Library
English
Chapters
Settings

1

"I WISH you were my mom, Doctora Misha." Nakayakap na wika ng walong taong gulang na pasyente ni Misha na si Josephine. Limang taong gulang pa lamang ito ay pasyente na niya ito. Nasubaybayan niya ang paglaki ng bata. Hindi naman ito sakitin pero dahil anak ng isa sa pinakamakapangyarihan na tao sa mundo, quarterly ay pinapa-check up ito ng magulang. Ang mga mayayamang bata na kagaya nito ay alagang-alaga ng pamilya.

Ibinalik ni Misha ang yakap sa bata. Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Hindi naman kasi miminsan na nakarinig siya ng ganoong papuri. Ilang taon na siyang Pediatrician. Marami siyang pasyente dahil mabait raw siya. Madalas na kinagigiliwan siya ng mga bata. Ganoon rin naman siya sa mga ito kaya nga iyon ang pinili niyang specialization.

"Thank you for that, Josephine. I would love to have you as my daughter, too. Pero alam naman natin na hindi puwedeng mangyari iyon."

Huminga nang malalim si Josephine. Humalukipkip ito. "Palagi na lang busy sina Daddy at Mommy. Ni hindi niya maggawang makipag-play sa akin. Mas madalas pa nga po ikaw na tumawag sa akin kaysa kayna Mommy."

Mukhang tampo na tampo ang bata sa magulang nito. Naiintindihan naman ni Misha ang sitwasyon nito. May ari ng isa sa pinakamalaking clothing company sa Pilipinas ang magulang ni Josephine. Sikat ang pamilya nito sa larangan ng negosyo. Natural na maging abala ang mga ito at halos wala ng oras para sa nag-iisang anak ng mga ito. Sa katunayan, hindi kasama ni Josephine ang magulang nito. Ang yaya lamang nito ang kasama nito na magpa-check up. Ganoon palagi ang set-up.

"Para sa 'yo rin naman ang ginagawa ng parents mo. Nagtatrabaho sila nang maayos para maibili nila sa 'yo ang lahat ng gusto mo."

"I just want a little more of their time. Mahirap ba iyon?"

"They ran a big business. They need a lot of time for that. Naiintindihan ko naman na mahirap ang pinagdadaanan mo, baby. Pero palagi mong isipin na para sa future mo rin ang ginagawa nina Mommy and Daddy mo. They need to acquire a lot of money for you. Hindi ka na mahihirapan pa kasi kaya nilang i-provide ang lahat ng needs mo. You can even go to a high-class school, you can pick whatever course you wanted to have in college. 'Di ba pangarap mo na mag-Doctor rin kapag nag-college ka? Mahal ang mag-aral ng ganitong kurso. Pinag-iipunan nina Mommy at Daddy mo ang pera para roon."

Tinitigan siya ni Josephine. Matagal-tagal rin bago ito nagsalita. Parang pinipilit nitong i-digest sa isip ang mga sinabi niya. "You are so understanding, Doctor."

Hinawakan ni Misha ang baba ni Josephine. "I've been there, Baby."

Isang business man rin ang Daddy ni Misha. Lumaki siya na halos hindi nakikita ito dahil palaging abala. Kung tutuusin, mas mahirap pa nga ang pinagdadaanan niya. Daddy lang kasi ang mayroon siya at madalas na wala pa ito sa tabi niya. Namatay ang kanyang ina sa panganganak sa kanya.

Ganoon pa man, natutunan ni Misha na intindihin ang sitwasyon. Palagi kasi iyong pinapaintindi ng Yaya Esther niya sa kanya. Ito na ang parang tumayo niyang magulang. Namatay ito may tatlong taon na ang nakakaraan. Ganoon pa man, tumatak kay Misha ang mga salita nito. Lumaki na rin siya kaya naintindihan na niya. Ngayon rin na retired na ang kanyang ama sa pagiging presidente ng kompanya ay bumabawi rin naman ito sa kanya.

Para rin sa kanilang mga anak ang lahat ng ginagawa ng mga magulang ngayon. Wala silang dapat ipagtampo.

Tumango-tango si Josephine. "All right. Susubukan ko po talaga na intindihin."

"I know you will." Ngumiti si Misha. "I'll call you next week, okay?"

Isa si Josephine sa mga paboritong pasyente ni Misha. Sweet kasi ito sa kanya at parang anak na rin ang turing niya rito. Madalas na tinatawagan niya ito para kumustahin.

"And I will always wait for that, Doctor. Thank you po for being an almost a mom to me, too."

"You're always welcome, Baby."

