Library
English

Two Wives (Tagalog)

187.0K · Completed
QueenVie
51
Chapters
11.0K
Views
9.0
Ratings

Summary

Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Si Emory Meredith Grant, lumaki sa marangyang pamumuhay at nabibili ang lahat ng gusto. Nagmahal ng lalaking hindi angkop at walang maipagmamalaki sa buhay. Ngunit namutawi pa rin ang pag nanais nitong makasama ang lalaking mahal.Wala na itong hihilingin pa kundi ang mamuhay na kasama si Hezekiah, ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana nang subukin ang kanilang relasyon. Lumubog ang barkong sinasakyan nila dahil sa malakas na bagyo. Malas na nawalay ito sa kaniyang asawa at hindi na niya nakita pang muli.Parang pinagsakloban siya ng langit at lupa dahil sa trahedyang nangyari. Nagising siya isang araw wala na nga ito sa tabi niya at hindi na babalik pang muli.Sa kabila ng lahat ay umaasa pa rin itong makikita siyang buhay at babalik sa kaniyang piling. Pero paano kung isang araw ay makita niya itong buhay? Ngunit ang masakit nito ay hindi na siya makilala at higit sa lahat ay malaman na ang dati niyang asawa ay kasal na sa iba? How will she win him back? Does she need to claim her real husband Or do she need to play the role of a mistress? Emory Meredith Grant. A multi billionaire business woman. The heiress, a wife and the mistress..

RomanceDominantTrue LoveFemale lead

Chapter 1

Kabanata 1

Memories

"Ma'am, tulongan ko na po kayo sa dala n'yo?" Presinta ni Manong Carding sa akin.

"Ayos lang ho, salamat."

Hindi ko alintana ang bigat ng dala kong hand carry bag habang nakatingala sa two story house na nasa aking harapan.

"Kung may kailangan pa ho kayo ay tawagan n'yo lang ako," he said. Patiently standing at my back.

"I'm okay, Mang Carding," sambit ko.

"Kung ganon ho ay mauna na ho akong umalis." Paalam na nitong sinabi.

Doon ko siya nilingon na hawak ang sumbrero sa dalawang kamay. The line marks on his forehead define how old he is, plain shirt and black maong pants, just simple as it is.

"Thank you, Mang Carding." I smiled at him.

Ginawa ko ay dinukot ko ang wallet ko sa shoulder bag na dala at kumuha doon ng lilibohin.

"Heto ho, pamasahe n'yo pauwe at pang gastos n'yo na rin ho." Inabot ko dito ang sampung libong piso.

"Naku ma'am, masyado ho itong malaki, saka mag ba-bus naman ako pauwe." Kamot nito ang batok sa hiya.

Sinulyapan ko ang kotse na nakaparada sa garahe, hindi na sana ako nagpahatid sa kanya para hindi na ito mahirapan pabalik, pero ito ang mapilit dahil nag-aalala sa maari kong datnan dito.

Ngumiti ako dito, " Its nothing, para ho talaga sainyo iyan at sa pamilya n'yo. Tatawag ho kayo pag nakauwe na kayo sa Queensland Island," sambit kong muli.

"Oho, salamat po ulit dito." Sandali pa itong nag-atubile bago magbuka ang mga labi, "Ano ho ang sasabihin ko kay madam paguwi ko?"

Nadepina ang labi ko sa kaniyang itinanong at nag-isip ng magandang dahilan, "Sabihin mo nagba-bakasyon lang at may prior business meeting." Ngumiti ako dito para hindi na ito magungkat pa ng kung ano sa akin.

Muli kong tiningala ang two story house na inupahan ko sa loob ng isang buwan. Sinimulan ko nang humakbang para pihitin ang pinto pabukas.

Nilibot ko muna ang mga mata ko sa loob at binaba ang hawak kong hand carry bag sa white tile flooring. The red carpet was on the center of living room na pinapatungan ng sofa set, while the flat screen TV hang at the wall beside the cool fan. The ceiling is pure white katulad ng pader at ilang bahagi ng bahay. Chandelier is well hung at the front of curved line stair case that gives elegant and simplicity of the house.. Binaybay ko ang daan patungong comedor, where the wooden table and a soft pair of chair are place at left side of the room.

