Library
English
Chapters
Settings

CHAPTER 6: COURTING?

~ Stacy

"Sa inyo pala ang Red Velvet?!" Di ako makapaniwala eh. Sya ang nag iisang anak ng may ari nito? Waaa.. tapos magkapit bahay lang kami?!

0____0

"Yes. But don't worry, your secret is safe with me" sabi nya pa. Napapikit ako ng di oras. Peste naman.. --_'-

"Dito na tayo" sabi nya at mabilis na bumaba ng kotse nya at.... at.... OMG hindi nga??? Pinagbuksan nya ako ng pintuan??? Really??? Sa itsura kong to?

The fuck...

"Tara na" sabi nya dahil natigilan ako. I can’t speak dahil nakakapanibago sya. Parang kakaiba ang aura nya ngayon tapos ang nakakainis, ngiti lang sya ng ngiti sakin.

"A-ahh hehe thanks" sabi ko nalang. Pagbaba ko nagulat nalang kami parehas ng may mga tao pala sa harapan namin.

"Zup bro. It's true. Your dating an ugly nerd" sabi ng isang napakayabang na lalaki. Wow lang ha. Nasa harapan kaya nila ako!

Psshh..

"Tsk. Nasan ang kotse mo?" Tanong nya dun sa lalaking mayabang na kulay brown ang mga mata.

"Iniba ang usapan pare. Hahaha iba na pala ang taste mo ngayon?" Sabi ng isang lalaki na kasama nila. Hindi ko sya kilala. Tumawa ang isa pa na namukhaan ko, yung seatmate ni maimai.

"Wag kayong ganyan. Nandito ang taong pinag uusapan nyo. Respeto mga pare" halatang nagulat sila. Mas lalo naman ako. Tama ba ang rinig ko? Pinagtanggol nya ko?

E----eh d-diba mga kaibigan nya yan?

"Wow. Did i just hear you taking her side??" Di makapaniwalang tanong naman ni yabang.

Pssh! what a jerk!.

Natawa nanaman yung dalawang kasama nya. Seryoso lang na nakatingin si seatmate sa kanila.

"Besty!" Napalingon kaming lahat sa malanding boses na nagsalita sabay yakap kay seatmate pero mabilis lang naman tapos ay lumingon na sya kay yabang.

"Hi Babe, good morning" sabi nya dito habang nakangiti ng sobrang tamis. Napalingon naman ako kay seatmate bigla. Iba ang tingin nya at bigla kong nakita ang malungkot nyang mga mata in just a seconds. Kakaiba. There's something between them.

But i dont care!

"Ayos, may reunion sa parking lot" ngising sabi ng isang lalaki na hindi ko kilala.

"Tss" sabi lang ni yabang tapos ay tumalikod na at naglakad na para bang wala lang habang nakapamulsa.

Pshhh..what a jerk.!

"Pasok nako pare" sabi ng isang lalaki at sumunod na din kay yabang.

"Sige pare, aral ka maige ha?" Pang aasar naman ng seatmate ni maimai. Tinaasan lang sya ng middle finger ng lalaki.

"Tsk. Nakakainis naman bakit ba galit pa din sya??" Pagmamaktol naman ni lande sabay iritang umalis na.

"Tara na pare. Pasok na tayo" sabi ng seatmate ni maimai. Ito mukhang mabait din to katulad ni seatmate dahil nginitian nya ko.

"Lets go" sabi ni seatmate pero natigilan ako. May ilang studyante na din kasing nakatingin banda samin kaya bigla akong... pakiramdam ko namumula ako ngayon.

"Bakit? May problema ba? Let's go" parang wala lang na sabi nya. Yung seatmate naman ni maimai ay napapa smirk na sa kanya. Ano ba kasing problema nya??

"A-ahhh a-ano k-kasi y-yung a-ano k----"

"Ow, sorry. I'm sorry" he said and raise his two hands in the air... Hinawakan nya kasi bigla ang kamay ko kanina na parang holding hands. Grabe ano ba to feeling ko ang pula pula ko ngayon.

Para namang nahiya sya bigla at ngumiti nalang sya sakin tapos nagpauna na sya.. Nasa likuran nila ako habang naglalakad kami papuntang room namin. Nag titingnan ang mga tao samin. Ayoko ng ganito. Sinabi ng ayoko ng atensyon eh. --_-

Alam ko naman ang dahilan, kasabay ko ang mga campus heartrob ngayon kaya sila ganyan.

