Chapter 2
Kabanata 2
Wedding ring
Gustong mag-ulap ng mga mata ko habang nakatingin sa malakas na paghampas ng alon sa dahat. The cold ocean breeze feels right and yet it brings pain in my heart.
Hindi ko alam kung ilang oras naba akong nakatanaw lang sa malawak na dagat. Simula ng dumating ako dito sa San Marcelino ay araw-araw na akong bumalik dito sa dalampasigan. Nagpapalipas ng maghapon na tila walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid.
Sinulyapan ko ang relos kong pambisig at bahagyang umiling. Isang araw nanaman ang lumipas. I don't know how I survived my day without him, without his touch, his kiss and his warm hug. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako kakaisip kung paano ko malalampasan ang mga darating pang araw na wala siya.
Pinasya kong bumalik nalang sa inuupahang apartment. Mula sa dalampasigan ay minabuting kong maglakad para kahit sandali ay maabala ang utak ko sa nakikita. This is not my usual routine but I find it good and relaxing.
Pero bigla akong napatigil sa paglalakad dahil sa parating na sasakyan. Isang busina nalang ang tanging narinig ko bago magdilim ang aking paningin.
***
Ramdam ko ang mabigat na talukap ng aking mata, pero hindi ko magawang pumukit dahil sa babaeng nagsasalita sa tabi ko.
"Please, wake up 'wag kang matutulog!"
Pinilit kong igalaw ang braso ko pero hindi ko magawa, dagdag pa ang masakit kong balakang.
"Oh my God! Gab, where are you?!" Malakas nitong sabi kaya ako napadilat.
Hawak nito ang cell phone at panay ang lakad sa harapan ko kaya pinilit kong tumayo kaya ito lumingon sa akin.
"No! Huwag kang gagalaw baka mas lalong lumala ang injury mo!" Pigil nito sa akin.
"Ayos lang ako miss," sabi ko sa mahinang boses.
"You're definitely not, just wait a little more minute please?" Pagsusumamo nitong sabi kaya bumalik ako sa pagkakahiga.
Pinakiramdaman ko ang sarili at palagay ko ay ang balakang ko lamang ang masakit at ang siko ko na may sugat. Ilang sandali pa ay ang langit-ngit ng gulong ng kotse ang naulinigan ko kaya muli akong napadilat.
He walk towards to my direction, looking straight into my eyes. Bahagyang kumibot ang mga labi ko, matapos ay mariin iyong kinagat. My heart skip so fast, and I was tense. Ngayon ko lang ulit naramdaman na tumibok ang puso ko ng ganito kalakas sa matagal na panahon. My tears started to seep down on my face and my emotions shattered like hell.
Hindi ko rin mapigilang pasadahan ito ng tingin. Halos walang nagbago dito. He's still looking good, his muscle tone define how strong and healthy he is right now. Perfect jaw and a set of dark stonily eyes. I must say na mas lalong nadepina ang mga masel nito sa braso dahil sa suot nitong puting T-shirt. And the rest is perfect beyond his imperfection.
Gustong bumuka ng mga labi ko para ito tawagin ngunit mabilis na naputol ang titig na iyon nang sumulyap ito sa babaeng nakaluhod sa harapan ko.
"Are you alright?" Bakas ang matinding pag-aalala sa boses nito sa katabi lalo pa nang gagapin nito ang balikat ng babae na nasa akin ang atensyon.
Napalunok ako hindi dahil sa sakit ng sugat na natamo ko kundi sa kirot na gumuhit sa puso ko.
"We need to take her to the hospital," sambit ng babae.
Doon ito muling bumaling sa akin ng tingin at mataman akong tinitigan
"Dadalhin ka namin sa ospital, sabihin mo kung ano ang masakit, okay?" His voice has full of authority, very far from the man I known before, very far from the man I loved the most.
Hindi ko nagawa pang sumagot dahil agad ako nitong kinarga na walang pasabi. Sa bigla ko ay nai-yapos ko ang mga braso sa kaniyang leeg. He take a deep sigh as a sign of discomfort kaya bumaba ang tingin ko sa kaniyang dibdib pero mukhang mas mali ang ginawa ko dahil napatitig ako ngayon sa malapad niyang dibdib.