Muli akong naglakad patungo naman sa kitchen. Again the simplicity and the elegant appears at the kitchen, very modern yet hindi binongahan, tama lang para makakilos ng maayos.

And the best part ay ang mini bar sa bandang kanan, the flute glasses are hung at the top while the wine bottles are at the side. Tinungo ko ito para maupo sa high chair at humila ng isang brand ng wine.

Binuksan ko ito at agad na nagsalin sa baso para iyon amoyin habang iniikot sa aking mga kamay bago tumikhim. Itinaas ko ang bote ng wine and I found out how old it is base sa lasa nito.

I remembered my friend said, the more it gets older the more the taste is better. Pero hindi ako sang ayon doon. Most wine does not better with age but foremost most wines are made to be enjoyed kahit pa mag-isa ka. Madalas kasi naming pag-usapan ang tungkol sa wine at iba't ibang lasa nito at kung gaano ito ka tanda base na rin sa lasa pag lumalabas kami na magkasama.

Kaya naisipan ko itong tawagan, dinukot ang cell phone sa aking bulsa at dinial ang numero nito. Ilang saglit lang ay sumagot na ito.

"Hey, hey, hey! Look who's calling?!" Narinig ko ang ngisi nito sa kabilang linya. I slightly shook my head dahil sa angas ng dating nito.

Sinimsim ko muna ang baso bago sumagot. "It's not funny, Elwood," sambit ko.

"Come on, Emory, how was your trip?" I heard his softly grinning over the phone.

"Stop pushing it Elwood," wika ko sa malayong boses.

He used to call me by my second name which made me so embarrass, hindi ako sanay na tinatawag sa first name ko, bukod tanging siya lang ang may hilig tumawag sa akin ng ganon na lubha ko iyong ikina-iinis.

"Oh calm damn!" he mock at me and eventually I laugh vigorously.

"Shut up," sambit ko pang muli, ayoko nalang itong patulan.

"Okay back to the topic, how was your trip anyway?" Ulit na nitong tanong.

"Kadarating ko lang, drinking a glass of wine and feel the scenery of the house." My voice sounding so bored while my eyes wandered around.

"Hmm, sounds good? Do you want me to come over and accompany you?" he speak in a low baritone voice, a very dead serious voice.

Humawak ako sa batok ko at bahagya itong hinilot at pumikit. "Maybe some other time, Ellie, I need to take some rest," I utter a slowly word.

"Hmm, much better," he mumbled, releasing a heave deep of sigh at the phone.

"I'll call you when I fix everything here." sagot kong muli sa pagod na boses.

"Alright, just take good care of yourself, i-lock mo ang gate lalo na ang pinto at bintana." Bilin nito sa akin.

"Yes, thanks Ellie." Hindi ko mapigilang ngumiti sa mga bilin nito.

"Good girl," he quickly said.

Matapos niyon ay pinutol ko na ang linya at inubos na ng tuluyan ang wine sa baso.. I go upstair and checked the rooms, two is enough for me, tutal mag-isa lang naman ako dito.

The first room had a wide space and a calm painted wall which is beige color with the touch of brown. The queen size bed is warm and better, the couch and the red carpeted floor are well sat perfectly. Binaba ko ang shoulder bag ko sa side table at naupo sa kama.

Mamaya ko nalang siguro sisilipin ang isang silid, napako na kasi ang tanaw ko sa bintana. The fresh air coming from the sea shore made me flinch. It also reminds me of someone.

Someone I couldn't forget, someone I love.. but all of it can destroyed me enough, pero kahit ganoon ay mas pinipili kong mapalapit dito, cause' I know somewhere deep in my heart he is shouting and begging.. for me. Pinutol ko ang tingin sa bintana at sinimulang mahiga para makatulog.

"Mahal!" tinig iyon na paulit-ulit na bumabalik sa aking balintataw.

Nilingon ko kung saan nagmumula ang boses pero tanging hampas ng galit na alon ang natatanaw ko.

"Mahal?!" Balik kong sigaw.

Ngunit walang sumasagot, humawak ako ng mahigpit sa railing kung saan nasa isa akong barko at malakas na bumubuhos ang ulan.

Agad na dumami at nagkagulo ang mga ito na lubha kong ikinabahala.

