Chapter 6
Kabanata 6
Best friend
Hinatid ako ni Cindy pauwe sa condo ko. Habang daan ay tahimik lang akong nakatanaw sa labas ng bintana.
Panaka-naka itong lumilingon sa akin habang nag da-drive.
"Margaux," she started. Hinawakan nito ang kamay ko.
"Bakit Cindy? ano bang nagawa kong mali sa relasyon namin? Bakit kailangan kong masaktan ng ganito?" Unti-unti ng umapaw ang luha sa mata.
"No, wala kang ginawang mali, kung sino man ang may pagkukulang dito, ang walang hiyang Lester na iyon!" Halata na rin sa tinig nito ang 'di maitagong galit.
"Siya ang nawalan at hindi ikaw! Hindi mo deserve ang mga ganong tao. Mabuti na 'yong nalaman mo na ang lahat," aniya pa sa'kin.
Magdadalawang oras na mula ng ihatid ako ni Cindy pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang eksena kanina sa restaurant. Sa ngayon wala nang pumapatak na luha, naubos na, natuyo na, nasaid na ang lahat at wala ng mailalabas pa.
Ngayon, pinangako ko sa sarili na iyon na ang huling luhang papatak mula sa akin at pinapangako kong hindi na ko muli pang masasaktan.
***
Ginawa kong busy ang aking sarili sa opisina nitong mga nakalipas na araw. Papasok ako sa umaga, mag di-dinner sa labas kasama ang mga kaibigan at madalas naman kami lang ni Cindy ang magkasama na palaging naman d'yan para damayan ako.
"Bestie, okay na ba lahat sa kasal mo?" tanong ko sa pagitan ng pagsubo grilled fork chop nasa Blue grilled restaurant kami ngayon at kumakain ng dinner.
"I'm working on your gowns, gusto ko kasi iyong medyo daring ang susuotin n'yo," wika nito habang kumikinang ang mga mata.
"Ano ka ba! Baka naman matalbugan kapa ng mga abay sa kasal mo pagnagkataon, dapat ikaw lang ang maganda doon."
"Hindi no, syempre bongga rin dapat ang gown ko para sa akin lang ang tingin ni Carrick." Hinawakan pa nito ang dalawang pisgi saka kinilig.
Umiling lang ako dito bago tinuloy ang pagkain.
"Oo nga pala susukatan ka ng gown this coming Saturday, kasabay mo yung pinsan ni Carick. Naku, bestie ang gwapo non promise! Makahulog panty, my gosh!" anito na pulang-pula ang mukha.
"Tsk' yan ka nanaman Cindy, ayoko pa munang ma-link sa mga boys ngayon. Isa pa gusto ko mag focus sa family business namin." Nakangiti kong sinabi.
"Hmp, ano kaba hindi ko naman sinabing mag lovelife ka ulet, saka bestie single daw si Lawrence ngayon. Iyon nga lang balita ko certified casanova daw at ang daming babaeng naghahabol at napapaiyak." Nayayamot na sabi nito.
"Kita mo irereto mo pa ako sa isang babaero." I lightly shook my head.
"Well, despite of that, he's a good catch. Na-meet ko siya nang mamanhikan sila Carrick, at sinama ako sa resort nila in the other day." Sabi nito na patuloy na kinikilig.
Napa-awang ang bibig ko sa tinuran n'ya. Hindi ko tuloy mapigilang isipin kung mahal ba talaga niya si Carrick o hindi.
"Sigurado ka naba talaga kay Carrick? Mukha kasing mas excited ka pa sa pinsan niya." Hindi ko na napigilang sabihin.
"Of course I do. Ang hot lang kasi ni Lawrence, ang yummy at ang sarap siguro kurot-kurotin." Nang gi-gigil pa ito habang hindi mapakali sa kina-uupuan.
"Baliw!" Sabi ko sa kanya saka hinarap na ulet ang pagkain.
"Huh.. sasabihin mo rin sa sarili pag na-meet mo na s'ya in person." Naghahamon na sabi nito sa akin saka tinuloy nalang din ang pagkain.
**
Sumapit ang Sabado, ngayon ako naka-schedule sukatan ng gown. Lucky to have a generously proportioned body kaya hindi na uso sa akin ang mag-diet.
Umibis ako ng sasakyan suot ang white long sleeve polo and spaghetti strap underneath. Binagayan ko lang ito ng black skinny jeans at white stiletto.
Hinayaan ko lang hanginin ang ma-alon kong buhok na lampas balikat. Suot ang sunglasses ko ay diretso na akong pumasok sa loob ng boutique na pagmamay-ari ni Cindy.
"Good morning Lenny!" Bungad ko sa receptionist na nasa front desk.
"Good morning po Miss. Margaux." Magiliw naman bati nito sa akin.
"Ah na d'yan naba si Cindy?"
"Wala pa, ma'am pero on the way na daw po siya."
"Thanks!" Tumalikod ako dito at Nag ikot-ikot muna sa loob ng boutique. Malaki ito sa pang karaniwang boutique na nakikita ko. Maraming na ka-display na dress at mannequin malapit sa glass window. Masasabi kong napaka successful ni Cindy sa larangang iyon. Ito ang pangarap niya noon pa ang maging sikat na fashion designer.
Abala ako sa pagtingin-tingin sa mga damit nang mapukaw ng pansin ko ang lalaking kapapasok lang ng boutique.
A man in his twenties, wearing a blue long sleeve polo at black jeans. He slowly walk toward the front desk with full of authority.
Agad kumunot ang noo ko nang makilala ang lalaking kausap ngayon ni Lenny.
"Hi, I'm looking for Miss. Cindy Fajardo?" Narinig ko pang tanong nito.
"Are you Mr. Lawrence Saavedra?" Tanong ni Lenny na hindi mapakali sa kinauupuan.
"Yes."
"She on her way now, baka po gusto n'yo munang ng coffee or tea?" she offered with a huge smile on her face.
Tumaas ang kilay ko sa ginawa ni Lenny, bakit ako hindi man lang niya inalok kahit tubig?
"No thanks, I just wait here," saad nito sa baritonog boses at naupo sa Isa sa mga couch doon.
"Okay, sir." Agad napawi ang ngiti ni Lenny sa labi at bumalik sa kaniyang trabaho.
Lihim akong ngumiti dahil tila hindi umepekto ang strategy ni Lenny dito.