Tsk. >_<

Pagpasok palang namin sa room nagtinginan na sila agad.

"Friend!" Tawag sakin ni maimai pag upo ko. Tinaas ko lang ang dalawang kilay ko at ngumiti na para bang inaantay ko ang sasabihin nya.

"Uhmmm ikaw ah" sabi nya na may kasamang kilig at pang aasar. Psshh nu problema ng babaeng to? --_--

"Ha?" Sabi ko pero nakangiti pa din sya at nginuso pa ang seryosong si seatmate habang kinakalikot ang phone nya. Maaga pa kasi kaya wala pa kaming ginagawa at wala pa si teacher. Napatingin nga din ako sa ibang upuuan. Parang andami pa ngang wala pa hanggang ngayon.

"Ano ba?" Pabulong kong sabi na may kahalong pagbibiro at pag irap sa kanya.

"Ikaw ah, your dating one of campus heartrob" she said sabay wink pa. Pshhh..

She's teasing me and promise I'm blushing right now like what the eff... bigla kong naalala ang paghawak ni seatmate sa kamay ko kanina. Fuck. Ayoko ng ganito.

"Why are you blushing?" Nagulat ako sa biglang nagsalita..

"Huh? I'm not!"

"You are"

"I said I'm not"

"Is it because of me?" Oh tamo yan. Galing din eh noh, nakisali pa sya at ngayon kami na ang pinagtitinginan ng iba. Ito naman si maimai pigil na pigil pa ang pagtawa.

Pshhh..

"Stop it bro. It's annoying. Don't play with her. Ang daming iba dyan" sabi naman ng isang halimaw na akala mo kung sinong gwapo! Monster na mayabang pa! Kaya pala biglang nagsitahimik nandyan na pala ang

Bwiset! >___<

Seatmate raise his middle finger at him.

Yan buti nga!

Pero ang loko nag smirk lang.

Napakayabang talaga nakakainis ang pagmumukha nya!

Maya maya lang ay nandyan na si teacher at sa wakas, magsisimula na din ang klase. As usual ganun pa din yung iba, hindi nakikinig kay maam, yung iba naman busy sa mga kanya kanya nilang gadgets at yung iba, kasama na kami ni maimai ay nakikinig kay teacher sa harapan habang nag dadakdak sya. At yung iba naman wala pa hanggang ngayon, tapos yung iba, tahimik na akala mo may hinihintay...

--_--

Maya maya ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko na may tumawag kay seatmate.

[Where are you?! Di ka papasok?] Tanong nya sa kausap at maya maya lang ay napatayo na sya at..

[fuck! Nasan ka ngayo--"] hindi na nya na ituloy ang sasabihin ng agawin ni yabang ang cellphone sa kanya.

[Where the hell are you.?] Isang napaka cold at matigas na boses na may halong matinding pag aalala ang narinig namin sa buong classroom. Halos nakatingin sa kanilang dalawa ang lahat. Halata ang worried face sa mukha nilang dalawa at wala pang isang segundo ay mabilis na nawala si jerk sa classroom.

_

Lunch time na. Hindi na bumalik si jerk sa klase at buong oras na walang kibo at tahimik si seatmate. Nakakapanibago tuloy sya. Parang bigla syang bumalik sa dati nung first day palang.

"Oy nu prob?" Nagulat ako. May mga kasama nga pala akong mga baliw ngayon. Si maimai at dude na kakarating lang galing kay boomie. Magkasundong magkasundo na silang pareho dahil ayun nga, pareho silang baliw.

^__^

"Wala, naiihi lang ako" sabi ko sabay irap sa kanila. Nakakainis kasi kanina pa sila ngisi ng ngisi sakin dahil inaasar nila ako.

Pshh kaloka.

"Oh! Eh di umihi kana! Problema ba yun dude??"

"Oo nga naman friend! Pag naramdaman mo na yang ganyan wag mo ng pigilan dahil sige ka! Baka mamaya masaktan kapa!"

"Ha pano sya masasaktan??"