Isang serena ang naulinigan ko sa paligid, "Lulubog na ang barko!" sigaw ng mga humahangos na tao.

But I stood still in the middle of the ship, nadepina ang lahat sa akin, my body wasn't moved kahit pa nabubunggo na ako ng mga natatarantang mga tao.

"Mahal!" Tiningala ko ang lalaking humagip ng isa kong braso. "The ship is sinking, kailangan na nating umalis dito." His voice has full of determination lalo pa nang hilahin ako nito para makipag buno kami sa maraming tao.

Hindi ko halos makita ang dinaraanan ko dahil sa kapal ng tao, idagdag pa na dis-oras na ng gabi at sobrang dilim.

"Don't panic! Darating na po ang mga rescuer any moment now!" Pigil ng isang unipormadong lalaki kung saan nakabantay ito sa safety best na isa-isang pinamamahagi ng ilan nitong kasamahan.

"Anong sinasabi mong wag mag panic?! Mamamatay tayong lahat dito pag hindi mo kami binigyan niyang hawak mo!" sigaw nang lalaki dito.

Mariin akong pumikit dahil sa malakas na pag-agos ng ulan sa mata ko, ramdam ko ang mahigpit na hawak sa akin ni Hezekiah kaya ko ito tiningala.

"Its okay mahal, dito ka lang wag kang aalis." Bumaba ang labi nito saakin na malugod kong tinangap.

Matapos niyon at tinanaw ko nalamang ito na siyang nakikipag-usap na rin sa nag bibigay ng safety vest.

Pinagsalikop ko ang mga palad ko nang magkagulo na ng tuluyan ang mga tao nang gumalaw ng malakas ang barko. Kaya hindi na rin nito na kontrol ang mga tao na siyang pinagbabasag ang mga salamin para makuha ang safety vest.

"Mahal," bulong ko dahil tila natabunan na ito ng makapal na taong nag uunahan. Wala na akong nagawa kundi ang umusal ng dasal at pumikit ng mariin.

Dahil sa sunod-sunod na pag galaw ng barko ay na out balance ako at tumuwad, hindi ko na magawa pang tumayo dahil sa stampede na nagaganap, ramdam ko ang pagtapak ng mga tao sa daliri ng paa ko at kamay ko kaya ako napasigaw.

Gusto ko nang pawalan ng ulirat dahil sa tumamang tuhod sa iba't ibang parte ng katawan ko.. Pero pilit pa rin akong nag-paka-lakas at sumigaw.

"Mahal!" I shouted out loud like it was my last breath, tulo ang luha ko dahil sa matinding takot.

Sa puntong iyon may humila sa kamay ko patayo at niyakap ako ng mahigpit.

"Its alright, nandito na ako Mahal," sambit nito habang yakap ako ng mahigpit, hindi ko alam kung anong iyak pa ang kinaya kong gawin sa mga oras na ito.

"Natatakot ako, Mahal, baka–baka may mangyari sa ating masama." bulong ko kaya pinagdaop nito ang mga palad sa aking dalawang pisngi at tumitig sa mga mata ko.

"Trust me, I won't let that to happen, okay?"

Sunod-sunod akong tumango dito na hindi maiwasang panginigan ng mga labi dahil sa lakas ng bagsak ng ulan at sa lamig na hatid nito.

"Here, suotin mo ito." Walang pasabi nitong niyakap sa akin ang life vest na mahigpit niyang itinali sa aking katawan

"P-paano ka?" malakas kong sigaw para nito marinig, napansin ko kasing wala itong suot na life vest gaya ko.

"I'm okay baby," he whispered at bahagyang tinapik ang basa kong buhok bago lumingap sa paligid.

Nataranta ako dahil sa pag aalalang bumalot sa akin, "No! saiyo nalang ito!" Sigaw ko at pilit hinuhubad ang suot pero mahigpit niya akong pinigilan.

"No! Isuot mo yan at 'wag na 'wag mong huhubarin! Don't worry about me I can swim." Nakuha pa rin nitong ngumiti sa akin sa kabila ng lahat.

"Pero.." Pagmamatigas ko.

"Lets go, let's find some boat.." Mahigpit muli ako nitong hinawakan sa kamay para makipagbuno sa dami ng tao.

