Chapter 4
Kabanata 4
His stern eyes
Gabi na nang matapos akong magluto ng hapunan. Gayon din nang marinig ko ang sasakyang parating.
Masigla kong sinalubong ang pagdating ni Gabriel.
"Magandang gabi.. handa na ang hapunan." Bungad ko.
He look down at me for a second before he cut his gaze.
"Tawagin mo ako kapag dumating na si Alessandra," he said coldly. Tumalikod na ito sa'kin at diretsong umakyat sa taas.
Tahimik ko lamang itong sinundan ng tingin bago magpakawala ng buntong hininga.
Dahil hindi na ito bumaba pa mula kanina ay pinasya ko nalamang na manood ng TV. Gustohin ko man itong kausapin at mag tanong ng ilang bagay ay hindi ko magawa. I have this fear in my heart and I don't know how to really act normally whenever he's around.
Nang tumuntong ang alas-siete ay narinig ko naman ang pagdating ng sasakyan ni Alessandra.
"Good evening!" Masiglang bati ko dito nang pagbuksan ko.
"Good evening Meredith, si Gabriel?" tanong nito na dumiretso sa kusina para kumuha nang malamig na tubig.
"Nasa itaas, hindi pa bumababa nung dumating kanina." I said in my low voice.
Nahuli ko ang pagsulyap nito sa' kin bago bahagyang tumango.
"Nakuha mo ba ang mga gamit mo?" Naupo ito saglit sa silya at doon tinuloy ang pag-inom.
"Oo.."
"Kamusta ang mga sugat mo?" she asked.
Sinulyapan ko ang bendang nasa aking kanang braso, "Medyo makirot pa pero ininuman ko na nang pain reliever kanina."
"Ah, mabuti naman akyat lang ako sa taas para makapag bihis. Pakihain mo na ang hapunan." aniya sa akin at inumpisahan ng maglakad paakyat sa taas.
****
Alangan akong tumingala sa itaas, ilang buntong hininga na rin ang pinakawalan ko bago ko na pag pasyahang akyatin ang hagdanan.
Hindi ko sana gagawin ngunit kanina pa kasi nakahain ang pagkain at baka lumamig. Sinimulan kong ihakbang ang mga paa ko pero muli itong nadepina nang marating ko ang ikalawang palapag.
I took a heavy steps towards the corridors. Nasa dulo daw ang silid ng mga ito at habang palapit ako ay mas lalo akong nabibingi sa lakas nang kabog ng dibdib ko.
Tumigil ang mga paa ko sa tapat ng kanilang pinto. I bit my lower lip and took a hesitant step back from the door. Ilang lunok rin ang ginawa ko bago ako itaas ang kamay ko para sana kumatok pero muli akong natigilan dahil sa mga ungol na maririnig mula loob nang silid.
I tightly grip my hands and bit my lips with anger. Gusto ko man mag bingi-bingihan ay hindi ko magawa dahil habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang mga ungol na aking naririnig.
"Gab–" I heard a deep moan coming from Alessandra.
Hindi ako tanga para hindi ko malaman kung ano ang ginagawa nila. I shut my eyes and swallow hard the pain. I can't imagining my self watching him making out with his mistress.
Hindi, hindi ko kaya..
Wala nabang mas masakit pa dito? Pinilit kong kalmahin ang sarili at walang lakas na sumandal sa gilid ng pinto.
Tumingala ako para hindi ko maramdaman ang pag bagsak ng mga luha ko pero umagos iyon na parang gripo. I can't help it. Fuck. This is bullshit!
Malalaki ang hakbang na tumakbo ako palayo doon. I can't bear this pain anymore, umpisa palang ay ramdam ko na ang sakit pero sumige ako dahil sa pag-aakalang ito ang tama but its all God damn bullshit!
Diretso ako sa aking silid at doon dumapa nang iyak. This can't be happening! Dapat ako ang nandoon na kayakap niya, ako ang dapat na dumadama ng kaniyang pagmamahal at wala nang iba. I am his wife! Ako lang ang may mas karapatan sa kaniya..
"Meredith?" Mahihinang katok ang pumukaw sa aking pag iyak.