"Syempre pag nagkasakit sya sa bato, masakit yun! Pag naoperahan! Tsk! Tsk! Nasa huli lagi ang pagsisisi"

"Wow hugot yun ah! Hahahaha"

"Oo nga hehehehe ahahaha"

"Ewan ko sa inyo!" Sigaw ko sakanila sabay tayo. Pupunta muna ako sa cr. Iniwan ko yung dalawang baliw dun na tawa ng tawa.

Wow lang ha! Sobra na! sila nalang mag bestfriend! Che!!!

_

"Ay miss bawal pa po! Under renovation pa po dyan. Sa labas nalang muna po siguro kayo" sita sakin ng isang janitor. Wow naman. Isang sikat at pang sosyal na school hindi kayang madaliin ang pag renovate ng cr ng cafeteria eh alam naman nilang yun ang pinaka importante. Tsk walang wala sila sa VU. (Villamore University)

"Ok" sabi ko nalang kasabay ng isang plastik na ngiti kay kuya. Kung kelan kasi naiihi nako eh. -__-

ASAR!!!

_

Naglalakad ako papuntang cr ng mapatigil ako. Nakita ko kasi sa gilid ng mga mata ko na may isang taong nakatayo malapit sa may bandang garden. Luminga linga ako sa paligid at nakita kong walang masyadong nagkalat na student sa may banda dun. Lumapit ako ng konti sa isang magandang puno malapit sa kanya at dun nakita ko ang isang napakalungkot na pares ng mga mata ng isang tao.

Hindi sinasadyang sinundan ko ang tingin nya at dun nakita ko ang dalawang taong yun habang magkalapat ang kanilang mga labi. Mapusok.

Hindi nako nagtataka sa nakita ko. Una palang alam ko ng may something sa kanila. Pero ang nakakapagtaka, bakit ganun? Bakit malungkot sya? Bakit parang hindi nya gusto ang nakikita nya? Sa isang iglap, parang bigla akong naawa sa kanya na hindi ko malaman.

I hate this feeling... :(

_

~Englebert

Nung tumawag si shirley na umiiyak, nataranta ako bigla. Hindi ko mapigilang hindi mag alala sa kanya though alam kong may mas nag aalala sa kanya. I dont understand myself. Ayoko ng magselos. Ayoko ng maramdaman to sa kanila lalo na sa bestfriend ko dahil ako mismo, ako mismo ang nagpaubaya kay shirley sa kanya. This is sucks.

Akala ko okay na. Akala ko hindi nako ulit masasaktan ng ganito. Akala ko naka move on nako. Pero eto ako, parang gagong nakatayo habang nanonood sa dalawang bestfriend ko.

Dapat wala nako dito. Dapat hindi nako nanonood ngayon. May gusto nakong iba kaya dapat puso nya ang iniintindi kong makuha. Tumalikod nako paalis pero parang binigay nga talaga sya sakin ng tadhana at panahon para makita ko sya kaagad sa mga ganitong sitwasyon. Likod palang alam kong sya yun.

"Stacy!" Habol ko sa kanya. Parang biglang naging slow motion ang paligid ng lumingon sya sakin.

Ngumiti sya at kumaway na nakapagpagaan ng loob ko. Sa isang iglap lang ay nawala ang bigat sa dibdib ko.

"Uy! Nag lunch kana?" Tanong nya sakin habang nakangiti. Hindi nagiging sagabal ang malaking salamin at braces nya para hindi ko makita ang tunay na kagandahan nya. Tagos sa nakaharang nyang salamin ang napaka ganda nyang mga mata. Hindi lang nakikita ng iba, pero kahit na sino sa kanila ay walang makakapantay kapag wala na ang salamin sa mga mata nya.

"Uy!" Sabi nya. Hinawakan ko ang pisngi nya. Syempre nagulat sya kaya natuwa nanaman ako sa itsura nya. Namumula sya na parang kamatis. ^__^

"Sasamahan moko mag lunch?" Tanong ko sa kanya pero nag isip muna sya bago sumagot.

"Uhmm sige na nga." Ngumiti ako at hinawakan ko ang kamay nya.

"Kung iniisip mo na marami ang titingin satin sige hindi tayo kakain sa cafeteria, sa labas nalang okay? Pero sakin okay lang kahit saan." Sabi ko nalang kasi alam kong nag aalala sya sa bagay na yun. Pero ako okay lang na pagusapan nila kami para mas maganda ^__^

Namula na naman sya. Alam na this. Gwapo ako kaya hindi malabong kiligin sya sakin.

