6
DEAREST Serena,
I do not know you so well. But I want to believe that you can be a perfect companion. I'm not pleased that we seem have nothing in common. But I am excited with the thought of finding out what could there be. So can we have dinner tonight to get to know well each other? Let's give this relationship a chance.
Yours,
Caleb
Natawa si Serena nang mabasa ang sulat na iniwan ng asawa sa kanya. Kagaya noong dalaga pa siya, late rin siyang nagising ngayon. She was a late riser. Hindi na niya naabutan si Caleb. May dalawang oras na raw nang umalis si Caleb sa bahay para pumasok sa trabaho.
Na-amuse si Serena. Una ay dahil napaka-lumang paraan ng isang sulat. Sino pa ba ang mahilig magpadala ng love letter samantalang uso na ang text messages, calls and even E-Cards? Pangalawa, ang hindi pagsuko ni Caleb sa kanya. Ramdam niya na nainis ito sa ginawa niyang pagtakas sa hired body guard nito para bantayan siya. Hindi rin nito nagustuhan ang pag-amin niya tungkol sa sarili niya. Pero hindi siya sinukuan ni Caleb. Sa halip, gusto pa nitong ayusin ang relasyon nila.
Napatingin si Serena sa reflection niya sa glass wall ng dining room ng bahay ni Caleb. Napaisip siya. Maayos nga ba ang relasyon nila samantalang ang sarili nga niya ay hindi niya maayos-ayos?
Hindi ka na magiging maayos, Serena. Hindi mo na maibabalik ang nakaraan. Sa tuwing pumapasok sa isip ni Serena ang ganoong tanong, ang mga salitang iyon ng Daddy niya ang nakukuha niyang sagot.
Napakabuti ni Caleb para bigyan ng pagkakataon ang relasyon nila. Nakonsensya si Serena. Pero hindi lang naman siya ang nagkamali 'di ba? Nag-assume ito. Inisip nito na magiging mabuting asawa siya rito. Or maybe, also a good mother to his kids. Ganoon ang nakikita niya kay Caleb. A traditional man, a traditional husband. Ito ang taong asawa na palaging nasa bahay at gugulin lang ang buong maghapon para mag-alaga ng anak.
It was just a pity he had been mistaken. Siya, matatali sa bahay? Puwede pa siguro. Pero ang magkakaroon ng anak and heck, even take care of it? Imposible. She will never handle a child's responsibility.
Hindi na ulit.
Kasalanan ni Caleb ang lahat. Hindi ito nag-research tungkol sa pagkatao niya. Bahala itong magdusa.