"Kumain ka naba? Lets have dinner together!" aya sa'kin ni Alessandra.
Naupo ako sa kama at mabilis na nagpahid ng mga luha.
"Sige mauna na kayo busog pa ako!" sagot ko.
"Is there something wrong? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong nito sa akin.
Hindi ko mapigilang magbuga ng marahas na hangin mula sa dibdib bago muling sumagot.
"I'm okay," sambit kong muli.
Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni Gabriel na tinatawag ang asawa.
"Okay sige, don't forget to take your medicine, alright?" Bilin nito matapos ay rinig ko na ang mga yabag nito palayo sa pinto.
Muli akong bumalik sa pagkakahiga at niyakap ang unan. Sa puntong iyon muli ay pumatak ang mga luha ko dahil sa sobrang bigat na pakiramdam.
Habang rinig ko mula sa labas ang tawanan nila at harutan, heto ako tinitiis ang sakit na siyang pinong humihiwa sa aking puso.
Nagpalipas ako nang ilang oras bago ko pinasyang lumabas na nang silid.
Yakap ang sariling roba ay diretso ako sa kusina para iligpit sana ang kanilang pinag kainan pero malinis na ang lahat nang madatnan ko. Maging ang lababo at kaka-lanan ay malinis narin.
Naghila ako nang isang silya at doon tumalungko ng upo habang sapo ang ulo.
"I can't stay here anymore.. I wanted to leave." mahina kong bulong habang nakapikit.
"Hindi ka pa daw kumakain?"
Halos ikahulog ko sa silya ang narinig na boses galing kay Gabriel. Mabilis ko naman inayos ang sarili at tiningala ito ng tingin.
"Alessandra is worried about you." Matiim itong nakatingin sa akin mula sa habang nang pinto.
"She said, you didn't take your medicine properly." Humalukipkip na ito nang sandal sa pinto kaya nadepina ang mga masel nito doon.
Again, I remain silent.
"Masyado ng maraming inaasikaso sa trabaho ang asawa ko bilang Evens Planner at ayokong dagdagan pa ang problemahin niya pag-uwi niya dito sa bahay."
Umayos ito ng tayo at naglakad palapit sa harapan ko. I lean my back at the chair nang idiin nito ang dalawang kamay sa lamesa.
"We hired you just because we need someone who could help her and lessen her job after work. Pero ikaw pa itong lumalabas na alagain at alalahanin sa bahay na ito." Dinuro nito ang lamesa habang matalim ang matang nagsasalita sa harapan ko.
Muli ay wala akong nasabi, there is no doubt, he could eat me alive 'pag hindi ako nagsalita.
"I'm sorry, masama lang ang pakiramdam ko kanina, hindi na mauulit." My voice was shaking.
"Damn! I don't fucking accept your excuses! All I wanted you here is do your job properly!" aniya na tumitig sa mga mata ko.
Sandali nitong pinasadahan nang tingin ang mukha ko at bahagyang nagkunot ng noo.
"Wait, are you crying?" he softly asked.
"Hah? No.. I'm not" I started to smile, para itago ang kirot sa puso.
"Look, I don't want to be cruel. I'm just telling what you should do and not to do in my house." Dumiretso na ito ng tayo sa harap ng lamesa.
Nagyuko ako dahil hindi ko na mapigilang tumulo ang mga luha ko na mabilis ko namang pinahid dahil alam kong nakita niya iyon.
"Damn it!"
Tumalikod na ito sa akin at inumpisahan nang lumabas ng kusina.
Naiwan akong walang nasabi isa man, doon ko na rin hinayaang lumabas ang kanina ko pa pinipigilang pag iyak. Hindi ko na nagawa pang kumain at dumiretso na ako nang pasok sa aking silid at doon muli ay iniyak ko ang lahat nang sakit. I-iyak ko lang ito tapos ay ayos na ako, pipilitin ko kahit masakit..
"Meredith, Ikaw na ang bahala dito sa bahay ha?" Paalam sa akin ni Alessandra kinabukasan.
Bago ito tumalikod ay nagbigay ito sa akin ng pera pang grocery.
"Day off ni Gab ngayon kaya pwede kang magpasama sa kaniya para mag grocery," sambit pa nito.
