5
NAG-UUMPISA pa lang ang araw ni Caleb ay sirang-sira na iyon nang dumating ang hired bodyguard niya sa opisina. Uminit kaagad ang ulo niya sa dala nitong balita.
"'Sorry, Sir. Ginawa ko naman ang lahat. Kaya lang ay mabilis talaga si Ma'am, eh. Mukhang ayaw talaga niya ng sinusundan siya."
Nagtagis ang bagang ni Caleb. Inaasahan na niya ang report pero naasar pa rin siya. Sandali pa lang pero pakiramdam niya ay isang malaking pagkakamali ang kasal nila ni Serena.
"Hindi ka dapat sumuko. Ipinagpatuloy mo sana ang paghahanap sa kanya!"
Napakamot ng ulo ang body guard. "Pasensya na po talaga, Sir."
"Get out!" Mataas ang boses na wika ni Caleb. Bihira niyang gawin iyon. Mahaba ang pasensya niya. Pero wala pang isang araw na asawa si Serena ay subok na subok na iyon.
Nagkamali si Caleb ng judgment. Hindi si Serena ang sweet, loyal wife na inaasahan niya....
"Bakit mo ginawa iyon?" Hindi makapaniwalang wika ni Caleb pagkatapos siyang sampalin ni Serena.
"Hinalikan mo ako, buwisit ka!" Itinulak siya nito palayo. Itinalukbong nito sa katawan ang comforter ng kama.
Kunot na kunot ang noo ni Caleb. "Asawa na kita, Serena. Dapat ay expected mo na hahalikan kita."
"Pero wala kang paalam! Ayoko ng halik mo! Umalis ka rito!"
"Bahay ko ito, in case you forgot..."
"Oo. Pero hindi ito ang kuwarto mo. Hindi ko expected na pupunta ka rito. And worst, basta-basta na lang akong hahalikan! Baka gusto mong kasuhan kita ng rape? Marital rape!"
"Ha?"
"Kunwari ka pa! Iyon naman talaga ang gusto mo na gawin sa akin 'no?!" Naniningkit ang mata ni Serena. "Now, I'm warning you. Kayang-kaya kitang labanan. Alam ko ang batas. Kakasuhan kita kapag hinalikan mo pa ako ulit! Bastos ka!"
Nag-expect si Caleb na isang sweet at inosenteng babae ang kanyang asawa. It's because of Serena's face says so. Mukha itong angel. Mukhang ni hindi nga ito makabasag ng kahit pinggan. But the way she shout and accused him, he felt like she was harder than the devil.
"You're wrong, Serena. Gusto lang naman kitang gisingin---"
"By kissing me?!"
"Sinosorpresa lang kita. Girls like surprises, right?"
"You got it wrong then."
Humalukipkip si Caleb. "Enlighten me. Hindi ito ang in-expect ko sa 'yo..."
Ngumisi si Serena---isang nakakalokong ngisi. The angel was really gone. Ilusyon lang yata iyon. She looked wicked now. Really evil. Bumangon ang takot sa puso ni Caleb.
"Kung ganoon ay hindi mo ako kinilala, Caleb Imperial. Isa ka siguro sa naloko ng mala-anghel ko na mukha."
"But surely, you are mature enough to know your responsibilities as a wife."
"I'm just twenty two, Caleb. And I don't think I'm mature enough to be a proper wife."
Napakurap si Caleb. Mas bata pa pala kaysa sa inisip niya ang asawa niya!
Nakonsensya si Caleb. Feeling niya ay isa siyang cradle snatcher sa ginawa niya kay Serena.
"Damn. Ano pa ang kailangan kong malaman sa 'yo, Serena?"
Ang tanga-tanga ni Caleb. Bakit hindi niya kinilala si Serena? Bakit hindi siya nakinig kay Ram? Masyado siyang nag-rely sa first judgment niya sa asawa.
"Mukhang hindi ka nga nag-research. Did you know that I am also known to be a rebel teen? At kahit ngayong hindi na ako teen, I am still branded as a rebel..."