Narating namin ang dulo ng barko kung saan nagsisitalunan na ang iba na may suot na life vest. Ang ilan ay sadyang nahuhulog dahil sa pagtutulakan ng mga tao.

Nilingon ko ang grupo ng mga taong nag-aagawan sa boat, habang ang ilan naman ay nagsusuntukan pa para lang maka-una.

I sighed heavily, Isang mabigat na buntong hininga rin ang pinakawalan ni Hezekiah sa tabi ko habang pinapanood namin ang nangyayari.

" Mahal," I whispered after a long moment. Holding his arm tightly.

"We need to find a boat mahirap sumuong sa alon lalo pa malakas ang bagyo!" Sigaw nito sa tabi ko na nasa ibaba ang tanaw.

Sinulyapan ko ang aming likuran medyo nakapaling na ang barko at ano mang sandali ay pwede na itong tumaob.

"Zekiah, we need you to find a life vest for you first, para pwede na tayong tumalon," ukil kong sinabi.

Ngunit hindi ito sumagot.

"Zekiah?!" Tawag kong sigaw dito.

"Ubos na, wala nang life vest, Mahal, but its okay. We can make it right?" Determinado pa rin niyang sambit.

Pero hindi ako kampante sa kaniyang sinabi maging sa isasagot ko.

"Promise me one thing! Kahit na anong mangyari 'wag na 'wag kang bibitiw," he said in a baritone voice.

Sunod-sunod akong tumango habang basa ng luha ang mga mata.

"I love you.." marahan nitong sambit.

"I love you too." Mabilis kong sagot, matapos noon ay hinapit ako nito para halikan at yakapin ng mahigpit.

Doon na umuga ng malakas ang barko kaya kami muntikang matuwad, kung hindi pa ito nakahawak sa railings ay baka sabay na kaming nahulog sa tubig.

"Come on! We need to jump!" sigaw nito nang makita na sa ibaba ang mga tao, maging ang life boat ay mukhang hindi na mapapa sa min kahit pa ang makisakay doon dahil nagtutulakan na ang mga ito maging sa ibaba.

"No, I can't," sabi ko na nahihintatakutan sa maaring kahantungan.

"Yes you can baby or else we are going to die!" malakas nitong sinabi sa akin.

"No, please lets find some life best for you!" Lumingon muli ako sa paligid, pero gaya namin halos lahat ng natira doon ay pulos walang suot na life best.

Nanginginig akong sumilip sa ibaba, malakas ang alon, ang iba ay pilit na lumalangoy habang ang ilan ay nalulunod. Hindi ko kayang tingnan ang ilang nakalutang na bangkay dahil sa wala itong suot na life best.

Hindi, hindi ko kayang makita si Hezekiah na lumulutang at wala ng buhay, no! Sunud-sunod akong umiling.

"Come on, we have no time Emory!" Malakas na nitong tawag sa pangalan ko.

Ngunit hindi pa ako nakasasagot ay may humila na saaking isang lalaki. "Akin na yang suot mo kung wala kang balak tumalon!" Malakas nitong hila sa suot ko.

Napasigaw ako dahil sa pagkabigla. Ngunit malakas itong sinuntok ni Hezekiah at kinuwelyohan.

"Don't you dare touched my wife!" sigaw nito na muli ay inundayan ng suntok kaya bumagsak ito sa sahig.

Bumaling naman ito sa akin at mahigpit akong hinawakan sa kamay.

"Talon!" sigaw nito kaya nanlaki ang mata ko sa takot. Napansin ko rin ang muling pagtayo ng lalaki na handa ng lumapit sa amin.

"I said jump, now!" Sumulyap ako dito at walang pasabing umakyat sa railing, ganoon rin ang ginawa nito at mahigpit akong hinawakan sa kamay.

"Stop thinking, I'm just here for you!" Ngumiti ito sa akin kaya nakampante ang puso ko at pumikit ng mariin.

"Haah!" Marahas akong bumangon na basa ng pawis ang mga noo, unti-unti ring bumagsak ang mga luha sa mga mata ko na agad kong sinapo ng dalawang palad.

Panaginip, hanggang panaginip nalang ang lahat.

"Hezekiah," sambit ko sa mahinang tinig.