Agad na bumangon ang matinding kaba sa puso ko dahil sa kaniyag sinabi.
"Ho? Naku hindi na, mama-masahe nalang ako." Ngumiti ako dito.
"Ikaw ang bahala, basta ang bilin ko 'wag mong kakalimutan i-lock ng maigi ang bahay bago ka umalis kung sakaling may lakad si Gabriel."
Tumango lamang ako dito at hinatid ito ng tingin pasakay nang kaniyang sasakyan. Ako na rin ang nagbukas nang gate para ito makalabas. Kumaway pa ito sa'kin mula sa loob ng kaniyang kotse bago imani-obra ang sasakyan palayo. Sandali ko muna itong tinanaw bago na ako pumasok sa loob ng bahay.
Tiningala ko ang hagdan dahil hanggang ngayon ay hindi pa bumaba si Gabriel para mag almusal. Hindi rin mawala ang kaba sa puso ko sa isiping kami lamang dalawa ang naiwan dito ngayon.
Maliksi ang kilos na sinimulan kong maglinis ng buong kabahayan, kahit ayaw ko ay pilit kong pinasigla ang katawan.
Siinimulan ko sa Living room. Nag lampaso ako gamit ang cleaning mop at nag palit ng kurtina, pinunasan ko rin ang mga figurine at divider.
Ang mga paintings na nasa Isang sulok na hindi pa na-i-aayos ay siya kong isinabit sa iba't ibang parte ng bahay habang ang ilan ay naiwan para sana isabit ko sa itaas.
Hindi ako tumigil hanggat hindi ako nakukontento at nang matapos ay sa kusina naman ako gumawi para linisin ang lababo at ang huli ay ang bathroom.
Hindi tuloy maiwasang mabasa ang suot kong sleeveless shirt at leggings habang naglilinis ng banyo. Punas ko ang pawis na umayos nang tayo at napangiti dahil sa magandang resulta.
Lumabas ako para sana tungohin naman ang likod bahay nang mamataan ko si Gab na pababa na nang hagdan.
I was holding a pail of water kaya bahagya ko iyon binaba para ito batiin.
"Good morning!" Ngumiti ako dito, kahit pa alam kong may pinagtalunan kami kagabi ay hindi ko mapigilang hindi ito bigyan ng ngiti.
Hindi ito sumagot imbes ay pinasadahan ako nito ng tingin na siya kong ikinabalisa.
"Ah, ipaghahain na kita ng almusal." Natataranta kong sabi na iniwan bigla ang timba para tungohin ang kusina.
Isa-isa kong binuksan ang may takip na pagkain at gumawi sa drawer para ikuha ito nang malinis na pinggan at kutsara. Nalingonan ko naman itong nasa coffee maker at siyang nagsasalin nang kape sa tasa.
Pinanood ko lamang itong naupo sa kabiserang silya na siyang humigop ng kape.
"Kain na!" Muli ay ngumiti ako dito.
Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng aking damit nang tumaas ang tingin nito sa akin matapos ibaba ang tasa nang kape.
"Nag breakfast ka na ba? Come on join me."
"Ha?!" Gulat kong tanong..l
Wala itong sagot imbes ay bumaba ang tingin nito sa basa kong katawan. Binaba nito ang kubyertos at sumandal ng upo sa kaniyang silya.
"Change your clothes first, baka magkasakit ka pa." His stern eyes pinning me on the floor, I couldn't find a word to say because of nervous.
Nanatili ang tingin niyang iyon sa akin maging sa suot ko matapos ay nagkibit balikat lamang.
"Ah H-hindi na, sa likod bahay naman ang tungo ko. Mamaya nalang siguro." Nauutal kong sabi na inumpisahan ng umatras.
Muli ay wala itong kumento sa sinagot ko.
"S-salamat!" Hindi ko mapigilang sabihin kaya tumuwid muli ang tingin nito sa akin.
"Ayoko lang mag-alala si Alessandra pag nagkasakit ka," sambit nito na binaba na ulit ang tingin sa pagkain.
Nagyuko ako sa narinig. I knew it! Kagat ko ng mariin sa labi. Sa muling pagkakataon ay nilunok ko ang sakit ng kaniyang mga sinabi.
