PROLOGUE
10 year's old Stacy..
(Third Person's Pov)
"Dude!, let's go there!" Aya ni lyca sa bestfriend nyang si stacy.
"Oo na! Wait lang naman!" Maktol ni stacy na pagod na sa paglalakad kanina pa. May program kasi ngayon sa VU (villamore university) na pag aari mismo nila stacy, ng daddy nya.
Kanina pa sila naglalakad dahil hinahanap nila si shaira ang isa pa nilang bestfriend pero hindi nila ito mahanap.
First year high school na sila ngayon na dapat ay nasa elementarya palang pero dahil pare pareho silang matatalino ay nilundag nalang sila ng first year sa high school. Humiling si stacy ng no special treatment sa school nila sa tulong ng kanyang ina at ama na sina nathan at stephie. Ayaw nyang mabait ang kahit sino sa kanya porket anak sya ng may ari ng school. Gusto nya ay maging isang normal lang syang mag aaral katulad ng iba.
"Look! I'm tired! Let's go home na! We can't even find her!" Reklamo ni stacy na pagod na kakalakad. Napairap naman si lyca kaya huminto nalang muna sila sa isang bench at naupo.
"Arte mo!" Singhal ni lyca sa kaibigan.
"Oy! Hindi ah! Pagod lang talaga ako noh!" Ganting singhal naman ni stacy sa bestfriend nya. Namana nilang tatlo ang pagiging close din sa isa't isa katulad ng mga mommies nila. ^____^
"Dude, you know what? I'm thinking of going to Korea." Si lyca na biglang nanahimik dahil may bigla syang naisip. Napatingin tuloy ng di oras si stacy sa kanya.
"Dude are you fucking serious???!!!" Madiin at galit na tanong ni stacy.
Parang natakot naman bigla si lyca kaya biglang bawi ito. "W-what did i say? Wala akong sinabi ah." Maang maangan na sabi nito sa kanya. Inirapan lang sya ni stacy at tumingin nalang sa ibang direksyon.
"Don't try, or even plan to think that or else, i will cut your fucking throat." Seryosong sabi ni stacy na nakapagpatindig ng balahibo ni lyca. Ayaw na ayaw kasi nitong sinasabi ng kaibigan na gusto nya duong pumasok ng school. Ayaw nya kasing magkahiwalay sila nito kaya ganun nalang sya kaalergy sa ganung salita ng isa.
"I'm sorry. I promise, i will never mention that again. Iloveyou dude. Peace na tayo!" Nakangiting sabi nito kay stacy. Ngumiti din naman si stacy pabalik at sinabing "I hate you too dude" stacy said smirking.
Maya maya lang ay nagtatawanan na silang mag bestfriend. Habang natawa si stacy ay biglang nakuha ng atensyon nya ang isang lalaking kasing edad din nila na palapit sa kanila.
"Hi girls! Wheres the clinic?" Nakangiting tanong nito sa kanilang dalawa habang duguan na ang ilalim ng labi nito. Napatulala ang dalawa lalo na si stacy.
Walang sumasagot. Nakatingin lang sila sa lalaking napaka gwapo na animo'y nakakita sila ng isang anghel na bumaba galing sa langit. Maputi ito, singkit ang mga magagandang kulay asul na mata nito, matangkad at halatang mayaman. Base sa pagsasalita nito ay halata ding mabait naman.
"Ahhh ehem." Tikhim ng lalaki upang makuha ulit nila ang atensyon nilang dalawa.
"A-ahhhh hehhee d-duon po! Liko ka tapos kanan lang. Makikita mo na agad ang clinic!" Si lyca na natauhan na yata ang naunang sumagot.
"Ahh okay thanks" anito at ngumiti ng pagkatamis tamis dahilan para lumitaw ang malalalim nitong dimples. Lalo silang nasilaw sa kagwapuhan ng lalaking bago lamang sa kanilang paningin. Tameme nanaman.
Silence...
Silence...
"Ehem. Wala na sya uy! Love at first sight te?!" Sarcastic na tanong ni lyca at kunwari ay umubo ubo pa ito para makuha ang atensyon ni stacy na ngayon ay habol tingin pa din dun sa lalaki kahit na maliit na ito sa paningin nila.
"Sino kaya sya?" Tanong ni stacy sa kawalan na parang hindi man lang pinansin ang sinabi ni lyca.
