Library
English
Chapters
Settings

8

DAPAT ay naisip na ni Caleb na gulo ang dala ni Serena. Pero nababaliw na nga yata talaga siya. Hindi na tama ang ginagawa niya. Nagkamali na naman siya nang payagan niya si Serena na pumili ng lugar kung saan sila puwedeng mag-dinner. Iyon nga lang, hindi siya sanay na makipagtalo.

Matagumpay na tao na ngayon si Caleb. Hindi maiiwasan ang pakikipagtalo para mapunta siya sa lagay niya. Pero hangga't maaari ay iniiwasan niya iyon. Ayaw niya na makipagtalo, lalo na sa isang babae. Palagi kasi niyang naalala ang namayapa niyang Mama. Bilin nito na irespeto niya ang mga kababaihan. Lahat raw ng babae ay deserved na irespeto dahil mahirap raw ang pinagdaraanan ng mga ito. Mama's boy siya kaya mahalaga para sa kanya ang mga payo at bilin nito.

Kaya kahit pakiramdam niya ay hindi naman deserved ni Serena na irespeto dahil sa pagpapahirap na ginagawa nito sa kanya, ito at hinahabaan pa rin niya ang pasensya niya. Napapadasal na nga lang siya na sana ay huwag masira ang bagang niya. Kanina pa kasi iyon napapatiim sa inis sa asawa at sa desisyon nito. Sa bar ba naman kasi siya dalhin ni Serena para mag-dinner!

"Kailan pa naging parte ng dinner ang alak?" Halos alak lang ang nakikita niya sa menu ng bar. Wala pang wine roon. Iyon lang ang alak na madalas na iniinom niya.

"May sisig diyan. Wala lang kanin pero I think it will pass,"

"Hindi ako kumakain ng kahit anong meal na walang kanin,"

"Hindi ko na problema 'yun," Walang concern na sabi ni Serena. Sinabi nito sa waiter ang order nito: sisig, isaw, chicharon at isang bote ng scotch. Samantalang Mango Margarita lang ang sa kanya.

Tawang-tawa si Serena sa in-order niya. "I was fifteen years old the last time I ordered that."

Tinaasan ni Caleb ng isang kilay si Serena. "Hindi pa puwedeng pumasok ang mga fifteen years old sa bar."

"What's the use of make-up?"

Napailing-iling si Caleb. May punto si Serena. Nadaan nito sa make-up ang pagka-mature ng mukha nito. Isa rin siya sa naloko nito gamit iyon. Bukod pa roon, matangkad si Serena. Hindi nga mahirap kumbinsihin ang lahat na mas matanda ito kaysa sa totoong edad nito.

"So tell me, ano ang pag-uusapan natin?"

"At sa tingin mo ba ay makakapag-usap tayo ng ayos rito?" Napakalakas ng musika. Bahagya na nga niyang marinig ang sinasabi nito. "We can't know each other well kung sa lugar na ito tayo mag-uusap."

"This is my life, Caleb." Tumingin si Serena sa paligid na para bang proud na proud ito roon.

"And it's the complete opposite of mine..."

Nagkibit-balikat si Serena. Hindi nagtagal ay dumating ang order nila. Napalunok siya na imbes na ang pagkain ang unang galawin ng asawa, dire-diretsong ininom nito ang scotch.

"That's bad for the health." Pinigilan ni Caleb si Serena nang halos makalahati nito ang bote sa isang inuman.

"May alak rin 'yang in-order mo."

"Pero may prutas rin. Palaging sinasabi sa akin ng mga magulang ko na masama raw ang alak. Iniiwasan ko iyon. At siguro naman ay napag-aralan mo rin ang tungkol doon. O siguro, kagaya ko ay naipaliwanag rin iyon sa 'yo ng magulang mo."

"Mukhang mahal ka ng mga magulang mo. Alagang-alaga ka nila."

"I love my parents. I love my family. Sila ang pinakamagandang bagay na dumating sa buhay ko." Proud na proud na wika ni Caleb.

Tatlong taon ng ulila si Caleb. Sabay na namatay sa isang car accident ang magulang niya. Masakit iyon, lalo na at nag-iisang anak lang siya. Halos wala na rin siyang kamag-anak kaya parang nag-iisa na lang siya sa buhay. What happened was very hard. It was devastating.

Pero sa tuwing nalulungkot, iniisip na lang ni Caleb ang masasayang alaala nila ng mga magulang. Mahal na mahal niya ang mga ito. Lahat ng tagumpay na nakamit niya ay inaalalay niya sa mga ito. Pinalaki siya ng mga ito nang maayos at puno ng pagmamahal. Kung magluluksa siya sa pagkawala ng mga ito, hindi magiging masaya ang mga ito. Siyempre, hindi naman niya gusto iyon. Nagpakatatag na lang siya at nagpatuloy sa buhay. Nag-focus siya sa trabaho.

Natapat ang ilaw sa bar sa mukha ni Serena. Namutla ang mukha nito. May hindi ba ito nagustuhan sa sinabi niya? Mukhang nasaktan ito.

"Serena, are you okay?"

Hindi nagsalita si Serena. Sa halip, sinimulan na lang nitong kainin ang sisig. Sinubukan niyang tanungin ulit ito kung may problema. Pero halatang iniiwasan siya nito. Pinilit nitong ibahin ang topic. At pilit man niyang ibalik ulit ang topic about family ay iwas pa rin ito.

Maya-maya ay nainis na si Serena. Tumayo ito. Nag-umpisa itong makipag-sayaw sa kung sino-sino. Nahirapan rin siyang pigilan ito.

Naasar na naman si Caleb. Pero nagpasensya siya. Sa naging pag-uusap nila ni Serena, nagka-hint na siya sa totoong problema.

Pero sa ngayon, ang tanging magagawa na lang ni Caleb ay humingi na magkaroon ng mahabang pasensya sa nakakalokang asawa.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.