"A-ah s-sige ba" sagot nya na ikinatuwa ko.

"Okay let's go?" i asked her.

"Sige"-stacy

I held her hand and smile at her. Mas nauuna ako sa kanyang lumakad kaya hindi ko makita ang reaksyon nya. Pagdating namin sa hallway ay may mangilan ngilan ng nakakalat sa daan kaya napapatingin samin.

But i dont care. Hindi nila alam kung gaano kaganda ang hawak hawak kong babae ngayon kaya wala akong pakealam sa iniisip nila. Lumingon ako sa kanya at dun, nakita kong namumula na naman sya.

Ngumiti lang ako sa kanya na parang sinasabi kong okay lang.

Everythings fine. They fucking don't care!

_____

~ Stacy

Nakasakay na kami sa kotse nya. Grabe ang kaba ko kanina palang ng naglalakad kami. Iba to. Ano bang nangyayari sakin? Bakit parang ang lakas ng tibok ng puso ko?

Pakshit.

Hanggang sa makalabas ng gate ang kotse nya ay pinagtitinginan pa din kami. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat, isang heartrob kasama ang isang nerd.

The fuck diba?

-------

~ KFC

"Wow, so ito pala ang favorite mong kainan? Bakit dito sa dami ng restaurants" sabi nya habang nakatingin sa pagkain. Dito ko kasi sya tinuro nung tinanong nya ko eh biglang gusto ko ng kitkat crusher kaya ayun! ^___^

"Wala lang. Nandito kasi ang pinaka favorite ko sa lahat. Ang crusher nila dito." Sabi ko at humigop na ng crusher.

"Hmm i see" tumango tango lang sya at humigop din ng crusher pero rocky road naman flavor ng sa kanya. ^__^

Pareho kami ng inorder dahil ako ang una nyang tinanong kanina tapos gumaya lang sya. Pshhh gaya gaya --___-

"Can i ask you??" Seryoso nyang tanong sakin habang kumakain sya ng chizza. Syempre tumango nalang ako. Busy kasi ako sa pagkain kaya wala akong time na magsalita.

"What about that glasses? And that braces." He asked out of nowhere. Napatigil ako sa pagsubo. Kailangan nya pa ba magtanong?

"Di ba pwedeng secret nalang?" Sabi ko tapos kumain nalang ako ulit. Kasi naman buhay ko ang nakasalalay dito noh.

"Ikaw bahala. Pero dont worry, hindi ako madaldal na tao, lalo na sa ibang tao" sabi nya habang nakangiti at kumain na ulit. Napatingin ako sa kanya at humanga ako ng husto.

"I don't like suitor and i dont want attention" hindi ko alam kung bakit nasagot ko sa kanya ang dalawa sa mga dahilan ko kung bakit nerd in disguise ako ngayon.

Pero hindi ko rin alam kung bakit bigla syang naubo na parang nabulunan.

Cough! Cough!

"Oh! Okay ka lang? Dahan dahan lang kasi" sabi ko sa kanya habang chinecheck ko ang mukha nyang namumula na ngayon. Psshh.. hindi ko alam na matakaw din pala tong si seatmate. ^_____^

"W-what did you say?? Bawal ang suitor????" Nanlalaki pa ang maliit nyang mga mata.

Haha how cute--! ...W-what d-did i say?! Cute??! How dare me!

"Yup. Masyado kasi silang madami kapag wala ang salamin kong ito, tapos nagiging center of attraction ako. Ayoko ng ganun kaya ito ako, simple mas maganda. Tahimik." Nakangiting sabi ko sa kanya. Nakatulala lang sya sakin na parang ewan haha grabe.

"Can i court you??"

Cough!

Cough!

Ako naman ang naubo sa sinabi nya,...

GANUN KABILIS???? AS IN??? WHAT THE HELL???!

*

Itutuloy....

Pumayag kaya ang ating bida na manligaw sa kanya ang isa sa mga heartrob ng EU?

Seryoso nga ba si Englebert sa panliligaw thingy?

Abangan guys! Thanks a lot! Love you all! ??

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.