Niyakap at hinalikan ni Josephine si Misha. "Gustong-gusto ko na po talaga na magpa-ampon sa inyo kasi ang bait-bait mo. Napakasuwerte po talaga ng magiging anak niyo, Doctor. I wish that it will happen soon."

Sandaling nawala ang ngiti ni Misha. Kung alam lang ng bata ang kondisyon niya. Pero pinili niya na manahimik na lamang. Kung nahihirapan itong intindihin ang kondisyon nito at ng mga magulang, mas mahihirapan itong intindihin ang sitwasyon niya.

Pinili ni Misha na makapag-concentrate muli sa trabaho. Ayaw na muna niyang isipin ang sinabi ni Misha gaano man kasarap na isipin noon. Anak. Sariling anak. Isa sa mga pangarap niya iyon. Pero malabo na magkaroon ng pag-asa na matupad...

Matagal na naman na alam ni Misha ang katotohanan. Iyon nga ang dahilan kung bakit niya pinili na maging Pediatrician. Mahilig siya sa mga bata. Sa kasamaang palad, may asawa man siyang tao ay hindi siya puwedeng pagkalooban noon.

Nagconcentrate si Misha sa trabaho. Alas kuwatro nang matapos ang nasa dalawampu't limang pasyente niyang nagpa-check up ngayong araw. Nang matapos ay sandaling nag-merienda siya at nag-round na sa lahat ng mga pasyente niya na naka-confine sa St. Alexander's Hospital---ang ospital kung saan siya resident Doctor. Alas siyete na nang matapos ang pagra-round niya. Ang pinakahuli niya pang mga binisita ay ang mga sanggol na nasa nursery. Hindi tuloy maiwasan ni Misha na makapagmuni-muni. Kahit tapos na niyang i-check up ang mga bata ay nanatili pa rin siya sa lugar. Kinarga at pinatahan pa ni Misha ang isang sanggol na ayon sa nagbabantay ay kanina pa raw iyak nang iyak. Hindi siya ang Doctor nito kaya noon lang niya napansin.

Tumahan kaagad ang bata. Naramdaman ni Misha na kailangan lang nito ng atensyon. Napangiti siya nang laruin niya ay ngumingiti rin ang bata.

"Napakagaling niyo po talaga sa mga bata, Doctora." Wika kay Misha nang nagbabantay sa nursery.

"Salamat."

"Magiging magaling na Nanay po talaga kayo. Kailan po ba, Doctora?" pag-uusisa pa ng nagbabantay.

Here we go again. Ikinawala ng mood ni Misha ang narinig na naman. Hindi naman talaga siya sensitive sa mga ganoong usapan noon. Pinipilit na rin naman kasi niyang tanggapin ang kondisyon kahit masakit. Pero kapag marami na ang nagtatanong at nagsasabi ay napupuno rin siya.

Ibinaba ni Misha ang sanggol. Nagpaalam na siya na aalis. Kanina pa naman dapat niya ginawa iyon. Hindi lang siya Doctor. May responsibilidad rin siya bilang asawa. Dalawang taon na siyang kasal kay Duke Jacques---isang half-French, half-Filipino businessman.

Hindi na dapat iniisip ni Misha ang mga kakulangan sa buhay. Sa asawa pa lang naman kasi niya ay panalo na siya. Tanggap siya nito sa kabila ng mga kulang niya sa buhay. Hindi rin ito kagaya ng ama niya at magulang ni Josephine kahit na ba malaking kompanya rin ang hawak nito. Palagi itong may oras sa kanya. Pero bilang asawa, alam niyang responsibilidad niya na asikasuhin si Duke. Siya dapat ang mas nauunang umuwi sa bahay kaysa rito. Iyon na lang ang tangi niyang magagawa sa kanyang asawa.

Gagawin ni Misha ang lahat para mapantili ang magandang relasyon nila ni Duke. Mahal niya ang asawa at ramdam niya na ganoon rin ito sa kanya. Masaya ang relasyon nila. Masuwerte siya rito. Masuwerte siya sa kanyang buhay. Pero nitong mga nakaraan, hindi niya maggawang ma-appreciate ang lahat ng suwerte niya sa buhay.

May kulang sa buhay ni Misha. Gaano pa man siya kayaman, si Duke o ang kanilang mga pamilya, hindi noon maibibili ang gusto niya. Hindi siya magkakaroon ng anak dahil may diperensya siya. Masyado siyang pinahihirapan ng katotohanan na iyon. Nagiging madalas ang kalungkutan niya nitong mga nakaraan sa kakaisip noon.

Walang magagawa si Misha sa sitwasyon. Unfair nga ba na maituturing ang buhay? She almost has everything in the world except for one thing: a child of her own.