"E-excuse me." Halos ibulong ko na lamang iyon sa hangin bago ko na ihakbang ang mga paa palabas nang kusina.
Binitbit ko ang timba patungo sa likod bahay at naupo sa isang bench na nakaharap sa oval shape na swimming pool. Hindi ko rin alam kung bakit ako may dalang timba.
I feel exhausted, ramdam ko na ang pagod ng katawan dahil sa paglilinis. Itinaas ko ang dalawang kamay ko at napangiwe. I got sore in my hand, I could feel the tenderness of my back and the pain in my head, its getting worse everyday.
Dahil hindi ito ang nakasanayan ko, I left my wealthy living in Queensland Island para pumasok na katulong, we had twenty maids and three drivers at my Mansion. Doon hindi ko naranasan ang humawak man lang ng hugasin, maging ang mag linis at gumamit ng tambo ay hindi ko ginagawa.
Naramdaman kong pumatak ang mga luha ko na agad ko namang pinahid. Hindi bale nang magkanda sugat-sugat ang kamay ko at sumakit ang likod ko, hindi bale nang magkasakit ako basta makasama ko lang s'ya. Kahit pa masaya na siya sa iba, mas gugostohin kong nandito lang ako sa tabi niya.
Natigil ako sa pag-iisip ng may tumikhim na siya kong ikinalingon ng tingin.
"Crying alone?" He look at me with his two tiny black eyes while his arm cross around his chest.
Huli na para pahirin ang mga luha, dahil nakita kong pinapanood niya ako habang ginagawa ko iyon.
Hindi ako sumagot bagkus ay tumayo ako para buhatin muli ang timba pero agad ko rin itong nabitawan dahil sa masakit na kamay.
"Let me help you with that." Humakbang ito palapit saakin, napaatras naman ako dahil sa amoy ko ang natural nitong bango na hinihipan ng hangin. Mabilis nitong dinampot ang timba at dinala sa gilid ng pool.
"If you wanted to water the plants, may gripo naman dito at hose." Tinuro niya ang gripo sa bandang sulok.
Bahagya akong tumango dito and utter some word, "Thanks."
Inumpisahan kong tungohin ang gripo para sana umpisahan ng magdilig nang gagapin nito ang braso ko para pigilan.
Mabilis ko itong tiningala, dahil sa tirik ng araw ay agad akong nagbaba ng tingin.
"Bakit ka umiiyak?" Mahinanon na ang boses nito ng magtanong.
Gusto kong sabihing siya ang dahilan ng pag-iyak ko. Kung bakit mabilis niya akong nakalimutan? Gusto ko nang sabihing—ako ito, yung babaeng mahal mo! Yung babaeng hinarap mo sa dambana at na ngakong hindi mo iiwan! Pero naduwag ako. I wasn't have the ability to deal with the situation right now.
"N-nothing, sir.." Hindi ko magawang hilahin ang braso ko dito dahil sa nanatili ang mga titig niya sa'kin kahit pa hindi ako nakatingin.
"Dahil ba ito sa mga nasabi ko?" His voice were cold as ice.
Kailangan kong salubongin ang mga titig niya dahil sa higpit ng hawak nito sa braso ko.
"No, its me. Its my fault anyway." Umiiling kong sinabi bago ko ibaba ang tingin sa aking mga braso.
Agad naman niya itong binitiwan na parang napapaso bago namulsa sa harap ko at nilingon ang swimming pool.
"The pool needs to be cleaned, marami ng tuyong dahon, nandoon sa gilid ang strainer," aniya na bumaling muli nang tingin diretso sa basa kong damit.
Napalunok ako sa klase ng tingin nito sa akin kaya mabilis kong niyakap ang sarili dala ng matinding hiya. Alam kong bakat sa basa kong damit ang katawan ko kaya kahit mainit ay ramdam ko ang lamig.
Hindi ako pwedeng magkamali, buntong hininga niya iyon na may halong pagpipigil.
"Pagtapos mo d'yan, sumabay ka na sa akin paalis. Binilin ni Alessanda na mag go-grocery ka ngayong araw."
Muli ko itong tinitigan sa mga mata, ngunit wala akong makita ni isa mang emosyon.
