakakailang steps palang ako ng may marining akong mga boses. Hinanap ko kung nasaan ang mga boses na yun. alam kong malapit lang yun sa kinaroroonan ko.
Tama na po! Tama na!
Aalis na po kami! Hindi na kami magpapakita kahit kelan!
Please lang po! Tama na!
Lalo akong kinilabutan sa mga boses na sumisigaw habang nagmamakaawa. Ohmygawd. What's that.
Naglakad pako ng naglakad hanggang sa marating ko ang pinaka likod ng parking lot. May mga puno at magubat na sa bandang part nato. Gusto ko na sanang umatras pa pero mukhang napako na ang dalawang paa ko ng makita ko ang tatlong lalaking nakaluhod at duguan na habang nagmamakaawa sa mga lalaking nakaitim at nakapalibot sa kanila.
Ano??? Kilala nyo na ngayon ang binangga nyo??
Ni anino nyo hindi na dapat namin makita pa dito sa school na to kung hindi, mamamatay kayo!
Maliwanag???!!
Kasabay ng pagsasalita ng huli ay syang pagsipa ng isang lalaking nakaitim sa isang lalaking duguan at basag basag na ang mukha.
Napatakip ako sa bibig ko habang nanlalaki ang mga mata ko. Nanghihinang napakapit ako sa punong pinagtataguan ko. Nanginginig ang tuhod ko. Ano to? Bakit nakita ko pa ito???
Tama na yan!
Mula sa di kalayuan ay dumating ang isang lalaki..... si-- si seatmate??? P-pero bakit???
Nakita kong nag bow ang limang nakaitim na lalaki sa kanya. Maging ang mga lalaking duguan ay nagulat ng makita sya.
Patawarin nyo na po kami!
Hindi na po mauulit!
Parang awa mona!
Fine. Get lost. Cold na sabi nya at tumalikod na. Isa isang umalis na ang mga nakaitim na lalaki kanina. Naiwang nakahandusay ang tatlong kawawang lalaki sa lupa.
Sa sobrang hindi ko na kaya ay mabilis akong tumakbo ngunit may humila sakin.
"Shhhhh" its dude.
Tumakbo kami hanggang parking lot at dun, hingal hingal kami pagpasok ng kotse.
"W-what s that???" Kinakabahang sabi ko habang nakahawak ako sa bandang puso ko.
"I don't know. Let's go" sabi nya at agad na pinaharurot ang sasakyan namin.
_______
Condo...
"Kinakabahan ako dude. Hanap kana ibang school!" Pagsasalita ko habang kumakain ng dinner. Si dude naman kasi ay busy sa laptop nya. Inaalam nya kung anong meron sa school na yun at bakit parang nakakatakot at ang weird lang ng mga tao dun.
"Shut up. Naka limang school na tayo." Pagmamaldita nya. Pshhh. Parang kanina naman ay natakot din sya.
--____--
Nakwento nya sakin na narinig nya pala ang ingay na yun bago ko marinig kaya nagkunwari syang ccr pero dun din pala sya nagpunta. Kita nya daw lahat ng ginawa dun sa tatlong lalaki.
"Oo nalang dude." Sabi ko sabay irap sa kanya.
"Halika dali! Tignan mo to!" Sigaw nya. Mabilis naman ako tumakbo papunta sa kanya.
"Ano???" Sabi ko habang nakatingin sa screen ng laptop nya.
"This is crazy. One of them is the owner of Edmonds University!" Sigaw ni dude.
"Kaya naman pala! Mayabang sya porket may ari sya! Pshh" nagagalit kong sabi. Nakakainis kasing malaman na nananakit sila ng kapwa nila dahil lang mas nakaka angat sila!
"Basta simula ngayon, maging maingat tayo. Hindi naman siguro sila mananakit ng babae diba?. Basta iiwas at lalayo lang tayo sa kanila." Sabi ni dude sakin. Pero ako? Pano ako lalayo kung seatmate ko pa ang isa sa kanila??? Oh gosh. Parang gusto ko nalang bumalik ng korea. T__T
_______
Umaga na. Nag aayos nako ng sarili ko. Tinali ko ang hanggang bewang kong buhok. Sinuot kona ang makapal at malaki kong salamin. And then next, ang nakakairitang braces na sinusuot ko everyday. Civilian outfit lang sa EU kaya simpleng damit pang nerd lang ang suot ko.
Yep right. I'm nerd. Pero hindi ko naman siguro masasabing isa nga ako sa kanila. Physical oo pero deep in my heart hindi noh. Yes i'm smart and genius but not totally a nerd. I have so many reasons why kung bakit kailangan kong mag disguise. Isa sa mga dahilan ay may mga taong gustong pumatay sakin. Sino? Hindi ko alam. Bakit? I don't fucking know either.
--__-'
I'm stacy Villamore, anak ng isa sa mga makapangyarihang tao sa Pilipinas at ilan pang bansa. Yes. I'm rich. Nathan Villamore is my father and my mother is Stephie Dela Cruz/ Villamore. And i have two handsome brothers. Bakit hindi ko sila kasama ngayon? Well, eight years na kaming nakatira sa korea ng iwan ko sila at magdesisyon na bumalik dito sa pilipinas months ago.
Ayaw nilang pumayag lahat pero dahil kagustuhan ko ito at nasa tamang edad naman nako ay nagpumilit ako. Hindi ako umuuwi sa mansyon namin dito sa pilipinas. May mga katiwala sina mommy at daddy sa mansyon at may mga nag aasikaso naman ng company namin dito.
Eight years ago, nang mapag desisyunan nang family ko at ng mga friends nila kasama na dun ang parents ni dude na sa korea na kaming lahat mag iistay. Ilang beses pinagtangkaan ang buhay ko dito sa pilipinas ng hindi ko kilala. Hindi ko din alam ang reason kung bakit nila ako gustong patayin.
Marami kaming nag migrate dun at dun na din kami lumaki. Dun na din kami nag aral ni dude..
Pareho kami ni dude ng gusto na bumalik dito sa pilipinas kaya pareho kaming nandito ngayon..
Monthly ang allowance namin na natatanggap every month. Hinuhulog nila mommy at tita felly (mommy ni dude) ang pera sa kanya kanya naming account.
One month palang naman kami dito. Ilang school na din ang napasukan namin pero very wrong at hindi namin type ang mga yun kaya naman sa Edmonds University kami bumagsak. Ayun nga lang, mga weirdo pala ang mga student's dun. -__-
Ayaw ko naman sa school namin sa VU na pag aari ng parents ko. Ayoko ng Special treatment. Remember ayoko ng atensyon!.
-
At ang isa sa dahilan kung bakit gusto kong bumalik dito sa pilipinas ay may isang tao akong gustong makita ulit. May gusto lang akong sabihin sa kanya na nakalimutan kong sabihin eight years ago ng iligtas nya ang buhay ko mula sa kamay ng mga taong gusto akong patayin.
Makita ko pa kaya sya? At san ko sya makikita? Ano ng itsura nya?
❤❤❤
~ Author's note:
Please keep reading and voting! Thank you guys! Hope you like this chapter! ?