Iyon ba ang dahilan kung bakit mabilis rin niya na nakumbinsi ang ama nito para maikasal rito? Dapat ay napansin na niya na may kakaiba noong una pa lang. Madali niya itong napa-oo kahit magkalaban sila. Hindi niya napansin na sa una pa lang ay parang gusto na nitong ibenta ang anak kahit wala itong matatanggap na kapalit.
Kaya madaling ibinigay ni Sergio Villanueva ang anak sa kanya ay dahil may problema ito. And maybe the old man doesn't want to carry that burden anymore...
"I am a rebel person. I like it. I enjoy it. And now I think will also enjoy being a rebellious wife..."
Natulala si Caleb sa sinabi ng asawa.
Isang araw pa lang at pinapasakit na ni Serena ang ulo niya. Pinaramdam na kaagad nito ang sinabi kagabi. Damn it, he married a rebellious woman!
Naiinis si Caleb. Isang pang-habang buhay na kontrata ang kasal. Naniniwala rin siya na sagrado iyon. At ginusto niya na maikasal 'di ba? Malas nga lang. Biktima siya ng maling akala.
Pero responsableng tao si Caleb. Mahirap man pero kailangan niyang harapin ang consequence ng pagiging careless niya. Kailangan niyang ayusin ang relasyon nila ni Serena. Kaya nang iniwan niya ito kagabi, na siyang utos rin naman nito, ay naghanap si Caleb ng security team. Kumuha kaagad siya ng body guard na magbabantay sa asawa.
Bilang isang kilalang business man, kailangan rin ni Caleb na alagaan ang reputasyon niya. Ngayong asawa na niya si Serena, bahagi na ito ng buhay niya. A woman is a reflection of her man, ika nga nila. Kailangan niyang alagaan ang asawa.
Pero paano na ngayong ayaw naman nitong magpa-alaga?
Nahilamos muna ni Caleb ang mukha bago niya naisip na tawagan ang isang tao na sa tingin niya ay makakatulong sa kanya. Tinawagan niya ang ama ni Serena.
"She's starting..." Mukhang expected na ng matanda ang sitwasyon.
"Anong number niya?" Sa halip ay tanong ni Caleb nang makumpirma na may problema nga talaga ang pinakasalan niya.
Ibinigay ni Sergio ang cell phone number ni Serena. Hindi na niya pinatagal ang pag-uusap nila kahit gusto niya. Pakiramdam niya ay nadaya siya. Maganda ang offer na ibinigay niya sa naghihingalo ng kompanya nito: merging. Sa lagay ng SV Electronics, tanga na lang ang gagawa noon. At tanga nga talaga si Caleb. Dahil sa halip ginto, putik pa ang nakuha niya.
Tinawagan ni Caleb si Serena. Sinagot naman kaagad siya ng asawa.
"OMG, giving me a body guard is a very old thing to do, my dear husband. Hindi ba uso sa 'yo tracking device?" wika ni Serena nang ma-recognize ang boses niya.
"Serena, nasaan ka? I expect you to be home. Always at home! Iyon ang gawain ng isang mabuting asawa!" Ni-report ng body guard na naiwala raw nito si Serena sa mall. Nagyaya raw kasi ang babae papunta roon para bumili ng ilang gamit.
"Hindi ako mabait, Caleb." Humagikgik pa si Serena sa kabilang linya.
"This is not funny. Kung alam mo pala na hindi mo magagampanan ang responsibilidad ng isang asawa, bakit ka pa pumayag na magpakasal sa akin?"
"Mayaman ka. Maibibigay mo ang lahat ng luho ko. Isa pa, gusto kong makaalis sa bahay ni Daddy. This is the easy way out."
"And do you think, papayagan ko na magpatuloy ang pagrerebelde mong ito?"
"Walang naggawa si Daddy. Ano ka pa na hindi ako totally na kilala 'di ba?" Pinatayan na siya ni Serena ng tawag.
Tinawagan ulit ni Caleb si Serena. Pero pinatay na nito ang cell phone.
Gigil na nahampas ni Caleb ang office table niya. Responsibilidad niya si Serena. Kailangan niyang ayusin ang gulo na siya mismo ang gumawa. Pero paano ba niya sasagutin ang pinakamalaking tanong sa relasyon nila: Paano ba mapapabait ang isang matanda na isip bata?