"Puwede naman kayong mag-ampon." Naalala ni Misha na wika ng kanyang Daddy. Masyado na kasing mabigat ang damdamin niya tungkol sa kakulangan. Nagbukas siya ng damdamin sa ama.

"Magiging mabuti ba iyon, Daddy? Saka okay lang sa inyo?" sagot naman ni Misha. Hindi rin naman miminsan na naiisip niya ang tungkol roon. Pero may pag-aalinlangan siya.

"Wala akong nakikitang masama sa pag-aampon. We are financially equipped to do that. Emotionally ay alam ko naman na handa ka rin roon. You are good with kids. Walang kaso sa akin kung hindi natin totoong kadugo ang bata. Sa atin naman siya lalaki kaya matuturuan natin siya ng mga tama at mali."

Tumango si Misha. "Paano kaya si Duke? Sa tingin niyo ba ay papayag siya?"

Kinuha ng ama ang isa sa mga ampon nilang pusa sa bahay. May limang pusakal silang inampon. Bukod kasi sa mga bata, hilig rin ni Misha ang mga pusa. Lahat ng mga iyon ay tanggap at ramdam niyang mahal rin ni Duke. "Sa tingin ko naman ay oo. Pumayag siya sa pag-aampon mo ng mga pusa na ito. Ganoon rin naman ang pag-aampon ng isang bata sa tingin ko."

Nag-isip-isip si Misha. May kaibahan rin naman iyon. Mas malaki ang responsibilidad ng pag-aalaga ng isang bata kaysa sa pusa. Handa ba si Duke roon? Hindi niya sigurado. Aminado kasi ang asawa na hindi ito mahilig sa bata. Pero kahit magkaiba ng interes, hindi kailanman sila nagtalo nito. Hinayaan lang siya nito sa mga bagay na masaya siya. Hindi siya nito pinapakialaman tungkol sa trabaho at hilig niya.

Iyon ang dahilan kung bakit alinlangan si Misha na sabihin sa asawa ang matagal na niyang gusto. Pero hanggang kailan niya puwedeng dalhin ang bigat ng kanyang damdamin? Hanggang kailan niya iyon itatago?

Ganoon pa man, hindi na rin nahirapan si Misha. Si Duke na mismo ang nakapansin sa kanyang problema. Mas maaga siyang nakauwi sa asawa dahil masyadong napahaba ang meeting nito noong hapon. Naggawa niya pang pagsilbihan ang asawa ng hapunan. Doon nito napansin ang pagiging iba ng timplada ng dati ay masiyahin na siya. Hindi na rin kasi niya maggawang itago. Masyado siyang naapektuhan sa mga sinasabi ng tao sa ngayon.

Niyaya siya ni Duke sa winebar nito sa loob ng bahay. Kapag may mga gusto itong pag-usapan, madalas siya nitong niyaya roon. Pareho nilang paborito ang strawberry champagne kaya iyon ang inilabas nito.

"What is it, Babe?" diretsong tanong ni Duke kay Misha.

Ganoon palagi si Duke. Hindi ito mahilig sa mga paligoy-ligoy. Gusto nitong mabilis na nakukuha ang sagot at mga gusto nito. Ganoon ang nangyari sa relasyon nila. Their relationship was more of a whirlwind romance. Mahigit isang buwan pa lamang silang magkakilala ay niyaya na siya nitong magpakasal. Pero hindi naman naramdaman ni Misha na mali iyon. Patunay na roon na lumagpas na sila ng dalawang taon bilang mag-asawa. Halos wala silang problema. Masaya sila sa relasyon nila.

Uminom muna si Misha. Gusto niyang magkaroon ng lakas ng loob. Makakatulong roon ang liquor. Kinakabahan siya sa magiging reaksyon ng asawa. May hindi kasi siya magandang nararamdaman. Palagi niyang naalala ang sinasabi nitong wala itong hilig sa bata. Ilang beses na kasi nitong ipinamumukha iyon sa kanya.

Naka-tatlong kopita si Misha bago niya sinagot ang tanong ni Duke. Nakaramdam na siya ng tapang. Sinalubong niya ang kulay abo na mga mata nito. Pakiramdam siya ay matutunaw siya sa titig na iyon. Hindi pa rin siya gaanong nasasanay. Pero hindi na ganoon katindi ang panghihina niya dahil sa alak.

"Gusto kong magkaanak, Duke..."

Nangyari ang kinatatakutan ni Misha. Nagkaroon ng apoy sa mata ni Duke. Nagdilim ang mukha nito.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.