Sa puntong iyon ay pumikit ako ng mariin at mahigpit na ginagap ang kaniyang balikat palapit sana sa akin ngunit bigla akong natauhan ng marinig kong nagsalita ito.
"Mahal."
Gustong mangilid ng mga luha ko sa kaniyang tinuran at tumingala dito na may lamlam ang mga mata, ngunit agad akong napalingon sa babaeng palapit.
"Yes, Mahal," anang babae na siyang nagbukas ng pinto ng kotse.
"Okay, I'll drive her to the hospital," sambit nito sa babae matapos akong maupo sa front seat.
"Sige susunod ako." Mabilis nitong dinampian ng halik ang lalaki na hindi nakaligtas sa akin.
Bumaling naman ito agad ng sa akin matapos ay bumaba ang tingin sa seat belt na mabilis niyang naikabit bago umikot sa driver seat at walang pasabi itong pinaharurot.
Napapikit ako sa bilis nitong magpatakbo, gusto tuloy tumaba ng puso ko dahil alam kong nag-aalala ito sa kalagayan ko.
Bumaling ako ng tingin dito kaya mabilis itong lumingon sa akin.
"May masakit ba saiyo?" he asked.
"Ayos na ako, hindi n'yo na ako kailangang dalhin sa ospital." Mahina kong sinabi.
"No, we have to make sure na wala kang injury o kahit na anong fracture," he impatiently said.
"But, I-I'm okay." I utterly answered back.
Again I heard a deep sigh coming from him, kaya sa bintana nalang ako tumingin. Madilim na ang paligid pero mapapansin pa rin ang dagat dahil sa mga cottages at ilang resort na nasa paanan ng burol na tinatahak namin.
Gusto kong pumikit dahil gaya ng malayang hanging dumarampi sa buhok ko ay ang natural na amoy niyang nanunuot sa ilong ko. Bumaling ako dito ng tingin na abala sa pagmamaneho.
I still remember every thing about him, dahil hindi siya nawala sa puso ko. I treasured the moment when he said that he never leave me behind, that he loves me more than anything in this world. He promise me that he hold my hands and he never let go whatever happens, but its all dead gone, because the man beside me right now is not the man who made the promised of forever.
Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at magkulong sa mga bisig niya gaya dati, gaya noon na ang mahal pa niya ay ako..
Marami akong gustong tanongin sa kaniya kung paano siya nakaligtas at kung bakit siya nagpakasal sa iba? Kung sinubukan ba niya akong hanapin? Mas lalo kong gustong malaman kung bakit hindi niya ako nakikilala.
Napansin siguro nito ang mga tingin ko kaya ito muling bumaling sa akin.
"I'm Gabriel Magnus, and the woman behind us is my wife, Alessandra Magnus." Bahagya pa itong sumulyap sa rear view mirror kung saan lulan ng sasakyan ang sinasabi niyang asawa daw niya.
I can't help but to shook my head repeatedly, hindi ako sang ayon sa kaniyang sinabi. His wife?? That's bullshit!
"Why?" he chuckled.
Mabilis ang ginawa kong pagsulyap dito na nakakunot ang noo.
"Ah, nothing. I'm Emory Meredith Grant." May bikig sa lalamunan kong sinabi bago mag-iwas ng tingin.
"Hmm, nice name.."
Nilingon ko ito na may gulat sa mga mata. Nais ko sanang magsalita pang muli ngunit huminto na ang sasakyan. Nasa ospital na kami.
Halos kalahating oras rin akong inobserbahan. Sumailalim rin ako sa Xray at CT scan. Ang sugat ko sa may bandang braso ay kailangang tahiin dahil sa malalim na sugat, mabuti ay wala naman na akong iniindang seryoso sa katawan tanging bugbog lamang sa banda kong balakang.
"Doc, thank you so much!" Narinig kong sabi ng babae sa Doctor na kasabay nitong pumasok sa aking silid.
"No problem, Mrs.Magnus, pwede na rin lumabas ang pasyente any time, be sure to take her medicines properly para walang maging impeksyon," aniya at parehong sumulyap sa akin.
"Ah–kakausapin ko lang po siya." Nagpaalam na ito sa doktor na siyang nang umalis.
"Kamusta kana?" Panimula nito sa akin ng kami nalang ang nasa loob.
"Ayos na ako, salamat," bigkas ko na hindi makatingin sa mga mata.
