5
Two and a half months later
MASAMA ang pakiramdam ni Misha. Ikatatlong tulog na niya iyon ngayong araw pero hindi pa rin noon naiibsan ang sama ng kanyang katawan. Alas kuwatro y medya na ng hapon. Kung ipagpapatuloy niya pa ang pagpapahinga, wala na naman siyang magagawa. Wala naman siyang pasok ngayong araw. Ganoon pa man, kailangan niyang harapin ang responsibilidad niya bilang may bahay. Darating ngayong gabi ang matalik na kaibigan ni Duke na si Sean. Mahigit isang taon na nanatili ito sa America kaya na-miss ni Duke. Niyaya nito ang lalaki na sa bahay muna nila magpalipas ng gabi bago umuwi sa bahay ng pamilya nito sa Batangas.
Kailangan na ipaghanda ni Misha ang pagdating ng lalaki. Sean is a big man. Isa pa, special request rin nito na ipaghanda niya ito. Gusto raw nito ang luto niyang adobo at kaldereta. Kapag nasa Pilipinas kasi ito ay madalas sila nitong dinadalaw. Hindi rin miminsan na natulog ito sa bahay nila. Parang kapatid na kung ituring ito ni Duke.
Nag-ayos si Misha ng sarili. Wala naman siyang lagnat. Sadya lang na nag-iinarte ang katawan niya siguro. Mabigat iyon at tila walang gana na gumawa.
"Okay na po kayo, Ma'am?" wika ni Manang Perla---isa sa apat na kasambahay nila sa bahay. Ito ang naabutan niya sa kusina. Hinahanda at inaayos nito ang mga sahog para sa lulutuin na binili nila kanina sa palengke.
Alam ni Manang Perla ang lagay niya. Kanina pa kasing umaga habang namamalengke sila ay narereklamo niya rito ng nararamdaman niya. Ito rin ang nagpilit na magpahinga siya.
Napahawak si Misha sa ulo. "Hindi pa nga po, eh. Pero kakayanin. Alas sais daw ang baba ng eroplano ni Sean. Alas siyete malamang ay nandito na iyon sa bahay."
"Kung gusto niyo po ay ako na lang ang magluluto, Ma'am. Sigurado naman po na maiintindihan ni Sir Sean kung hindi niyo magagawa."
Umiling si Misha. "I think I can manage na naman po. Hindi na rin na naman ako puwedeng matulog. Baka manakit pa ang ulo ko."
Pinabayaan na ni Manang Perla si Misha sa gusto. Tinulungan na lamang siya nito sa pagagayat ng mga gulay at karne. Bahagyang nawala rin naman ang sama ng pakiramdam ni Misha. Nag-enjoy siya sa pagluluto. Ilang minuto bago dumating si Duke at Sean ay handa na ang lahat ng pagkain.
Masayang binati ni Misha ang dalawa. "Welcome back, Sean. Kumusta?"
"I'm good as always." Hindi ngumiti si Sean at tinitigan siya. "Pero mukhang ikaw ay hindi. Namumutla ka. Are you feeling well?"
"Hindi kanina. Pero maayos na ang pakiramdam ko ngayon." Nawala na ang bigat ng katawan ni Misha kaya hindi niya naisip na namumutla pala siya. Hindi na siya nakapag-ayos ng sarili at tinignan ang itsura sa salamin sa sobrang pagiging abala.
"Are you sure?" may pag-aalala sa tinig ni Duke.
Tumango siya. "Naipagluto ko na nga kayo, o."
Ngumisi si Sean. "If then, baka nag-iba lang ang tingin ko. O masyado ko lang naiisip ang pinag-usapan namin ni Duke kanina."
Itinaas ni Misha ang isang kilay. "Ano naman iyon?"
"Na hindi pa rin ako makapaniwala na hanggang ngayon ay kayo pa rin ng best friend ko na ito," tinapik ni Sean ang balikat ni Duke. "Don't get me wrong, ha. Pero alam naman natin kasi na player si Duke. May pagkamainitin rin ang ulo minsan at maraming issues sa buhay. Paano mo naggawang pagtiyagaan ang lalaking ito?"