"Y-yes, sir." I answered.
Sinundan ko nalamang ito ng tingin habang papasok muli sa loob bahay. Isang marahas na buntong hininga ang pinawalan ko dala ng tensyon kanina.
Alam kong pagkakataon ko nang sabihin ang lahat kanina, pero may pumipigil sa akin, hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang ako ang tunay niyang asawa. Hindi ko pa kayang tanggapin kung sakaling si Alessandra ang piliin niya at hindi ako.
Binalik ko nalang ang atensyon sa pagdidilig at nang matapos ay ang swimming pool naman ang hinarap ko. Iilang tuyong dahon lang naman ang nahulog mula sa puno kaya siguradong madali lamang ito para sa akin.
Ngunit ang akala kong madali ay walang kasing hirap. The stick was heavy, I wasn't aware with this kind of job, lalo pa ang salokin ang mga tuyong dahon sa mismong gitna nang swimming pool. I never tried to cleanup the pool before, It was my first time, dapat ay excited ako pero nang makaramdam nang ngawit at pagod ay hindi ko na magawang ngumiti.
All I want right now is to dive in the pool and feel the fresh cold of water. Pumikit ako ng mariin dala nang pagod. Ilang dahon nalang ay matatapos na ako kaya kahit medyo malayo ay pinilit ko iyong abotin. Dahil mabigat ang stick ay wala akong choice kundi i-stable lang ang hawak. Napangiti ako nang masalok ko ang huling dahon ngunit nang hihilahin ko na ito ay hindi sinasadyang bumaba ang stick dahil sa bigat kaya diretso akong bumagsak sa pool.
Napasigaw ako dahil sa gulat at lamig na hatid sa akin ng tubig.
"Oh my God!" sambit ko na hinilamos ang basang mukha.
"What happened here?!" Mabilis ang paglingon ko kay Gabriel na halatang nabigla nang makita akong nasa pool.
"I-i just fall of–" na nginginig ang boses na sabi ko.
Hindi ito agad nakapagsalita dahil sa naging sagot ko.
Natatarantang namang nilangoy ko pailalim ang stick na may stainer na lumubog sa tubig, pilit ko iyong hinila pataas at nang makaahon ay nasa harapan ko na si Gabriel na nakalahad ang isang kamay sa akin.
"Malamig ang tubig baka magkasalit kapa." Titig na titig ito sa akin kaya imbes na abutin ko ang kamay niya ay ang stick na panlinis ang ibinigay ko dito.
"K-kunin ko lang yung tuyong dahon," sambit ko na mabilis nang lumangoy pabalik sa gitna.
"Haaah!" Marahas kong sabi nang makuha ko ang ilang pirasong dahon.
"There you go." Nakangiti kong sabi.
Nilingon ko ang direksyon kung saan nakatayo kanina si Gab ngunit wala na ito, agad akong nakaramdam ng pagkadismaya kaya lumangoy muna ako ng ilang ulit para masulit ang pagkakahulog ko.
Hindi naman siguro ito magagalit kung sandali akong lalangoy. Pumikit ako at dinama ang init nang araw na tumatama sa balat ko. Hinayaan ko lang na naka floating ako dahil pakiramdam ko ay minamasahe nang tubig ang likod ko.
"Emory!" Napabalikwas ako ng dilat sa boses na tumawag sa'kin kaya agad akong lumubog sa tubig.
Pag-ahon ko ay ang nakapamewang na si Gabriel ang namulatan ko. His eyes turns red and impatiently standing at the ground.
"Fuck! Didn't you hear what I've said?!" Halos bumuga ito ng apoy habang nakapamewang ng tingin sa akin.
"I'm sorry," I whispered in scared.
Mabilis kong inakyat ang hagdan pataas at ganoon nalamang ito umatras nang makaahon ako.
Hindi ko na maiwasang mahiya dahil sa bakat na ang lahat sa akin. Mula sa sleevelees shirt kong suot hanggang sa leegings ko. Hindi rin nakaligtas sa'kin kung paano niya ako pasadahan nang tingin.
"Look what you've done?!" Halos dumagundong sa loob nang kabahayan ang malakas nitong boses nang makabawi.