"G-gusto ko sanang humingi ng paumanhin sa nangyari. Its my fault hindi kita agad na pansin." Tuluyan na itong nakalapit sa gilid ng aking kama.
"It's fine, may kasalanan rin naman ako dahil hindi ako tumingin muna sa kalsada bago tumawid."
Sandali itong tumahimik, na tila hindi alam ang sasabihin, napansin ko ring nag-ipon muna ito ng hangin sa dibdib bago ibuka ang mga labi.
"I'm really sorry for what happened, if you want to file a case against me, fine, handa akong harapin ang kaso." Bakas ang senseridad nito sa sinabi.
"Wag kang mag-alala wala akong balak na magsampa ng reklamo laban saiyo." Tipid kong sagot.
Nakita kong nagliwanag ang mukha nito sa aking sinabi kaya mabilis akong umiwas ng tingin.
"Pwede na ba akong umuwe?" tanong ko kapag daka.
"Hintayin lang natin si Gabriel. He's at the cashier area, saan kaba nakatira?" tanong nito.
"D'yan lang malapit sa kabilang bario." Mahina kong sagot.
"Kung gusto mo ihahatid ka na namin, or mas mabuting sa amin ka muna tumuloy ngayong gabi." Suwestiyon nitong sinabi.
"Naku, hindi ba masyadong malaking abala na itong nagawa ko, kaya ko na ang sarili ko." Nahihiya kong sambit.
Doon bumukas ang pinto ng kwarto na siyang nagpatalon sa aking puso.
"Mahal!"
Nadepina ang mga labi ko nang salubongin nito ng yakap at halik ang bagong dating.
"How was she?" Narinig kong tanong nito sa sinasabi niyang asawa habang nakahawak sa balakang nito.
"Pwede na raw siyang umuwe."
"That's good to hear that, so can we go home now?" Hindi nakaligtas sa akin ang simple nitong paghalik sa puno ng leeg ng babae kaya mabilis akong nagyuko para itago ang gumuhit na kirot sa aking puso.
"Can we invite her for dinner? Tutal malapit lang pala ang bahay niya sa atin saka para maihatid natin siya pauwe?" Naglambaras ang babae sa batok nito na siyang bahagyang ngumiti sa kaharap.
Imbes na sumagot ay sa akin ito sumulyap na siyang mabilis kong iniwasan para isampay ang buhok sa aking tenga bago yumuko.
"Sa bahay ka na kumain, bago ka namin ihatid pauwe." Hindi iyon isang imbitasyon kundi isang utos na alam kong hindi ko pwedeng tanggihan kahit noon pa man pero iba na ngayon, Ibang tao na ang nagsasalita sa harapan ko ngayon.
"A-Ayos lang ako, kaya ko ng umuwi mag-isa." Tinuwid ko ang tingin dito na tila may malalim na iniisip habang nakatitig sa akin.
"No, kami ang naka-agrebayado saiyo dapat lang na tumulong kami, saka pasasalamat ko na rin ito saiyo." Agaw ng babae sa usapan namin.
"S-Sige.." Sa huli ay pumayag ako sa maraming kadahilanan. Hindi man ito ang plano ko sa simula ay wala na akong nagawa kundi ang sumang ayon. Marahil langit na ang nagtakda ng aming muling pagkikita.
Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda at laki ng bahay. This is not so typical house na makikita mo malapit sa dalampasigan. This is modern yet simple house na madalang ko nalang makita sa ngayon. Halatang pinag-isipan ang bawat deltaye at sulok ng bahay, yari sa purong bato ang ilang pader at ang dekaledad na kahoy na sadyang idinisenyo sa ceiling, maging ang granite flooring na iba't ibang kulay ay nakadagdag ng kasimplehan pero may dating na tingin ng bahay.
"Tuloy ka, wag ka mahihiya! Pasensya ka na rin kasi hindi ko pa masyado maasikaso ang ilang gamit, kalilipat lang kasi namin dito few months ago." Boses iyon ni Alessandra na iniwan na ako para tungohin daw ang kusina.
Nilibot ko naman ang mga mata sa loob ng bahay, tama nga ako medyo magulo pa ang ilang gamit, maging ang mga paintings ay hindi pa masyadong naiiaayos ng mabuti.
Pinasadahan ko rin ng tingin ang pasimano kung saan naroon ang maliit na picture frame.