"Aba malay ko te! Nako iba na yan. Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo? Andami dito nyan stacy oy! Wag yun! Nakita mo naman diba? Basag ulo yata ang lalaking yun para pumutok ang labi nya ng ganun!" Maingay na sabi ni lyca para madismaya si stacy pero wa epek.
"Ohhhh... teka! Teka! Anong ngiti yan ha????! Oy! Stacy ha! Iba yan! Hindi yun taga rito! Kita mo nga hindi natin namumukhaan eh!" Ang makulit na si lyca ulit. ^___^
"Shhh! Ang ingay mo naman eh! Panira ka talaga ng moment noh??? Pshh..." sabi ni stacy sabay irap sa kaibigan.
"Pshh ka rin! Parang pinagsasabihan lang eh! Tara na nga!" Si lyca sabay hila na ulit kay stacy at nagsimula na nilang hanapin ulit si shaira.
____
"Kuya adrian wait nalang kita dito ha?" Sabi ni stacy kay adrian ang isa sa pinagkakatiwalaan ng daddy nya. Pinakuha nya kasi ang bag nya dahil nakalimutan nya ito sa classroom nila kanina dahil sa kalilibot nila ni lyca.
"Okay dyan ka lang ah. Pasok kana sa kotse." Sabi ni adrian at umalis na. Pero hindi pa din pumasok si stacy sa kotse dahil biglang nag ring ang phone nya.
Shaira's Calling........
"Oh! Kanina ka pa namin hinahanap ah! Nasan kaba?! Nakauwi na si lyca eh! Nauna na sya sakin! Nasa parking lot ako ah. Wait kita." Sabi nya kay shaira sa kabilang linya.
"Okay sige. May nangyari lang sandali, papunta nako dyan" si shaira.
"Okay. I'll hang-up na." Sabi nya at tinapos na ang tawag, ngunit ng napalingon sya sa gilid nya ay isang humaharurot na puting kotse ang halatang babanggain na sya sa oras nato. Natulala sya at hindi nya na alam ang gagawin. Napapikit nalang sya ng madiin dahil konti nalang ay sasalpok na ito sa katawan nya.
Blaaaagggg!
~ Stacy's Pov
Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at akala ko talaga ay patay nako at nasa langit na dahil nakakakita nanaman ako ng isang anghel.
"A-aray..." daing nya kaya nalaman kong hindi pa pala. Kahit ako ay ramdam ko ang pagsakit ng likod ko. Pero alam kong sya ang higit na mas nasaktan dahil sya ang nasa ilalim ko. Iniligtas nya ako. Iniligtas nya ang buhay ko. Isang dipa nalang ay hagip na hagip nako ng kotse na yun pero dahil dumating ang Light and shining armor ko ay buhay pako. I'm fucking still alive.!
Bang!! Bang!!! Bang!!!
Tatlong putok ng baril at mabilis na harurot ng puting kotse ang narinig ko. Mabilis nya akong inilag sa putok ng baril at itinago nya ako sa likod nya. Nagtago kami sa likod ng isang sasakyan at sumensyas sya ng parang wag maingay. Sinunod ko sya.
Pawis na pawis nako habang hawak hawak ko ng isang kamay ko ang laylayan ng damit nya at hawak naman nya ang isang kamay ko. Hindi ko alam ang mga nangyayari pero isa lang ang alam ko. Dalawang beses nakong muntik mamatay pero dalawang beses din akong nailigtas ng isang taong hindi ko naman kilala.
"Your safe now. Be careful. They want to kill you. It's better kung uuwi kana sa inyo." Rinig kong sabi nya sabay bitaw sa kamay ko.
Bigla akong natakot sa sinabi nya. Maya maya lang ay naririnig ko na ang pagkakagulo sa parking lot. Pag silip ko ay nandun na sila kuya adrian at ang ibang body guards ko pati na din sila shaira.
Ngunit isang pagkakamali ang paglingon ko sakanila dahil pagtingin ko sa gilid ko ay wala na sya..
Sa isang iglap ay naglaho sya. Bakit ganun??? Anong nangyari? Nasaan na sya??? Sino sya???? At bakit ako muntikan ng mamatay???? Bakit nila akong gustong patayin??????
~ Author's note
Sino ang gustong pumatay sa ating bida? At sino ang nagligtas sa kanya?
Abangan...