"I'm sorry, sayang naman kasi kung aahon ako agad." Mahina kong sagot.
"Fuck! You are not allowed to swim at the pool again, understand?!" bulyaw nitong sabi sa akin.
Nakagat ko ang mga labi ko sa kaniyang tinuran. Bakit? may nakakahawa ba akong sakit? pinandidirihan ba niya ako, kaya niya iyon sinabi? Oh, dahil hamak na katulong lang ang tingin nito sa'kin?
"Am I understood?!" Muli nitong bulyaw sa akin.
"Y-yes," Nanginginig na boses kong sagot. Labag man sa loob ko ay umayon ako para wala na kaming pagtalunan. It is because of me, ako talaga ang may mali kaya wala akong karapatang mag reklamo.
"Here's your towel,"
Napapikit ako nang idampi niya ito sa ulo ko kaya ako napayuko. Bahagya niya itong pinunasan at sa huli ay inabot niya ito sa akin na diretso ang tingin sa basa kong katawan. Nakita ko kung paano mag igting ang panga nito bago mag iwas ng tingin.
Nahihiya man ay inabot ko ito at iniyakap sa sarili.
"E-excuse me." Marahan kong sabi na nilampasan na ito na walang ka galaw-galaw.
Inuntog ko nang sunod-sunod ang noo ko sa pader habang dumadaosdos ang malayang tubig sa aking hubad na katawan.
There is nothing to blame but you Emory, you and your fainted heart. Tumingala ako at pumikit ng mariin.
"Zekiah!" sambit ko, habang bumabalik sa isip ko ang mga titig niyang tumutunaw sa'kin. lalo pa kung paano niya ako titigan kanina.
"I miss you so much, Mahal. I badly needed your love.." muli kong sabi.
Pinasadahan ko ng haplos ang aking naka-awang na labi. Oh damn! I can't help it! Mariin akong sumandal sa pader at wala sa loob na hinaplos ang malusog kong dibdib. I wasn't so sure of what I am doing right now, but it feels so good, I bit my lower lips and traveled some flicks on my skin down to my thighs..
"Oh f–" daing ko habang malayang nilalaro kung ano ang nasa pagitan ng aking mga hita. This is what I am longing for, this what I wanted! To be feel in!
Napadilat ako nang marinig ang sunod-sunod na katok mula sa aking pinto. "Oh shit!" Malakas kong sabi na tila binuhosan nang malamig na tubig.
"What are you doing there?! I need to catch up my client today, kanina ka pa d'yan!" Narinig ko ang boses ni Gabriel na siyang kumakatok.
Mabilis kong pinihit pasara ang shower at lumabas sa aking CR para magbihis.
"Yes, in a minute.. sir!" balik kong sigaw.
Hindi ko na ito nagsalita at tanging yabag na lamang nito ang ang narinig kong palayo.
"Fuck! Emory!!" sabi ko na mabilis humila nang damit na maisusuot. Hindi na ako nag ayos pa tanging pulbos lang ang nailagay ko sa mukha bago lumabas na nang aking silid.
Naabotan ko itong nakaupo sa sofa habang nakaharap sa TV tumikim muna ako bago ako magsalita.
"Ah.. Sir?" sambit ko na siyang lumingon sa akin.
Pinasadahan ako nito nang tingin bago patayin ang TV at tumayo.
He is now wearing his casual shirt and maong pants. Basa rin ang buhok nito indekasyon na katatapos lamang nitong maligo.
"Ang tagal mo, pero hindi mo nagawang makapagsuklay." Nilampasan ako nito na diretso na nang labas sa garahe.
Napalunok ako at mabilis na sinuklay ng daliri ang buhok. Oh damn, Emory! Umiiling na sinundan ko nalamang ito palabas at ni-lock ang pinto.
Naabotan ko naman itong nagpapa-init nang makina habang bukas ang front door sa kaniyang kanan. Nag atubili akong sumakay dahil hindi ko alam kung saan ba ako sasakay.
Sumulyap ito sa akin kaya lalo kumabog ang puso ko.
"Hop in!" sabi niya na bumaba ang tingin sa kaniyang tabi.