Kumibot ang aking labi nang makilala ang lalaking kasama sa litrato. Maluwang itong nakangiti habang yakap niya mula sa likuran ang babae.
Maging ang ilang kuha ay naroon siya na maluwang ang mga ngiti. Gustong mag-ulap ng mga mata ko dahil sa sakit na bumalatay sa aking puso. Hindi ito matangap ng sistema ko, kahit alam kong nasa maayos siyang kalagayan pagkatapos ng lahat ay hindi ko pa rin kayang tanggapin kung ano na ang naging buhay niya ngayon.
Hindi ko naiwasang haplosin ang mukha nito sa litrato, kahit dito man lang ay maibsan ang kirot sa aking mga puso na ilan taon ko na ring itinatago.
Subalit bigla akong natigilan ng may tumikhim kaya ako napatingala sa lalaking nasa i-katlong baitang ng hagdanan. Mabilis kong ibinalik ang picture frame sa dati nitong kinalalagyan ng mapagtanto kong nandirito ang pansin niya.
"Ah, magaganda ang kuha n'yo dito." Kamot ko ang sentidong nag-iwas ng tingin. Iniwasaan ko rin na mapadapo ang tingin ko sa puting T-shirt niyang suot at khaki short.
Hindi ito sumagot imbes ay naglakad ito palapit sa akin kaya ako umayos ng tayo. Amoy ko ang shower gel nitong gamit, indekasyon na katatapos lang nitong maligo, kaya ang plano kong pag-iwas ay hindi ko na nagawa pa dahil sa pinaralisa na niya ang lakas ko.
"Those photos are the most memorable moment of my life, ang makilala ko ang babeng gusto kong makasama habang buhay." Bahagya nitong inangat ang isang frame kung saan tila nag propose siya kay Alessandra.
"Beautiful." mahina kong sambit pero hindi ako sigurado kung nasabi ko ba iyon ng maayos dahil sa panginginig ng boses ko sa tabi niya. Hindi rin kasi ako sang ayon sa kaniyang sinabi.
"Yes, she's the most beautiful person I've have ever known in my entire life." He continued.
Hindi ko maiwasang kagatin ang mga labi dahil sa bugso ng damdaming bumabalot sa akin ngayon.
"Its good to hear that from you, halatang mahal mo talaga ang asawa mo?" Isa iyong tanong na nais kong sagotin niya.
"Of course, I do love my wife!" agad nitong sagot.
Mapait akong ngumiti dito at bahagyang umiling.
"How about you? Are you single or married?" tahasan nitong tanong sa akin.
Mabilis umangat ang mukha ko sa kaniya na puno ng emosyon, gusto kong magalit sa tanong niyang iyon, gusto ko itong saktan at pagsasampalin dahil hindi niya alam kung gaanong sakit ang ibininigay niya sa akin ngayon. Parang hindi ko na kakayanin pa ang magpangap na okay lang ako sa harap niya dahil sa na ngingiilid na ang mga luha ko sa mata.
"Hey, are you alright?" Bakas ang pag aalala nito ng gagapin niya ang isang balikat ko. Ang malamlam nitong mata ay nagtatanong kaya hindi ko magawang makagalaw.
"A-yos lang ako," sabi ko na bahagyang umatras dito dahilan para niya ako bitiwan.
Sandaling katahimikan ang namutawi sa pagitan namin dahil nakita niya ang pagpahid ko ng butil ng luha sa mata.
Napansin ko ang pagbukas ng mga labi nito para sana magsalita ngunit natigilan ito ng lumingon sa likuran ko.
"Dinner is ready!" Pukaw ng boses ni Alessandra sa pananahimik naming dalawa.
"Let's have dinner first," anito sa akin na siya na akong iniwanan para tungohin ang comedor.
Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago ko ihakbang ang mga paa papasok sa comedor.
"Upo ka, pasensya kana kung fried chicken lang ang naihain ko, wala na kasi talaga akong time magluto dahil sa event na ni-ru-rush ko ngayon, ito namang mister ko late na rin kung dumating." Simula ni Alessandra sa akin na sumulyapa pa kay Gabriel.
"Ayos lang.."
"Ano nga palang pangalan mo? I'm sorry nalalimutan kong itanong kanina." Ngumiti ng alangamin sa akin si Alessandra.