Inakbayan siya ni Duke. "I'm tamed now. Thanks to this beauty." Binigyan pa ng halik sa pisngi ni Duke si Misha.
"Hmmm..."
Tumawa si Misha. "You just haven't found your match, Sean."
Kagaya ni Duke dati ay player rin si Sean. Ang kuwento sa kanya ni Duke ay mas malala pa nga raw ito ngayon. Kung dati ay flavour of the month raw ang habit ni Sean, ngayon ay nagiging flavour of the week na raw iyon. But there is no one to be blamed. Guwapo naman kasi talaga si Sean.
Nagkibit-balikat lang si Sean.
Nagsimula na silang kumain. Kagaya ng dati ay puring-puri ni Sean ang luto niya. Tuluyan ng nawala talaga ang sama ng pakiramdam ni Misha. Naging masaya siya sa company ng dalawa. Sean was a natural charmer. Ang dami nitong kuwento at jokes. Naaaliw si Misha. Pero alam niya na kailangan rin niyang bigyan ng oras ang magkaibigan.
Nang makatapos kumain ay nagpunta ang dalawa sa wine bar. Ugali na ng dalawa na mag-inuman kapag magkasama. Pinabayaan ni Misha ang magkaibigan. Tumulong siya sa paglilinis ng pinagkainan at paglilinis ng bahay. Nang matapos ay nagbasa siya ng libro. Masyadong mahaba ang ipinapagpahinga niya kanina kaya lam niya na hindi siya makakatulog kaagad. Nilibang niya muna ang sarili.
Malalim na ang gabi pero ganoon pa rin ang ginagawa ni Misha. Nabo-bored na nga siya. Hindi naman siya dalawin ng antok. Kasalanan iyon ng ilang beses na pagtulog niya noong umaga. Isa rin sigurong dahilan si Duke. Hirap siyang makatulog sa gabi kapag wala ang asawa sa tabi.
Sinubukan ni Misha na silipin ang dalawang magkaibigan. Kailangan rin siguro niyang asikasuhin ang mga ito. Magdadala siya ng makakain pa ng dalawa. Alas onse na pero ang lalakas pa rin ng enerhiya ng mga ito. Nakakapagtaka para kay Sean na dapat ay may jetlag pa sa biyahe. Pero siguro ay masyadong na-miss ng dalawa ang isa't isa. Malutong ang tawa at halos magsigawan ang dalawa sa saya. Kaya naman kahit nasa malayo si Misha, rinig niya ang usapan ng mga ito.
"Pero seryosong usapan, Pare. Kumusta nga kayo ni Misha?" dumating sa ganoong usapan ang dalawa habang nakikinig si Misha sa malayo. Mali ang ginagawa ni Misha. She was eavesdropping. Hindi kasi siya nakikita ng dalawa. Ang akala ng mga ito ay nasa kuwarto siya. Pero hindi rin naggawa ni Misha ang paglapit sa dalawa. Sa halip, mas ginusto niyang makinig sa malayo. Siya kasi ang usapan at may malaking bahagi ng isip na nagsasabing kung lalapit siya ay mapuputol ang usapan. Gusto niyang marinig ang opinyon ng mga ito na hindi alam na nakikinig siya.
"We're good. Nakita mo na naman 'di ba? We're still happy together." Mabilis na sagot naman ni Duke.
Tama ang sinabi ni Duke. Nagkasundo na rin naman sila ng asawa pagkatapos ng pagkakatampuhan. Nakumbinsi na rin siya nito na huwag ipilit ang kanyang gusto. Everything is well in their relationship. Bumalik sila sa dati.
"Yeah. Pero nahihirapan pa rin ako na paniwalaan."
Natawa si Duke. "We're back to square one? Mukhang gusto mo yata akong demonyohin."
"Nah. It's just that you---! Mas babaero ka pa kaya sa akin dati. Anong mayroon kay Misha? Are you really in love with her?"