Mabilis ang ginawa kong pagtango at sumakay na sa kaniyang kotse. Ilang sandali pa ay tinatahak na namin ang kahabaan nang sea shore na walang isa man saamin ang nagsasalita.
Tanging buntong hininga lamang nito at pagkambiyo ang naririnig ko na siya kong ikinapipikit ko kung minsan. Kinailangan ko pang sumulyap sa bintana para doon gugolin ang natitirang oras ngaming byahe.
"Nasaan pala ang asawa mo?"
Napatuwid ako ng upo nang magsalita ito. Sandali pa akong nag-ipon ng hangin sa dibdib bago sumagot.
"H-he is out of town right now." May bikig sa lalamunan kong sinabi.
"Business matter?" Muli nitong tanong.
"Yeah.."
Tumango ito ako dito na pinagkasya muli ang sarili sa pag tingin-tingin sa bintana.
"I know you don't have any experience in housekeeping pero bakit pumasok ka pa rin?" Direct to the point niyang tanong.
I bit my lower lip at nag-isip ng maaring isagot.
"As I've said, gusto kong may pagkakakitaan habang nandirito ako."
"Hindi ako na niniwala." Umiiling nitong sinabi.
Tila pinagpawisan ako ng malagkit sa kaniyang tinuran. All this time pala ay hindi ito naniniwala sa mga kasinungalingan ko? Agad akong nakaramdam nang takot na baka naghihinala na ito sa'kin.
"Pero alam kong gusto ka ni Alessandra kaya wala akong magagawa." Kibit-balikat nitong sinabi na lalong nagpasikip nang dibdib ko.
"But ones you broke our trust, hindi ako madadalawang isip na paalisin ka sa bahay." seryoso nitong sabi na siya kong ikinatango ng bahagya.
"What is that?" Tumungo ito para tingnan ang may sugat kong mga palad.
"Oh, nothing.. I got a some sore" Pinagsalikop ko ang dalawa kong kamay para hindi niya makita ang mga sugat.
Muli, isang mabigat na buntong hininga ang pinawalan nito sa tabi ko kaya ako napasinghap.
"I know, I maybe bad sometimes. I really sorry." He apologized.
Bakas naman ang gulat ko sa kaniyang tinuran. Nais nang mag-ulap ng mga mata ko dahil sa emosyong bumangon dahil sa kaniyang sinabi.
"Its–okay, you are the boss! I've learned my mistake," turing ko.
"Kung sa'kin lang ayoko munang kumuha nang katulong. We actually enjoying our company together, pero nandirito ka na, kung saan masaya si Misis doon ako." Dagdag pa nito.
I swallowed the pain and my lips quivered. Pilit na pinipigilan ang emosyon.
"Do you really love your wife, aren't you?" sumulyap ako dito at hihingi nang kasagutan.
He laughs, and shook his head repeatedly. Napasandal naman ako sa backrest dahil sa kaniyang mga tawa.
"Do you ever loved someone so much?" Balik niyang tanong sa'kin.
For God damn sake, kailangan ko bang sagotin iyon?
"Would you do anything for him?" Muli nitong tanong.
Silence lingered between us. I couldn't find a word to speak. I was on the edge of answering his question but I had hesitation to answered back.
"Are you happy with Alessandra?" Iyon ang lumabas sa aking mga labi.
Muli tumawa lamang ito sa akin kaya ako humalukipkip at bumaling muli ng tingin sa bintana.
"Of course, I am happy with Alessandra, I loved my wife so much," he said in baritone voice.
Tumango ako at ngumiti ng mapait.
"Yeah, like what you said. I really love my husband too. I am happy being with him." Hindi ko na napigilang mag-ulap ang mga mata.
"What is his name again?" tanong nito.
"Hezekiah Leric Grant," I murmured.
Nilingon ko ito na puno nang emosyon, umaasang may maalala ito kahit kaonti.
Sumulyap ito sa'kin na kita ang nagbabadyang pag patak ng aking mga luha.
"Hey, are you alright?" Hinaplos nito ang balikat ko habang panay ang sulyap sa daan.
Umiling ako at pumikit ng mariin bago sumagot.
"I love him, I love him so much, but he does not even remember anything.. especially me," I whispered.