"Emory Meredith Grant, my friends call me Meredith, na bahagyang sumulyap kay Gabriel na nasa pagkain pa rin ang pansin.
"Woah, nice name huh? I'm Alessandra and my husband Gabriel." Pakilala nitong muli.
Bahagya lamang akong tumango dito at ibinalik ang pansin sa pagkain.
"Saan ka pala nakatira dito?" tanong nitong muli.
"D'yan lang sa may Village, actually kalilipat ko lang dito a week ago."
"Hhmm, okay." She response.
Sinulyapan kong muli si Gabriel na tila walang gustong itanong ukol sa akin.
"Nandito lang ako para mag bakasyon." dugtong kong sinabi.
"Ah, kami namin dito na for good mas masarap kasing tumira sa tahimik na lugar, malayo sa magulong siyudad at ingay ng mga sasakyan." ngumiti ito sa akin.
"Yeah, mas maganda ngang iyong malayo sa mga tao." sagot ko.
"Oh my God! You're married?!" Nanlalaki ang mata nito habang nakatitig sa palasingsingan ko kung saan nasuot pa rin sa akin ang engagement ring at wedding ring kong bigay sa akin ni Hezekiah.
Mabilis ko itong ginagap at walang pasabing sumulyap kay Gabriel na bumaba ang tingin sa akin.
"Come on may I see your ring?" Pangungulit nito sa akin kaya nahihiya man ay inilahad ko dito ang kamay ko na siya niyang hinawakan mula sa kabilang lamesa.
"Beautiful, look at mine?" Idinikit nito sa kamay ko ang kamay niyang may pareho ding singsing.
Napalunok ako dahil halatang mas mamahalin ang singsing na meron siya kesa nang sa akin.
"Who's the lucky guy? Kasama mo ba siyang mag bakasyon ngayon dito?" tanong muli nito sa akin.
"No, hindi ko siya kasama ngayon." mahina kong sagot.
Nakita ko ang bahagyang gulat sa mukha ni Alessandra kaya minabuti kong inomin nalang ang juice sa aking harapan.
Hindi na ito nagtanong pa ng tungkol sa akin dahil bumaling naman ito sa kaniyang asawa habang ako ay tahimik lang na nakikinig sa kanilang usapan.
Ang akala kong pagkapormal ni Gabriel ay dala niya hanggang dito subalit pag ang asawa na mismo nito ang kausap ay lumalalabas ang pagka masiyahin nito at pala ngiti. Madalas din itong mag-joke sa asawa na kahit corny na ang labas ay siya pa ring tinatawanan ng huli.
"Pasensya kana ha? Ganito lang talaga kaming mag usap ni Gabriel." Paghingi ng paumanhin sa akin ni Alessandra.
"Ayos lang ganyan din naman sa akin ang asawa ko." Bahagya akong ngumiti sa mga ito pero nang bumaling ang tingin ko kay Gabriel ay nakita ko ang kakaiba nitong tingin sa naging sagot ko.
"Talaga? One of these day sana dalawin mo kami ulit, isama mo na rin pati ang asawa mo para makilala namin, diba Mahal?" Humawak pa ito sa braso ng huli na bahagya lamang nag tango sa kaniyang sinabi.
"Natawagan ko napala si mommy, and until now ay wala pa rin siyang nakukuhang pwedeng maging katuwang natin dito sa bahay, malayo raw kasi tayo sa city." Umpisa ni Alessandra sa asawa.
"Ganon ba? I'll called Marcus baka may kakilala siyang pwedeng pumasok sa atin.
Napatuwid ang likod ko ng marinig ang usapan ng mga ito, tama ba ako ng rinig? Naghahanap sila ng kasambahay nila dito sa bahay?
"Sige, tawagan ko rin sila Ferry tungkol d'yan." sagot naman ni Alessandra sa asawa.
Mahigpit kong hinawakan ang kubyertos at nag-ipon ng hangin sa dibdib bago mag salita.
"Naghahanap pala kayo ng kasambahay?" Halos sabay nila akong sinulyapan.
"G-Gusto ko sanang mag apply?"
"I'm sorry?" tanong ni Gabriel sa akin na kunot ang noo.
"Gusto kong pumasok na kasambahay ninyo." buo ang loob kong sinabi.