"She's beautiful." Sa halip ay sagot ni Duke.
"I know. I have to eyes to judge. Well, naka-jackpot ka rin naman talaga sa asawa mo. Maganda, matagumpay sa buhay at masarap magluto. Pero bukod roon, ano pa ang nagustuhan mo sa kanya?"
"She's a good wife. Inaalagaan niya akong mabuti. I'm happy with her. Bakit mo ba gustong-gusto na tanungin ang tungkol sa amin ni Misha?"
"I just wondering what is love. I have this girl in America and I think I'm in love with her."
Tumango-tango si Duke. Pero walang kahit anong ngiti sa mukha nito sa ipinagtapat ng kaibigan. Napaisip tuloy si Misha. Hindi ba gusto ni Duke na nagagaya na rito ang kaibigan?
Sumagot si Duke. "Hindi ako ang tamang tao para pagtanungan mo niyan. Love has nothing to do with me and Misha."
Parang bomba sa pandinig ni Misha ang narinig mula sa asawa. Anong sinasabi ni Duke? Hindi na niya ito inuusisa tungkol sa hindi nito pagsasabi ng mga salitang mahal kita sa kanya. Iyon ay dahil sa nararamdaman naman niya iyon. O siguro ay dahil nahihiya lang rin ito na magsabi. Cheesy nga naman ang mga taong nagsasabi ng I love you. Hindi ganoon ka-romantic ang asawa niya. Naiisip niya na siguro ay dahil sa image nito. He's a macho man. Pero ang isipin na walang pagmamahal talaga? Iba na yata iyon.
"What do you mean?"
Uminom ng alak si Duke. "I don't do love, Sean. I do care for Misha. I'm happy with her. But it doesn't mean that I love her."
"Hindi ko pa rin maintindihan. You do have other girls in your life?"
"No. Siya lang ang babae sa buhay ko. Sinabi ko na sa 'yo na pinapahalagahan ko siya. Hindi ko siya magagawang saktan. Isa pa, wala na rin naman ibang babae na nakapagpaakit sa akin simula nang makilala ko siya."
"Then what you feel for her?"
"I care for her. She's unique. Alam ko sa puso ko na siya na ang babaeng para sa akin. Pero hindi ko iyon gustong i-associate sa salitang pag-ibig."
Napanganga si Sean. Kahit si Misha ay ganoon rin ang reaksyon.
"Naguguluhan talaga ako. Love is powerful, you know. Iyon rin ang dapat na dahilan para pakasalan ang isang tao. Pero kakaiba ang sa 'yo."
Ngumisi si Duke. "Gusto mo bang malaman kung ano ang pinakamalaking dahilan kung bakit pinakasalan ko siya?"
"Ano?"
"Hindi niya maibibigay sa akin ang isang bagay na halos lahat ng mag-asawa ay gustong magkaroon. Hindi niya ako mabibigyan ng anak."
Nanlaki ang mata ni Misha sa narinig. Masyado na siyang maraming pasabog na nalaman. Sumama ang kanyang pakiramdam. Tama ba na iyon ang dahilan ni Duke? At iyon pa ang pinakamalaking dahilan nito!
Mali na maramdaman rin siguro ni Misha ang masasamang damdamin. Bakit naman siya magagalit? Sinong hindi magugustuhan ang isang lalaking magugustuhan ka sa kahinaan mo? Marami siyang alam na tao na kapag nalalaman na hindi magagawang makapagbigay ng anak ay natu-turn off o ang iba pa nga ay iniiwan ang mismong asawa. Pero siya mismo ay nagustuhan pa ni Duke ng dahil roon.
Anong dahilan ni Duke? Marami pa ba siyang hindi alam sa asawa?
Napahawak si Misha sa kanyang ulo. Bigla siyang nahilo. Dahil ba iyon sa mga pasabog ni Duke? Napahawak rin siya sa bibig. Nandidiri siya sa mga narinig. She wanted to puke on the heard thoughts.
And so she did.